Chapter 84 Pearl's Special Night
Pearl's Pov
"Ang ganda ganda naman ng baby ko!" puri ni Mom sa akin. Naka-suot kasi ako ng puting bestida.
This day is such a special day. May 4 was the day that I was born in this world, and that is because of the two special persons in my life.
"Kanino pa po ba magmamana eh 'di sayo!" biro ko naman.
"Tsk, sa akin na lang kasi 'nak, ang rami nang benefits na nakuha ng Mom mo sayo kaya please naman oh, sa akin ka na lang kasi nag-mana." bahagya namang lumapit sa amin si Dad at nakisali na rin sa usapan namin.
Well, happy ako kasi maayos na sila ni Mom, pero as a friend lang ah kasi mayroon nang bagong mahal si Dad, and that is the Mom of my boyfriend. Yes, okay na rin kami ni Tita, wala naman na kasing dahilan para hindi kami maging okay, once na napatawad ko na si Dad, automatic napatawad ko na rin si Tita. Gaya nga ng sabi ko I'm not a selfish person, selfless akong tao at kailangan kong panindigan iyon, need kong malaman ang istorya ng bawat isa, bago ko sila i-judge.
"Oh sige na nga po, sa inyong dalawa na lang ako nag-mana." I chuckled habang lumalapit sa kanila then inakbayan ko sila afterwards.
"Ayon..." komento naman ni Dad samantalang si Mom ay panay ang haplos sa mahaba kong buhok. Bahagya pa iyong umaalon-alon dahil sa lakas ng hangin rito sa beach. Dito ko kasi naisipan na mag-celebrate ng birthday, since favorite place ko ang beach, nahahanap ko ang peace of mind ko sa beach.
Si Whiskey at Lex naglalambingan, si Bianca at Kier ganoon rin. Habang si Xander naman ay nakaupo sa tabing dagat
Nakakalungkot lang na stay single na siya forever kasi gusto niyang mag-pari.
"Mom, wait lang po ah, gusto ko lang pong kausapin si Xander." paalam ko kila Mom and Dad. Tumango lang naman sila kaya dumiretso na ako sa area kung nasaan si Xander.
"Hoy, muni-muni, kumusta?" imik ko bago naupo sa tabi niya.
"Uy magandang Pearl, ikaw pala. Ayos lang naman, shocks, 18 ka na, pwede ka na mag-asawa." natatawang saad niya.
Wow, asawa agad? Grabe naman ang taong 'to. Nahampas ko tuloy siya sa kaniyang balikat. "Asawa agad? Grabe ka talaga sa akin." pagmamaktol ko pa.
"Hoy, kapag nagtampo ka sa akin baka pagsisihan mo, may one year and less na lang ako para asarin ka. Wala nang Xander na mang-aasar sayo kapag nag-abroad na ako 'no!" parang natahimik naman ako dahil sa kaniyang winika. Oo nga pala, aalis si Xander after ng graduation namin, and kapag nangyari iyon, may possibility na hindi na kami magkita nang how many years. Nakakalungkot naman!
"Magkikita pa naman tayo 'di ba?! Babalik ka naman 'di ba?!" iyong kaninang saya na nararamdaman ko'y napalitan ng lungkot dahil kay Xander, aalis pa kasi eh!
"Hoy Miss OA, matagal pa naman iyon eh..." kanina gusto niyang mag-asawa na ako, tapos ngayon, tinatawag na naman akong Miss OA, grabe na talaga siya! "... Hindi talaga siya pupunta? Hanggang kailan kayo mag-co-cool off? Kapag pagod na kayo sa isa't isa."
I smiled bitterly tsaka ko iniligid ang aking mga mata, si Mom ang nakita ko na nakikipagkulitan kay Bianca at Whiskey, tapos si Dad na umiinom ng drinks kasama si Tita, si Lex at Kier naman na naliligo na pala, actually, okay lang naman maligo kasi magtatanghali pa lang naman. Si Rona nama'y hindi raw pwedeng pumunta kasi medyo malaki na rin ang kaniyang tummy, I can't wait na mabuhat siya!
"Hindi yata iyon pupunta, and kung gusto niyang pumunta sana kanina pa, 'di ba?!" totoo naman ah kung sana gusto niyang pumunta eh 'di rapat nakisabay siya kay Tita.
