CHAPTER FOURTEEN

Selena's POV

I woke up and seeing myself inside the clinic again. I sighed. Magiging suki na ata ako sa clinic.

Hindi ko alam why HM needs to make some white lies. Kung bakit kailangan niya pa akong protektahan sa pamamagita ng pagiging ama nito sa akin. I'm confused. Who really am I?

I have this feeling na alam ni HM ang buong pagkatao ko na para bang alam niya ang magiging kahahantongan ko.

Nakatutok lang ako sa ceiling, may malalim na iniisip. Nasa ganoon akong sitwasyon ng makaramdam ako ng kakaiba sa hangin. Parang may binubulong ito. Dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata at dinamdam ito.  May paparating. Isang panganib.

Sa pag bukas ng aking mga mata, ang siyang pag pasok ni Penelope kasama si Poseidon. Kita ko ang gulat na ekspresyon sa kanilang mga mukha. I know that expression, because from my normal silver eyes turns into white, together with my hair.

"y-your... e-eyes.." nakangangang sabi ni Penelope habang si Poseidon naman ay nananatiling naka tutok sa akin.

"May susugod. They are lots of them. We have to warn them. We need to gather all the Elites. We need to protect all the students at all cost." ani ko sa malamig na boses saka dali daling lumabas sa clinic.

Naramdaman ko ang pagsunod nila sa akin. Alam kong gusto nilang mag tanong kung ano ang sinasabi ko pero pinipigilan lang nila ito. Lumiko kami sa kabilang pasilyo upang tahakin ang daan ni HM.

"How did you know? Na nasa HM office ang ibang Elites?" naguguluhang tanong ni Poseidon.

"I can feel their auras." saad ko saka binuksan ang pinto ng opisina ng HM.

Lahat sila ay napapatingin sa akin. Nagtataka sa kinikilos ko. Hindi na ako nagpa ligoy-ligoy pa at sinabi ang sadya ko.

"May pinadalang mensahe ang hangin sa akin. May paparating na kalaban." ani ko.

"What are you talking?" – HM.

"They are here to get the eyes of the Goddess. They are making another rebellion."

Nakatingin lang si HM sa akin habang may malalim na iniisip. Walang ni isang magsalita sa loob ng opisina. Nararamdaman ko ang kanilang pagkakakaba para sa mangyayare.

The eyes of a Goddess holds an internal power. Once you have it, you can destroy the world in just one snap. Not just in Magic Realm but also the other realms in the universe.

Alam ng lahat na nasa pangangalaga ng Academy ang mata ng Goddess. Matagal na nila itong gustong makuha-kuha pero hindi sila nag tagumpay. Nararamdaman ko na may malaki silang sandatang inihahanda para umatake sa Academy at kunin ang mata ng Goddess. Alam ko rin na matagal na nila itong pinaghahandaan.

Napatingin kaming lahat ng biglang tumayo si HM at pumunta sa kanyang bookshelves. May hinila siyang isang libro at nakita namin ang dahan-dahan nitong pag bukas. Lumingon siya sa amin pumapahiwatig na sumunod kami sa kanya.

Sumunod kami sa kanya at pumasok sa naka awang na bookshelves. Nang makapasok kami, isang tunnel pababa ang bumungad sa amin. Sumunod lang kami ni HM pababa, may ideya na agad ako kung ano ang ginagawa namin dito.

Nandito ang mata ng Goddess.

Sa pang huling baitang, may isang pinto ang lumitaw. Inilapat ni HM ang kanyang palad at sanhi ng dahan dahang pagbukas nito. Tuluyan na kaming nakapasok.

Nasa gitnang bahagi ang isang glass box na napapalibutan ng isang malakas na mahika habang naka lutang. Pero ang nakapag pagulat sa amin ay wala na itong laman. Tanging ang sisidlan lamang ang natitira.

"Matagal ng wala sa pangangalaga ng Academy ang mata ng Goddess. Eighteen years ago na ang nakalipas simula ng mawala ito. Pinaniniwalaang isang Goddess rin ang kumuha." He sighed.

"What?! So anong gagawin natin?! Susugod sila dito dahil akala nila nasa Academy pa ang mata ng Goddess! Oh My God! This is frustrating! Maraming estudyante ang madadamay!" Hera exclaimed. She's right.

"Calm down Hera." pagpapakalma ni Gaia dito.

"Calm down?! The fuck with you?! Paano ako kakalma kung may susugod sa atin?! I can already feel their presence! Malapit na sila!" nanggagalait nitong sigaw kay Gaia. She's right, nasa boundary na sila.

"Edi don't. Tangina mo pala eh. Alam mo naman di ba na hindi natin yun hahayaang mangyare. Gaga." Balik na sigaw ni Gaia dito.

Tahimik lang yung ibang Elites at nakikiramdam na rin sa paligid. Tama nga si Hera, malapit na sila sa Academy.

"So what's your plan, Selena?" baling ni HM sa akin. Kaya lahat sila nagatatakang tumingin kay HM at sa akin. "Since siya ang unang naka alam na sa mangyayare, why don't we entrust to this little battle to her?"

Lahat sila naka tingin sa akin. Inaantay ang gustong kong sabihin at kung ano ang magiging plano.

"It's simple." ani ko habang dahan dahang napangisi. "We will embrace them a very warm welcome. I won't allow any of them to enter the Academy. Sasalubong natin sila sa bakuna ng kagubatan and make it as a battlefield."

This is my home. Whoever dare to destroy my home, I will immediately send them to hell without mercy.

– s4ucevenomous