CHAPTER SIXTEEN
Selena's POV
Hindi na kami nag aksaya ng oras at nagsipuntahan na kami sa boundary. Nararamdaman ko ang maraming presensya, marami sila. Pumikit ako at hinahanap ang isang presensya. Wala siya dito. Tanging mga alagad niya lang. Bigla akong napadilat ng maramdaman kong may paparating na bolang apoy sa akin, agad akong umiwas at tumalon sa kaliwang bahagi ng gubat.
“nice reflexes huh” nakamaskara ito ng isang joker pero alam kong babae ito dahil sa tindig nito.
“nice butt huh” balik kong saad sa kanya.
Nakita ko ang paglaki ng kanyang mga mata, hindi ito nag dalawang isip at sinugod ako. Sunod-sunod ako nitong pinaulanan ng apoy. Iwas lang ako ng iwas. Habang umiiwas ako, hinahanapan ko siya ng butas at saka aatake, hindi ako pwede magpa dalos-dalos sa pag atake. Nang makita ko na ito mabilis akong nag teleport sa likod niya at agad siyang sinipa sa tagiliran. Sisuntukin ko na sana siya ng mahuli niya ang aking kamay at hinila. Ang isa niyang kamay ay nakalagay sa aking bewang. Konting galaw ko lang ay mahahalikan ko na siya.
We both caught on guard. Nararamdaman ko rin ang lakas ng pagtibok ng kanyang puso. Bigla akong nabalik sa realidad at di nag atubiling hawakan ang kanyang leeg sanhi ng pagkalapat ng aming labi. As our lips met, I grab the opportunity, pinakawalan ko ang bolang enerhiya at malakas na hinampas sa kanyang batok upang mawalan siya ng malay.
“hmm... what a sweet soft lips you had.” bulong ko nito.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isipan at hinalikan siyang muli na wala nang malay.
“oh my god!”
Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang Royal Elites sa harapan maliban kay Hades.
“D-did... you just kissed him?” Poseidon ask with his shocked expression.
“I just give her a poison.”
“her?!” exaggerated na tanong ni Hera
Mas lalong napasinghap ang Royal Elites sa kanilang nalaman na babae pala ito.
“What's your problem idiots?”
“you just give her a kiss! a deep one! in fact, kaya mo naman mag lagay ng poison sa kanya without an intimate contact?!” Penelope
“Tangina mo Selena. Tomboy ka ba?” Gaia
“Masarapa ba Selena?” Vlasis
Lahat kami napatingin kay Vlasis ng sabihin niya iyon.
“Vlasis!!”
Inosente lang itong nakatingin sa akin, parang bata na naghihintay ng sagot mula sa kanyang guro.
“yeah, i kiss her two times and i like it.” sagot ko.
Nakanganga lang silang nakatingin sa akin. Hindi makapaniwala sa kanilang narinig.
“oh my god”
“potangina”
“wait.. I cant believe this”
Inikotan ko nalang sila ng mata. Ang OA. Normal lang naman iyon.
“Zeus, paki karga nga ito. Dalhin mo sa dorm ko.”
“dorm?!” hiyaw nilang lahat
“i mean sa dungeon.”
“akin na baka halayin mo na ito sa harapan namin”
Dali naman itong kinuha ni Zeus at nag teleport.
“Let's go, marami pa tayong tatapusin.”
Wala na akong narinig at nag kanya-kanyang pwesto na kami. Humiwilay na rin sila sa akin. Napaatras ako nang may tumalon mula sa puno. Napataas nalang ako ng kilay ng makilala ko ito.
“Really Selena?” matalim itong nakatitig sa akin.
“what now Hades” i just give him a bored look.
“so you like girls huh”
“nah ah, just her lips”
“better than mine?”
“yes. better than yours Hades.”
Nginisihan ko lang ito at mabilis na nag teleport papunta kung saan sila Penelope.
That's it Hades. Mainis ka lang. Mainis ka lang hanggang sa ipakita mo ang tunay na ikaw.
– s4ucevenomous