Chapter 16: Kabanata 16: one call away

Kabanata 16

Nakakapagtaka at hindi na kami ginambala ng mga Legaspi na ‘yon nang kausapin ni Darell ang lalaki. Mukhang natakot noong sinabing nag-aaral siya ng batas.

For the first time in my life, my parents approved Darell and I’s relationship. I feel happy.

Bumalik din ako sa Italy. Sumunod siya sa akin para hanapin ang mga magulang niya. Noong nakita niya ang mga ito, nagsorry sa kanya. Pabalik na rin pala ang mga magulang niya sa Pilipinas pagkatapos ng tatlong buwan na pamamalagi nito sa ibang bansa.

Naiwan kami ni Darell sa Italy. Syempre, sanay na sa isa’t isa tapos laging magkasama, kaya…

“Darell, paabot nga ng damit ko,” I’m covered with the white comforter.

Siya naman ay kasalukuyang nagsusuot ng kanyang pants.

Hindi siya nagsuot ng pantaas. Nanatiling nakahubad iyon kaya kitang-kita ang katawan niyang puno ng pawis. Tumutulo pa nga ‘yon sa eight pack abs niya! Gulo-gulo pa ang buhok niya dahil sa kakasabunot ko.

Tumingin siya roon sa salamin saglit habang nagpupunas ng pawis. Umikot siya nang kaunti para makita ang nasa likuran niya.

“Jeez, akala ko blade lang ang magpapadugo sa akin. Kuko rin pala ng girlfriend ko.” Tumawa siya.

Binato ko siya ng unan habang tumatawa.

“Ba’t ka tumayo? Magpahinga ka muna,” aniya. “Magluluto muna ako. May casting ka pa mamaya.”

Kinuha niya ang pink silk pajama dress ko at isinuot iyon sa akin. Ini-stuck niya pa ‘yon sa ulo ko kaya nagpumiglas ako pero pagkababa niya no’n sa dibdib ko ay pinatakan niya ako ng halik sa nuo.

“I’ll do it. I love you.”

“Darell, mawawala rin ‘to---”

Humarap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. “Sa susunod pala dapat hindi na ako magpigil, para hindi madaling mawala ‘yung sakit.” Ngumisi pa ang walanghiya.

Napangiti tuloy ako roon. “Bastos!”

“Sus!” Humalakhak pa siya ulit bago pumunta sa kusina para magluto.

Parehas naming ipon ang ginamit namin para rito. Isang buwan muna siya rito habang naghihintay pa sa next exam niya. Pagkatapos no’n ay uuwi na siya ng Pilipinas at maiiwan ako rito.

Nakahiga lang ako roon habang nagrereplay sa utak ko ang nangyari sa amin kagabi. Napakagat tuloy ako ng labi ko.

“What are you thinking?” He asked, leaning on the doorway.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam ang dahilan. Nahiya ako bigla!

Shit, Kahel! Ang halay mo!

Parang namanhid ang buong paa ko. Sa loob loob ko ay napuno ko na ng mura ang sarili ko kakabukas ng binti kagabi para sa kanya.

Umalis siya saglit at may kinuha sa kusina. Pagbalik niya ay inilapag niya ang plato sa mesa. “Breakfast.”

“Wow,” komento ko nang makita ang luto niya. Hindi ko alam ang tawag doon, basta puro dahon! May fried egg tapos kanin. Tapos puro gulay. “Kailan ka nakakuha ng gulay?”

“Binili ko kagabi bago tayo nag---”

“Hoy!” Namula ang pisngi ko roon. “Pinaghandaan mo pa talaga!”

“Bakit? Ayaw mo ba?” Pang-aasar niya. “Ibang breakfast ‘ata gusto mo, eh.” He chuckled.

I glared at him. Ang aga aga, ganyan siya!

Lagi siyang nakasunod sa bawat casting ko sa buwan na ‘yon. Pati sa test shoots para sa aking portfolio, hatid-sundo ako. Kahit wala pa siyang kotse! Estudyante pa lang kasi kami pareho.

