Chapter 14: Kabanata 14: couple in Italy
Kabanata 14
Pagka-graduate ko ng accountancy ay naghanap agad ako ng trabaho. Magna cum laude ako nagtapos ng college kaya naman nagkaroon ako ng chance para makahanap agad ng mapapasukan.
Nag-ipon ako para makaalis ng bansa. Wala na rin kasi kaming gaanong koneksyon ng mga kaibigan ko dahil busy sila sa kani-kanilang problema at trabaho. Iyong mga pinapadala ko sa pamilya ko, sino-sobrahan ko para wala silang masabi.
Sa mga taong ‘yon siya lang ang nasa isip ko. Hindi ako nakapagboyfriend ulit. Never naging kami pero hindi ako maka-move forward.
“Miss Kahel?”
Pinapasok na agad ako noong babae para sa casting ito ang first time ko na casting bilang isang model.
Dalawang linggo simula noong nakalipat ako ay nakilala ko ang mga kawani ng agency. Nagustuhan naman nila ako. Pero dahil hindi ako ganoong kasing tangkad ng mga kaibigan kong higante dahil 5’7+ ang height nila, pang commercial pa lang ang pwede sa akin sa ngayon. Posible ako sa runway, pero kailangan doon ng popularity. Lalo na sa editorial modeling.
Hindi ako natanggap sa first casting ko. Nakakailang casting na ako pero wala pa ring tumatanggap sa akin. Nagtry ako sa online submission, tapos ayun! Sinwerte, nakapasok! Doon talaga sa mas malaking kumpanya kesa sa mga pinapasukan ko noon na ni-reject ako.
And after a year, may pangalan na ako. May time na muntik na akong matanggal sa agency namin. Noong nagsisimula pa lang ako. Wala kasing nagb-book sa akin kahit na halos manigas na ang katawan ko dahil sa gutom at pagod kakalakad papuntang castings.
Pero ngayon, meron na! Matunog ang pangalan ko sa Italy at Turkey. Mga kumpanya kasi roon ang kadalasang nagha-hire sa akin sa commercials. More on beauty commercials ang coverage ng trabaho ko.
Habang nasa isang shoot ako ay tumawag ang parents ko. Bawal ang cellphone doon kaya tumingin ako sa paligid. Nakatingin silang lahat sa akin.
“Go ahead, answer it.” Mary, one of the staffs said. “Don’t worry, the boss likes you very much. She would allow you to answer the call to if she was here. Just be here before Regina finishes her shoot, ‘kay?” She added with her italian accent.
I nodded and answered the phone. It’s Poseidon.
“What is it now?” Mahina, ngunit iritado kong tanong. Inikot ko ang paligid kung may tumitingin sa akin pero dahil lumabas ako ng kwarto ay pader lang ang nandito.
“Ate, bumalik ka raw sa Pilipinas!”
“Ano? Bakit ako babalik d’yan?” Nanggagalaiti kong tanong.
“Iyong bahay natin, inaangkin ng mga Legaspi! Pag daw hindi tayo pumirma, sisirain daw ‘yung bahay natin!”
“Edi sirain nila! Magdedemandahan kami kahit sa impyerno. Sino ba ‘yang mga gagong ‘yan?” Inis kong tanong at sumulyap ulit sa paligid. “Teka nasa trabaho ako. Tatawag ulit ako mamaya.”
“Ate wait lang! Sa ‘yo kasi nakapangalan ‘to, pag ‘di ka pumunta agad baka hindi sila matuwa. Sinasaktan nila kami!”
“Ano?” Nanlaki ang mga mata ko. “Paano kayo sinasaktan?”
“Hinahampas kami nila mama! Nagkakanda pasa-pasa na nga ang katawan ko. Lalo na kay papa dahil nilalabanan niya iyong mga lalaki! Ate please umuwi ka na, natatakot na kami---”
Biglang namatay ang tawag. Natulala ako roon.
Pagtapos ko ng shoot ay lumabas agad ako. Lagi akong natatapilok dahil hindi pa ako gaanong sanay sa ganitong kataas na heels tapos tumatakbo pa ako. Nakalimutan ko pa ang sleepers ko sa nirerentahan kong bahay. Hays!
Pumara agad ako ng taxi. Pagkabukas ko ng pinto ay umupo agad ako at nagseatbelt. Pagtingin ko sa labas, nakita ko si Darell na nakapanlamig pa na damit.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya roon. Pupuntahan ko sana kaso dumiretso na ‘yung taxi.
“Excuse me, can you please stop the car---”
“No english, no english,” umiling ang driver. “Scusami ma non riesco a capire di cosa parli.” (I’m sorry but I can’t understand what you speak.)
Napasabunot ako ng buhok ko at tumingin sa likuran. That guy is shamelessly looking at me with a smirk on his face, he’s teasing me!
Hinanap ko agad ang cellphone ko para magtranslate. “Uhh… per favore ferma la macchina, penso di aver visto mio fratello da qualche parte e mi sta venendo a prendere.” (please stop the car, I think I saw my brother somewhere and he is coming to get me.)
Tumango naman ito at huminto.
Mabilis akong tumakbo palabas. He’s still standing there. Naka-black wool coat pa ang walanghiya! Sa loob ay simpleng gray na turtle neck lang ang suot niya. Then a black pants.
“Tarantado ka, anong ginagawa mo rito!?” Pasigaw kong tanong sa kanya.
Ako naman ay naka-black lang ako na long sleeves at kulay dark blue na skinny jeans.
His quiff hair is slicked back. Bakit mukha siyang mayaman--- anong ginagawa ng demonyong ‘to rito? Nagsama-sama na ang kamalasan ko at dumagdag pa siya!
