Kabanata 29: thrilling plot twist and memories

Kabanata 29

Inilagay ko sa tabi ng picture naming tatlo pagkapanganak kay Cielle ang picture namin sa Italy na nasa Milan cathedral. Katabi naman no’n ang picture namin noong third birthday ni Cielle sa France.

“She really looks like Sayelle, mama,” nag-beautiful eyes pa sa akin si Cielle habang kayakap ang tuta na nakuha namin sa sementeryo at ang isa pang tuta na galing pang Italy. “I want to name her ‘Marites’.”

“Marites?” Gulat kong tanong.

She nodded. “Well, she likes to eavesdrop on our conversations.” She laughed cutely.

Naglalaro lang silang tatlo noong dalawang aso. Tulog pa si Darell dahil pagod na pagod iyon sa byahe kagabi pa.

“Mama, why is it named Iceland when I can only see greenlands here while on Greenland there’s a lot of ice there.” Curious niyang tanong sa akin, mukhang seryoso rin siya sa tanong niyang iyon.

Napaisip din ako saglit doon. “Hindi ko rin alam, anak.”

We’re currently on Iceland. Dito kami naghoneymoon pagkatapos ng kasal. Bakasyon lang sa amin ‘to sa ‘min, lalo na’t kasama namin si Cielle papunta rito.

Pagkagising ni Darell ay hinila agad siya ni Cielle paupo sa upuan na nasa tabi ko. Clueless man ay umupo na lang din si Fajarez na pipikit-pikit pa ang mata at sabog ang buhok. Magulo rin kasi ‘yan matulog, pati mukha ko ay sinisipa.

“Welcome to my class!” Ngumiti si Cielle at tinuro ang kanyang maliit na pisara. “I’m here to teach you… How to play!”

I excitedly nodded. Tumawa lang si Darell.

“Mama, papa, you are seatmates.” Cielle pointed us out.

And suddenly we’re back in the past.

♪ There I was again tonight

Forcing laughter, faking smiles

Same old tired, lonely place ♪

“Artamerez, you can seat in front.” Sabi ng teacher sa akin habang binabasa ang papel na hawak niya kung saan nakalagay ang seat plan para sa aming magkakaklase.

I felt the warmth of the sun on my skin as I leaned against the window. I looked outside, I saw greenish trees and it’s dancing leaves there. It’s very windy outside but I can still feel the warmth of summer. I miss vacation, but I miss school more.

Hindi ako nakikinig sa pag-a-assign ng aming teacher sa upuan ng ibang kaklase ko. Tahimik lang ako na nakatingin sa labas nang tawagin ulit ng teacher ko ang apelyido ko kaya napaharap ako sa kanya.

“Artamerez,” he says.

“Yes, sir?” Tumaas ang dalawang kilay ko.

“Baliktad ang inupuan mo, may uupo sa kinauupuan mo ngayon. Doon ka sa tabi.” Aniya at tinuro ang tabi ko.

Tumayo naman ako at nahihiyang tumango. Hawak ang bag sa aking braso.

I glanced at the last two boys on line. Isa sa kanilang dalawa ang magiging katabi ko.

“Sir, feeling ko masyadong matangkad si Ivan para sa harap.” Nagtaas ng kamay ang isang kaklase ko.

Tatlo pa ang natitirang upuan. Ang nasa tabi ko at dalawa roon sa pinakahuling bahagi. Sakto naman ang upuan na binibigay ng school. Walang sobra at walang kulang. May absent ba?

“Okay then, Calvin, doon ka sa tabi ni Arta---”

“Good morning sir, sorry I’m late.”

♪ Walls of insincerity, shifting eyes and vacancy

Vanished when I saw your face

All I can say is, it was enchanting to meet you ♪

A familiar face scanned the whole classroom. He stopped when he saw me.

♪ Your eyes whispered, “Have we met?”

‘Cross the room your silhouette

Starts to make it’s way to me ♪

“Fajarez, there you are!” Ang kanina’y walang ganang ekspresyon ng teacher namin ay biglang sumigla. “You can seat next to Artamerez.”

