Kabanata 21: forgiveness

Kabanata 21

“Sinundan mo ako, ‘no?”

Excited na lumapit sa akin si Sayelle na dinala niya pala rito. Kilala pa rin ako ng anak ko, ah!

Nag-iwas siya ng tingin at lumunok. “No.”

I smirked. “Sige, kwento mo ‘yan, eh.” Tsaka ko hinalik-halikan ang aso namin. “I missed you so much, baby girl. Babawi si mommy sa ‘yo, Sayelle ko. Mwa!” I kissed her again. She sat on my lap while her tail is wagging.

Umayos siya sa pagkakaupo niya sa sofa. Mula sa pagdi-cuatro ay itinuwid niya ang kanyang pag-upo bago siya malalim na bumuntong hininga.

“Actually, yes,” mariin siyang napapikit dahil parang labag pa sa loob niya ang pag-amin niya tungkol doon. “Miss Amira and her husband Mister Majid offered me to live here temporarily to express their gratitude. I declined it first, of course. I’m a busy person and I don’t have time for a vacation.”

“Busy person?” I scoffed. “Then what are you doing here?”

He looked offended when I asked him that. “What for? It’s because you’re here. I’m going to follow you even on the after life. Wala kang kawala sa akin. Sinumpa ko na sa buwan, sa araw at sa ama na sa akin ka ikakasal. Ikaw ang unang nagkagusto sa akin, pero mas malalim iyong pagkahulog ko sa ‘yo.”

Pakiramdam ko ay natigil ang aking paghinga sa kanyang sinabing iyon.

Kung gano’n, bakit siya nagsi-sikreto sa akin?

Hindi ko sinabi sa kanya na mapapaaga ang alis ko dahil sa offer sa akin ng kumpanya ni Erin at para sa meeting para sa isang movie project.

Iniwan ko roon ang gamit ko dahil babalik din naman ako agad.

Patay na ang ilaw. Katatapos lang namin sa isang mainit na gabi. I was naked when I carefully took my clothes and packed some of my things.

I saw Sayelle lying on the floor. She immediately stood up when she saw me while her tail keeps wagging.

“Shh… Let’s be quiet, baby,” umupo ako at hinimas ang ulo niya bago ko siya aalis. “I’ll be back soon, I promise that.”

Hindi matutuloy ang paghihiganti ko pag tinatakasan ko siya pero mukhang na-misunderstood niya ‘yon.

Balak ko naman talaga siyang patawarin. Noong una ay nagdalawang isip na ako sa gagawin ko sa kanya pero mukhang mahilig talaga siyang manakit.

Ngayon ay hindi niya kami pupuntahan ng anak niya? Anong klaseng ama siya!?

Katatapos lang ng meeting namin nang tumawag sa akin si Kiolo.

Napalingon sa akin si Erin na nakangisi.

“Ex mo?”

I smirked back. “Something new.”

Laglag ang panga niya roon pero mahina rin siyang pumalakpak at tumango-tango bago nagpaalam sa akin.

“Hello?”

“Good morning, my lady,”

“Good morning, Kiolo,” bati ko pabalik.

“Miss Artamerez, Sir Ranolo asked you to read this.” Ibinigay noong babaeng nakasuit sa akin ang isang brochure.

Ngumiti ako at tumango. Inilagay ko sa aking balikat ang cellphone at nilapit ang pisngi ko roon para maipit ito at nang hindi mahulog.

“What do you want to do with him?” He asked.

“I changed my mind, Kiolo. I don’t want you to waste your time on that jerk.”

I never imagine getting pregnant with a guy I’m not married to. And now, a guy who doesn’t love me got me pregnant. This is my worst fear but it’s my fault anyway. I’m the only one to blame.

“I don’t change my mind, Kahel,” I heard gunshots on the background.

Nagsalubong ang kilay ko habang binabasa ang nasa brochure. “Where are you?”

“I’m playing,”

“I don’t think so.” Bahagyang lumakas ang boses ko. “Nasaan ka, Kiolo? I heard gun shots! Are you okay?”

He chuckled on the other line. “Don’t worry, love. I’m just finishing the business.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Did you really kill my boyfriend!?”

Huminto ang putukan sa background. He became silent too.

“Boyfriend?” Mahina niyang tanong.

Kinagat ko ang labi ko, “my ex boyfriend, Kiolo—”

“You called him your boyfriend!”

Bumuntong hininga ako at nagmamadaling inilagay sa aking bag ang brochure at madaling bumaba.

“Look, I was just mad at that time---”

“You still love him, don’t you?” His voice is full of sadness. “I’ve been here beside you for years, we lived together for four years on France. He left you and now he’s abandoning you and your child. Now, you’re stopping me from killing him? It was your idea.”

