Chapter 10: Vendors

"Ano ba ito ang hirap-hirap naman!" reklamo ko habang tinutusok ang mga binili niyang mga street foods.

Nakakainis lang kasi umagang-umaga binulabog na niya ang pagtulog ko para lang dito.

Kung bakit kasi ang gwapo niya? Ayun tuloy pinapasok siya agad ng bantay sa dorm. Exclusive for girls nga iyon eh pero nakapasok pa rin siya. Pa-VIP, akala mo naman rich kid.

Hindi ko rin namalayang ilang linggo na rin kaming magkasama. Pagkatapos ng klase ko, saka ako sasama sa kanya sa mga raket niya.

Mga, kasi ang dami. Iba-iba kada linggo.

I don't know how he get used to that kind of life.

Naranasan ko nang magbigay ng mga posters, magpinta sa mga waiting shed, at maging waitress.

At heto ngayon, ang magbenta ng street foods.

Medyo magaling na ang paa niya pero ewan ko ba. Gustong-gusto ko pa ring sumama sa mga raket niya since tingin ko may natutunan naman akong panibagong bagay.

And it really makes me feel satisfied and excited. But I will never let him know it. Baka abusuhin niya.

"Anong gusto mo? Ikaw dito sa usukan at magpaypay. Para lang 'yan! Kahit bata nga kayang gawin," sermon niya. Lalo akong napasimangot.

"Edi sila na magaling! Buong buhay ko hindi ko pa ito nasubukan," maktol ko habang pilit inaayos para hindi malaglag.

"Maganda pala at naranasan mo na ngayon. I already made you realize how hard the work of those poor people is. "

"I don't need this!" gigil kong sabi dahil nalalaglag pa rin.

"Hay, ang tanga mo talaga." Sisigawan ko na sana siya pero nagulat ako nang nasa likod ko na pala siya.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang kamay niyang nakahawak na sa stick na hawak ko.

And then, he started guiding my hand.

"Ganito kasi ang dapat na paglagay mo. Tusukin mo ng alternate, hanggang sa matapos huwag mong tusukin ng diretsahan hanggang dulo. Dapat hinay-hinay para mas masarap."

Teka lang, bakit parang double meaning? Napalingon ako sa kanya. Agaran ko siyang itinulak nang makita ang ngisi sa mga labi niya.

"Bastos!" Inosente naman niya akong tiningnan. Kunwari pa 'to! Tsk!

"Anong bastos doon? Ikaw huh, ang dumi ng utak mo." Napayuko na lang ako at tinularan na lang ang unang ginawa niya. Masyado na nga yatang madumi ang utak ko.

"Nga pala, bakit ka gumagawa ng ganito?" tanong ko. Napangiti naman siya.

"Kasi, nalaman kong mabenta pala ang mga ganyan diyan sa may park. Sigurado, mauubos 'yan. At kapag nangyari iyon, may pera na naman ako!" tuwang-tuwang sigaw niya na parang na-i-imagine na niya agad ang pera.

Parang lumambot ang puso ko. Ganun nga siguro talaga, mababaw lang ang kaligayahan ng mga mahihirap.

And it warms my heart.

Halata ang kalayuan ng personalidad namin. Kahit kailan hindi ako sumaya sa pera ko. Hindi sa pagmamayabang milyonaryo na ako sa murang edad ko pero parang wala lang naman iyon sa akin. Inuubos ko lang sa mga luho ko. Walang pakialam, dahil alam kong kikitain ko rin naman agad.

Ngayon ko lang na realize na sobrang mahalaga pa rin pala ang pera.

"Hindi ka makarelate 'no? Pasensya na po mahal na prinsesa. Mahirap lang ako."

"Tsk, pero you now hindi ka talaga mukhang mahirap. Baka, malay mo nawawala ka pa lang anak ng isang mayamang pamilya. Kapag nangyari iyon, edi hindi ka maghihirap." I joked.

Akala ko tatawa siya pero nag-iba ang mukha niya. Para itong galit sa sinabi ko.

"Uy, joke ko lang iyon! Ang seryoso naman nito." I try to lighten the mood but he remain silent.

Hanggang sa matapos ko na lahat ay hindi niya pa rin ako kinakausap. Nakakunot-noo at seryoso lang siyang nag-iihaw.

Napabuntong-hininga na lang ako habang pinapanood siyang todo paypay.