“Sir, masyadong matangkad si Darell!” Komento noong isa pa.

“Doon na lang kayo sa likod.” Sabi ng teacher namim.

I shook my head when I found myself not breaking Darell and I’s eye contact. “Kasama po ako, sir?”

“Sino pa ba ang katabi ni Fajarez, Kahel?” Tinaasan ako ng kilay ng teacher.

I saw Darell’s small smile as he walked towards me. Akala ko ay didiretso na siya sa likod pero hinintay niya pa akong makatayo para sabay kaming umupo sa likod.

“Saan mo gusto, tabing binta?” tanong niya sa ‘kin.

I awkwardly looked at him. “A-Ahh, kahit saan.” Sabi ko naman.

“Seatmate pa pala tayo.” Ngumiti siya sa akin.

“Ah, oo nga.” Yumuko ako. Umupo ako sa tabi niya para roon siya sa tabing bintana. Ewan ko ba, kahit mas gusto ko roon ay hinayaan ko lang na dito ako umupo!

♪ The playful conversation starts

Counter all your quick remarks

Like passing notes in secrecy ♪

“And it was enchanting to meet you… All I can say is, I was enchanted to meet you…” Sabay naming kanta ni Darell noong prom.

“This night is sparkling, don’t you let it go… I’m wonderstruck, blushing all the way home, I’ll spend forever wondering if you knew… I was enchanted to meet you…” Napunta sa akin ang nagliliwanag na ilaw. Napapikit ako roon, dahilan kung bakit mas lalo ko pang dinama ang bawat liriko ng kanta na ‘yon.

Taylor Swift’s song gave me chills. I can feel the familiar feeling when I’m with Fajarez.

“The lingering question kept me up 2 AM, who do you love? I wonder ‘til I’m wide awake… And now I’m pacing back and forth. Wishing you were at my door… I’d open up and you would say, “Hey” It was enchanting to meet you…” Darell’s sweet voice filled the whole quadrangle.

“Mama! You’re zoning out!” Saway ni Cielle sa akin.

“Y-Yes! Yes, anak?” Napaayos ako ng upo. Ramdam ko ang lalim ng titig sa akin ng asawa ko habang abot tenga ang ngiti.

“You don’t listen to me.” Cielle rolled her eyes. “Okay, next…” She turned her back to write something in the black board.

Mangha akong tumingin sa kanya. She brings back memories.

Bigla kong naramdaman ang pagkalabit sa akin ni Darell. Taka akong humarap sa kanya. Ibinigay niya sa akin ang isang maliit na piraso ng papel na pinunit niya sa kanyang notebook.

Makinig ka raw kay Ma’am Cielle, ma.

Your husband, maybe

Tumawa ako roon at nagsulat din.

It made me remember when we were young, love. That moment when our teacher made you my seatmates change our lives forever.

Your wife, maybe

Pinasa ko iyon sa kanya. Habang binabasa niya ‘yon ay nakatingin lang ako sa kanya at nakangiti. Ngumiti rin siya nang matapos siyang magbasa.

Pumunta kaming tatlo sa mga parke, mahilig sa picnics si Cielle. Naglakad-lakad kami. Hawak naming dalawa ni Darell ang tig-isa niyang kamay habang tumatalon ang maliit na paa ni Cielle. She’s so excited socializing. Lalo na’t nakakaintindi siya ng ingles, hindi naging mahirap ang pakikipag-usap sa ibang bata.

“Hello, are you Kahel Adhara Artamerez by any chance?” A foreigner asked me.

Mula sa pagkain ay nalipat ang tingin ni Cielle sa amin.

“Yes, that’s me.” Ngumiti ako nang kaunti. Bakit?

“C-Can we at least take a picture? I’m a fan! We’ve seen each other in your first and last meet and greet. There’s a lot of people there so I don’t blame you if you don’t remember me.” Aniya.

Tumango ako. “Oh! I’m sorry, I don’t remember you, to be honest. But I’m glad we got to see each other again!”

Inilabas niya ang kanyang cellphone para magpicture. Tumalon-talon si Cielle sa tabi ko.