“Where the fuck are you?” Malakas kong tanong sa kanya noong nakalayo na ako sa building. “Leave him alone, Kiolo!”

“Don’t worry,” I heard him sniff on the other line. “I didn’t touch your lovey-dovey.” He ended the call.

Bumuntong hininga ako at pinindot ang number ni Fajarez.

Ako:

Where are you?

But I immediately deleted that. I didn’t send anything.

Malapit na matapos iyong iniipon ko. Kaunti na lang. Pero mukhang kaunti na lang din ay paparating na naman ang alagad ng demonyong si Legaspi.

Kiolo even works with that mother fucker!

Starting now, I would no longer want to be with him or even just keep our communication.

“Anak,” sinalubong ako ni mama sa pinto ng bahay. Niyakap niya agad ako. “Kumusta ang meeting? Congratulations anak.”

Tipid akong ngumiti at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.

“May mensahero palang dumaan dito, private messenger ata iyon. Nasa kwarto mo. Hindi ko binasa at alam kong privacy mo iyon.” Aniya.

“Mensahero? Kanino raw po galing?”

“Perry daw, anak.”

Kumunot ang noo ko.

“Perry?” Sino iyon?

Tumango si mama. Tumakbo agad ako paakyat sa kwarto ko para mabasa iyon. Sino kaya ito?

Nasa higaan ko iyon. Isang folder at envelope ang nandoon.

From: Perry Diaz L.

To: Kahel Adhara Artamerez

Kunot noo ko iyong tiningnan. I don’t know anyone named Perry. Pero pangalan ko nga ang nakalagay dito! I started reading the long message once I opened the envelope.

Kahel,

Una sa lahat, gusto kong magsorry sa iyo. Alam kong hindi ito sapat para sa lahat ng kasalanan ko sa ‘yo, sa pamilya mo at sa relasyon niyong dalawa ni Darell. Hindi ko alam kung saan ko ito sisimulan pero sana tapusin mo dahil marami akong gustong sabihin sa iyo.

Ako si Perry Legaspi, anak ni Barron. Hindi mo siguro ako kilala pero ako ang babaeng kilala dahil ako ang ‘binuntis’ ng boyfriend mo. Ako rin iyong humalik sa kanya noon sa Law school. Alam kong nakita mo iyon, gusto sana kitang habulin pero nahihiya ako dahil ang dami kong kasalanan sa ‘yo.

Mahal na mahal ka ng boyfriend mo, Kahel. Hindi ka niya niloko. Hindi siya ang nakabuntis sa akin at kahit kailan hindi niya ako ginusto. Ang tingin niya sa akin ay puno lang ng awa dahil alam niyang papatayin ako ni daddy pag nabuntis ako ng hindi kayamanan na tao.

Humingi ako ng tulong sa kanya kapalit ng mga detalye para sa ate niyang pinatay ng papa ko.

Natigil ako roon saglit. Napatikip ako ng bibig dahil hindi ko alam kung paano ko ipo-proseso ang ganito karaming impormasyon. Meron din sa likod, iyon ang kasunod.

Pumayag siya roon, kahit na nagpapanggap kami bilang magnobyo’t nobya ay hindi niya ako kailanman tiningnan katulad ng pagtingin niya sa ‘yo. Noong hinalikan ko siya sa law school ay iyon na ang huling pagkikita namin dahil ayaw na niya akong makita at ayaw na niya akong tulungan kasi iniisip niya ang nararamdaman mo.

Naisip kong isulat ito dahil hindi kayang sabihin sa iyo ni Darell ngayon dahil ayaw niyang madamay ka. Pero dahil dinamay na ng papa ko ang pamilya mo ay sinasabi ko sa iyo ito. Sana mapatawad mo siya. Sana mapatawad mo ako.

Sana mabigyan mo ako ng pagkakataon na itama lahat ng pagkakamali ko sa inyong dalawa. Sa loob ng folder na iyan ay lahat ng ebidensya at mga alam ko tungkol sa ginagawa ng papa ko. Tumakas ako sa kanya tatlong araw na ang nakakaraan kaya sigurado akong hinahanap na niya ako, kahit kila Darell. Sana manatili kayong ligtas at sorry sa pagiging selfish ko. Pasensya na talaga.

Sana balang-araw, mahanap mo sa puso mo na patawarin ako. Mag-iingat kayo palagi at mabuhay kayo nang masaya. Sana makuha niyo ang hustisya para sa ate niya katulad ng pinangako ko sa kanya.

Patawad,

Perry

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

All this time I hated him just because he wants justice for his sister’s murder. He only cares about what I think that’s why he couldn’t tell me. He’s worried.

