Chapter 87 The wedding

Pearl's Pov

"You may now kissed the bride!" nagawi ang tingin ko kay mom na nasa ibang direksyon ang kaniyang tingin. I know it hurts, na makita ang at masaksihan ito pero kailangan na tanggapin eh. Acceptance is the key to happiness, like what I've said, kailangan nating tanggapin ang mga bagay na hindi na mababago pa. Andiyan na 'yan, hindi na natin kailangan pang baguhin.

"Congratulations Mr. and Mrs. Samonte!" bati ng mga tao kay tita at kay dad.

Oo, kinasal na rin sila sa wakas, ang haba rin ng preparations ng wedding na 'to, isang linggo kami nag-prepare pagkatapos ng birthday ko for this wedding.

Kagaya nga ng sabi ko, masakit sa part ko na may hinahalikan na ibang babae ang tatay ko, kasi gusto ko si mom lang ang hinahalikan niya eh. Pero hindi kasi natin madidiktahan ang puso ng isang tao, hindi natin matuturuan na mahalin at ipilit ang pusong hindi naman na sakto sa isang puso. Pero masaya ako kasi tanggap naman na ni Mom kung ano ang nasasaksihan niya ngayon.

Pansin siguro ni Dwight na hindi ako okay kaya ramdam ko ang paghawak niya sa kamay ko tsaka niya bahagyang pinisil iyon.

"You okay?" bahagya niya pang tanong kaya ngumiti lang ako sa kaniya tsaka binalik ang tingin ko kay Mom.

Physically, mukhang okay lang siya, pero siguro sa kaniyang loob loob, ramdam niya na nag-iisa na lang siya, feeling niya, wala nang magmamahal sa kaniya, pero ang hindi niya alam, narito lang naman ako, hindi ko siya iiwan hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon.

Pagkatapos namin sa simbahan, dimiretso na rin kami sa venue, sakto at gutom na rin ako. Pinauna ko na sila Dwight sa loob, naiwan kami ni Dad rito sa labas dahil iyon sa sinabi ko na mag-uusap muna kami kung okay lang, ayos lang naman sa kaniya kaya nagpa-iwan kami para makapag-usap.

"Yow Dad, kumusta, newly weds na naman po kayo, congrats po!" hindi ko alam ang sasabihin ko kaya iyan lang ang tanging lumabas sa labi ko. Jusqo, parang ang awkward naman yata nito.

"Salamat 'nak, masaya ka ba para sa daddy?"

Ngumiti ako ng pilit sa kaniya, "Oo naman po, happy ako for you, sa inyo ni tita."

Hinawakan naman niya ang dalawa kong kamay tsaka bahagyang pinisil ang mga iyon. "Today, magkaro'n man ako ng bagong asawa, bagong pamilya, tandaan mo 'nak na ikaw pa rin ang priority ni daddy, you're the only girl in my life, only you. Ikaw lang ang original na pamilya at anak ni daddy!" parang may humaplos sa puso ko ng marinig ang mga bagay na iyan mula kay Dad, alam mo iyong feeling na nasa cloud nine ka, ganoon ang feeling ko ngayon. "Payakap 'nak!" dagdag niya pa kaya ako na mismo ang yumakap sa kaniya.

"I love you dad!" ani ko tsaka ko naramdaman ang bahagya niyang paghalik sa tuktok ng ulo ko.

"Tara na sa loob, gutom na ang groom at sure ako na gutom na ang baby kong made of honor." he chuckled at nakisabay na rin ako sa kaniya. Naka-akbay pa kami sa isa't isa.

"Ang cute pa rin ng kamay ng anak ko, kasya pa rin pala sayo ang pulseras na iyan? Akala ko nga sira na iyan eh!" ang bracelet na bigay niya sa akin no'n ang tinutukoy niya. Remember the bracelet na akala ko nawala ko tapos nakay Dwight lang pala.

