ED 11: Truth About Lumiere?
"Lust is when you love only what you see. Love is when you lust for what's inside."
- Quote from Pinterest
~~~*~~~*~~~*
Hindi makapaniwala ang dalaga na nagawa niyang makipagtalik sa green house. Sa open space. Sa labas ng silid o ng mansion. Hiyang-hiya siya sa kanyang sarili kapag naaalala iyon. Hindi niya tuloy magawang bumalik sa greenhouse kahit pa gusto niyang bisitahin ang mga bulaklak at paru-paro roon. Talagang naging berde ang lugar na iyon dahil sa ginawa nila ni RJ doon. Laking pasalamat na lang niya na nasa isang isla sila at walang ibang tao roon.
Limang araw na nang mangyari iyon at sa nakalipas na mga araw ay tila bagong kasal ang dalawa na araw-araw pa rin nagtatalik kung saan-saang lugar sa loob ng mansion. Sa silid-aklatan, sa gym, sa old-couch sa silid tanggapan, at kahapon ay sa kusina— sa ibabaw ng center island—pagkatapos nilang mag-gabihan, siya ang ginawang panghimagas ni RJ.
Hindi na siya iginagapos ni RJ sa kama ngunit inilo-lock pa rin nito ang kanyang silid sa gabi. Wala naman siyang planong tumakas pa. Paano naman kasi siya makatatakas sa islang iyon? Walang bangka kung ‘di ang helicopter lamang. Pinanghahawakan niya na lang ang pangako ng lalaking pauuwiin siya ng Pilipinas sa mismong araw kung kelan siya dapat na bumalik.
Pinayagan ng lalaking makausap ng dalaga ang ina gamit ang social media application pero voice call lamang at hindi video call. Pinapangako niya muna ang babae na hindi nito ipapaalam ang kasalukuyang sitwasyon o hindi na ito pauuwiin pa. Nakabantay ang lalaki sa pag-uusap ng mag-ina. Ang sabi ng ina ni Jaizz na naiinggit ito sa mga larawang nai-post ng dalaga sa kanyang social media. Wala mang ideya ang dalaga kung ano ang mga naka-post sa account niya ay hindi na lang siya nagpahalata sa ina. Pigil na pigil pa nga ang kanyang pagluha. Niyakap pa siya ni RJ at pinakalma. Muling nangako ito na papauwiin pa rin siya at ibibigay ang kanyang pasaporte’t cellphone sa araw ng pag-uwi niya.
Lagi pa rin suot ng lalaki ang kanyang maskara o kaya’y si Jaizz ang pinipiringan nito. Tinatanong pa rin ng binata kung gusto nang nakita ng dalaga ang kanyang mukha. At ipapaalalang muli ang kundisyon na mananatili ito sa piling niya. Para kay Jaizz ay tama nang makita ang mga mata nito at labi. Hindi nag-aahit ang binata kaya’t medyo kumapal na ang balbas nito kaya pati ang baba nito na natakpan na rin.
Nangliligaw na rin ang binata. Hindi ito nakalilimot bigyan ng mga rosas ang dalaga o tsokolate. Ngunit tuloy pa rin ang paggamit nito sa katawan ng babae. Iyon ang paraan niya upang hindi siya malimot ng babae. Alam niyang mayroon siyang epekto sa dalaga. Sa kaunting haplos niya rito ay nararamdaman niya ang pag-iinit ng katawan nito. Kaya’t nauuwi sila sa matinding labanan. Hindi naman niya nakakalimutang ipaalala rito ang tunay na nararamdaman pagkatapos magtalik. Ngunit wala pa rin siyang sagot na makuha sa dalaga.
Hindi pa rin mapangalan ni Jaizz ang tunay na nararamdaman sa binata. Sa ngayon ay alam niyang pagnanasa’t hindi pagmamahal ang nadarama dahil ninanais pa rin niyang makauwi sa pamilya at hindi ang manatili sa poder ng lalaki. Aminado siyang naadik na ang kanyang katawan sa mga haplos, halik at paggamit ng lalaki sa kanyang katawan. Sunud-sunuran na lang ang katawan niya sa nais ipagawa ng lalaki. Kung anu-anong posisyon sa pagtatalik ang kanyang naranasan. Kahit nagsusumigaw ang matinong bahagi ng kanyang isipan na itigil niya ang kabaliwan ay hindi naman nito mapasunod ang katawan. Tila isa na itong alipin ng makamundong pagnanasa. Kaya’t ninanais pa rin niyang makauwi upang matigil na ang kahibangang nagpapalunod sa kanya. Nais niyang umahon at baguhin ang kanyang tadhana. Ayaw niyang malukmok nang tuluyang sa maling sitwasyong walang tunay na pagmamahalan.