Ilang taon ang sinayang ko dahil dito? Saglit lang kaming nagkaroon ng oras bilang magkasintahan.

Pero bakit niya sinabing ako na ang bahala sa anak namin?

“Kahel! Kahel, buksan mo ‘tong pinto!” I heard bangs at the door. “Mag-uusap tayo, kausapin mo ako!”

“Wala rito si Kahel, Darell!” Narinig ko ang boses ni mama. “Umalis ka na rito, kakaladkarin kita palabas!”

“Parang awa niyo na po, gusto ko lang po siyang kausap. Mahal na mahal ko po ang anak niyo. Isinusumpa ko sa Diyos. Ako po ang aalis kung ayaw niya talaga akong makita. Saglit lang po ako.” Darell plead. “Kahel, alam kong nand’yan ka… Lumabas ka riyan!”

“Ayaw kitang kausap!” Napayakap ako sa aking binti habang umiiyak.

“Ayaw ka niyang kausap, umalis ka na!” Galit na si papa ngayon sa kanyang boses. “Aalis ka o tatagain kita?”

Kumidlat nang malakas sa kalangitan. I flinched and closed my eyes.

“Kahel, saglit lang naman oh,” Darell’s voice weakened, he stopped banging on the door. “Just hear me out, please?”

I cried more and hugged myself tighter.

Narinig ko ang pagbaba niya sa hagdan kaya nanlaki ang mga mata ko. Lumabas agad ako ng kwarto.

“Anak---”

“Ma, iyong mga payong?” Pinunasan ko ang luha ko habang naghahagilap ng mga payong.

“Nak, nandyan pa si Darell---” si papa naman.

“I’m ready to talk to him now.” Buong tapang kong sabi.

Dumating si Poseidon mula sa kung saan, dala-dala ang dalawang payong.

“Nakakaawa iyong batang ‘yon,” kahit si papa ay hindi mapigilang mapaluha. “Kung nakita mo lang ang mukha niya, nakakapanghina.”

Pinatahan ni mama si papa. “Kausapin mo na, Kahel. Wala iyong payong.”

Tumango ako at maingat na tumakbo palabas.

Nakita ko siya roon, medyo nakalayo na.

“Hoy, gago ka!” Naiiyak kong sigaw. “Humarap ka rito, Fajarez! Akala ko ba, kakausapin mo ako? Bingi!”

Hindi siya humarap. Hindi niya ba ako naririnig?

Tumakbo ako roon, kahit basa na ang sahig.

Noong malapit na ako sa kanya, saktong humarap siya kaya napayakap ako sa kanya. Nahulog ang payong na dala ko habang umiiyak ako sa bisig niya.

“Tarantado ka!” Hinampas hampas ko ang dibdib niya habang umiiyak. “Akala ko nakabuntis ka talaga! Akala ko nanloko ka!”

“Paano ko magagawang lokohin ka? Ikaw ang pinakamamahal ko. Bakit mo inisip iyan?” His weak voice made me more fragile. “Sinabi ko sa ‘yong mahal kita. Sinabi ko sa panginoon, sinabi ko sa buwan at araw. Sinabi ko sa mga magulang mo. Paano kita lolokohin?” Lumiit ang boses niya, hirap nang huminga.

Saglit kaming nag-iiyakan lang doon. Basang-basa na kaming dalawa sa ulan.

Humiwalay siya sa akin pero hindi lumuwag ang yakap ko sa kanya.

He bended his knees. “Sorry… Sorry!” He cried more.

“Lagi kitang pinag-o-overthink, sorry! Hindi ko manlang naiwasan. Alam ko na ang gagawin ngayon. Sana mapatawad mo ‘ko. Ipapaliwanag ko sa ‘yo lahat.” Sabi niya pa.

“Hindi mo na kailangang ipaliwanag.” I sobbed and wiped my tears. I kneeled down with him and touched his cheeks and kissed his closed eyes.

“M-Matagal na kitang pinatawad. Hindi ko pa alam kung anong nangyari o kung ano ang totoo. Pero ito?” I pointed my heart. “Alam na nito na hindi ka pa nanghihingi ng pagpapatawad ko, pinapatawad kita. Palagi kitang papatawarin kasi mahal na mahal kita. Ganoon ang pagmamahal ko sa ‘yo, Darell. Mapapatawad pa rin kita, k-kahit ilang beses mo ‘kong gaguhin.”

Yumakap siya sa akin. “I feel w-weak.”

“Y-You can be weak whenever you’re with me, Darell. Akala ko ba, ako ang lakas mo? Hindi na ba?”

Umiling siya. “Ikaw na ‘yung buhay ko, Adhara.”