Kabanata 7: Jericho, you're busted

"Have you heard about the senator's case? Grabe no? It was like it came straight from a crime genre novel. Sounds so fictional but feels so true."

"Yeah. Nakakatakot nga eh. Nawala siya for almost a month tapos nung nakabalik na siya parang wala lang nangyari sa kanya. Ang creepy!"

"Exactly! Usap-usapan nga, he's no longer the senator!"

"Eh ano?"

"He's a clone!"

Pagkapasok palang namin ni Echo dito sa classroom puro ito na ang naririnig ko. A news about a missing senator coming back without even a scratch in his whole body. Somehow people find it both amusing and chilling.

Is there something wrong about that? Hindi ba pwedeng hindi siya sinaktan dahil nakapagbayad ng ransom and such? Or that wala lang talaga sa bokabularyo ng mga kidnappers niya ang pumatay at manakit ng tao once ma-meet nila ang demands?

Hindi ba dapat masaya sila at nakabalik na si Senator?

And they keep on talking about clones and deep fakes in such worried and horrified voices. They keep on going and going and going. They talked nonstop, naririndi na ko.

Sa totoo lang, hindi naman sa sinasabi kong imposibleng mangyari yung mga pinaguusapan nila pero, the senator is back, without even a scratch, isn't that something to be celebrated? Diba dapat maging masaya sila na okay yung senator na yon?

So what's the problem? I really don't get these people sometimes.

And what about those clones? Deep fakes? Deep fakes are usually common, hindi nga lang napapansin or worst, pinapansin ng tao. Did they really think that those are only possible in their imagination? Tsk.

There's no impossible anymore in this era. Lahat na posible.

But strangely, I feel bothered too. Ewan ko kung bakit. My mind says ‘it’s okay, you don’t have to worry about something that is so out of your reach’ pero, somewhere deep down, I feel so bothered and concerned.

And yeah, she’s right. It sounds too fictional but it feels so real.

But.. Why do I have to trouble myself about these things? Why Shadow?

"Shadow!"

Agad na nagitla ako nang marinig ko ang pasigaw na pagtawag ni Echo sa pangalan ko. Nakakunot ang kilay na tumingin ako sa kanya habang ang dalawang kamay ko ay magkasalungat na nakapatong sa aking dibdib.

"Ano ba yon? Ba't naninigaw ka na naman?" inis na saad ko sa kanya habang diretsong nakatingin sa kanya.

Mabilis na tumabi siya sa akin at iniakbay ang kamay niya sa balikat ko, "Ikaw naman, masungit agad. Kanina pa kasi kita tinatawag pero parang hindi mo ko naririnig." mahinahong sagot niya. "Ano ba kasing iniisip mo?"

"Sa totoo lang ewan ko din, hindi ko alam." sagot ko na nagpakunot naman ng noo niya at bahagyang lumayo sa akin.

"Ewan mo? Pero nililipad ang utak mo sa kung saan?" natatawang saad niya habang umaayos siya ng upo at ipinapatong ang baba sa kanyang kamay at muling tumingin sakin. "Come on, spill it. What's bothering you?"

Napabuntong hininga ako. "Clones. Deep fakes. My lost memories. Strange rumors at marami pang iba." mahinahong sagot ko dahil alam ko namang hindi niya ako titigilan hanggat hindi ako sumasagot sa kanya.

And that's a part of him being himself and a little noisy.

Napansin kong nawala ang ngiti sa labi ni Echo at marahan siyang napalunok. Tila ba may mali sa sinabi ko at naapektuhan siya ng husto. Naipaling ko ang ulo ko sa isang gilid at matalim na tinitigan siya.

Bahagya ring napaangat ang gilid ng labi ko habang nananatili parin akong nakatingin ng diretso sa kanya.

"Alam mo kanina ko pa napapansin." mahinahong sabi ko at saka inilagay ang baba ko sa aking kamay na nakapatong na din sa lamesa sa aming harapan. "You seems on edge today. Lahat ng gawin ko parang apektado ka. Lahat ng sinasabi ko, surprisingly apektado ka parin." saad ko nang hindi parin nawawala ang ngisi sa labi ko.

"Tell me Echo. What's bothering you?" pagbalik ko sa tanong niya sa akin. "Come on, spill it. I’ve been noticing it for quite some time."

Kabado siyang tumingin at ngumiti sa akin at saka ipinagsaklob ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng lamesa, "A-Anong what's bothering me? Anong si-sinasabi mo? Wala ah." sagot niya sa akin at saka ipinaling ang tingin sa kanyang gilid.

"Like I said, I've been noticing these ever since makilala kita." seryosong sabi ko habang umaayos ng upo at isinasandal ang aking likod sa upuan.

"You're always looking at me as if spying and observing me. Hindi ko alam kung bakit, pero palagi kong nararamdaman ang mga mata mo sa likod ko, parang lagi mo kong tinitignan. Laging binabantayan ang bawat kilos ko. Umamin ka nga sakin." diretsong pananalita ko habang ang mga mata ko ay diretsong nakatingin sa harapan.

"Yung laging tumatawag sayo tuwing umaga, are you reporting my every move to them?" saad ko sabay tingin sa kanya.

Agad na nanlaki ang mga mata niya at napalunok siya ng bahagya. Bingo. I hit the jackpot.

“Oh. So, you’re reporting me to whoever is on that phone with you.” nakangising saad ko sabay lingon sa kanya. “But don’t worry, it doesn’t bother me, I like the challenge.” bulong ko sabay ngiti ng todo sa kanya.

"Sha-"

"Okay class, sorry for being late, let's get this lecture started."

Hindi na naituloy pa ni Echo ang gusto niyang sabihin sa biglang pagdating ni Prof. Lopez. Agad siyang umayos ng upo at idineretso ang tingin sa harapan na siya namang nagpangiti lalo sa akin.

Jericho, you're busted.

Hindi ko man alam kung ano ng inire-report mo at kung sino ang lagi mong kinakausap pero isa lang ang sigurado ako. Tungkol sa akin ang kung ano man ang sinasabi o pinaguusapan niyo. And I am a hundred percent sure about that.

You may lie all you want. Tell me false information with that mouth of yours, pero kahit kailan, hindi ako magagawang lokohin ng mga kilos at galaw mo... Niyo.

"You may find it absurd, but I have a great intuition over things like this Echo." bulong ko na siyang nagpalingon muli sa kanya sa aking direksyon.

Nakangiti ko siyang tinignan at saka nangalumbaba. "Huwag ka masyadong kabahan. Nahahalata sa kilos at galaw mo. Pinagpapawisan ka." saad ko sa mahina at mabagal na tono.

"Sha-"

"Okay. Let's listen to the prof. Let's just settle this some other time." mabilis na sambit ko at saka tumingin na muli sa harapan.