"Masisira? Imposible po iyan dad, lahat po ng mahalaga sa akin, iniingatan ko po, kaya imposible na masisira 'to!" saad ko habang nakangiti sa kaniya.

"Ang cute cute talaga ng anak ko, mana sa daddy!" pinisil pa niya ang pisngi ko dahilan para mamula ang mga iyon. Dad talaga, katulad lang nila Dwight at Xander eh, mahilig mamisil ng pisngi.

Pagkahatid ko kay dad sa harapan, nagtungo naman ako kay mom, gusto kong i-check kung okay lang ba siya. "Hi mom, how are you po?" malambing na bati ko sa kaniya bago ko siya yakapin mula sa kaniyang likuran.

Mukhang nagulat naman siya kaya ngumiti na lang ako.

"Ayos lang naman ako, eh ikaw anak ko?"

"Ayos lang naman ako mom, heto, nag-a-adjust!" wika ko habang nasa likod pa rin niya at nakayakap.

Nang makaupo ako sa tabi niya, inayos niya ang ilang takas ng hibla ng buhok ko mula sa aking mukha tsaka niya inilagay ang mga iyon sa likuran ng aking tainga, "Tandaan mo 'nak, magkaroon man ang dad mo ng bagong pamilya, ikaw pa rin ang original na anak niya. You're still our baby girl, our only daughter!" ngayon ko lang masasabi na my parents are both sweet to me.

"Thanks mom, hindi ko naman po kinakalimutan na mahal niyong talaga ako. Basta lagi niyo rin pong tandaan na mahal na mahal ko rin po kayo. I was lucky na naging kayo ang parent's ko, kayo ang mga magulang na parati kong pipiliin, kayo ang mga magulang na gugustuhin ng kahit na sinong anak!" ani ko habang naka-ngiti ng matamis.

"Anak ko, dalaga na ikaw, baka ikaw na ang next na a-attend-an namin na wedding." aniya habang hinahaplos ang buhok ko.

Mom naman eh, kagaya talaga kayo ni Xander, pag-aasawa na ang naiisip.

"Maybe soon po, hindi muna sa ngayon!"

Busy ang lahat, "Kain tayo!" tinanguan ko lang si Whiskey tsaka ako pumunta kay Dwight. After ko kasing kinusap si Mom, kay Dwight ko naman naisipan na pumunta. Parang feel kong makipag-marites sa kanila ngayong araw.

Lahat pala kami ay narito ngayon sa kasal nila dad at tita, sila Lex at Whiskey, Bianca at Kier, Xander at Jaynie, Rona at ang boyfriend niya, matagal tagal ko na rin kasing hindi nakausap sila Rona kaya pati ang boyfriend niya'y nakalimutan ko pa ang pangalan, ang laki na ng tiyan ni Rona, malapit na rin pala siyang manganak, ilang buwan na lang ang hihintayin at masisilayan na namin ang baby nila. Tsaka excited na rin akong maging ninang, first time kong maging ninang sa tanang buhay ko.

"How are you? Okay ka lang?" inabot pa niya ang kamay ko para mahawakan iyon.

"Oo naman, ikaw?" balik ko namang tanong sa kaniya.

"Okay na kasi narito ka. Kain ka na, bawal kang magpalipas ng gutom," aniya sabay wink pa. Ang sweet niya, he always concern about my health, and I like that attitude of him.

"Sabay na tayo," ngumiti ako tsaka kinuha ang mga kubyertos na nasa harapan ko.

Nilagyan pa niya ng pagkain ang plato ko, tapos ang rami rami pa. Jusqo naman, lahat na lang ba ng taong nakapaligid sa akin, gustong tumaba ako? Wow lang huh!

"Ang rami na niyan Dwight, hindi ko na makakain," maktol ko naman sa kaniya.

"Eh 'di tutulungan kita, isa na lang plato natin, kung okay lang sayo," tumango na lang ako para matapos na, tsaka hindi ko rin naman lahat makakain 'to kaya okay lang na magkasalo kami sa iisang plato.

