Kabanata 12: Panaginip
"Anak Shadow, dito ka na lang muna sa mga tita mo ha." saad niya sabay haplos ng marahan sa ulo ko.
Tumatalon ng bahagya ang puso sa ginagawa niyang marahan na paghaplos sa akin. Kakaibang gaan sa pakiramdam ang nadarama ko sa tuwing lalapat na ang palad niya sa buhok at ulo ko. Parang may kung anong mahika ang mga kamay niya at napapakalma niya ang puso ko kahit na ito lang naman ang ginagawa niya.
Napaangat ang tingin ko sa kanya pero hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Sa gilid niya nakatayo din ang isang wagis ng lalaki. Nakatalikod sila sa liwanag ng araw at bahagyang nadidiliman ang kanilang mga mukha. Pinasingkit ko pang lalo ang aking mga mata sa pagbabakasaling maaninag ko ang mga wangis nila, pero bigo ako.
"Anak, naiintindihan mo ba ako? Hindi ko gustong iwanan ka dito pero ito lang tanging magagawa namin ng papa mo." sambit ng babae sa malumanay at marahan niyang tinig at saka bahagyang lumingon sa kanyang kasama.
Parang isang napakagandang musika sa aking tainga ang kanyang tinig at bigla, ay lalong tumitibok ng mabilis ang puso ko. Kilala ko ang boses na ito, iyon ang sigurado ako. Narinig ko na ito marahil noon pa pero hindi ko maalala kung sino ang babaeng ito.
Sino ka ba? Bakit may kakaibang epekto sa akin ang tunog ng boses mo? At bakit ba ako nandito? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Ito lang ang tanging magagawa namin ng papa mo para masigurado na magiging ligtas ang buhay mo." saad niya habang dahan-dahan siyang lumuluhod sa aking harapan. "Anak, mahal kita tandaan mo yan, hindi kami aalis at iiwan ka dito dahil pinababayaan ka na namin. Kailangan lang namin iligtas ang isang kaibigan at siguraduhing magiging ligtas ang mundo na ito para sa'yo at sa marami pang iba." dagdag niya pa at saka inilapat ang kanyang labi sa aking noo.
Wala ano-ano, ay nakaramdam ako ng sakit sa kaloob-looban ko. Mahigpit na inihawak ko ang mga kamay sa aking dibdib. May kung anong kumikirot sa puso ko at lubhang nasasaktan ako.
"Ikaw ang buhay namin ng papa mo. Ang kaligtasan mo ang tanging magpapasaya sa amin ng lubusan. Mahal kita anak."
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Si-"
Agad na napatigil ako ng maramdaman kong tumutulo na ang luha mula sa mga mata ko. Mabilis na pinunasan ko ito pero kahit na anong gawin kong punas ay ayaw niyang mawala, ayaw niyang matapos. Sa isang hindi malamang dahilan, napakawalan ko ang isang matinding palahaw.
Isang sigaw na siyang nagpapatunay kung gaano ako nasasaktan at kung gaano nadudurog ang puso ko.
"AAHHHHHH!" malakas na sigaw ko. "Ayoko! Huwag niyo akong iwanan dito!" pagmamakaawa ko sa kanila.
Matinding hikbi ang pinakawalan ko. Sunod-sunod na pag-iyak ang tanging naririnig ko. Mula sa kanila at mula mismo sa aking bibig. Kahit sarili kong tingi ay hindi ko na makilala sa sobrang pag-iyak at paghagulgol sa kanyang harapan.
Ano ang ginagawa niyo sa akin at ganitong sakit ang nararamdaman ko? Parang hinahati sa libong piraso ang puso ko at hindi ko alam kung kaya ko pa bang maibalik.
"Anak pangako, magbabalik kami at kukuhanin ka namin." biglang saad naman nung lalaki at siyang luhod niya sa aking harapan. "Pinapangako ko sa'yong babalik kami at hindi na tayo magkakahiwalay pa. Mahal na mahal kita anak. Ikaw ang buhay at kasiyahan ko." saad niya at bigla akong hinila para sa isang yakap.
Napatigil ako. Para bang tinakasan ng kaluluwa ang katawan ko. Parang may sariling buhay ang kamay ko at mahigpit na yumakap ito sa lalaking ito. Higit na masakit ang nararamdaman ko ngayon.
Ngayong nasa mga bisig niya ako at nakakulong sa isang napakahigpit na yakap, parang ayaw ko na yatang humiwalay pa sa kanya. Hindi ko man alam kung bakit, pero pakiramdam ko kapag binitawan ko siya ay ito na ang magiging huling pagkikita namin at ayaw ko yon.
Ayokong iwanan niya ako. Ayokong iwanan nila ako.
Humiwalay siyang bigla sa yakap. Tumingin sa akin. "Mahal kita, you are papa's only scorpion." saad niya sabay lapat ng labi sa aking noo at mabilis na tumayo.
"Halika na, Riel. Oras na para umalis tayo." maotoridad na turan nung lalaki sa kasama niyang babae habang nakatalikod na sa akin.
"Pero Alas-"
"Riel, lalo mo lamang pinahihirapan ang ating anak." sambit ng lalaki habang mahigpit na nakahawak sa balikat nung babae. "Hindi makakabuti kay Shadow kung ipapakita mo sa kanya ang iyong kahinaan. Kakayanin niya ito, Riel." sambit niya pa at saka sumulyap sa akin.
"Dahil siya ay ating anak. She's our strong and beautiful scorpion."
Alas? Parang narinig ko na ang pangalan na iyon. Scorpion? Anak? Ano bang sinasabi ng mga ito?