"Trust him, hindi ka matitiis no'n!" aniya tsaka ngumiti at tumayo na mula sa kaniyang pagkakaupo. Inaabot pa niya sa akin ang kaniyang kamay, sign na gusto niya akong tulungan para ako'y makatayo na rin.
Sa wakas tinanggap ko na rin ang kaniyang kamay at nakatayo na rin ako, pero natigilan kami sa aming paglalakad para makabalik sana sa cottage nang makita namin si Jaynie na palapit sa amin.
Maging ang mga kasama nami'y na-alarma na rin at lumapit sa tabing dagat kung saan nakatayo kami ni Xander at si Jaynie na rin.
"Hoy, anong ginagawa mo rito?" tanong sa kaniya ni Xander.
"Manggugulo ka na naman ba?" si Kier na umahon pa mula sa dagat para lang makalapit sa amin.
"Hindi ka pa ba natuto?" si Lex naman na naka-akbay pa kay Whiskey.
"Ginugulo ka na naman ba ng babaitang 'to anak ko?" si Dad naman na nagpapatunog-tunog pa ng mga daliri.
Lumapit naman si Mom sa akin at pumunta sa harapan ko. Mahirap na, baka maulit na naman ang nangyari noon, maraming beses na rin kasing gumawa ng bagay na ikinapahamak ko si Jaynie. Kaya siguro, nag-worries lang sila.
"Would you mind if I celebrate with you?" nakangisi niyang tanong.
Hindi ba siya natatakot? Mag-isa lang kaya siya 'no, compared sa amin na marami.
"Jaynie naman, huwag ka nang manggulo, maayos na kami eh. Tsaka teka nga lang, paano ka nga pala naka-labas ng kulungan? Tumakas ka ba?!" hindi ko mapigilan na hindi mag-worries dahil narito na naman si Jaynie, may balak na naman yatang manggulo ang isang 'to.
Ngumisi naman siya kaya nangunot ang noo naming lahat, "I have money, nag-bail ako, anong akala niyo sa akin, poor?" pamimilosopo niya.
Well, posible nga naman kasi na maka-labas siya ng kulungan kasi pwede siyang mag-bail. Kagaya nga ng sabi niya, she have money.
"Kung gano'n anong ginagawa mo rito? Umalis ka na lang!" ani ng pinsan niya. Maging si Xander ay mainit na rin ang dugo sa sariling pinsan, pero hindi rin naman kasi namin alam kung saan nag-ugat ang galit ni Xander kay Jaynie.
"Couz, you know what, patapusin mo muna ako sa pagsasalita bago mo ako pagmalditohan." aniya kay Xander kaya naikuyom ni Xander ang kaniyang palad. And at this point, hinawakan ko naman ang palapulsuhan niya para pigilan siya sa kaniyang balak na gawin. Ano siya, papatol sa babae? At sa pinsan niya pa?!
"Actually guys, I'm not here po para manggulo I'm here to say sorry to all of you, patawad sa mga pamemerwisyo ko sa inyo, especially kay Pearl," lumapit siya sa akin tsaka hinawakan ang kamay ko. At this point, na-ta-touch ako kay Jaynie, kasi marunong na siyang humingi ng tawad. Natauhan na siya, naturuan na siya ng leksyon. "Nang makita ko kung paano ako mag-hirap sa jail, I've realize kung ano ang mga hirap na pinagdaanan ni Pearl sa kamay ko. That's why nag-bayad ako ng bail para makalabas na ro'n, para makapag-sorry na rin ako sa inyo. Kaya Pearl, at sa inyong lahat. I sincerely apologize for what I did before. At handa akong humingi ng tawad nang paulit-ulit just to make sure na mapagbayaran ko lahat ng kasalanan ko sa inyo. Trust me, nagbago na ako!" I don't know pero kusa na lang akong napangiti dahil sa mga sinabi ni Jaynie. She deserve a second chance na deserve ng isang tulad niya, she made her self to be a good person.
Hinawakan ko rin ang kaniyang dalawang kamay tsaka iyon pinisil ng bahagya. "Look, hindi mo na kailangan na pagbayaran ang mga nagawa mong kasalanan, ang humingi ka lang ng tawad sa amin ay sapat na para mapatawad ka namin." I smiled to her.
