Chapter 20: THANKS FOR BEING MINE, MR. HUDSON

“Hey Ira, sorry na hindi ko naman kasi intensyon na galitin ka.” 

Patuloy akong naglalakad kahit alam kong sinasabayan ni Sarah ang paglalakad ko habang panay ang hingi ng sorry. Sa unang pagkakataon nilingon ko siya at muli akong naglakad kaya lamang bumangga ako sa isang matigas na bagay, oops. Hindi siya bagay kundi tao. “B-black master.” tawag ko sa lalaking nabangga ko. 

“Are you okay? Bakit nagmamadali ka.” 

“No, I’m fine.” 

Awkward is real, bakit sa tuwing kaharap ko siya nagtatransform ako into robot tapos ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Normal pa ba akong tao? 

“Are you sure?” naninigurado nitong tanong. 

“Yup.” sagot ko habang nakatingin sa floor. Ano bang ginagawa ko, ano bang nangyari sa akin? 

“Okay, magbihis ka na at may pupuntahan tayo.” 

“Teka, as in now?” 

“Of course,” he said then smiled sweetly. 

Nang maglakad siya paalis, bigla akong napaupo sa maliit na upuan. Seriously? Ang sarap tignan ng ngiti niyang napaka-aliwalas tignan lalo ngayong umaga, pakiramdam ko unti-unting nabubuhay ang bulaklak sa garden. 

“Why is he so cute and nice to me? “ 

“Because he loves you.” 

“Ay tae ka!” nagulat ako sa biglaang pagsulpot nitong bruha kong pinsan. 

“Ang ganda ko naman para maging tae.” 

Imbis na pansinin siya lumakad ako pabalik sa kwarto para magbihis, Ow gosh! I’m so excited. First time date ba ang tawag dito. 

“Hmm. Ano kayang dapat kong suotin?” 

“Do you need help from your pinsan?” muli na naman sumulpot si Sarah na parang isang kabute. Hindi rin pala siya makatiis na kausapin ako at tulungan. Actually hindi naman ako totally galit sa kanya medyo nagtatampo lang ako.

“Gusto mo bumawi?” tanong ko sa kanya. 

She nodded twice, “Oo naman, sorry kung maingay ang bibig ko at alam ko naman na medyo sensitive ka pagdating sa ganun. I know you very well dahil mula pagkabata tayo na ang magkasama alam ko rin na malihim ka.” mahaba niyang pahayag. 

“Gaga, nagtampo lang ako kasi parang pinaparating mo sa akin na nakuha lang ako sa isang halik which is totoo naman.” 

Hinawakan niya ang kamay ko, “Bati na tayo ah! So, it’s time to be a fashion woman. Are you ready to transform into cinderella?” 

“Go, why not? I trust you.” I said then smiled widely. 

Nasabi ko na bang mas gusto ni Sarah ang maging isang sikat na fashion designer pero nauwi sa pagiging isang pulis? Dahil yun ang gusto sa kanya ng mga magulang niya bago namatay at dahil isang ulirang anak si Sarah sinunod niya sila Tita kahit na labag sa kanya ang kagustuhan ng mga ito. 

“May bayad ang skills ko.” pukaw nito sa akin.

“How much?” 

“Just kidding!” 

Sabay kaming tumawa at pinag patuloy niya ang pag aayos sa akin habang nagkukwentuhan kami. I miss her, simula kasi nung pumasok kami sa college nagkahiwalay kami dahil ako sa bahay lang habang siya ay sa university. 

1 hour later, natapos kami sa kaartehan namin kaya ngayon nakaharap ako sa salamin habang pinagmamasdan ang itsura ko. I am wearing a lettuce dress colored red with a partner of white sandals at nakalugay ang buhok ko na may curl sa ibaba. Kung ako ang huhusga sa sarili ko mas nagmukha akong tao ngayon. 

“Bongga ang aura mo ngayon para kang si Marian Rivera.” komento ni Sarah. 

“Maniniwala na sana ako kaya lang may kamukha ako?” sabi ko sabay ikot para kunin ang handbag ko na kulay red para daw partner sa damit. Hindi naman siguro araw ng mga puso ngayon diba, pure red ako buti na lang napilit ko si Sarah na white ang sandals ko. 

“Bakit? Hindi ka ba naniniwala sa skills ko, nakakatampo ka.” 

“Just kidding. Syempre level up ang ganda ko ngayon because of your professionalism.” 

“Lakad na ‘wag kang mag alala hindi naman kita pag babayarin kaya no more bola na. Just enjoy your day with your man.” 

