CHAPTER FIVE
Selena's POV
Isa-isa silang nag alisan at tanging si Hades at Headmaster na lang ang natira.
"Miss Selena, makakalabas kana mamaya wala naman kaming kakaiba na nakita sayo pagkagising mo" nakangiting sabi ng Healer
"That's good to hear... " sabi ni headmaster at bumaling sa akin.
".... and Selena pumunta ka bukas sa office ko para mag enroll ok? sa ngayon pumunta ka muna sa dorm mo at magpahinga"
"Dorm? Enroll? pero wala po akong pera pangbayad HM" nakayuko kong sabi rito gusto ko mang mag aral rito pero wala naman akong pera pang gastos. I sighed heavily.
"Ohh child, ang pag aaral rito sa Exousia Academy ay walang bayad lahat libre kaya aalahanin pa and about sa dorm mo pinaayos ko na kila Hera iyon at magkasama kayong walo doon pag sinabi kong lahat, lahat ng kakailangan mo ay nandoon na" nakangiti parin nitong sabi sa akin.
Binigyan ko naman ng nakakahiyang ngiti si HM.
"Salamat po HM, maraming salamat po"
"Nahh don't mention it ah Hades ikaw na bahala kay Selena ok? I have to go marami pa akong gagawin sa office" yun ang huling sinabi ni HM bago siya umalis.
Kami nalang dalawa ni Hades ang naiwan dito kaya naiilang ako lalo na at kanina pa ito nakatitig sa akin. Napatingin ako rito ng magsalita ito.
"Selena Zaffiro Sicillian, is Zaffiro is really your name? not your middle name?" malamig nitong tanong sakin
"A-ahhm... sabi ng foster parents ko noong nakita nila ako sa labas, may papel na nakalagay dun at nakasulat ang pangalan ko, and Sicillian naman ay ang apelyido ng umampon sakin" paliwanag ko rito
Titig na titig naman ito sakin at inilapit ang mukha niya sa tenga ko kaya umiwas ako ng tingin.
"You're beautiful Selena, beyond beautiful" bulong nito sa akin na ikinapula ng mukha ko.
Bahagya ko naman itong tinulak
"A-ahh.... a-ano.. punta na tayo... sa ahmm dorm?" sabi ko rito muntik pa akong matumba ng tumayo ako buti nalang at nasalo niya ako.
"I can't feel my feet" nag aalala kong sabi, inalalayan niya akong makaupo ulit at walang pasabi na binuhat ako ng pa bridal style.
"Let me carry you, isang buwan karin nakahiga kaya ganiyan don't worry hihilotin ko yan pagdating natin sa dorm."
"Hihilotin mo a-ako?" nauutal kong tanong rito.
"Yes. I'll take care of you. So yeah you're now under my care."
Ang sarap pala sa feeling kapag may ibang nagaalaga at nagaalala sayo.
Tatay, Nana I'm in good hands now. Thanks for the sacrifices you did for me.
— s4ucevenomous