Chapter 1
NAPABALIKWAS ng bangon si Damielle Astin Villacorda. Muli na naman siyang dinalaw ng bangungunot ng nakaraan.
Aniya, apat na taon na mula nang mangyari ang insidenteng iyon ngunit paulit-ulit iyong bumabalik sa kanyang panaginip.
Buntong-hininga siyang tumayo sa kama. At tinungo ang mesang may nakapatong na alak. Mula nang mamatay ang kanyang misis ay naging pampatulog at pampakalma na niya ang alcohol.
"Naya's death is my fault." Tumungga siya ng alak. Sa mga taon na lumipas ay walang araw na dumaan na hindi niya sinisi ang sarili sa pagkawala ng kanyang kabiyak.
Humakbang siya habang hawak-hawak ang kopitang may lamang alak. Sa pagdaan niya sa harap ng salamin ay nahagip ng kanyang mata ang kanyang kabuuan. Naging dahilan iyon upang mapaharap siya roon. At tila may sariling buhay ang mga kamay niyang humaplos sa kanyang pisngi na may pilat. Malaki ang pilat na halos lamunin nito ang kalahati ng kanyang mukha. Nakuha niya iyon sa trahedyang nangyari. Matapos barilin ni Rio ang kanyang misis ay ikukulong siya sa isang silid at iginapos. Matapos iyon ay sinunog nila ang bahay na pinagkulungan sa kanya.
Nanguyom ang kanyang kamao nang sumagi sa isip niya ang tumatawang mukha ni Rio Costor.
"Hayop ka, Rio! Balang-araw, makakaganti rin ako sa'yo!"
Nagngitngit ang kanyang mga ngipin at nanlilisik ng kanyang mga mata.
"Maghintay ka lang dahil nalalapit na ang pagbagsak mo."
Nasa gano'n siyang ayos nang marinig niya ang sunod-sunod na katok sa pinto.
"Master! Master! Buksan niyo po ang pinto!" Tinig iyon ng kanyang kanang kamay, si Thano Miguero.
Buntong-hininga naman siyang lumapit sa pinto at binuksan iyon.
"Master! Kailangan niyo pong makita ang palabas sa TV."
Tila naman kumulo ang dugo ni Damielle Astin sa narinig. Aniya, binulabog siya ng kanyang tauhan para lamang sa walang kwentang bagay.
"I have no time---"
"Pero, master, nando'n po si Lady Naya."
Mariin namang naglapat ang labi ni Damielle. Malapit nang maubos ang kanyang pasensya. Aniya, mukhang nakalimutan na ni Thano ang utos niyang bawal banggitin ang pangalan ng yumao niyang asawa.
"She is already gone, Thano."
Umiling-iling ang lalaki.
"Hindi po ako maaaring magkamali, master."
Bago pa makaimik si Damielle Astin ay pumasok na ang tauhan niya sa loob ng silid at binuksan ang telebisyon.
Buntong-hininga na lamang na sumunod si Damielle Astin sa kanyang tauhan. Mula sa malaking screen ng flat screen TV ay kitang-kita ang pagrampa ng babaeng nakasuot ng bikini.
"Siya 'yong susunod, Master."
Mula sa screen ng telebisyon ay napukos ang makinis at maputing paa ng babaeng nakasuot ng heels na may mataas na takong. Kitang-kita ang magandang kurba ng katawan nito sa kulay pulang bikini na bumagay sa maputi niyang balat. Unti-unting tumaas ang camera hangang sa huminto iyon sa mukha ng kandidata.
Tila tumigil ang ikot ng mundo si Damielle Astin sa nakita. Malinaw niyang nakikita ang babaeng may mapungay na mga mata, matangos ang ilong at heart shape na labi nitong matamis ang pagkakangiti.
Tila naghurumentado ang kanyang puso.
"Naya." Mahinang usal niya.
Muling rumampa ang babae at puno ng kumpiyansang nag-pose sa harap ng mga hurado.
Kasabay nito ay ang pagsasalita ng TV host.
"Infront of you is candidate number six. She is Naya Faith Sevestre, twenty-six year old stunner from the City Mandelle. She is a model and an endorser. Once again, Candidate number six! Naya Faith Sevestre!"
Tila nabingi sa narinig si Damielle Astin Villacorda. Ang babaeng rumarampa sa national TV ngayon ay hindi lamang kamukha ng kanyang asawa kundi kapangalan at kaedad rin.
Ngunit paano nangyari iyon? Paanong ang namayapang niyang misis ay kandidata ngayon sa national beauty pageant.
