CHAPTER 1

"Aba Lauren bumangon kana" ang aking alarm clock ay ang aking pinaka mamahal na ina.

"Hmmmm" tinatamad pa kong bumangon. Ang aga pa naman yata kasi.

"Anong hmmmm ka d'yang bata ka, alas 6 na ng umaga." napa balikwas ako ng bangon ng wala sa oras. At dilat na dilat ang magaganda kong mata.

"Mama bakit ngayon nyo lang sinabi, 7am ang klase ko." nagkukumahog akong tumayo sa higaan namin ng kapatid ko na tulog mantika pa din at saka dumeretso sa kusina sabay mumog at kumuha ng plato para mag almusal.

"Ano ka ngayon, ate?" tumatawang boses ng kapatid kong lalaki ang nadinig ko.

"Tse" pinag patuloy ko na lang ang pagkain ko dahil wala na kong oras para makipag away pa.

At ngayon kasalukuyan akong tumatakbo dahil narinig ko na ang bell, at fyi naka skirt ako na fitted nyan. Late na kasi ako terror pa naman ang mga teacher sa college akala mo hindi napagdaanan yung buhay college.

"Hoyyy mukha ka nanamang bruha babae ka." yan ang bungad ng mga kaibigan ko. Ang gandang bungad di ba? Napaka concern nila sakin.

"Grabe bruha agad wala man lang good morning " hinihingal akong napa upo sa upuan ko katabi ng mga kaibigan ko.

"Kasi alam naming di good ang morning sayo." dagdag pa ng isa.

"Yun umabot pa ko" habol hiningang sabi ng kaibigan ko na kararating lang din.

"Eyyy best friend" bati ko dito habang naka ngisi.

"Late tayo nanaman." yan talaga ang best friend ko dahil lagi kami late lagi.

"Ewan namin sa inyong dalawa tuwang tuwa pa kayo na late kayo lagi" disappointed na wika ng aming ms. Dl.

"Good morning class" napaayos kami ng upo ng pumasok na si Ms. Herman usual naka poker face nanaman ito.

"Good mo---" nabitin ang bati namin dito

"Bring out your works and pass it" grabe ang sungit naman nito

"May gawa ka Lau?"

"Yes of course" ngiting ngiti kong wika at pinasa na

"Ok dahil may meeting kami ngayon no classes for today" pagkalabas na pagkalabas ni maam nag-iritan agad ang mga bakla kong kaklase.

"Tara video tayo" bida bida ako kapag video ang gagawin

"Wala mukha mo nanaman ang makikita mo dun" grabe talaga tong mga to kala mo wala silang mukha dun.

"Kaibigan ko ba talaga kayo huh, Jen" habang ang sama ng tingin ko dito, I open my phone then set it in video.

"Ipopost ko yan Lau tignan mo."

"Whatever Maje" inayos ko yung buhok at nagsalamin.

(Basta nag video sila then Lauren post it in Instagram story then she tagged her friends)

"I posted it already Maje" nasayaw pa ko nyan.

"I saw it, ang pangit ko sa iba Lau" galit na galit ito kasi pangit daw akala mo naman maganda.

"Maganda ka ba Gurl" kaya napatawa kami ng binato ni Maje si Kaye.

"Arggh I hate you Kaye" naghabulan na nga ang dalawa na akala mo mga hindi college students.

"Same to you Maje."

"Hi Lau" biglang may nagsalita at pag lingon ko yung manliligaw ko pala.

"O Keith ikaw pala" nakangiting wika ko dito, actually gwapo at habulin ng mga girls pero snob nga lang famous kasi pero ewan ko ba bakit nagpupumilit tong manligaw sakin.

"Manliligaw ka nanaman" hindi ko alam kung galit ba si Chloe o ano lang.

"Yes can I Lau" ay naku ano ba naman tong buhay ko.

"Still no Keith, I already told stop pursuing me" napapa English tuloy ako ng wala sa oras kasi naman kulit ng lolo Keith niyo.

"But..."

"Keith just a friend, okay?" hindi naman sa ayaw ko ang totoo may crush ako sa kanya sadyang hangang friends lang, feeling ko kasi may nag mamay-ari na sakin charrrr joke lang pero ayoko talaga.

"You hear that Keith, get lost" saad ni Chloe, minsan may feeling ako na may gusto tong si Chloe kay Keith pero who knows ang misteryoso kasi na babaing yan, laging may secret na ayaw ipaalam o sabihin man lang.

"Okay" pag kaalis ni Keith tinignan ko agad si Chloe.

"May dapat ba kaming malaman Chloe?" curious ako sa magiging sagot nito.

"Nothing" kaya napasimangot ako ng wala sa oras dahil wala syang sinabi..

Naglalakad kami pauwi ang kasabay ko ang magagaling kong kaibigan pero si Chloe lang ang wala laging Mia kasi yung babaeng yun.

"What are you trying to ask earlier?" si Maje na bigla bigla na lang nag sasalita sa tabi ko.

"For whom?" I don't kung ano at sino ang tinatanong nito.

"Kay Chloe"

"Oh that, it's nothing I still not know the answer I will asked her again if she answer then I tell you guys" ayokong magsalita ng di nalilinawan kasi syempre friendship is something to be valued.

"Okay just tell us when you know the answer" saktong tapat na ako ng sakayan ko that's why I said goobye to them.

Pagdating ko bahay namin may ford na kotse doon, wow yayamanin sino kaya ang aming bisita wala pa naman to ng pumasok ako (mag hapon po ang klase ko). Pagka-pasok ko nakita kong may dalawa taong nakaupo sa sofa katapat ng mama at papa ko tapos ang mga kapatid ko tingin nasa kusina ang mga ito kasi may bisita, ganun kasi kami pag may bisita laging nasa kusina nag hahanda ng pang miyerda.

"Good afternoon." bati ko kaya napalingon sila sakin pati ang bisita at mukhang kasing edad nila Mama at Papa, lumapit ako kay mama at papa para bumati (beso po ang pagbati ko) at humarap ako sa mga bisita at yumuko.

"Siya na ba yan Maurice" nakangiti sakin ang ginang habang tinatanong si Mama mukhang banyaga ito.

"Say hi to your Tita Lizzhet, Lauren"

"H-hi" ang ganda nya kasi, alam kong maganda ako pero parang nahiya ako bigla.

"She grow up as beautiful lady" saad ni Tita Lizzhet habang hinihila ako paupo sa upaan sa tabi nya.

"Sorry to ask this. But do I know you? Like did we meet before because I didn't remember meeting you before" I'm just telling the truth.

"She can't remember me" halata ang gulat sa mukha nito habang nakatingin kay Mama at Papa.

"Ate go to your room muna" saad ni Papa kaya umalis ako na naguguluhan ayy ewan makapag bihis na nga lang...

AN✓