CHAPTER 39: Remember The Past
Griffin Pov
Bumalik kami sa loob ng mansyon at di mawala Wala Ang saya sa puso ko dahil sa nalaman ko. Gusto kong sa pagkakataon na ito sakin siya mapupunta at Hindi ako papayag na habol habolin na naman niya siya Vladimir. Kung dati nananahimik lang ako sa isang tabi habang pinagmamasdan siyang habulin Ang taong Hindi kayang suklian Ang kanyang pagmamahal owes Ngayon ako naman ang kikilos.
“ATTEEEEE!” patakbong Sigaw ni Nash ng makita niya Ang ate niya na papasok. Nang makalapit siya sa ate niya ay niyakap niya Ang dalawang Binti ni Kelly. Maliit lang si Nash Kaya Hindi niya maabot Ang Binti ng kanyang ate.
“Ano nag enjoy kabang kausap sila?” Nakangiting Sabi ni Kelly sa kapatid at binuhat ito. Ngayon ko lang siyang nakita ng malapit an habang naka ngiti. She’s really gorgeous in my eyes.
Lumapit kami sa kinaruruonan nilang lahat at na upo na din. Nakita ko si Emory na subrang sama ng tingin niya Kay bella na Ngayon ay naka sandig Ang Ulo sa balikat ni Vladimir at nakapikit. I can see jealousy in her eyes talagang masakit sa mata pag nakita mo Ang taong gusto mo na may mahal ng iba. Hayysss di ko Rin alam kung Anong Plano ni Vladimir sa pekeng bella na iyan pero alam kung may Plano Ang isang iyan.
“Total naka usap ko narin naman si Moon uuwi na lang kami” ngiting Sabi ni Kelly habang naka tingin samin lahat.
“Huh? Bat Ang bilis naman niyung umalis lalaruin kopa si nash” napa pout na Sabi ni Zakya habang naka tingin Kay Nash na naka upo sa kandungan ni Kelly.
“I’m sorry we really need to go” Sabi ni Kelly.
“Oo nga dahil aalis na sila mamaya papuntang s-” Di natuloy ni Lynsel Ang kanyang sasabihin ng biglang inapakan ni Kelly Ang paa niya mag katabi lang kasi sila. At di ko Rin alam kung saan sila pupunta baka may bonding lang sila. Kahit nag tataka man ay pinag sawalang bahala ko na lang.
“Wala Yun cge aalis na kami” Sabi na parang nag mamadali. Tumayo ito habang buhat buhat si Nash at hinila na Ang braso ni Lynsel palabas.
“Mapapatay talaga kita Lynsel Ang daldal mo” Inis na sambit ni Kelly Kay Lynsel ng makalabas na sila sa pintuan ng Bahay.
Tumayo bigla si Emory sa kanyang kina Uupuan at lumabas papuntang garden nakita ko Rin itong sinundan ng tingin ni Vladimir Hanggang sa mawala ito sa paningin namin. Kala unan ay tumayo Rin si Ivy na mukang susundan si Emory sa garden.
“Teka babes San ka pupunta?” Naka ngising saad ni Emerson habang pinipigilan niya si Ivy sa braso kaya tiningnan ito ng masama ni Ivy.
“Bitaw Emerson kung ayaw mong makatikim ng sapak” nagbabantang Sabi ni Ivy napatawa ng lang ako ng palihim ng unti unting bitawan ni Emerson Ang braso ni Ivy Kaya deri deritsong umalis si Ivy. Si emerson naman ay parang batang inagawan ng candy na naka upong naka simangot sa sofa.
“Lets go home baby” Sabi ni Beckett kay Zakya at walang pasabi niya itong binuhat ng pa bridal style at lumabas na sila Kaya na Iwan na lang kaming tatlo rito.
Emory Ace Pov
Nang lumabas ako papuntang garden ay dumeritso ako sa may Puno at walang pasabi ko itong sinuntok parang manhid Ang kamay ko dahil walang maramdamang sakit. Galit na Galit ako d*mn bakit Ngayon ko lang naalala Ang lahat.
Yeah your right Na alala ko Ang lahat simula ng mapunta ako sa katawan ni bella. Bumalik sakin lahat at I’m F*cking jealous when I’m seeing him with that Impostor woman sisiguraduhin kung mabubura siya sa Mundo sa mas lalong madaling panahon din. Tumulo Ang dugo sa kamao ko pero pinabayaan ko lang ito.