Ang sweet nga eh!

"Uyy, hindi pa pala ako nakakpag-sorry tungkol sa cool off eme natin, sorry ulit ha!" ani ko habang ngumunguya pa ng pagkain.

Shrimp pasta kasi eh, kaya masarap talaga, hindi talaga ako magsasawang kainin 'to.

"Wala 'yon honey ko, tsaka goods pa nga eh na nag-cool off tayo," hindi niya tinapos ang kaniyang gustong sabihin kaya nangunot bigla ang noo ko.

"Huh?"

"Eh sa napatunayan ko na mahal talaga kita, magkakasakit yata ako kapag hindi kita kasama eh, kaya huwag mo na ulit gagawin iyon ah, ang lungkot ko no'n, sobra!" natahimik naman ako sa kaniyang winika, guilty talaga ako dahil sa mga nangyari. Feeling ko, kasalanan ko ang mga nangyari in the past few days.

"Oo naman, hindi ko na uulitin," sabay subo ng pagkain.

"Pinairal mo na naman ang pagiging selfless mo, biruin mo 'yon, pinatawad mo si Jaynie nang gano'n gano'n lang kadali, hindi mo talaga naiiwasan na hindi maging selfless 'no." pinindot pa niya ang ilong ko pagkatapos mag-salita.

"Hindi naman kasi mahalaga ang pagkakamali, mas importante na natuto tayo sa pagkakamaling iyon, like what I've said, everybody deserves a second chance." ngumiti pa ako ng matamis bago muling ituon sa kinakain ko ang aking atensyon.

"Okay, ibabato na ni Bride ang kaniyang bouquet, goodluck sa makakasalo nito!" announced ng emcee kaya nagsitayuan na ang mga babae, pati sila Bianca at take note pati na rin si Whiskey, baklang 'to talaga!

"Bakit ayaw mong pumunta sa gitna? Punta ka na, malay mo ikaw ang makakuha ng bouquet, tapos tayo ang next na ikasal." mapang-asar ang kaniyang ngiti at nag-wink pa siya sa huli, ano kaya ang problema niya ngayon at parati siyang nag-wi-wink?!

"Sira," iyan lang ang tanging nasagot ko sa kaniya. Tinawanan lang naman ako ng loko!

Tinuloy ko na lang ang pagkain pero gulat kong nabitawan ang hawak na tinidor ng hilahin ako ni Whiskey, dahilan para mapunta ako sa gitna, nakakahiya talaga!

Nang ibato na ni Tita ang bouquet, wala talaga akong care na saluhin iyon, pero ang kaso lang kasi, sayang naman at nakakahiya kung hindi ko iyon sasaluhin kung gayong nasa akin na ang direksyon ng bulaklak. Kaya wala akong ibang ginawa kung 'di ang saluhin iyon, nagpalakpakan naman ang lahat at naghiyawan pati sila mom at dad, pati na rin ang mga kaibigan kong pahamak.

"Like what I've said honey, tayo na ang next na ikakasal. Lalo pa't 18 ka na, you're in legal age na!" ani naman ng loko na nasa tabi ko na pala at todo ngiti pa, ngiting nakaka-asar.

Nakapako lang ang tingin ko sa kaniya, iniisip na niya ang bagay na iyan, pero aaminin ko, kinilig ako ng slight lang. Hindi lang naman ako ang kinilig ah, pati ang mga taong narito, nanibago pa nga ako ng marinig ko ang boses ng mag-pinsan na nakikisabay sa pang-aasar sa amin.

"Sure, pero soon na ang bagay na iyan. Let's finish our studies muna!" wika ko naman habang nakangiti ng matamis.

"Narinig niyo 'yon? Kayo ang saksi na pakakasalan ako ng honey ko!" sigaw pa niya dahilan para matawa na lang ako mula sa aking pagkakatayo.