Inabot naman siya sa akin ng asawa ko para kasali siya sa picture taking namin.

“Mama, peace!” Her whisker dimple showed up. I can’t almost see her eyes because of her wide smile while looking at the camera. Nakabun ang buhok niyang maiksi.

Nagpeace sign din ako sa camera.

“Can I take a picture with you, too?” May isa pang lumapit. Lalaki naman.

“Oh… Okay!” I nervously answered while still carrying my daughter.

“Can you take the picture for us?” Inutusan nito si Darell.

“No.” Seryosong sagot ni Darell.

Kinagat ko ang labi para pigilan ang ngiti ko. Seloso!

“Let’s just take a selfie, then,” masama ang tingin ng lalaki kay Darell. “Who is he, anyway?” Mahinang tanong niya.

“He’s my husband.” Sagot ko.

Dahil hindi naman ganoong kapubliko ang relasyon naming dalawa ay kaunti lang ang nakakaalam. Pero hindi namin ito sinisikreto. Ginagawa lang namin ito para kay Cielle.

Nanlaki ang mga mata noong lalaki. “Y-You… You’re married?”

“Yes. She’s married to me.” Si Darell naman. “Tara na, masyadong maraming tao ang nakatingin. Baka ‘di tayo makaalis dito.”

“W-Wait! Let’s take a picture first.” Sabi ulit nung fan.

“Okay.” Sumimangot si Darell at tumabi sa amin ng anak niya. Umakbay siya sa akin.

“Respectfully, I asked for a picture with Kahel. Not with you, please.” Sabi nung lalaki.

“No. You’ll take a picture with me our we’re out of here.” Barumbadong sabi ni Darell at ngumiti agad. “Peace, Cielle?” Humalik siya sa pisngi ng anak niya.

“Peace, papa!” Humarap naman siya sa akin at pinakita ang dalawang daliri niyang nakataas. “Mama, peace!”

“Peace!” Nagpeace sign ulit ako, with wider smile now.

Makapal ang suot naming panlamig nang makarating kami sa pangarap naming pwesto ni Darell. Sa maliit na bahay kami nanatili dahil nagyeyelo sa labas at namumuti ang nyebe. Gabing-gabi na. Pangalawang gabi na rin namin dito sa maliit na bahay pero hindi pa namin nakikita iyon.

“We’re going home tomorrow?” Cielle sadly asked. “But it’s fun here. Let’s stay here instead. Ma? Pa?” Humarap siya sa amin at saglit na ngumiti.

Ngumiti ako. “We’ll come back here.”

Bumalik sa pagbusangot ang mukha ng anak ko. Pinisil ko ang kanyang pisngi.

“I think we will not see it…” Tumingin ako sa asawa ko.

“Really? Look at that.” Tumayo siya at tumingin sa itaas.

“Wow! Mama! There’s LED lights in the sky!” Komento ni Cielle habang tumatalon-talon at tinuturo ang kalangitan.

And there we witnessed the beauty of aurora borealis we’ve always dreamed of. Purple, green, blue and yellow lights are joining with each other.

“Picture! Picturan mo, Andrei!” Tarantang utos ko sa aking asawa.

“Oo! Teka, madam!” Aniya at madaling kinuha ang kanyang digital camera at pinicturan iyon.

“Iyong kasali naman tayo!” Yumakap ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.

“Mama, me too! Up! I want to see!” Itinaas niya ang kanyang kamay para magpabuhat sa akin. “It’s so beautiful! Wow!” Manghang sabi niya habang kumikinang ang mga mata.

“Right, baby?” I almost teared up.

I kissed Cielle’s right cheek. Darell kissed Cielle’s left cheek then we heard the shutter sound of the camera.

Hindi pa rin kami nakatulog sa byahe pauwi sa Pilipinas dahil sa maraming sinasabi sa amin si Cielle. Kung gaano siya ka-excited na makita ulit ang Iceland at ang Aurora Borealis. Pati na rin ang pagpunta sa iba pang bansa katulad ng Italy na pinuntahan din namin ngayong taon at France noong three year old pa lamang siya.

