Kabanata 2: neglected
TULALA LANG AKO SA BINTANA. Nasa bahay ako ni Erin. Habang ako ay umiiyak, siya ay umiiyak din dahil babalik siya sa ibang bansa.
Nagkita na kami ng mga kaibigan ko pero mukhang hindi good timing dahil nag-iiyakan kaming dalawa ni Erin. Just for me to find out a day later that she’s getting married.
Kinakasal na ang mga kaibigan ko. Si Erin, ikakasal na. Si Jarell may anak na. Si Lychie mukhang nagp-plano na silang ikasal ni David. Si Monica, arranged na ang marriage sa crush niyang obsessive. Tapos iyong iba ay may mga boyfriend na.
Ako, naiwan ako rito. Mag-isa. Na-stuck sa nakaraan.
I heard a notification from my phone. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na sa iba’t ibang app pa ‘yon.
Meron sa Gmail, Facebook, Instagram, Twitter, Text at sa tawag!
Pare-parehas lang ang message roon.
Darell:
Show yourself, Kahel. Tell me I heard it wrong. You’re pregnant and you’re planning to abort it?
Nang magseen ako ay nagtipa ulit siya.
Darell:
That’s our child, Kahel. You can’t do that.
Ako:
You think I can’t? I own this body.
Darell:
I’m begging you. Kahit ako na lang magpapalaki sa kanya. I know I’m wrong. I’m going to make it right. I will tell you everything. Please talk to me, Kahel.
Darell:
Gusto mo akong gantihan, ‘di ba? Sa akin ka na lang gumanti. Huwag sa bata. Anak ko ‘yan. Anak mo. Anak natin.
Nanginginig ang labi ko dahil sa takot. Hindi ko rin alam. Abortion isn’t legal on this country.
Ako:
Bakit? Dahil labag sa batas, attorney?
Darell:
It’s because we’re the parents of that child. Please don’t do it. Nasaan ka? Mag-usap tayo.
Pinatay ko ang cellphone ko.
“You’re invited in our wedding,” Erin smiled at me. Kinikilig pa.
Lumukot ang mukha ko. “You just told me a week ago that you’re setting him free and now you’re getting married?” Sarkastikong tanong ko.
“Huwag ka ngang killjoy, Kahel! Bitter ka lang kasi hindi ka nadidiligan dahil bawal sa inyo ang madiligan nang walang kasal!” Humalakhak si Monica na nag-aayos ng bedsheet. Sleepover namin, eh. Hindi nagawa noong highschool at college kaya bumabawi ngayon.
“Hindi mo sure,” ngumisi si Jarell na bagama’t pagod ay tumutulong pa rin sa pagtupi ng mga damit namin. “Si Kahel pa ba, hindi madiligan? Baka nga dinidiligan ‘yan noong pinakasusumpa niyang CPA Lawyer---”
“Punyeta ka, Jarell!” Galit kong sigaw dito at nagmartsa palabas. Kumukulo ang dugo ko kasi totoo naman!
Kakadilig noon sa akin, may nabuo tuloy!
Kakalabas ko lang ng kwarto nang makarinig ako ng sigawan sa loob.
“Kahel! Kahel!” Sigaw nilang lahat.
“Oh my goodness! Is that my boyfriend? Dylan!” Sigaw ni Monica.
“Sundalo ang boyfriend mo?”
“Oo!”
Tumakbo ako papasok doon. Nagulat ako nang makita ko si Darell doon at ang boyfriend ni Monica na sundalo. May hawak pa na baril iyong ilang sundalo na naka-uniform pa!
“Mag-usap tayo, Kahel,” kalmadong sabi ni Darell.
“Hindi pwede!” Sabay-sabay naming sabi ng mga kaibigan ko.
Nagtaka iyong mga sundalo at nagkatinginan pa.
“Ayaw kitang kausapin!” Sabi ko.
“Tama!” Sigaw pa ng mga kaibigan ko.
“We’re soldiers, please follow!” sabi noong sundalong babae.
“Ano naman? Papatayin niyo kami?” Galit kong tanong. “Hindi niyo ako pwedeng saktan, buntis ako!”
Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ko. Nagtaka ako kung bakit ganoon ang reaksyon nila hanggang sa matauhan ako. I told them I’m pregnant! Infront of my friends who hate this guy so much!
“Ano?!”
“Giatay! Na-buang ka na ba!?”
“Dios mio!”
Sari-sari ang komento nila sa sinabi ko.
“Sinong nakabuntis sa ‘yo, ‘yang si Darell?”
Bago pa man ako makasagot ay hinila na ako palabas ni Fajarez doon. Napakahigpit ng kapit niya sa akin.
“Darell, bitawan mo ‘ko!”
“Hindi ba’t sabi ko, mag-uusap tayo?” He played with his tongue. He’s wearing a black leather jacket and boots with his black jeans. And white shirt inside the jacket!
“Ayaw kitang kausap!”
“I just want to stop you from killing our baby, Kahel…” Nanghina ang mukha niya. “Kahit anong gusto mo, gagawin ko. Gusto mo bang umalis ako? O huwag ko na makita ‘yang bata sa buong buhay ko? Name it, Kahel. I will do everything. I would accept everything. Just please, don’t abort our baby…”
“No…” Umiling ako.
He held my hand and kneeled down.
“Gagawin ko lahat, Kahel,” yumuko siya. “Ako na lang ‘yung patayin mo. Kasalanan ko lahat. Alam ko. K-Kasalanan ko lahat.”
May tumawag sa cellphone ko. Sasagutin ko na sana ‘yon nang magsalita siya ulit.
“Please, Kahel…”
“We’ll talk, this is urgent,” sabi ko. “Hello?” Bungad ko sa tawag.
“Ate! May mga lalaki ulit dito sa atin! Sinaksaktan nila ulit sila mama!” Sabi ng kapatid ko.
“Ano?” Kinakabahan kong tanong pero namatay agad ang tawag. “Poseidon! Poseidon, anong nangyari?”
“What happened?” Darell asked.
Fuck. Screw this! He studied law and he has many connections! I hate to say this but I need help right now or else I will lose everything the next time I open my eyes!
“Is it them, again?” Ulit niya pa.
Kumuyom ang kamao ko. We know each other so well. We’ve been through it all. Everything. Even we have flaws. Even he’s a fucking trash, he memorized me. My flaws, problems and seriously, everything about me! Even my family!
“Kahel?” He’s now confused. “Tell me what is it. I can help. Is it them again, huh? Tell me. Are they bothering your family again?”
I pursed my lips, unable to say anything. Para kong tatapakan ang sarili kong pride pag humingi ako ng tulong sa kanya. Lahat ng pinaghirapan ko, lahat ng luhang tumulo at lahat ng pagsumpa ko sa kanya, mawawala lahat dahil kailangan ko ng tulong niya para isalba ang pamilya ko.
“It’s them.” Sa wakas ay nausal ko.
He heavily sighed. Napahawak siya sa ulo at para bang kalaki-laking problema noon.
Mariin akong napahilamos ng mukha. I can’t believe this. Why now?
Well, I don’t need him! I have money now unlike before. I have stable income and I can even afford a lawyer more experienced than him!
“You know you need me…” Mahinang sabi niya.
“Over my dead body.” Matigas kong sabi.
“Kahit maghanap ka pa ng ibang abogado o kung sinong tutulong sa ‘yo, ako lang ang may kakayahan na makakatulong sa ‘yo dahil kilala nila ako. Walang gulo, walang ilalabas na gaanong pera.”
“Fuck,” bulong ko.
“Ayaw mong maglabas ng pera,” aniya. “May pinag-iipunan ka?”
Natigilan ako sa sinabi niya. He guessed it right!
“What is it?”
“None of your business!” Galit kong sigaw.
Bumuntong hininga ulit siya. “Look, I’m not asking for your money. You know what I want, right? Let’s keep that child---”
“No…” Pigil ko agad at mabagal na umiling. “Wala kang kwentang lalaki! Kilala kita!”