Naka upo kami lahat rito sa sala habang naka yapos Ang kamay ni bella Kay Vladimir, lalong sumasakit Ang Ulo ko pag nakikita ko ang familiar niyang Mukha dahil Hindi ako maka tiis ay umalis ako dun at pumunta sa labas sa fountain.
Nang makarating ako dun ay lumapit ako sa fountain nilagay ko Ang dalang kamay ko sa semento ng fountain at yumuko upang makita ko Ang sarili kung reflection sa tubig.
Sa tagal Kong naka tingin sa reflection ko ay bigla na lang may nag silabasang mga ala sa utak ko na para bang nakikita ko ito sa tubig. Ang Pinag taka ko bakit Ang bellang iyun Ang nakikita ko. Sari sari pang Mga ala ala Ang Sumulpot pini pigilan ko lang na ipuk puk Ang Ulo ko sa semento dahil sa subrang sakit na pero pinilit ko paring ma ma alala Ang lahat.
I was supposed to marry him but I died in unexpected way damn tumulo ang luha ko ng Malala Ang lahat napa daos dos na lang ako paupo sa lupa at sinapo ng dalawang palad ko Ang Mukha ko at umiyak ng tahimik.
Habang Ina alala iyun ay biglang may nag balot ng panyo sa kamao ko at nakita kong si Ivy Yun.
“Bakit ka ba nag sasayng ng dugo alam mo bang Ang mahal ng dugo sa hospital?” Biro niya habang binabalot ng panyo Ang kamay ko.
“Normal lang naman Ang magselos Kaya wag kang mag alala” ngisi niya pang Sabi Kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pero Hindi man lang siya natinag.
“Anong Plano?” Sabi niya.
“Go with the flow alam kung may binabalak na siya dahil Hindi siya maka pag intay na mawala sa landas niya Vladimir Kaya alam kung pakikilosin na niya Ang impostor na iyun” Malamig kung Sabi at tumango tango lang siya.
Bumalik kami sa loob at nakita Kong binuhat niya si bella at iniakyat niya ito sa taas. Sumama naman Ang aura o dahil dun. Tinapik tapik naman ni Ivy Ang balikat ko at nilagpasan na ako.
Pumunta siya sa Kinaruruonan ni Emerson at Griffin. Hinila niya si Emerson patayo bago bumaling sakin at Kaya griffin.
“Uuwi narin kami at Ikaw naman griffin it’s malapit na Ang Alis ni Kelly dimo ba siya ihahatid sa airport?” nagtatakang tanong ni Ivy Kay griffin na biglang tumayo.
“What do you mean?” nagtatakang tanong niya Kay Ivy habang naka Tayo.
“Ohsss sorry my bad baka di niya sinabi Sayo na aalis siya mamayang 10:00 o’clock Pm pero Anong oras na it’s already 7:58 Pm, gumayak kana baka ma abutan mo pa siya sa Bahay nila” Sabi rito ni Ivy di na nag salita si Griffin at kumaripas na nang takbo palabas. Habang si Ivy naman at Emerson ay sunod ding lumabas Kaya na Iwan ako sa sala.
Pumunta na lang ako sa isnang sofa na pending higaan kasyang kasya ako. Humiga ako dun at pumikit na pero gising parin Ang diwa ko.
Naramdaman Kong may palapit at alam kong si Vladimir Yun dahil narinig ko Ang kanyang mga yapak pababa.
Nang maka Lapit siya sakin ay di ako nag iba ng posisyon at nag kunwari parin akong tulog. Naramdaman Kong hinawi niya Ang hibla ng buhok ko.
“I’m sorry” mahinang sambit niya. Hindi ko alam kung bakit siya nag so sorry.
“Alam Kong Hindi siya si bella” dahil sa sinabi niya iyun ay nag mulat ako pero mukang wrong move dahil naka Yuko Pala siya habang naka Lapit Ang Mukha niya sakin.
“So from the start you’ve known?” Sabi ko rito tinulak ito bago ako umupo ng ma ayos.
“Yup! Kailangan ko lang siyang sabayan dahil alam kung may plano siya.” Parang Wala lang na Sabi niya. Dahil sa narinig ko ay humiga na lang ako ulit sa sofa at pumikit hinayaan na kainin ako ng kadiliman. Hindi ko narin siya pinansin total may sarili naman Plano Yan eh.