Special Chapter

TINA

8 months later…

“Fenris! Diyos ko, napakasakit!” mas humigpit ang kapit ko sa kamay ni Fenris habang iniinda ko ang hindi maipaliwanag na sakit.

“Tatagan mo ang ‘yong sarili, aking Prinsesa, malapit na nating masilayan ang ating anak,” untag niya sa akin. Nasa tabi ko ito habang nasa kalagitnaan ako ng panganganak sa aming panganay.

“Isa pang ire, Prinsesa Tina! Malapit na, kita ko na ang kaniyang ulo,” sambit ng isang punong manggagamot. Pinipilit kong binabalewala ang sakit na nararamdaman ko, para akong hinahati sa dalawa. Naliligo na ako sa sarili kong pawis. At sa isang untag ko pa nga ay narinig ko na ang iyak na kanina pa namin gustong marinig, sa wakas, nailuwal ko na ang aking munting Prinsesa.

“M-mahal, a-ang ating a-anak! Nakikita ko na ang aking anak!” despite feeling exhausted, nagawa ko pa ring mapangiti. Sinusubukan kong ibuka ang aking mga mata para makita ang aming munting Prinsesa. At sa nanlalabo na paningin, kitang kita ko ang aking mahal na Prinsipe Fenris, karga karga ang aming munting Prinsesa hindi magkamayaw sa pag-iyak.

And with that sight, there’s the contentment that I’m feeling in my heart. Having a sight of my two love of my life, my family. There’s nothing I can ask for more. And with one last look, darkness consume my being.

5 years later…

“FENNA!” I shouted out of nervous, nang muntik nang madapa ang aking munting Prinsesa.

“Mahal, huwag ka masyadong mahigpit, hayaan mo ang ating Prinsesa na maglaro,” Fenris calmly said which made my brows furrowed. Kahit kailan talaga ay sobrang spoiled nito sa anak namin.

“Pwede niyong iwan muna sa amin ang Prinsesa Fenna, narinig kong gusto niyong puntahan ang isang ilog malapit dito,” sambit ni Prinsipe Elydyr, katabi nito ang kasintahan nito na si Aisha, na dating bantay ni Prinsipe Haramara. Naka-upo kami ngayon sa lilim ng isang malaking puno dito sa kagubatan ng kaharian ng Oudwech. Ako ang nag-aya sa kanila at sinabing picnic ito kung tawagin sa mundo ng mga tao.

“Ayos lang sa-” naputol ang sasabihin ko ng hilahin ako ni Fenris patayo.

“Maraming salamat, Prinsipe Elydyr, babalik din kami agad,” sambit nito sa kanila at hindi na ako hinayaang pumalag pa. Hinila niya ako papunta sa kabayo at agad akong binuhat para maisakay doon.

“Dapat ba talaga nating iwan si Fenna sa kanila? Pwede naman natin siyang dalhin,” sambit ko sa kaniya nang maka-pwesto na siya sa aking likuran.

Hinawakan niya ang tali at pinatakbo ang kabayo, “Gusto mo bang panoorin tayo ng ating anak na gawin ang kaniyang magiging kapatid?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at mahina pa siyang nasiko, napadaing ito at napatawa. He’s clearly teasing me!

“Ano iyang sinasabi mo, Fenris?” sambit ko rito, kunwari ay naiinis, ngunit hindi ko rin naman mapigilang mapangiti.

“Bakit? Ayaw mo bang masundan ang ating Prinsesa? Limang taon na siya, lagi na lang siyang naghahanap ng makalaro.” Napasinghap ako ng maramdaman ko ang kamay nito sa aking tiyan, senswal niyg pina-ikot ikot ang isang daliri doon. Napalunok ako ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking batok. And in a second, I felt his lips on my neck leaving light trail of kisses in there, leaving me breathless.

“F-fenris… ibaling mo ang ‘yong mga mata sa daan,” sita ko rito ngunit sa wari ko’y hindi naging epektibo ang sita kong iyon. It was like I’m pleading for him to continue what he’s doing. At sakto namang malapit na kami sa ilog, I can hear the water flowing.

Agad siyang bumaba at sunod akong binuhat at hindi na ibinaba. Binuhat niya ako hanggang sa harap ng ilog, isa itong bukal. There’s a bamboo raft floating in the middle.

“Ibaba mo na ako,” I weakly said, at ngayon na siya nakinig. Pero bumaba siya at pinapasakay niya ako sa kaniyang likuran. Mataas na engkantado si Fenris kaya sigurado akong abot niya lang ang lalim ng tubig.

“Sumakay ka na sa aking likuran, mahal,” sambit nito sa akin. Kaya wala na akong nagawa at dahan dahan na akong sumakay sa kaniyang likuran. Ang susunod ang hindi ko inakala dahil bigla na lamang siyang tumalon nang walang pasabi. Naramdaman ko nalang ang pagkabasa ng buo kong katawan, at ang iniisip kong lalim ay mas malalim pa pala. Ibinuka ko ang aking mga mata, and with the help of sun’s rays, nakikita ko si Fenris sa aking harapan. And he’s breathtaking… his long hair is dancing along the movement of water. He’s enchanting… and I am enchanted by him.

But then, our staring moment was interrupted when I am slowly running out of air and… I don’t know how to swim! Nanlaki ang mata ko at pinilit kong abutin si Fenris dahil hindi ko magalaw ng tama ang aking paa’t kamay para ako’y umangat. Inabot niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. And I expect him to swim upwards para makahinga na kami. But… in a split of seconds, I already felt his lips crushing upon mine. And he shared his air with me and giving me a slow kiss as he slowly swim upwards.

Ang pangamba ko’y parang bulang naglaho, sino ba namang hindi? I am inside my man’s arms, which is holding my tight, giving me a sense of protection. At ilang sandali lang ay nakaahon na kami, he’s holding me now.

“Fenris, bak—” Napahinto ako ng mapatingin ako sa kaniyang mukha. His long ears was gone, he looks like a mere human now. Isang beses ko pa lang itong nakita sa anyo niyang ito and that is on our first night.

“Ano ang iyong sasabihin, aking mahal?” There’s this grin on his lips like he knew that he captivated me. Inirapan ko ito at ibinaon ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Kaya naman ng tumawa siya ay ramdam ko ito, and I can also feel and hear his heartbeats. Kaya naman napangiti na rin ako.

Having him is the most ecstastic moment for my heart. For he’s my peace, my home and my comfort zone. There’s no place like home inside his arms. And with our little angel, Fenna, coming into our lives. It’s perfect. He’s the man whom I want to have my children. And he’s my other half, the love that I’ll always need, always.

--END--