Na-appreciate na rin ng dalaga ang kagandahan ng isla at iba’t ibang bahagi ng Inglatera. May lisensiya sa pagpapalipad ng helicopter ang binata kaya’t ipinapasyal siya nito sa himpapawid. Hindi sila nagla-landing sa lugar kung saan maraming tao dahil nangangamba ang lalaki na muling maisipan ng dalagang mag-iskandalo. Wala na siyang maskara ni Lumiere na puwede niyang gamitin ulit. Sa mga bulubundukin na puwede siyang mag-landing ay doon niya hinahayaang kumuha ng mga larawan ang dalaga para sa pagpipinta nito. Mas maraming magandang lugar na nakita ang dalaga mula sa himpapawid.
Noong Ikalawang araw nang pagbalik ni Jaizz sa isla ay nag-iwan si RJ ng artikulo tungkol kay Lumiere mula sa website ng isang sikat na newspaper sa England. Kinilabutan ang dalaga sa nabasa. Nasa larawan sa artikulo ang isang lalaking parehas ng pangangatawan ni Lumiere na mukhang sanggano’t baliw. Nakapatong ang naka-posas nitong braso sa isang mesa kaya kita ang tattoo nito na katulad ng kay Lumiere. Sa tabi ng braso nito ang maskarang ginamit nito, nasa inset image na iyon ang guwapong itsura ni Lumiere.
Binasa ng dalaga ang artikulo at nakasaad doon na isang psychopath serial killer ang lalaki at mahirap itong mahuli dahil pabago-bago ng itsura gamit ang iba’t ibang silicon mask ng mga guwapong lalaki. Nakasaad rin sa artikulo na may isang bagong kasal na mag-asawa ang patungong Paris para sa kanilang honeymoon ang huling biktima nito.
‘Kami ni RJ, newlywed?’
Pagkalapag raw ng helicopter sa lokal na paliparan, lulan ang mag-asawa mula sa pribadong isla ng mga ito ay sinalubong na ito ng lalaki na nagpanggap na isa sa mga guwardiya ng nasabing paliparan. Agad pinukpok ng baril sa ulo ang lalaking kabiyak kaya’t hindi na ito nakapanglaban pa at tinangay nito ang mga gamit kasama na ang mga pasaporte, airfare tickets, susi ng mga sasakya’t bahay at pati susi ng helicopter. Ang masaklap ay tinangay rin ng kriminal ang maganda nitong maybahay. Hindi pinangalanan sa artikulo ang bagong kasal na mag-asawa para sa privacy ng mga ito dahil may sinasabi sa lipunan ang mga ito.
Ang kriminal ay isang con artist na magaling magmanipula ng mga tao. Madalas raw na minamanmanan nito ang mga bibiktimahin kaya’t kapani-paniwala ang mga impormasyon nasasabi nito. May gamit rin itong iba’t ibang pasaporte kaya madali rito ang makapagpalipat-lipat ng lugar.
‘Isang guwapong maskara lang ang hinangaan ko? Hinalikan ko pa ang lalaking iyon na mas mukha pang baliw kaysa kay Joker. Ngii! Nakapangingilabot!’
Kasalukuyang naglalakad-lakad sa dalampasigan ang dalaga at nag-iintay ng dapit-hapon. Gusto niyang kunan ng mga larawan ang paglubog ng araw na magagamit niyang reference sa pagpipinta. Muli na naman niyang naalala ang artikulo ni Lumiere na hindi nga pala nito tunay na pangalan. At kapag naaalala niya ang itsura nito ay sadyang kinikilabutan siya sa takot.
Nagtaas ang mala-balahibong pusa ng dalaga nang maalala na parehas ang epekto ng serial killer na iyon at ni RJ sa kanyang makamundong sistema. Natakot siyang isiping na baka ganoon na lang ang maramdaman niya sa kahit sinong lalaki.
