Chapter 10:
Everything I could not say.
Entry 80.
Dear Kiro North,
Hindi ko na sana pinaniwalaan si KD. You don't love me and that's the truth. Kailangan ko 'yon tanggapin kahit mahirap.
Masakit. Kasi kahit papaano alam ko sa sarili ko na umasa ako. Umasang baka mahal mo rin ako.
Maybe, it's already destined from the very start. Siguro hanggang magkaibigan na lang talaga tayo. Kasi 'yon naman talaga ang dapat.
We spent our whole life almost together. Siguro nga ito na talaga ang pagkakataon upang sarili mo naman ang pahalagahan mo at hindi ako.
Pero sana naman huwag mong kalimutan na may Kira South na laging nasa tabi mo upang samahan ka.
Whatever our relationship is, I will always just here to support you, always remember that.
You're my life, my home, my safe haven, Kiro. Don't ever forget that.
"Kira. . ."
Gulat akong napatayo nang marinig ang pamilyar na boses sa likod ko.
Dahan dahan akong tumalikod upang kumpirmahin ang boses na iyon.
Halos hindi ako makahinga habang pinagmamasdan ang lalaking naka-black hoodie na titig na titig na ngayon sa'kin. My heartbeat was pounding so loudly when our gaze finally met.
Napalunok ako sa sobrang kaba.
I'm doomed. Alam niya nang ako ang naglilinis ng kalat dito sa rooftop.
Napatingin siya sa bagay na hawak ko ngayon. Mabilis ko namang tinago ang walis sa likod ko. Shit! Lagot na talaga ako sa kaniya.
"So, ikaw pala ang naglilinis ng rooftop dito?" his voice is calmed yet dangerous.
"U–uhm... ano k–kasi," mas lalo akong kinabahan dahil sa uri titig niya.
"A–ano. . . yes, I am?" napangiwi ako sa sarili ko.
Nahihiya akong napayuko nang wala pa rin siyang sinambit na kahit isang salita.
"Kailan pa?"
Natigilan ako sa tanong niya. Bumalik sa'kin lahat ng ala-ala dati. Nagsimula 'yon noong first day of school. Sinundan ko siya dahil gusto ko sana makipag-ayos sa kaniya. I've been following him for almost two weeks bago ko nalaman na dito pala siya natutulog minsan. Dahil nga ang sobrang kalat noon dito ay napagdesisyunan kong linisin ito araw-araw. Gusto kong maging komportable siya habang natutulog dito sa rooftop. Noong una, naguluhan pa siya dahil bigla na lang luminis ang rooftop pero nang tumagal na ay nasanay na rin ito. Baka naisip niyang isa sa mga worker ng school ang gumagawa no'n.
Napakagat ako sa labi ko. Pilit na iniiwasan ang titig ng lalaking kaharap ko ngayon.
"Sorry. . . Kiro," I sincerely apologize.
"For what?"
"For—
"It doesn't matter now. Huwag mo na lang gawin pa 'yon," pinutol niya ang sasabihin ko sana.
"Hindi tayo obligado na alagaan ang isa't isa, Kira. So, please stop doing things for me." Dismiyado siyang napailing.
Nagkasalubong ang nga kilay ko sa sinabi niya.
"Hindi ko naman ginagawa 'to kasi obligado ako, Kiro! Hindi ako napipilitan, okay?! Ginagawa ko ito kasi gusto ko," diniinan ko ang bawat letra na binitawan ko.
What's wrong with him?! Tanggap ko na napipilitan siya sa'kin noon kasi obligado siya pero pati ba naman ang ginagawa ko ngayon ay pagdududahan niya? Hindi ako gano'n, at alam niya 'yon!
Marahas akong bumuga ng hangin bago umupo sa bench na tinutulugan niya. Pinilit kong kinalma ang sistema ko.
"Are you okay?" he voiced with concern. "I'm sorry. . ."
My heart starts to race. Matagal na rin simula nang naging concern siya sa'kin. It feels so familiar.
Inangat ko ang ulo ko upang magtagpo ang mga tingin namin. I smiled at him.
Napawi naman ang pag-aalala sa mukha niya nang makita ang mukha ko. He smiled back.
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Kinakabahan man ay pinilit ko pa ring balewalain na lang ito.
"Kira. . ." mahina niyang tawag sa pangalan ko.
"Uhm?" tugon ko.
"Can I sleep in your lap?"
My eyes widen because of his question. I averted my gaze away from him, but he's still trying make contact.
I slowly nod to his request. Halos hindi ako makahinga nang pinatong niya na ang ulo niya sa lap ko.
Nang maging komportable na ako sa posisyon namin ay doon lang ako kumalma. He always loves to sleep in my lap back then. Kahit noong bata pa kami ay ito na talaga ang ginagawa niya. Mas komportable daw siya matulog kapag alam niyang nasa tabi ko siya.
"Kiro?" I called his name.
"Ha?" he immediately response.
"Sama ka? Mag-sta-star gazing daw tayo sa sabado"
That's a lie actually. Wala talagang sinabi sila na gano'n. Gusto ko lang talaga makasama si Kiro sa sabado. Pero sigurado naman akong papayag silang mag-pinsan, kaya no worries.
"Sasama sina Kingdom at Ashley?"
"Oo, sila nga ang nag-aya e"
The things I do for love, tch.
"I'll go," he answered before closing his eyes.
I stared at him for a moment. I can feel my heartbeat beating faster than usual. I examine his whole face like it's some kind of a gem.
His features was almost perfect. He has this pointed nose, thin red lips, perfect jaw and black eyebrows.
Gusto ko sana hawakan ang mukha niya kaso natatakot akong baka magising ko siya.
I took a deep breath. I'm already contented with this, more than contented.
Unti-unti ko nang naiintindihan si KD. He's really right, we should love someone without expecting them to love us back. Less expectations, less pain.
Mamahalin ko si Kiro hanggang sa kaya ko. Susuportahan ko siya sa bagay na ikaka-saya niya. Papalakpakan ko siya sa bawat achievements niya. I will always be there in every milestones of his life. Because that's how loving is supposed to be.
"I will always love you, Kiro. . ." I muttered under my warm breath.
Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung kaya ko bang itigil ang nararamdaman kong ito. Pakiramdam ko siya lang talaga ang lalaki na mamahalin ko sa buong buhay ko. Kung hindi man kami para sa isa't isa, siguro tatanggapin ko na lang. His happiness is my outmost priority kaya kahit makahanap siya ng babaeng mamahalin niya kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya ay handa akong tanggapin ito.
Maybe, in another lifetime, pwede na. Baka sa next life namin ay kami na ang tinadhana. Lagi ko talagang pinagdadasal na kung hindi man kami para sa isa't isa ngayon ay sana sa susunod naming buhay ay ako na naman ang pipiliin niya, na ako naman ang mamahalin niya.
I will always love him in every lifetime, and I will never ever get tired of it.