"Nagpadala na ako ng tauhan sa lugar, Master. Utos niyo na lang po ang hinihintay."
Kaagad siyang napalingon kay Thano. Aniya, kahit kailan talaga ay laging maaasahan ang kanyang paboritong tauhan.
"Bring Naya home, Thano."
Napalunok naman si Thano bago siya nagsalita.
"Ang totoo niyan, kagagaling ko po kanina doon, Master."
Nangunot naman ang noo ni Damielle Astin.
"Noong isang araw pa po nakarating sa'kin na may nakita silang kamukha ni Lady Naya."
"And you never told me about this?" Nanlisik ang mga mata ni Damielle.
"Patawarin niyo po ako, Master. Gusto ko lang pong kumpirmahin muna bago ko po sabihin sa inyo. At saka kabilin-bilinan niyo pong bawal banggitin ang pangalan ni Lady Naya."
Napahilot na lamang ng sentido si Damielle.
"Alright! Pero sabi mo galing ka kanina roon? Bakit hindi mo pa iniuwi ang asawa ko?"
"Kasi po--" Tumigil ito na tila nag-aalangan sa kanyang sasabihin.
"Kasi ano?"
"Sinubukan ko pong lapitan sa backstage si Lady Naya pero hindi po niya ako nakikilala."
Lalong nangunot ang noo ni Damielle sa narinig .
"Hindi ko na rin naituloy na sabihin sa kanya ang totoo kasi bigla pong lumapit ang fiance niya."
Kulang na lamang ay umusok ang ilong ni Damielle sa narinig.
"Fiance? May fiance ang asawa ko?"
Alanganin namang tumango si Thano.
"At kilala niyo po kung sino ang lalaki."
Napabaling si Damielle sa kanya. Tila ba naghihintay itong ituloy ang kanyang sinasabi.
"Si Rio Costor po."
"No way!" Tila naman nagulat si Thano sa malakas nitong tinig.
"Pero iyon po ang nalaman ko, Master."
"No!" Umiling-iling siya. "
This can't be! Order our men, Thano. I want them to bring my wife here!"
"Pero master, live TV po show po iyan. Baka pa mahirapan po tayo."
"My word is the rule, Thano!" Mariing wika nito.
"Copy, Master. Paumanhin po."
Taranta namang kinuha ni Thano ang kanyang cellphone at tumawag sa kapwa niya tauhan. Muli na lamang napatitig sa telebisyon si Damielle habang abala sa pagbibigay ng instruction si Thano.
Nawala lamang ang atensiyon niya sa telebisyon nang matapos rumampa si Candidate number six. Sa mga sumunod na sandali ay halos lamunin na siya ng kaba. Paroon at parito ang kanyang lakad habang hinintay ang muling pagbabalik ng TV show. Mahigit limang minuto na ang commercial break ngunit hindi pa rin bumabalik ang palabas.
"Master." Nakuha ng atensiyon niya ang pagtawag ng bagong lapit na si Thano.
"Napalaban po ang mga tauhan niyo, Master. Hindi po sila nagtagumpay na malapitan si Miss Naya."
"At sa anong dahilan?" Kumpiyansa siyang magagaling ang kanyang mga tauhan kaya natitiyak niyang makukuha nila ang kanyang misis.
"Bantay sarado po siya ng mga armadong kalalakihan."
"Problema ba 'yon? Magpadala ka ng iba pang tauhan."
"Malabo pa rin pong makuha natin siya, Master."
Bago pa makaimik si Damielle ay nakuha ng atensiyon niya ang flash report. Ayon sa balita ay pansamantalang ititigil ang ang nagaganap na pageant dahil sa panggugulo ng armadong kalalakihan. Kalakip ng report ay ang paniniguro ng mamamahayag na walang nasaktan sa insidente.
"Hindi ba nasaktan ang asawa ko?"
"Hindi po, Master. Nandoon po si Rio Costor at iniuwi na po niya si Lady Naya."
Nagngitngit ang kalooban ni Damielle sa narinig.
"That man! Hayop siya! Hindi ako makakapayag na magtagumpay siya!"
Nanguyom ang kanyang kamao. Aniya, mukhang nagkakaroon na siya ng ideya sa nangyari. Nabuhay ang misis niya matapos itong barilin ni Rio. Hindi ito makaalala kaya naman sinamantala iyon ni Rio Costor. Umigting ang kanyang panga bago siya muling nagsalita.
"Babawiin ko si Naya!"