Bigla ata akong kinabahan sa huli niyang salita, I don’t know how to interact with him. Sino bang mag aakala na mainlove ako sa isang black master? He is impulsive at hindi siya kumakain ng pride para lang sayo but yesterday he apologizes to me personally. 

“You look so beautiful today.” komento niya habang pababa ako ng hagdan at siya naman ay naghihintay sa aking pagbaba. 

“It’s nice to hear that from you, Mr. Liam Hudson.” 

“It sounds good when you call me by my name.” 

I smiled sweetly, “From now on I call you by your name.” 

“Then, that’s good.” sabi niya pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko pababa sa isang hagdan na lang na natitira para tuluyan akong makababa. 

“You have your own unique beauty and personality, I’m in love not because of your appearance but because you have a nice personality, Ira Garcia Madrigal,” he added. 

Wala na akong masabi sa mga papuri niya sakin, take it all minsan lang naman ‘to sayang baka bawiin niya bigla. 

“Nasaan na ba tayo?” ikalawang tanong ko na ito kay Liam dahil binigyan niya ako ng blindfolded para daw takpan ang aking mga mata pagkatapos ay hawak niya ang aking kamay upang alalayan dahil masyadong mabato ang daanan. 

“Ilang hakbang na lang.” bulong niya malapit sa tenga ko na dahilan kaya parang nakuryente na naman ang buong katawan ko. 

“O-okay.” sab ko bago tumahimik na lang at naghintay na kusa kaming tumigil sa paglalakad. 

Minutes later, tumigil na kami at nakakarinig ako ng huni mula sa mga ibon at tubig na umaagos sa kung saan. “Pwede ko na ba tanggalin ang blindfold?” I asked. 

“No, wait.” pigil niya sa akin kaya’t naghintay ako sa susunod na sasabihin niya. 

Hanggang sa nararamdaman ko ang pagtanggal niya sa blindfold at nang tuluyan matanggal bumungad sa akin ang magandang batis at humuhuni na mga ibon. It’s relaxing and comfortable. Nilibot ko pa ang aking paningin at napansin ko ang isang kulay pulang blanket na may basket kaya’t mabilis akong nagtungo doon. 

“Hinanda mo ang lahat ng ito?” hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. 

“Of course, bakit wala ka bang tiwala sa akin?” balik tanong niya. 

“Sa pag aasikaso ng ganito, parang wala kasi ang kilala kong black master ay hindi magpapakapagod para lang sa ganito.” 

His expression is serious, “So, I’m not an ideal man for you.” 

“Hindi na ‘yan mahalaga.” sagot ko bago unang bulkatin ang laman ng basket. 

Gutom na kasi ako dahil hindi ako kumain ng marami para lang sa pinakahihintay kong date na ‘to. Kumain na kami at sa bawat icing na lumalagpas sa labi ko pinupunasan niya gamit ang tissue at syempre hindi ako sanay kaya  kinuha ko na lang ang tissue at ako ang nagpunas para sa sarili ko. 

“Pagkatapos mo kumain may susunod tayong pupuntahan.” pukaw niya sa akin. 

“Where?” tanong ko agad dahil masyado akong curious, palagi naman siguro akong ganito. 

After 20 minutes, natapos ako sa pagkain na inihanda ni Liam para sa akin at syempre wala siyang kinain dahil kulang pa daw lahat ‘yun sa bituka ko. Matapos ang pagpapatunaw ng kinain niyaya ko na siyang pumunta kami sa sinasabi niyang next destination namin. 

Habang umaandar ang kotse palihim akong sumusulyap sa kanya para tignan ang maaliwalas niyang mukha, hanggang ngayon hindi ako lubos makapaniwala na magkasama kami para sa isang date at marami siyang adjustment na ginawa para lang sa akin. Akalain mo ‘yun? Hindi kaya siya kilala sa pagiging gentleman. 

“We are here.” bumaling ako sa labas at nakita ang isang abandonadong bahay kung saan kami unang nagkita. 

“Anong ginagawa natin dito?” 

Bumaba siya at umikot para pagbuksan ako ng pinto ng kotse at hinawakan niya ang kamay ko bago sabay kaming naglakad sa harapan ng abandonadong bahay kung saan una kaming nagkita at nagkakilala bilang strangers sa isa’t isa. 

“Sabi mo diba na gusto mong patunayan ko na malinis ang intensyon ko sayo.” 

“Oo sinabi ko ‘yun, pero-” 

“Let’s go inside.” 

Hinayaan ko siyang hilahin ako papasok at I guide ako sa loob, wala akong idea kung ano bang gagawin namin dito at kung paano niya ipapaalam sa akin ang totoong siya. I have no idea kaya kinakabahan ako pero may tiwala naman ako sa kanya.