“Tayo ka riyan,” aniya at inilabas ang cellphone. “Damn it, my girlfriend looks so pretty.” Namumula pa ang pisngi niya noong sinabi niya ‘yon.

Hindi pa ako ready pero sunod-sunod na ang shutter sound. Ang dami niyang kinuhang picture!

“Darell, isa pa, hindi pa ako ready!” Tumakbo ako papunta roon sa malaking puno na may pabilog na putting fence.

As usual, casting outfit pa rin ang suot ko. Ngayon, white na square neck at light blue skinny jeans naman ang suot ko.

Puro kami picture ni Darell doon.

Dahil nasa Milan kami ngayon, dahil doon ang lugar kung saan maraming castings, hindi na kami lumayo. Parehas kasi kaming walang pera, baka hindi pa siya makauwi ng Pinas kung pumunta pa kami sa Venice!

Sa Milan Cathedral kami pumunta. Duomo di Milano ang pangalan. Nagsimba kami tapos nagpicture pagkatapos!

“Ang tagal mo magdasal, ang dami mo sigurong wish.” Sabi ko sa kanya.

Naka-navy blue colored polo siya at kulay dark gray na pantalon. Nakababa ang buhok niya, hindi na siya nakapagready dahil hinila ko siya sa higaan kaninang umaga!

“Marami talaga,” he scoffed. “Pinagdasal ko na sana maging successful ako para sa ‘kin ka ikakasal at walang problema sa pera ang magiging anak natin.” Nagtaas baba pa ang kanyang kilay.

Tumawa lang ako at kumapit sa braso niya.

Naka-dress naman ako ngayon na puti. Mahaba iyon nang kaunti dahil nga nasa simbahan kami! Ang ganda rito, para akong nananaginip.

“Sa susunod, sa Dubai tayo,” aniya at ngumiti sa akin.

“Tapos ‘yung favorite mo, Iceland.” Sabi ko at matamis siyang nginitian. Hinalikan niya naman ako sa labi.

“Paano mo nalaman ‘yan?” Tanong niya, umupo kami sa pinakamalapit na bench.

“Sinabi mo sa group chat noong ‘friends’ pa tayo,” umirap ako.

“Ah! Oo nga pala,” tumawa siya. “Pero gusto mo sa Dubai eh, kaya roon muna tayo.”

“Eh gusto mo sa Iceland, doon muna tayo!”

“Hindi, gusto ko ikaw ang mauuna!” Pamimilit niya.

Nagswimming din kami sa ilog. Naglalandian lang ‘ata kami sa gala namin, eh! Nakayakap lang ang paa ko sa bewang niya habang hinahalikan niya ang leeg ko.

“Darell… baka may tao,” bulong ko sa kanya.

“Wala ‘yan…” Pamimilit niya at hinalikan ako sa labi. “Gusto ko ng baby…”

Lumayo ako sa kanya dahil doon. “Wala nga tayong pera eh, estudyante pa tayo tapos baby!?” Bulyaw ko sa kanya.

“I mean dogs.” Tumawa siya. “I want a dog, as our child for now.”

“Arf!”

Muntik na akong lumubog dahil naalis ang pagkakayakap ng paa ko sa bewang ni Darell. Nagulat ako sa tahol ng aso!

“What’s that?” Tanong ko sa boyfriend ko pag-ahon ko. Nakatakip pa ang basa kong buhok sa aking mukha, siya na ang nagtanggal no’n.

“Cute,” komento niya bago tingnan ang aso. “That’s a Bracco Italiano dog.”

“Alam mo agad?” Gulat kong sabi at napatingin doon sa aso nakahawak ako sa bato para hindi lumubog, hindi ako marunong lumangoy.

Hinawakan niya ang bewang ko, kinuha niya ang dalawang binti ko para paghiwalayin at iyakap muli sa bewang niya. Inilagay niya ang dalawang kamay ko sa leeg niya biglang suporta.

