CHAPTER 10 ONE NIGHT STAND
“Hey, woman do you really have amnesia?” pukaw ng kapatid ni black master.
I rolled my eyes.
“Why? Ano bang gusto mo palabasin na nagpapanggap ako?” mataray kong sagot.
Ano ba kasing gusto niyang palabasin na nagsisinungaling ako, bakit ano ba mapapala ko at saka ayoko nga dito tapos mag papanggap akong nawalan ng memorya. At isa pa doktor na rin ang nagsabi na nagka damage ang ulo ko kaya’t nawalan ako ng ala-ala.
“Malay ko bang patay na patay ka sa kapatid ko at gagawin mo ang lahat para mapalapit sa kanya.”
“Hindi ko gusto tabas ng bibig mo, tsk! Magkamukha nga kayong dalawa ni black master pareho pa ng ugali.”
Kung pwede lang sakalin ang lalaking ‘ito ginawa ko na.
“Hindi rin kita gusto.”
“Bakit, feeling mo gusto kita!”
“Jarus, umuwi kana.” pukaw ni black master samin.
Hayss. Sa wakas at makakauwi na siya ayokong makasama ang bwisit na lalaking ‘to baka araw araw lang tumaas ang dugo ko sa kanya. “Mabuti pa nga.” bulong ko na saktong maririnig niya.
“Bro, ayokong umuwi hanggat hindi ka pumapayag sa exhibit painting ko next month please I need money for that.” parang batang nag mamakaawa si Jarus. Parang kanina lamang naiinis ako sa kanya pero ngayon naawa na ako.
“Are you stupid? Nag usap na tayo tungkol diyan. Kaya umuwi ka na.” mariing wika ni black master habang madilim ang tingin sa kapatid nitong ubod ng kulit.
Padabog itong naglakad at sinarado ang pinto ng may malakas na impact. Tumataas ata ang dugo ko sa dalawang ‘to daig pa mag asawa kung mag bangayan.
“Bakit ba kasi sobrang sensitive mo sa kapatid mo, buti ka pa nga may kapatid ka e.”
“You know nothing, so please shut up.” anito sabay lakad paalis.
Maglalakad na sana ako ng biglang kumirot ang ulo ko ata parang umiikot na rin ang paningin ko, anong nangyayari sakin bakit sobrang sakit ng ulo ko at binibiyak. “Manang!” sumisigaw kong tawag sa pangalan ni manang at nakailang tawag pa ako ng makita kong tumatakbo si black master papunta sa pwesto ko.
“What happened? Are you okay.” may pag aalala sa boses nitong tanong sabay hawak sa kamay ko at inalalayan ako patungo sa kwarto ko.
“Ito ang gamot niya, pain reliever baka sakaling mawala ang sakit ng ulo niya.” pukaw ni manang na may dalang tray kung saan nakalagay ang gamot at isang basong tubig na agad ko rin naman ininum dahil lalong kumikirot.
“Vincent, tawagan mo si Dr. Hernandez.” rinig kong utos ni black master sa tauhan nito.
Maya maya lamang ay nandiyan na ang doktor at sinuri ang mata ko hanggang sa hilutin niya ang ulo ko na kapag pagaan sa pakiramdam ko.
“She’s fine, sign lamang na unti-unti ng bumabalik ang ala-ala niya kaya madalas sumasakit ang ulo niya. Bigyan niyo lamang siya ng pain reliever.” pahayag ng doktor bago lumabas kasama si black master.
“Kamusta na ang pakiramdam mo hija?” pukaw ni manang sakin.
“I’m fine manang so, don’t worry I can handle it.” nakangiti kong saad upang hindi na sila mag alala. Lumabas na sila manang para hayaan daw akong makapag pahinga.
Mag iisang oras na akong nakahiga dito sa kama at paikot ikot. Hindi na masakit ang ulo ko at naiinip na rin akong mag isa kailangan ko ng lumabas para mag dinner.
Lumabas na ako ng kwarto habang dahan dahan na naglalakad kaya lamang ay nakarinig ako ng dalawang taong nag uusap sa loob ng kwarto ni black master. Babae ang naririnig ko at ang boses ng lalaki ay galing kay black master.