Mariin siyang napapikit at tumango. “I know, I’m a shitty person. I’m not demanding to be the father---”
“Kilala kita! You’re a fucking gaslighter and manipulator!” Para akong sinilaban sa galit. Hindi na niya ako madadaan sa ginagawa niya!
Mabagal siyang lumapit sa akin. Gusto ko mang umatras ay hindi na ako nakagalaw. Unti-unting tumulo ang luha ko, hindi ko ‘yon pinunasan.
Nakabuntis siya! He cheated on me! Marami pa siyang ginawa sa akin at sa pamilya ko. That’s why I want revenge.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
“I will disappear, forever. Gustohin ko man ‘yang panagutan, alam kong ayaw mo na akong makita. I know I’m the reason why you want to abort it. It’s your child, too.” Kalmadong sabi niya. “I will help you and your family. I’m not asking for your money, Kahel. I just don’t want our baby to---”
“My baby! Not yours!”
“Y-Your baby,” pagtatama niya. “I will help you, so please…”
Tumawa ako. Para akong nababaliw habang lumuluha. “Help me?”
“I promise…” His eyes were bloodshot. “I just want the baby to live. That’s all. I’ll do anything.”
Tumalikod ako. I don’t want to hear him! Baka maniwala ako sa sinasabi niya. Nangako ako sa sarili kong hindi na ako makikinig sa mga kasinungalingan niya kailanman!
I heard him sob.
Nagulat na lang ako nang bigla kong naramdaman ang kamay niya sa paanan ko. He’s hugging me, on his knees. Begging for the baby to live.
“Please, Kahel, please. You will never see me again.”
“After this, you will completely disappear.” That’s my last straw. I don’t want to see his face anymore.
I’m saving for something. Money is very important to me now. I can’t afford to spend it right now to any lawyer!
Kung hindi man siya ang maghandle nito ay alam kong may koneksyon siya na may kaya. Siguradong titigil na ang mga ‘yon pag siya ang kausap.
Pero anong gagawin ko? Hindi ko talaga kaya! Para kong tinraydor ang sarili ko noon! Pati ang mga kaibigan kong pinangakuan ko na hindi ko na papatawarin pa ang lalaking ‘to. Ang demonyong lalaking ‘to! He ruined my life!
Lahat ng pinaghirapan ko sa sarili ko, sinira niya lang! Hinayaan niya ako hanggang sa maging durog-durog na. Sabi niya, mahal niya ako? Pero nakabuntis siya ng ibang babae!
Hindi niya pinanagutan iyon!
Ayaw kong maging katulad ng babaeng ‘yon kaya ko ‘to gagawin. Hindi ko rin kakayanin maging ina nang mag-isa. Sarili ko nga, hindi ko maayos. Paano pa ‘yung bata?
“I will disappear forever, after this.”
“Deal.”
“Darell, emergency call!”
Napukaw non ang atensyon naming dalawa. Darell glanced at the soldier then looked back at me. His eyes were telling me that I should wait here.
Bakit ang lambot ko pa rin sa kanya? Hanggang ngayon ay kaya niya pa rin akong paikutin sa kamay niya!
Maya-maya ay dinaluhan ako ng mga kaibigan ko para tanungin ng sari-saring tanong tungkol sa kanya at sa kung anong pinag-usapan namin. Ang dami nilang sermon sa akin.
“Akala ko ba’y nakamoveon ka na?”
“Sinong tangang nakamoveon na raw pero nagpabuntis sa ex?” Sarkastikong tanong sa akin ni Jarell. Umirap siya at nagcross arms.
“Ikaw nga nagpabuntis sa best friend eh,” walang ganang sabi ko.
Nalaglag ang panga ni Jarell sa sagot ko. Guilty!
“Monica, pigilan niyo ‘ko! Babanatan ko ‘to!” Tila pinipigilan niya pa ang sarili na saktan ako. Maya maya naman ay binatukan ako kaya napahawak ako sa batok ko. “Anong gagawin mo ngayon?”
“Siguradong maganda magiging anak niyo, grabe genes niyong dalawa eh!”
“I-I don’t know if I’m keeping the child,” nawala ang emosyon sa mukha ko. “I-I’m planning to abort it.”