“Of course, honey,”

Lumapit agad sa amin ‘yung aso.

“Paano kung mangagat ‘yan?” Kinakabahang tanong ko noon palapit na ‘yung aso. Humigpit tuloy ang yakap ko sa kanya.

“Mabait ‘to,” tumawa siya. “Chuchu!” Tawag niya roon sa aso.

“Paano pag may nagmamay-ari na riyan?” Tanong ko ulit.

“Mukha bang may nagmamay-ari sa kanya?” Sarkastikong tanong niya at tumingin sa maruming pangangatawan ng white and light brown colored dog.

A baby dog!

Inahon niya muna ako bago siya umahon. Nagtago ako sa likuran niya habang siya ay pinapalapit ang aso.

“Come here, little boy,” aniya. Lumapit naman agad ‘yung aso. “Very good.” Itinaas niya ‘yon at inilagay sa bisig niya bago ipakita sa akin.

Hinawakan ko ‘yung aso. Mabait nga! Mukhang nagustuhan pa ang paghawak ko sa kanya.

“Ayan, natupad agad ang gusto mo, may baby na tayo!” Ngumiti ako at excited na kinuha sa kanya ang baby namin. “Hihi, ang cute cute naman nito. Babae ‘di ba? Sayelle ang pangalan niya!” Sabi ko agad.

“Sayelle? Bakit Sayelle?” Tanong niya.

“Eh kasi, gusto ko katunog ng pangalan ko. Dapat talaga Cielle, kaso para sa anak na natin ‘yong dalawa pagkatapos ni Sayelle.”

Pinaliguan namin ‘yung aso para luminis bago ko hinalikan nang hinalikan. Dinala namin sa apartment iyong aso. Buti at pwede ‘yon!

“Ang cute cute!” Pinisil ko nang bahagya ang pisngi nito. “Darell, bantayan mo ang baby natin. Maliligo lang ako.” Paalam ko sa boyfriend ko na tinanguan niya naman.

Pagpunta ko sa cr ay kumanta na agas ako dahil sa sayang nararamdaman.

“I’m only one call away… I’ll be there to save the day… Superman got nothing on me. I’m only one call away…” Pagkanta ko sa kanta ni Charlie Puth. Naadik ako roon dahil kay Darell!

Mahaba pa ang kinanta ko hanggang sa sumunod na si Darell.

“Superman got nothing on me… I’m only one call away,” he sang with his deep voice. “When you’re weak, I’ll be strong… I’m gonna keep holding on… Now don’t you worry, it won’t be long. Darling, if you feel like hope is gone, just run into my arms, I’m only one call away…”

He sang It like he’s telling me the meaning of the song. That he’ll be there for me when I call him. Like we’ll be here for each other.

Paglabas ko ng cr ay nalaglag ang panga ko nang makita ang anak namin at si Darell doon sa kama. Nakahiga ang anak namin.

“Darell, anong ginawa mo sa anak ko!?” Naiiyak kong tanong.

“Nilagyan ko ng diaper,” clueless niyang sagot.

Tuwang-tuwa ako sa nakita ko. “Ready ka na talagang maging tatay!” Sigaw ko at nagtatalon sa higaan.

“Talaga?” Kuminang ang mata niya at nakitalon din. Umalis tuloy ang anak namin sa higaan.

Hinawakan ni Darell ang mga kamay ko at sabay kaming tumalon-talon.

“I’m only one, call away!” Kanta namin pareho.

Naghampasan kaming dalawa ng unan. Pati tuloy si Sayelle ay kawag nang kawag ang buntot at tuwang-tuwa sa nasasaksihan niya.

Lagi naming dinadala ang anak namin kahit sa castings. Siya ang papa, ako ang mama.

Para kaming tunay na pamilya. We made family and we’re happy in our little home… We feel home when we’re with each other.