Chapter 4 Jealous?
Pearl's Pov
Hapon na't mag-uuwian na. Palabas na ako ngayon sa gate ng school.
"Pearl..." Tawag sa akin ng pamilyar na boses.
Lumingon naman ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon at nakita ko si Xander na naglalakad palapit sa akin. And ghad, kasama niya si Dwight. Pero may tampo pa rin ako sa lalaking 'to. Binigay ba naman niya ang sulat na pinaghirapan ko kay Xander... pero ayos na rin 'yon, kasi at least na-appreciate ni Xander. Nakakataba ng puso, kaunting bagay lang na-a-apreciate niya kaagad.
"Uy Xander." Kumaway pa ako sa kaniya. Hindi na rin kasi ako nahihiya sa lalaking 'yon. Bukod kasi sa makulit, medyo kalog rin kagaya ng mga kaibigan ko kaya agad na napalapit ang loob ko sa kaniya.
"Magandang Pearl, gusto mo, kain muna tayo sa labas?" Hindi pa sana ako papayag kasi panigurado hahanapin ako ni Mommy pero maganda na rin 'yon para mas makilala ko pa si Xander. Willing na kasi akong makipag-kaibigan sa kaniya.
"Hello Dwight..." Nakakainis lang kasi dedma na naman ako ng isang 'to.
Hindi ko alam pero naisip ko minsan, bakit kaya nagustuhan ko ang kagaya niya? Napaka-cold niyang tao. Hindi ko alam kung ano ang ginawa sa akin ng lalaking iyon at nagkagusto ako sa kaniya. Hindi lang pagka-gusto kung 'di mahal ko na siya.
"Sabi naman kasi sayo eh, huwag mo nang pansinin 'yan, ako na lang kasi..." Si Xander na ngayo'y naka-akbay na sa akin.
"Tara na Xander... gutom na ako eh." Nag-pilit lang ako ng ngiti. Napahiya na naman kasi ako dahil sa pag-uugali ko na feeling close.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Xander na naka-hawak na ngayon sa palapulsuhan ko.
May pagkakataon pa na tinitignan ko iyon kaso ang nahahagip ng paningin ko'y si Dwight na seryoso lang sa paglalakad at nasa likuran namin.
"Ikaw na bahala. Maglalakad lang ba talaga tayo?" Tanong ko kay Xander. Napa-tingala pa ako sa kaniya dahil sobrang tangkad talaga ni Xander siguro hanggang balikat niya lang ako...
"Oo, malapit lang naman rito eh. Sure ka ba Dwight na gusto mo talagang sumama sa date namin ni Babe?" Si Xander na naka-tingin kay Dwight at tila inaasar ito. Hinahayaan ko na lang si Xander kung ano ang gusto niyang itawag sa akin. Hindi rin naman totoo ang lahat ng lumalabas sa bibig niya eh. Kapag nag-paasar ako sa kaniya, patuloy niya lang akong aasarin at hindi titigilan.
"Pwede Mr. Real, huwag kang mag-feeling na kayo ni Ms. Samonte... nakakahiya sa kaniya..." Nagulat ako sa sinabing iyon ni Dwight. Hindi ko inaakala na masasabi niya ang mga salitang iyon. Seryoso pa ang kaniyang mukha habang sinasabi iyon. Ang cold talaga niya.
Pero wait, totoo ba? Binanggit niya ang pangalan ko?
"Easy! Nagbibiro lang kaya ako Mr. Cheon..." Pagsuko ni Xander kay Dwight.
Nakakatakot pala siya, parang boss lang ng mga gang kung umasta.
"Nevermind, gutom na ako!" Wika niya na parang maamo na namang pusa. Kumpara kanina na parang tigre at parang mangangain pa ng tao.
Nagtinginan na lang kami ni Xander dahil sa inaasta ng kaibigan niyang bipolar.
"Wah, street foods?" Na-e-excite na sabi ko kay Xander habang nakapulupot sa kaniyang braso.
"Oo, dito tayo kakain." Sagot naman ni Xander na naka-hawak na ng stick.
"Masarap mga pagkain rito eh. Matagal na rin kasi akong hindi nakakatikim nito. Mabuti na lang at dinala mo ako rito." Malapit lang 'to sa school. Walking distance lang.
"Say ahhh." Si Xander na pilit sinusubo sa akin ang fishball.
"May kamay naman si Ms. Samonte ah."
Problema ng Dwight na 'to? Kumain ka na lang diyan, huwag ka ng mangialam.
Hindi porket crush kita, hindi na ako pwedeng dumikit sa iba. Masaya kayang kasama si Xander. Hindi siya boring na tao.
Ngumanga na lang ako at kinain ang isinusubo sa akin ni Xander.
Kanina pa tingin ng tingin si Dwight sa pwesto namin ni Xander. Medyo malayo kasi siya sa amin kasi ayaw niya daw ng maingay... Grabe ang lalaking 'yon.
Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala siya maayos makipag-usap sa ibang tao. Ba't ko ba kasi nagustuhan ang lalaking 'yon? Pero hindi naman kasi matuturuan ang puso. Kusa na lang nitong mararamdaman ang pagmamahal mo para sa iba. At si Dwight ang laging isinisigaw ng puso ko. Kahit na pigilan ko, siya pa rin eh. Wala akong magagawa kung 'di sundin ang puso ko.
"Kumain ka na lang diyan Mr. Cheon..." Wika ni Xander habang naka-ngisi.
"Ah, Xander? Text lang muna ako kay Mommy ah. Baka kasi hinahanap na ako no'n." Paalam ko kay Xander.
Tatayo na sana ako kaso pinigilan niya iyong isang kamay ko kaya napaupo ako nang 'di oras sa lap niya.
Nakakahiya...
Sandali kaming nagkatitigan ni Xander, ang ganda ng mga mata niya, parang nang-aakit, pero hindi ako magpapa-akit kasi kay Dwight lang ako. Natigil lang ang pagtititigan namin ni Xander dahil sa pagtikhim ni Dwight.
Problema niya? Kanina pa 'to ah!
Wala na akong ibang ginawa kung 'di ang umalis sa lap ni Xander at naupo ulit sa tabi niya.
Dapat kinikilig na ako dahil nakaupo ako sa lap ng isang g'wapong lalaki, pero bakit hindi? Hindi ako kinilig? Dahil ba mali ang gusto ng puso ko?
Sabi na nga ba eh. Dapat loyal lang tayo kay Dwight.
In-text ko na lang muna si Mommy. Baka pag-uwi ko mapalo pa ako sa pang upo. Bagay na hindi pa ipinaparanas sa akin ni Mommy sa tanang buhay ko.
"Strict parents mo?" Tanong ni Xander sa akin na nakatitig pala mula kanina pa.
"Si Mommy?"
"Yeah..." Nahagip ng mga mata ko si Dwight na seryoso lang sa kinakain. Parang may ibang mundo. Bakit sumama pa rito kung hindi rin naman pala makikisabay sa amin. Killjoy rin eh.
"Hindi naman... ayaw lang niya na nagpapagabi ako sa daan. Hindi daw kasi gawain 'yon ng isang dalaga."
Hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili na titigan ang lalaking gusto ko. Nahagip na naman ng aking mga mata ang pwesto kung nasaan siya.
Naka-ngiti ang loko? Weh? Si Dwight, ngingiti? Pero sa fishball naman siya naka-tingin. Baka naman kasi nasarapan lang siya sa fishball kaya naka-ngiti siya habang nakamasid rito.
Akala ko pa naman napa-ngiti siya dahil sa sinabi ko.... assumerang tokwa talaga ako eh 'no.
"Good. Good girl naman pala ang maganda kong Pearl..." Si Xander habang ginugulo ang buhok ko. Ang cute niya, para siyang bata sa inaasta niya.
"Eh si Daddy mo? Strict ba?" Dagdag pa niya na nagpabago ng mood ko.
"Tara uwi na tayo. Pagod na ako eh..." Nagulat si Xander sa isinagot ko sa kaniya.
Ikaw ba naman ang biglaang tanungin tungkol sa walanjo mong ama. Eh mag-iiba talaga ang mood mo.
"Change topic lang?" Si Dwight na ngayon ay napapa-ngisi pa.
Bakit naman ganoon ang hitsura ng mukha niya? Manhid ba siya? Hindi man lamang ba niya naisip na siguro may pinagdaraanan ako sa aking ama kaya nag change topic ako?
"Wala kang alam..." Sabi ko sa kaniya.
Hindi ko rin napansin na may tumulo na palang luha sa aking pisngi. Basta talaga tungkol sa walanjo kong ama. Mabilis tumulo ang mga luha ko.
"Bakit ka umiiyak? Masisira ganda mo riyan eh." Mabuti pa si Xander, naiintindihan niya ako, bakit ba kasi ngayon ka lang dumating? Bakit hindi noon pa?
Muli akong napa-tingin kay Dwight na seryoso nang naka-tingin sa akin---amin pala.
'Wag kasi assumera para hindi masaktan.
"Tara na... huwag ka ng umiyak..." Si Xander na inaalalayan pa ako.
Mabuti pa talaga siya, concern sa akin.
"Let's go! Stop the drama..." Tignan mo na, kung hindi lang talaga kita gusto kanina pa kita nasipa riyan eh.
Tahimik lang kaming tatlo habang nasa loob ng kotse. Si Xander ang nag-da-drive at ako naman ang nasa tabi niya. Samantalang si Dwight ay nasa likuran namin.
Nang makababa na kami'y pinagbuksan pa ako ni Xander ng pintuan. Napaka-gentlemen talaga niya.
"Xander? Salamat ah..." Sabi ko sa kaniya na agad naman na ikinangiti niya.
"Wala 'yon magandang Pearl basta para sayo..." Then he slowly kissed my forehead.
Napa-ngiti naman ako sa ginawa niya. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko.... hinintay ko lang na maka-alis ang kotse ni Xander bago ako pumasok sa loob.
Ganoon ba talaga si Dwight? Parang walang puso?
Pero hindi ako susuko. Gusto ko siya at makukuha ko siya bwahahaha.