["Papa Alas?" biglang tanong ni Echo na siyang nagpabalik sa wisyo ko. "tatay mo? tatay niyo nila Blaze?"
Mabilis akong umiling sa kanya. "Hindi! Hindi naman Alas ang pangalan ni daddy kung hindi Samuel." mabilis na pagtanggi ko sa kanya habang bahagya pang umiiling.
Napakunot ang noo Echo. "So, sino si Alas?" tanong niya.]
"Mahal na mahal kita anak, higit pa sa inaakala mo. Mahal kita higit pa sa buhay mo." mahinang sambit ng babae.
"Mahal kita, Shadow anak." bulong naman nung lalaki.
"Shadow!"
Agad akong napalingon sa malakas na sigaw ng kung sino man sa pangalan ko, pero wala naman akong nakitang tao sa aking paglingon. Pagbalik ko ng tingin ko ay wala na silang dalawa sa harapan ko. Tanging isang madilim na pasilyo na lang ang nakikita ko. Isang madilim at malamig na pasilyo.
"Shadow!"
Agad akong napabalikwas at napaupo. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
Kwarto ko 'to.
"Shadow! Mag-ayos ka na, malapit ng matapos ang kuya Blaze mo." dinig kong wika ni mom sa labas ng kwarto ko.
"O-Opo" mahinang sagot ko sa kanya.
Panaginip lang pala 'yon. Mabilis na kinapa ko ang aking mukha. Basang-basa ng luha ang buong mukha ko, patunay lang kung gaano ako katagal at kung gaano kalala ang pag-iyak ko.
Sino ba ang mga taong iyon? Ano bang parte nila sa buhay ko at ganito ang nagiging epekto nila sa akin kahit na sa panaginip ko lang naman sila nakita? Bakit ganito kasakit? Bakit ako nasasaktan sa mga taong hindi ko naman kilala?
Kung sino man sila, sigurado akong hawak nila ang malaking parte ng nawawala kong alaala. At hindi na ako makakapaghintay pang umupo na lang at hintayin na kusang bumalik ang mga alaala ko.
Oras na para alamin kung ano ang nawala at kung bakit kakaiba ang ikinikilos ng lahat ng tao sa paligid ko.
Alas, Riel, kung sino man kayo, hindi na magtatagal ang mga katanungan na ito. Ang lahat ng tungkol sa akin, ang tungkol sa inyo at ang kakaibang ikinikilos ng lahat ay pipilitin ko ng malaman at matuklasan.
Ito na ang huling pagkakataong magtatanong ako kung sino nga ba talaga ako.
Someone else's POV
"Ano na ang balita sa Dow na yan? Sigurado ka bang minamanmanan mo siya ng maayos?" wika niya sa kabilang linya sa napaka seryosong tinig.
Kahit kailan talaga ang taong ito, napaka seryoso. Wala man lang hello o hi sa pagsagot ng telepono? Diretso agad sa pangangamusta kay Dow?
"Oo nga. Lahat naman ay sinasabi ko nasa iyo, para saan ba ang pagtawag kong ito?" tanong ko sa kanya.
Agad siyang napahagalpak ng tawa sa kabilang linya. "Are you seriously asking me that?" sagot niya sa akin. "I was once fooled by my own creation. He was the perfect one I have created. I poured my time, effort, money and skills into that bastard pero anong ginawa niya? Ipinagpalit niya ako sa isang ambisyon niya na kahit kailan ay hindi mangyayari." seryosong sambit niya.
"Is this about him again? Si Blanc na naman?" sagot ko naman sa kanya.
Hanggang ngayon si Blanc pa rin ang iniisip niya. Mahigit na dalawang taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi niya parin magawang pakawalan si Blanc.
"Oo." tipid na sagot niya. "Ngayon sagutin mo ko, paano ko magtitiwala kung ang kaisa-isang pinagkakatiwalaan ko ay natutunan akong itraydor? I'm not the same man you all used to know." makahulugang sabi niya.
Wala na talaga. This is a lost case.
"Oo na." sagot ko sa kanya. "Hindi mo kailangang alalahanin si Dow, I have my eyes on her. Ako na ang bahala sa kanya."
"Siguraduhin mo lang." sagot niya at saka mabilis na ibinaba ang telepono.
Nahihirapan na ako sa sitwasyong pinasok ko. Bakit ko nga ba pinasok to?
"Siya ba yon?" seryosong tanong sa akin ni Tian.
Tumango ako at saka pabagsak na iniupo ang sarili ko sa upuang malapit sa akin.
"Hanggang ngayon, hindi ko parin gusto na nandito ka. You once tried to killed her and I'm not entirely sure that you won't ever try again." seryosong
sambit niya habang nakatingin sa akin ng diretso.
"Yes I did. Pero iyon na ang una at huli." sagot ko naman sa kanya. "Hindi ko 'to ginagawa para sa'yo. Para sa kanya, gagawin ko ang lahat masiguro lang ang kaligtasan niya."
"Kaligtasan?" natatawang saad niya. "Let me just remind you, may mangyari lang sa kanya, ako na mismo ang papatay sa'yo... Jericho."
Tumango na lang ako at hindi na sumagot pang muli sa kanya. Kahit kailan talaga ang taong 'yon, galit na galit parin sa akin. Pinagsisihan ko na't lahat ang ginawa ko, pero tuwing nakikita niya ako, kulang na lang e pilipitin niya ako on the spot.
Kumikilos na siya. Dow, kailangan mo nang makabalik. Para sa kanila at para sa'yo.