"Thank you so much, friend na kita ah." aniya sabay yakap sa akin.
Nagawi naman ang tingin ko sa mga taong nakapaligid sa amin. Si Mom, Dad, Tita, Xander, Lex at Bianca ay nakangiting nakatingin sa amin. Samantalang si Whiskey naman ay masamang nakatingin sa amin habang umiirap-irap pa. Ibang klase!
Totoo nga ang sabi nila, na kapag selfless ka, wala kang magagawa kung hindi ang panindigan mo ang pagiging selfless mong tao.
Napatawad ko si Jaynie nang walang kahirap hirap, isa lang naman kasi ang gusto ko sa kaniya eh, ang magbago siya at maging totoo siyang tao. To be my friend, at mukhang magiging okay na nga yata talaga kami.
"Totoo ba 'yan? Baka mamaya may kababalaghan ka na namang pinaplano huh!" ani naman ni Whiskey with matching taas pa ng kilay.
"Oo nga, ikaw lang eh!" sagot naman ni Jaynie sa kaniya at sa walas nga'y nagyakapan na rin sila, sasali pa sana si Lex kaso sinamaan siya ni Whiskey ng tingin.
"Aba't gusto pa yatang tsumansing eh!" wika ni Whiskey sa kaniyang Baby.
"Hindi naman, yakap lang eh. Gusto mo pa kiss kita!" nag-pout pa si Lex sa huli kaya kinilig ng bongga ang bakla. Nakaka-inggit naman sila!
Nasaan na kaya iyong honey ko? Kumusta na kaya siya? Miss ko na siya sobra!
Pinapanood ko lang sila mula rito sa sa kinatatayuan ko, lumayo muna kasi ako, gusto ko munang mag-isa. Infairness nakatulong ang pag-hingi ni Jaynie ng tawad sa amin kasi may dumagdag sa barkada. Masaya pa sila habang kumakain at nagke-kwentuhan. Sarap ng buhay kapag ganito, walang away away. Masaya at good vibes lang rapat.
May naririnig akong papalapit na tao sa akin kaya lumingon ako sa aking likuran. Tama nga ako kasi may naka-helmet na lalaking palapit sa akin, may dalang bouquet tsaka pagkain siguro 'yon.
Delivery rider... At sino namang nagpadala? Imposible namang si Dad dahil narito naman si Dad, tsaka he said to me rin na tapos na raw ang pagiging mysterious guy niya.
So, sino?
Nang makalapit na sa akin ang rider ay kaagad na inabot niya sa akin ang flower, tsaka sunod naman ay ang shrimp pasta na nakalagay sa container, milk tea at ang burger. Gosh, favorite ko na naman ang lahat ng ito ah, sino na naman kaya ang nagbigay nito?
Ang rami na talagang na-i-involve na mystery sa story ko!
"Ma'am, proof of delivery!" ani ng rider na habang nakatutok sa akin ang kaniyang phone.
But wait, iyong boses niya, parang pamilyar. Pero imposible, hayaan na nga lang at nang makapag-smile ng maayos.
"Ma'am, gandahan niyo naman po ang pag-smile niyo!" utos niya na agad ko namang sinunod.
Parang familiar talaga iyong boses niya eh.
"S-sandali nga po, sino po ba ang nagbigay ng mga ito?" pagtatanong ko habang hawah hawak pa rin ang bouquet at ang mga pagkain.
"Anonymous po eh, paki-pirmahan na lang po ito." sunod nama'y may inabot siya sa akin na papel, siguro ito 'yong pinapamirma nila para sure talaga na na-deliver nila ng maayos iyong delivery, hindi ko na rin inabalang basahin dahil alam ko naman na wala lang ang papel na ito, kagaya nga ng sabi ni kuyang rider, it's just a proof of delivery.
Hindi ko kasi makita ng maayos ang mukha niya dahil sa suot nitong helmet. Baka naman magkatulad lang talaga sila ng boses, may gano'n naman 'di ba. Posible!
"Sige Ma'am, salamat po!" aniya bago tumalikod.