‘Am I becoming a nymphomaniac? Kaya ba sa mga haplos lang ni RJ ay nag-iinit na ang buong katawan ko? And there’s an strong urge that’s telling me to have sex with him. Will I feel this urge with any other man?’
Nag-iiling ang dalaga na para bang mabubura ng ginagawa niya ang mga nakakikilabot na mga isipin. Lalo ang tungkol kay Lumiere o sa kriminal na iyon. Bakit hindi agad ito nahuli kung ini-report agad ni RJ sa mga awtoridad ang nangyari? Sana nahuli na agad ito at hindi na sila nakapamasyal sa iba’t ibang lugar. Umabot pa sila ng isang linggo at hindi rin naman siya sinaktan ng lalaki o pinangahasang pagsamantalahan kahit pa sabihin mayroon siyang buwanang dalaw. Kung tutuusin ay kayang-kaya siyang pagsamantalahan nito o kaya’y patayin. Pero sa halip ay very sweet ito sa kanya, inalagaan siya, pinagluto, pinalakas ang loob. Alam niyang hindi tugma ang naranasan niya kay Lumiere at sa artikulo. May mga butas na hindi niya matagpian. Hindi naman niya matanong si RJ tungkol dito dahil mabanggit pa lang niya ang pangalang Lumiere ay sumasama na ang tingin nito sa kanya. At lalong hindi siya makapag-research sa internet tungkol sa article dahil na kay RJ pa rin ang cellphone niya.
‘Haiz! I’m going crazy to think about it... and what’s wrong with me to be abducted twice in this foreign land?’
Lihim na lang siyang nagpasalamat na naging mabuti ang pagtrato sa kanya ni Lumiere at nitong si RJ sa kabila ng paggamit nito sa katawan niya.
‘What if RJ is a psycho himself? That’s why, he don’t want to show his face?’
Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ng dalaga at inilapag na lang ang dalang camera sa isang tuyong punong-kahoy na inanod ng dalampasigan. Malumanay ang dagat na tila nag-aanyayang guluhin niya ang katahimikan nito. Pagbibigyan niya ito at magtatampisaw siyang saglit. Baka sakali ring mabawasan ang mga alalahanin niya. Hinubad niya ang suot na white lace cover-up duster, naka-two-piece na bikining kulay pula siya. Puro two-piece bikini lang ang mga nakita niya sa kanyang closet. Hindi niya mahanap ang mga dala niyang one piece swim suit.
Lumusong siya sa dagat. Hindi gaanong malamig ang tubig dahil sa matinding init na araw kanina. Malinaw ang tubig na kita ang kanyang mga paang nakatapak sa maputing buhanginan. May mga nakita rin siyang mga malilit na isdang kulay dilaw at itim at sinundan niya ito sa medyo mabatong bahagi ng dagat. Hanggang dibdib lang niya ang taas ng tubig sa lugar na iyon. Medyo nalasahan rin niya ang matabang na tubig. Hindi niya mapangalanan kung anong dagat iyon.
“Eeehhh!” Napatili siya nang malakas nang may biglang humila sa kanya pailalim pa sa tubig. Agad siyang hinapit nito sa baywang at siniil ng halik sa labi habang nasa ilalim siya ng tubig.
Kahit napapikit ang kanyang mga mata sa ilalim ay ramdam niya ang epekto ni RJ sa kanyang sistema. Agad rin silang pumaibabaw at saglit naghiwalay ang kanilang mga labi para sumagap ng hangin. Awtomatikong pumulupot na tila ahas ang kanyang mga biyas sa baywang ng lalaki, sinapo naman ng mga malalaking kamay ng lalaki ang kanyang pang-upo. Umalingawngaw ang isang mabining paghagikgik mula sa dalaga dahil sa maskarang gamit ng lalaki ngayon. Maskara ito ni Spiderman pero sadyang ginupit ang mga mata at bibig nito. Nakasuot rin ito ng goggles na nagkubli sa mga mata nito. Muling inatake nito ang kanyang mga labi kaya’t napatigil siya sa pagtawa. Hindi na siya umapila pa dahil nalulunod na naman siya sa mga halik ng lalaki at hinihila ng mga agos ang kanyang katinuaan.
‘If behind that mask is a scarfaced. I don’t care anymore, all I care at this very moment is his pleasurable kisses that making me drown into it.’
~~~* tbc