“Chill, I’m just here for vacation.” He amusedly smiled at me. He checked me out from head to toe. “Narinig ko ‘yon, you referred me as your brother.”
“At paano mo ‘yon narinig? Ang layo-layo no’n at hindi naman ganoong kalakas? At paano mo ‘yon naintindihan?” Sunod-sunod kong tanong.
Tumawa siya. “I’m half Italian, signorina,” pinitik niya ang noo ko kaya napahawak ako roon, handa na siyang suntukin pero tumawa lang siya.
May kasalanan siya sa akin, pero bakit parang wala akong sama ng loob sa kanya kahit konti? Bakit parang kilalang kilala ko siya?
“Namiss kita, alam mo ba?” Sabi niya. “Pinag-ipunan ko ‘yung pagpunta ko rito.”
“Eh bakit ka nga pumunta rito!?”
He sighed. “It’s because I want to see you.”
I scoffed. “’I want to see you’ mo mukha mo! Aalis na ako ngayon dito dahil kailangan ako sa Pilipinas! May mga kampon si Satanas na nananakit sa pamilya ko!” Galit kong sabi. “Kailan ka pa pumunta rito?”
“Magkasabay lang tayo umalis.” Aniya.
Nanlaki ang mga mata ko. “Ano? Sinundan mo ‘ko?”
He innocently nodded like it was nothing. “Well, I’ve always wanted to see you on your castings abroad but since what I saved is not enough, I can’t go. Kaka-graduate lang natin ng college, ‘no. Magre-review pa ako pag-uwi para sa CPALE.”
“Oh, e bakit ka pa tumuloy dito? Dapat nagreview ka na lang!”
Tiningnan niya ako na para bang sinasabi niya sa akin ng indirekta na wala ba akong common sense? Ganyang tingin lang ang nakikita ko sa mga mata niya.
Lumapit siya sa akin. Nasa tabing kalsada lang kami! May mga dumadaan pang sasakyan.
Akala ko may gagawin siyang masama pagkalapit niya sa ‘kin pero wala! Ipinatong niya ang kanyang noo sa aking balikat.
“Seeing you gives me strength.”
“Noong college tayo, lagi mo ‘kong pine-peste! Pati mga ka-date ko, tinatakot mo! Wala tuloy akong naging boyfriend.”
Buong college life ko ay para siyang stalker na sinusundan ako kahit saan. Hindi ko siya pinapansin noon dahil sa sama ng loob ko sa kanya pero dahil taon na rin ‘yon at wala akong balita sa mag-ina niya ay nawala iyong galit ko sa isipan.
Nag-angat siya ng tingin at hinalikan ako sa labi. “Ako na lang boyfriend mo, I volunteer.”
Kung makapag-usap kami ngayon ay parang wala lang na nalaman ko noon na nakabuntis siya!
Galit pa rin ako sa kanya.
That’s how I started thinking about revenge.
“Boyfriend ko? Eh wala ka pa ngang trabaho.” Tinaasan ko siya ng kilay.
“Aba, malapit na! Hintayin mo lang.” Ngumisi pa ang walanghiya. “About doon sa sinasabi mong kampon ni Satanas, anong meron?”
“Iyong Legaspi ba ‘yun? Basta ganoon ang sinabi ni Poseidon sa akin. Basta gusto nilang angkinin iyong bahay at lupa namin. Kapag ‘di kami pumayag, gigibain. Sa akin kasi nakapangalan kaya sinaksaktan ang pamilya ko para bumalik ako.”
Nawala ang ngisi ni Darell pagbanggit ko pa lang sa pangalawang salita.
“Uuwi na ako. Sasabay ka ba?”
Agad naman siyang natauhan doon at tumango. “Oo. Sabay tayo. Kailan?”
Noong nasa airplane na kami ay puro siya tanong sa akin kung anong nangyari sa buhay ko. Ni hindi nga siya nagku-kwento tungkol sa buhay niya, eh. Sa buhay ko lang siya interesado.
“Eh iyong Kiolo, nireject mo na?”
I gave him the ‘hindi ba obvious?’ look. Agad naman siyang natuwa roon.
“Yes!” mahinang pagdidiwang niya.
Natawa tuloy ako!
Pag uwi ko sa Pilipinas ay siya pa rin ang kasama ko. Nakita ko ang kaba niya pagpasok pa lang doon sa bahay namin.
“Ayos ka lang ba?” Para kasing mas kinakabahan pa siya sa akin.
He gave me a small smile and nodded. Nauna na siyang pumasok sa loob.
“Ma? Ma!” Napatakbo ako at umupo sa sahig para makatabi si mama. Walang malay ang mga magulang ko. Si Poseidon, nawawala!
“Poseidon!” Sigaw ko, umiiyak na. Bumaba si Darell galing sa hagdan, may binubuhat siya pero dahil may nakatabing na lamesa ay hindi ko matanaw. “Nakita mo ba ‘yung kapatid ko roon?”
He bit his lip and nodded. Tumambad sa akin ang dugaang si Poseidon, buhat-buhat ni Darell.
Pagbaba niya sa kapatid ko ay sinuntok niya ang pader dahil sa frustration.
“Poseidon,” bahagya kong inalog ang kanyang pisngi para gumising. “Poseidon, nandito na si ate. Nandito na si ate mo…” Naiiyak kong sabi.
Natigilan si Darell dahil sa sinabi ko. Maybe he remembers his sister.
“Fuck,” nahihirapang sabi niya. “I’ll make them pay for this.” His bloodshot eyes stared at my unconscious family.
Iyak lang ako ng iyak doon habang ang kapatid ko ay nakahiga sa binti ko. Sa kamay ko naman ay ang mama at papa ko na pinilit kong ginigising.
I hope I’m not late!