Natahimik sila.
“Bakit?” Sabay-sabay nilang tanong.
“It’s none of our business, anyway,” malungkot na sabi ni Jarell. “It would be fun seeing my child with your baby…”
“I made a deal with him so I guess I’m keeping it.”
Nagulat ako dahil matapos ang apat na araw ay may pinadalang maraming sundalo sa bahay ko. Nagtataka ako kung bakit pinadala sila rito kaya tinanong ko sila pero hindi sila nagsasalita.
Noong tinawag si Fajarez para sa emergency call ay hindi na siya bumalik pagkatapos no’n.
Nanonood lamang ako sa sala nang bigla akong makarinig ng putukan ng baril sa labas. Nandoon ang mga bagong padalang sundalo kanina. Agad akong nagtago sa ilalim ng lamesa dahil sa takot. Napatakip ako ng tenga, nanginginig.
Anong nangyayari?
Ilang segundong katahimikan ang aking narinig bago ako naglakas ng loob na unti-unting lumabas sa ilalim ng lamesa.
Tahimik akong naglakad at sinilip ko ang labas sa siwang ng pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na wala nang buhay ang mga sundalo roon kanina! Lahat sila ay nakabulagta at naliligo sa kani-kanilang dugo habang hawak ang baril nila. Ang daming bala ang nakakalat sa sahig na hinahaluan ng mga dugo nila.
Napatakip ako sa bibig at tahimik na umiyak dahil sa takot.
Madali kong kinuha ang cellphone ko at agad na tumawag sa unang tao na sumagi sa isip ko pero hindi niya ito sinasagot kaya dumiretso ako sa text.
Ako:
May patay sa bahay namin! Mga sundalo sila! May pumatay sa kanila! Tumawag ako sayo para malaman mo. Tatawag ako ng pulis!
Wala siyang reply roon pero sigurado akong nakita niya ‘yon dahil nagring ang tawag ko sa kanya kanina.
Natatakot ako! Paano kung mamatay ang anak naming dalawa? Ayaw ko!
Hindi ko na ipapalaglag ang bata, basta protektahan niyo lang kami! I’m so scared!
Namamawis ang aking noo habang nagtitipa ng panibagong mensahe para sa kanya.
Ako:
Nasan ka? Kailangan ka namin. Buntis ako sa anak mo, Fajarez! Wala ka bang paki? Paano kung makapasok iyon ngayon dito?
Darell:
Tumawag na ako ng pulis.
Ako:
Papunta ka na?
Darell:
Hindi ako pupunta.
Kumunot ang noo ko.
Ako:
Akala ko ba gagawin mo ang lahat para pigilan ang plano ko sa batang to?
Darell:
I don’t care about what happens to it.
Namuo ang luha ko sa nabasa. Nagkamali lang siya, ‘di ba? May paki pa rin siya sa anak namin! Nagmakaawa pa siya sa akin! Ano’ng sinasabi niya ngayon!?
Ako:
Darell ano bang nangyari at ganyan ka ngayon? Anong gagawin ko?
Darell:
Ikaw ang ina niyan, di ba? Alam mo ang gagawin. Do whatever you want with it. Just don’t make me pay child support.
Napatakip ako ng bibig dahil sa aking malakas na paghagulgol. Baka marinig ako noong pumatay sa mga sundalo! I’m so fucking scared!
He fooled me again! Akong si tanga, naniwala ulit ako sa kanya!
Hindi na nga niya tutulungan ang pamilya ko, hinayaan ang sarili niyang anak at hinayaan niya ako! Patong-patong na ang kasalanan niya sa akin!
I will never forgive that fucking bastard!
He likes to play with fire, huh? He’s only my first highschool love! I can replace him easily.
“Kiolo, I want you to kill that jerk.” I called him.
I heard his deep chuckle on the other line. “Of course, my lady. Anything for you, Kahel.”
I’m going to kill that asshole! I’m going to kill him twice! Ang papatay sa kanya, ang pinaka-kinagagalitan niyang lalaki na may gusto sa akin!