Ano meron? At dahil curious ako naglakad ako dahan dahan bago sumilip sa maliit na butas dahil nakabukas ang pinto ng kaunti. Kita kong nakaupo si black master sa kama habang ‘yung babae naman ay nakatayo.
Sophisticated woman ang dating nito. Wala ata akong laban masyadong maayos manamit ‘to samantalang ako mahabang damit. In short manang.
“Black master, If I were you, let that woman go first because she will only interfere with your plans. Hindi mo na siya kailangan dahil lahat ng impormasyon sa pamilya niya ay nakuha mo na.” sabi ng babaeng may hawak nang sigarilyo at humihithit pa.
Ako ba ang tinutukoy niya?
“Just follow my plans, I still need her para sa susunod kong mga plano laban sa daddy niya.” segunda naman ni black master.
Pinatay nang babae ang upos ng sigarilyo niya bago naglakad palapit kay black master at hinawakan ang mukha nito na para bang nang aakit, “Honey, don't say you like that woman. Because you always protect her.”
“Just shut up. Umalis ka na at ‘wag mo kalimutan ang gamot na pinabibili ko sayo dahil ngayong gabi kami magkikita ni Mr. Madrigal.”
Nagulat ako ng banggitin niya ang last name namin, alam kong ako ang pinag uusapan nila pero ano bang pakay nila kay daddy naguguluhan na ako kailangan kong madaliin ang mga ala-ala ko para hindi ako mangalap sa dapat kong gawin.
Baka may masama silang balak kay daddy at mommy.
Dahan dahan akong naglakad pabalik sa kwarto at nakahinga lamang ako ng maluwag noong makita kong pababa na sila. Anong gagawin ko paano kung mapahamak si daddy.
I look around in the library and saw the little light on the table. The room was warm and cozy its walls done up in dark wood. Masyadong magarbo ang lagayan ng mga libro na akala mo'y ilang palapag ng hagdan bago mo maabot at sobrang ganda ng mga naka-display like monalisa painting at marami pang iba.
"What are you doing here?" nagulat ako nang makita si black master sa likuran ko may hawak siyang libro at may suot na salamin.
Malabo siguro ang mata niya? Hindi ako dapat kabahan para kay daddy.
"Nakita ko kasing bukas kaya pumasok ako para silipin." pag dadahilan ko.
Pero ang totoo nagpunta ako upang alamin ang pakay niya kay daddy.
He smile warmly, smile like a good boy and having seen his face with a lovely smile parang gusto ko siyang lapitan at pagmasdan ang ngiting iyon na mabilis mapawi. Ano kayang kinain niya at parang nasa tamang mood siya siguro dahil sa babae kanina.
"Do you want to play a game?" tanong niya habang nakatingin sa libro niyang hawak.
"Ano ka bata? Maglalaro." natatawa kong wika.
Tumaas ang sulok ng labi niya bago nilapag ang libro sa mini table at may kinuhang box sa ilalim ng hidden cabinet na maliit. "Stay here." sabi niya at lumabas.
Ano bang trip niya pagkatapos akong iwan sasabihin niya mag stay ako dito. Pero syempre masunurin ako kaya nanatili ako habang kinakalikot ang mga libro at panay ang tingin ng mga pwedeng basahin kaya lamang ayoko ng mga history kaya umupo ako at kinuha ang libro na binabasa niya kanina lang. Muntik na akong mapasigaw ng mabasa ang sex scene. What the fuck? Gabing gabi malagim na libro ang binabasa niya!
"Interesado ka ba diyan?"
"Ayy bobo!" nagulat ako nang magsalita siya malapit sa likuran ko.
He laughed quietly, natahimik na naman ako para lang pagmasdan ang ngiti sa labi niya.
"Are you done?"
"No."
"Masaya bang titigan ang labi ko?"
"Hu-h? Sabi ko hindi pa ako tapos magbasa." napakagat ako sa labi ko sabay pikit ng mariin. Gosh, ano bang pinag sasabi ko napaghahalataan akong pinapantasya ko siya.
Mabilis kong tinakpan ang bibig ko shet! Ano bang pinagsasabi ko at pinag iisip ko masyado na akong nagiging wild kapag ang mga kasama ko ay katulad ni black master.