"Ingat po kayo kuya!" wika ko naman sa kaniya. Tsaka na siya sumakay sa kaniyang motor at pinaandar na iyon, ako nama'y nagpunta muna sa cottage para mailagay ro'n ang mga dineliver ni kuyang rider.
"Wahh, ang lamig!" saad ko habang iniiwasan ang mga alon, baka kasi mabasa ang aking mga paa at madamay pa ang aking bestida, mahirap na, maganda pa naman ang aking suot ngayon.
Habang tumatalon talon sa pag-iwas sa mga alon, pansin ko na parang may nakaupong tao malapit lang sa akin.
Pagkalingon ko, parang pamilyar ang taong iyon sa akin, at this point, pansin ko na lang na nakalapit na pala ako sa kaniya, and I am right, siya nga iyon, um-attend siya, sabi ko na nga ba't hindi niya ako matitiis eh.
Love niya talaga ako, at ganoon rin naman ako sa kaniya!
At all, cool off lang lang naman ang nangyari sa amin kaya may karapatan pa rin naman ako na lapitan siya, tsaka okay na ako sa kaniya, sana nga lang, nahintay pa niya ako at open pa siya para sa nahintong pagmamahalan naming dalawa.
Hindi siya tumitingin sa akin, patuloy lang siya sa pagtitig sa kawalan. Malapit na rin pala lumabas ang sunset. Ang sarap pa naman manood ng gano'n, lalo na kung mahal mo ang mga kasama mong manood no'n.
I found myself na umupo na pala ako sa tabi niya. "Kumuta ka na?" tanong ko sa kaniya pero ayaw pa rin niyang lumingon. Is there a problem kaya? O baka nama'y ayaw na niya sa akin. At kapag nagkataon hindi ko yata kaya iyon, baka matagal akong makakapag-move on o baka nama'y wala nang pag-asa pa na makapag-move on ako sa kaniya kapag nagkataon na maghiwalay kaming dalawa.
"Ayos lang, heto, nagluluksa pa rin!" aniya na naging dahilan para mapatitig ako sa kaniya.
"Sorry!" iyan lamang ang tanging nasabi ko, at kailangan ko naman talagang humingi ng tawad sa kaniya dahil nag-inarte ako, dinamay ko siya sa kasalanang nagawa ng Mommy niya. Pero ngayon na ayos na kami ni Tita, magiging maayos na rin kami ni Dwight.
"Ikaw, kumusta?" malamig ang boses niya, parang wala nang pagmamahal na nararamdaman the way na magsalita siya.
"Ayos lang! Hindi mo man lang ba ako i-gi-greet? Hindi mo man lang ba i-gi-greet ang honey mo?" medyo lumalabo na naman ang mga mata ko dahil sa mga luhang gustong kumawala mula sa aking mga mata.
Tumingin siya sa akin na puno nang seryoso ang kaniyang mukha, "It's been a weeks na rin 'no, ngayon ko lang na naman narinig ang pinaka-sweet na salitang parati kong naririnig no'ng tayo pa, I missed you my honey, happy birthday!" aniya tsaka dahan dahang hinalikan ang noo ko.
"Ako rin naman eh, miss na miss na kita, sorry for what I did, dinamay pa kita sa galit ko sa Mom mo, mahal na mahal kita honey ko!" saad ko tsaka umamba ng yakap sa kaniya na agad rin naman niyang tinanggap, I missed this tight hug, kaya susulitin ko na talaga.
Napangiti na lang kami pareho ng makita namin ang magandang sunset, kita rin namin ang mga kasama namin na nakangiting nakatingin sa amin. Mga marites nga naman oo, imbes na sa sunset tumingin, nasa amin ang tingin!
"Hinding hindi na kita bibitawan ulit honey, my love so sweet! I love you so muchy, sorry wala akong regalo sayo!" aniya na naging dahilan para halikan ko ang kaniyang dalawang pisngi.
"Ayos lang, ang magka-ayos lang tayo ngayong birthday ko, isang mahalagang regalo na iyon para sa akin!" at this point, ang sarap ng buhay, lahat masaya at lahat ay okay na, hindi ko na talaga matanggal ang ngiting dulot niya na kumakawala mula sa aking mga labi.
Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nagmamahal ka!