Chapter 15: Kabanata 15: fragile Darell
Kabanata 15
“Magpahinga ka muna, Kahel,”
I ignored Darell. I am the member of the family, not him. Bakit ko iiwan ang pamilya ko rito at siya pa ang ipagbabantay ko?
Parehas kaming nakaupo sa waiting chair, pwede naman kami pumasok sa loob pero nasasaktan ako pag nakikita ko silang ganoon.
Nakatingin lang sa akin si Darell. “Bibili lang ako ng pagkain.” He gave me a small smile and stood up, his hands are on his pocket. “Mabilis lang ‘to.” Hinawakan niya ang ulo ko bago siya umalis.
Hindi ko alam ang susunod kong gagawin pagkagising nila. Pipirmahan ko ba? Pero pinaghirapan iyon ng mga magulang ko!
“Ang hirap maging mahirap,” napahawak ako sa ulo ko. “Putanginang buhay ‘to.”
Mabuti na lang at nagising din sila agad. Dahil sa matinding pagod at gutom kaya sila nagkaganoon. Idagdag pa ang pananakit sa kanila ng mga lalaki ng Legaspi na ‘yon. Kung sino man siya!
I felt bad for Darell, hindi naman talaga siya dapat nandito. Minsan nakakatulog ako nang hindi ko namamalayan dahil din sa pagod. Lalo na kaya siya na kakasimula lang sa law school?
Bumuntong hininga ako nang umupo na naman siya sa tabi ko. “Umuwi ka na, Darell,”
“Ayoko,” aniya at inilapag ang dala niyang plastic bag sa tabi niya bago siya umupo. “Kumain ka na,” kumuha siya roon at ibinigay sa akin.
I only glanced it then immediately looked away. “Wala akong gana,”
Bumuntong hininga siya at hindi na nakipagtalo. Alam niyang ako lang ang mananalo. Ngayon ay naka-sweatpants siyang kulay gray at black t-shirt. Gulo-gulo pa ang buhok niya at halatang pagod na ang mga mata niya.
“Your parents said you should go home.”
“Ayoko nga eh! Inis kong sigaw sa kanya. He flinched because of that. “Kung gusto mo, ikaw ang umuwi!” Sigaw ko pa.
Maya-maya ay umiiyak na naman ako dahil sa pagsigaw ko sa kanya. Nakahawak lang ako sa mukha ko at tahimik na umiiyak. He hugged me.
This is exactly what he is on my book. I wrote many books about him so other people can relate on how much I hate him and how much I love him at the same time.
Pagkalabas namin sa Ospital kasama ang pamilya ko ay bihira ko na lang siyang makita. Nag-aaral ‘yon ng mabuti, lalo na’t mataas ang expectations sa kanya ng parents niya dahil siya na lang ang natitirang anak.
Mabuti na lang at hindi pa pumupunta rito ang Legaspi na ‘yon at ang mga alagad niya. Sinabi nila sa mga magulang ko na babalik sila sa isang linggo.
“Nak, kumusta na kaya si Darell?” Tanong sa akin ni mama habang nanonood kami ng balita.
Ang balita ay isa na namang babae ang nabaril. Parehas na parehas kung paano namatay ang ate niya.
“Dalhan mo kaya ‘yon ng pagkain? Kawawa naman ‘yung batang ‘yon. Pag tinitingnan ko siya parang wala siyang kahit anong emosyon. Pati mata niya, blangko. Namanhid na ‘yon.” Si papa naman.
Tumango ako.
Pasasalamat na rin nila kay Darell sa pagsama sa akin sa Hospital noong binabantayan ko pa sila kaya tinulungan nila ako roon. Strikto ang mga magulang ko at ayaw nilang lumalapit ako sa lalaki. Hanggang ngayon. Pero iba sila kay Darell.
Tumawag ako kay Jaimme para malaman kung saan nakatira si Darell pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kay Aaron naman, hindi ko alam ang number kaya kay David ako nagtanong.
“Hello?”
“Hello, can I talk to David, please?”
“Sino ka?” Tanong niya kabilang linya.
“Si Kahel, alam mo ba ang bahay ni Darell?”
“Sa Las Palmas lang alam ko. Hindi ko alam kung saan banda.”
“Salamat. I-kumusta mo na lang ako kay Lychie.” Sabi ko.
Natahimik siya roon.
Pinatay ko ang tawag.
Ako na lang ang pumunta sa Las Palmas. Mabuti na lang at kilala ang pamilya nila roon kaya nalaman ko agad ang bahay nila.
Nagdoorbell ako sa gate. Saktong nakita ko si Jaimme palabas ng bahay nila at tila may hinahanap. Nang makita niya ako ay pinagbuksan niya ako ng gate.
“Nakita mo si Darell?” Sabay naming tanong sa isa’t isa.
Napahawak siya ng ulo niya. “Shit.”
Kinabahan agad ako roon.
“Hindi ko siya ma-contact.” Sabi ko.
“Ako rin,” she sighed. “His parents flew back to Italy. Iniwan siya rito. I don’t know what happened but I’m pretty sure they had a huge fight. I’m so worried.” Naiiyak niyang sabi.
“Wala siya loob?” Tanong ko.
Tumango siya. “I’ll find him. Please help me.”
I nodded. Siya ay dumiretso lang palabas pero naiwan ang mata ko sa bahay nila Darell. Malaki iyon pero sa vibe pa lang ng bahay ay parang wala na ang buhay. Lalo na sa colors.
Tumakbo ako sa loob ng bahay dala-dala ang bag ko, puro luto ng mga magulang ko ‘yon para sa kanya.