Gabi na at hindi kami makakaabot sa bahay namin. Akala ko ay didiretso kami sa isang hotel nang huminto sa isang lumang beach resort. Pamilyar ito sa akin.

We can see the the full moon from here.

“What’s this place, papa? There’s no people here. Creepy.” Komento ni Cielle. Magkabilang kamay ni Cielle ang hawak namin ng asawa ko habang sinusuri niya ang tahimik na paligid.

Ako ang sumagot. “Your papa confessed to me here.” Pumikit ako at dinama ang sariwang hangin.

Pumikit ang mga mata ni Cielle at bahagyang bumukha ang labi niya dahil inaantok na siya. Binuhat siya ni Darell para roon siya sa bisig niya makatulog. Darell then held my hands while looking at the moon.

“Let’s stay here for awhile,” I say.

He nodded. “It’s been more than a decade since we last went here.”

Umupo kami sa pinong buhangin. Ano kayang nangyari at wala na ang nga tao rito? Nagmukha tuloy itong inabandon na kahit maayos naman ito tingnan.

“I bought this.” He said.

My lips parted. “Seryoso? Kailan?”

Ngumiti lang siya.

“Naaalala mo pa ba ‘yung araw na ‘yon?” Tumingin siya kay Cielle para siguraduhin na tulog na ito. “I got my first kiss here.”

“Ako rin, ninakaw mo eh,” I faked a smile on him and rolled my eyes.

He chuckled and nodded.

“I still remember that day vividly.”

“Same here.” Tumingin lang ako sa buwan.

“I don’t want you to wait but when the time comes and we’re both finally ready, sa akin ka uuwi. Ipapaliwanag ko sa ‘yo lahat. Ako lang makakahalik sa labi mo, ako lang makaka-date mo. Itatak mo ‘yan sa utak mo, Kahel.”

“Sa akin ka rin babagsak. Hanggang sa huli.” Banggit ni Darell sa sinabi niya dati. “Sinusumpa ko ‘yan. Sa harap ng buwan na ‘to.”

“Lakas ng sumpa mo, sa ‘yo nga ako bumagsak.”

“Mali.” Humarap siya sa akin. Maingat ang paghawak niya sa likod ni Cielle na natutulog.

“Hindi ikaw ang bumagsak sa akin. Ako ang bumagsak sa ‘yo. Bumaliktad ang sumpa.”

He quietly kissed me in the lips as the moon watched us being happy and content with each other. Me, him and our daughter.

From chasing like a dog just to get Darell Andrei’s attention, then being his girlfriend… carrying his child, him taking care of me… To marrying me on the church with our little daughter by our side.

I don’t regret anything that I did before. Except that I could’ve been more understanding for him because he’s also suffering. It’s not just me. Now I know what to do: to care about someone’s feelings because we’re not the only one suffering.

Lahat tayo may problema, kaya hindi iyon sapat na dahilan para manakit ka ng tao.

Kung nagkamali sila at sinubukan nilang magbago, at alam mong may pagkakamali ka rin sa kanila na pwede mong itama, why don’t you give it a chance? Forgiveness… Is the key to free your heart. All though there are chances that you want to do the revenge. Ang hypocrite ko naman kung hindi ko sabihin na nagbalak akong maghiganti. Pero ano’ng pagkakaiba ang magagawa noon? Pero kung iyon ang magbibigay ng peace sa puso mo dahil kailangan mo ng hustisya para sa sarili mo, go ahead.

Do revenge. Do forgiveness. Do love. Do it again. Be better. Better than those people who hurt you. Because you’re better than them if you don’t do what they did to you.

It's not just success on your career, your circle, fame… or how many guys you get, how big rings they’re offering that can make you happy. It’s about being content, feeling peace and comfort in a person.

And it’s the most freeing feeling ever.

I finished the novel. It’s starts with me broken hearted and now they filled that void. I didn’t write it, it’s our own story. Dati, puro erotika lang ang sinusulat ko. Ngayon, I found out writing about life is more inspiring and thrilling. The plot twists? Exciting.

And this is your supermodel, Kahel Adhara Artamerez, I’ll end my point of view here.