Minsan talaga hindi ko mahulaan ang ugali niya. Minsan makulit at palabiro. Ngayon naman, ang seryoso.

Lumapit na lang ako sa kanya. I hate him more for making me feel guilty!

Kung susumahin ang liit na bagay lang ang sinabi ko pero parang sobrang big deal sa kanya.

"Uy, sorry na. Kausapin mo na ako." Hinawakan ko ang braso niya para mapalingon siya sa akin.

"What?" malamig niyang tugon at hindi pa rin ako pinapansin.

Ang arte!

"Joke lang talaga iyon, hindi ko naman alam na big deal pala sayo."

Nagulat ako nang hinawakan niya ang balikat ko at inilapit ang mukha. "Sagutin mo ako ng maayos Faye. Ang tingin mo rin ba sa akin ay sobrang kawawa?" Napalunok ako sa sobrang kaba pero nagawa ko pa ring umiling at sagutin ang tanong niya.

"Hindi," paos kong sagot. Nahihipnotismo na naman ako ng mga titig niya.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya at tila ba isa iyong pinakamagandang kasagutan sa tanong niya.

"Good girl." At ginulo na niya ang buhok ko.

Wala man akong maintindihan sa mga kilos niya pero naging panatag na rin ang loob ko.

This guy is really something. He is the only person that affects me in this way. I really want to read his mind! Just to answer all of my questions.

"Ikaw na muna maghawak diyan sa may tupperware. Ingatan mo, ah!" Utos niya habang binubuhat ang lutuan at iba pang maibebenta.

"Malapit lang ba rito sa inyo 'yong park na sinasabi mo?" tanong ko. Kahit pangalawang beses ko ng pumunta rito sa apartment niya. Hindi ko pa ring mapigilang makaramdam ng takot. Mukha talagang haunted house.

"Oo, tara na. Sigurado, marami ng tao ngayon doon."

Kahit pawisan at medyo dugyot dahil sa pag-iihaw, ang gwapo niya pa rin. He is effortlessly handsome. Wala talaga akong maikukumpara sa kanya kahit sa mga nakatrabaho kong modelo.

He is always beyond them. Even my asshole ex. Like, he is so perfect.

Shit! Bakit pati siya ikinukumpara ko na sa kanya?

Masyado ko na talaga siyang pinupuri. Kung naririnig niya lang ang nasa isip ko paniguradong ang taas na ng tingin niya sa sarili niya.

Ilang masisikip pa na iskinita ang dinaanan namin bago marating ang park na sinasabi niya.

Patuloy ako sa pagpunas gamit ang wipes sa katawan ko. Dahil sa kati, may dumikit na yata sa katawan ko dahil sa masisikip na iskinitang dinaanan namin.

"Pa-shortcut-shortcut ka pa kasi. Dapat nagtricy na lang tayo." Reklamo ko habang halos ipampaligo ko na ang alcohol na dala ko.

"Sus, arte!" nakangising sagot niya at kinuha na ang mga dala kong tupperware. Pinanood ko na lamang siya habang inaayos na ang lutuan pati ang mga ibebenta.

"Sumilong ka muna doon sa may puno," masungit niyang sabi na nag pangiti sa akin.

"Hay, salamat naman. Concern ka rin pala sa balat ko." I mocked at kiniliti ko pa siya sa tagiliran.

"Tsk, hindi 'no! Alis ka na nga!" Natatawang sinunod ko na rin siya.

Sumilong ako sa lilim ng malaking puno habang pinagmamasdan siya.

Marami na rin ang nakapapansin sa kanya. May iba pang palihim na kinukuhanan siya ng litrato.

He is really out of place here.

Kung sino man ang mga magulang niya, mga pinagpala. They have a good genes!

"Hindi ba siya 'yong sikat na heartthrob sa eskuwelahan ng ate mo?"

"Oo nga! Ang gwapo niya, tara bili tayo!"

"Damihan natin, malay mo mapansin niya tayo!"

Naparoll-eyes na lang ako. Mga nasa grade school pa lang yata ang mga batang iyon. Ang landi na.

Nasa limang minuto pa lang akong nakasilong pero lumapit na ako para tumulong. Dinagsa na kasi siya ng mga tao.

Iba talaga kapag gwapo. Mapapa-sana all ka na lang talaga.