“Darell?” Nilakasan ko ‘yon. Umiikot ang paningin ko para makita kung nasaan siya. “Si Kahel ‘to! Nasaan ka?” Tanong ko ulit.
Tahimik lang ang bahay nila. Halos wala na rin ang mga gamit sa bahay, parang lumipat na ang mga tao rito.
Wala ‘ata siya rito. I should go out.
Paalis na sana ako nang makarinig ako ng hikbi mula sa kung saan.
Nanlaki ang mga mata ko at sinundan ko ang tunog na ‘yon. Nakita ko ang isang tagong hagdan pababa, may pinto sa dulo no’n!
Tumakbo ako palapit doon, mas lalong lumalakas ang hikbi.
Pagbukas ko, nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. I saw Darell there in his pajamas. Hugging both of his knees while crying. Malakas ang pagkatok niya sa ulo niya habang umiiyak.
“Darell!” Napaupo agad ako para daluhan siya. “Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?”
“B-Bumagsak ako sa exam…” Hirap niyang sagot. “T-They left me for good. My… parents. My family…” Mas lalong lumakas ang pagkatok niya sa kanyang ulo. Lumakas din ang pag-iyak niya.
Pilit kong inaalis ang kamay niya sa ulo niya at niyakap siya nang mahigpit. Sunod-sunod din ang pagbagsak ng luha ko habang pinapanood siyang ganoon sa sarili niya.
Tumambad sa akin ang maraming dugo sa bisig niya. He harmed himself! Nakita ko ang blade at kutsilyo sa baba, iyon ang ginamit niya para saktan ang sarili niya.
Napahagulgol na ako at mas lalong hinigpitan pa ang yakap sa kanya. Hinawakan ko ang buhok niya, “Shh… Nandito ako. Nandito ako, Darell. H-Hindi kita iiwan. Sasamahan kita. Huwag mong sarilihin ang problema mo. Magsabi ka sa ‘kin. I won’t judge.”
Yumakap siya sa akin at umiyak sa dibdib ko. Nakatagilid ang kanyang mukha at tila pinapakinggan ang tibok ng puso ko.
“H-Huwag mo a-akong iiwan…” He cried more and buried his face on my neck. “Ayoko na… A-Ayoko nang mabuhay! Hindi ko na kaya. Tinapon ko lahat… Pati pangarap ko. W-Wala na akong silbi ngayon kasi bagsak a-ako! I-Iniwan na ako nila mama.” Umiiyak pa rin siya.
Ilang minuto ko siyang pinakalma bago mawala ang paghagulgol niya, ngayon ay tahimik na lang siyang umiiyak habang nakayakap sa akin.
“B-Bakit hindi mo ako tinawagan?” Nanghihinang tanong ko sa kanya noong makita ko muli ang sugat niya sa kamay. Mas lalong bumilis ang pag-uunahan ng luha ko. Napatakip na lang ako ng bibig habang pinapanood ko siyang umiyak nang tahimik. “I-I’m sorry…”
Umiling lang siya habang umiiyak. Hindi siya nagsalita.
Maya-maya ay nag-angat siya ng tingin. Nawala na ang luha niya pero namamaga at namumula ang mata niya. Aalisin na sana niya ang yakap ko sa kanya nang higpitan ko ‘yon.
Nanubig muli ang mga mata niya dahil sa ginawa ko. Umiyak ulit siya.
Yumakap siya sa akin nang mahigpit. “Kahel, I-I love you…” His scarred forearm with full of blood covered my body.
Noong kumalma na kami pareho, ginamot ko ang kanyang mga sugat habang siya ay nagk-kwento sa akin ng nangyayari. Nasa island counter kami, parehas nakaupo. Parang hiyang hiya pa siya sa kinu-kwento niya dahil pinapanood niya ang reaksyon ko kada kwento niya, tila may iniingatan siya.
“Sabi ko sa ‘yo, huwag ka nang sumama sa akin sa Ospital, eh.” Bumuntong hininga ako.
Umiling siya. “It’s not your fault. I failed because of the pressure. Hindi ko kinaya.” Nang makita niya ang mata kong puno ng pag-aalala sa kanya ay ngumiti siya. “Joke! Kaya ko pa! Babawi ako next exam!” Tumawa siya.
Tumingin lang ako sa kanya, nangilid ang luha ko sa mata. “Wala ka manlang sinasabihan ng mga problema mo?”
Natahimik siya sa tanong ko.
Noong highschool kami, bago pa kami magkita, siya ang nakikinig sa akin sa mga rants ko about sa mga gago kong ex. Ganoon din siya sa iba naming mga kaibigan, nakikinig. Pero sinong nakikinig para sa kanya?
“N-Nakaka… Hiya.” Yumuko siya.
I hugged him again and kissed his cheeks. “Bakit ka nahihiya sa ‘kin? Ano pang silbi ng girlfriend mo?” Mahina kong tanong sa kanya at hinalikan ulit ang ulo niya.
Natigilan siya roon, naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya dahil sa sinabi ko.
“N-Naaawa ka lang sa ‘kin.” Aniya nang magtama ang mata namin.
I sighed and kissed his lips. “I’ve loved you since we were 16. And now that I’m your girlfriend, I’ll be here for you always. Remember that.”
Nangilid ang luha niya sa mata. “Promise?”
“Promise, Darell,” hinalikan ko ulit ang labi niya. “Sa ‘yo ako ikakasal. Sa ‘yo lang.”
Hindi ako naniniwalang nakabuntis ka. Kasi kung oo, bakit hindi mo pinanagutan ang batang ‘yon?
I know you more than you know yourself. You know your responsibilities.
And now that I can see the fragile Darell, I’m sure he did that for a reason.