CHAPTER 15

PHILIPPINES I’m back. At dahil yun sa isang lalaki kaya ako nandito nanaman.

“Mama” magtatakbo ako papalapit kay Mama kasama sila Papa.

“Bigla-bigla na lang nagbalik niyo” parang ayaw pa ni Mama na bumalik ako.

“Si Rock ang tanungin niyo Mama walang maisip na matino yan” pinaikutan ko ng mata ito ng tumungin it sa sakin.

“Ayy sige tara na” lumakad kami sa naghihintay na van doon mukhang pag-aari ng mga Montallana dali may tatak pa ito. Perks of being rich.

“Hangang kelan ka magstay dito iho?” tanong ni Papa sa katabi ko.

“Kung kelan po titino si Eize” masamang tingi ang pinukol ko dito. Anung kala niya sakin kulang sa aruga ng isang ina.

“Matino na ko kaya umuwi kana” mataray kong saad dito. Pero ang bakulaw pumikit lang.

“Mama itatransper ulit ako nito dito” saad ko habang nakaturo sa lalaki.

“Bakit daw anak?” nakakunot noo ni Mama.

“Ewan may saltik ata siya Mama” iling-iling kong saad.

“Nagkita ba kayo ni Lich sa Singapore?” tanong ulit ni Mama kaya na palingon ako dito.

“Yes, Ma. Bakit?” nangunot ang noo ko dahil parang alam ko kung bakit. Mukhang pinilit nanaman ni Lich si Mama.

“Kinulit ng batang yon ang Mama mo” natatawang saad ni Papa. Now I know kung bakit alam nito.

“Really? Eh kaibigan nun si Rock kaya imposibleng hindi niya alam kung nasan ako” mahaba kong paliwanag.

“Magkaibigan sila? Paanong nangyari yun?” takang wika ni Mama.

“Ewan Ma. Basta mahabang kwento yun” wika ko.

Back to normal na talaga ang buhay yun nga lang yung puso ko lang ang abnormal dahil sa bakulaw na yun.

“Faster Eize” sigaw nito na parang atat pa.

“Madaling-madali” wika ko.

“I have a meeting” pagpapaalala nito.

“K. Fine.” Ihahatid kasi ako nito sa school. Tapos may meeting pala. Sabi niya kagabi ka meeting nya yung mga kaibigan niya. Ewan ko kung sino pero alam kong kasama si Lich doon.

“Babush bakulaw” paalam ko dito ng makalabas ako sa kotse nito. Nasa harap na ko ng school at naghihintay na ang mga kaibigan ko.

“Tsk, Remember what I told you! Stay away from---”

“—Boys! Yeah I know it” saka ako kumaway at humarap sa mga kaibigan ko sabay takbo.

“Fafable talaga yung jowa mong yun Lauren” parang na nanaginip pang saad ni Maje.

“Hey hindi ka welcome para idaydream ang soon to boyfriend ko” mataray kong saad dito.

“Wow ang dimot naman parang kelan lang ayaw mo doon” natatawang saad ni Kaye.

“Dati yon di na ngayon” biglang nagbell kaya nagtakbuhan na kami. Buti na lang washday namin.

“Geezz si Ms. Sungit ang first subject natin” hingal na wika ni Chloe.

“Bakit nga ba ko sumabay sa inyo?” si Jen na parang hindi gusto ang ideya na pagsabay samin.

“Wait huh! Sa iyong idea ang hintayin si Lauren” pagsasaad ni Maje at huminto pa talaga kami.

“Hey guys nasa 3nd floor palang tayo at fifth floor ang room natin ngayon kaya wag ng umanga dyan” pagpapaalala ko sa mga ito. Bakit ba kasi hindi uso ang elevator dito.

“Hey Sweet bakit hinihingal kayo?” malambing na tanong ni Keith sa jowa ni na walang iba kundi si Chloe. Naikwento sakin ng mga chimakers kong kaibigan kung paano naging sila pero hindi ko alam ang totoong kwento talaga. So just wait for them to tell us.

“Sana all may nag-aalala” pumagitna pa talaga si Kaye sa dalawa.

“Wrong Kaye” pailing-iling pa ako habang umiikot sa dalawa.

“Sana all may jowa” saka ako tumawa. Nagbigla akong batukan ni Chloe.

“May jowa ka. Hinatid ka pa nga kanina di ba?” nakataas ang kilay nito.

“Soon to be palang Chloe” naka-ngisi kong sabi dito.

“Maiba tayo anung gagawin mo sa birthday mo Lauren” pag-iiba ni Jen.

“Oo nga next week na yun” dugtong pa ni Maje.

“Dunno kung anong ganap” balewa kung wika sa dumeretso sa upuan ko dahil na kita ko na si Ma’am.

WHY I’m talking to this guys? I need their advice.

“Mas magandang surprise” madiing wika ni Walt Merdiano

“No, Eize don’t like surprises” saad naman ni Lich kaya binato ko ito ng bottled water na walang laman.

“Your not allowed to call her Eize” matalim na mata ang pinukol ko dito.

“Tanungin na lang natin kung ano gusto niya sa birthday niya” suggest ni Travis Tyson

“No way” ang dakilang kontra sa plano.

“Stop it” madiin na usal niya.

“I have to go man I have something to do” paalam ni Posizione Morquerie kaya na patingin si Lieber Parceiro dito.

“Girls?” chimoso talaga itong lalaking ito. Naturingang isang prinsipe.

“Only one, a girl man” wika nito na nakangiti. Nagkasalubong ang kilay ni Lieber na parang inaalam kung totoo iyon o hindi.

“Let him be with his woman” sumingit na si Zufrieden Demuire na seryoso.

“Ako ang humihingi ng advice dito” saad ko para mawala ang tensyon.

“See you man” saka nagmamadaling umalis si Posizione.

“I doubt” saka umiling ito.

“Kung ako sayo Lime sariling style mo gamitin mo wala kang mamapapala samin lalo na kay Lich” si Kurt na nakatayo sa tabi.

“Yeah that’s right man” segunda ni Leux.

“Okay. What are you doing here?” nakakunot noong saad ko.

“Oo nga man wala kang shoot”

“Mukhang wala kang babae ngayon”

“Sama ka sakin mamaya Leux mambabae tayo” binato ko ito ng ballpen buti na lang nakailag.

“Mukha kang babae Drake” saad ko dito pero ang loko tumawa lang.

“I’m going”

“Me too” sunod sunod na nagpaalam ang mga ito naiwan si Leux. Tumingin sakin ito.

“What?” alam kong may itatanong ito.

“Di ba galit sayo yung babae mo paano mo napaamo?” so may problema ito.

“Hindi ko pa tuluyang napapaamo” sagot ko habang inaalala ang masungit na babaeng iyon.

“How?” babae ba ang problema nito.

“Do you have a girl?” I asked.

“No, just answer me cous” nagpipigil itong magsalita.

“Okay, gawin mo yung gusto niya except sa iwan siya” nakangiti kong saad.

“Don’t smile you look like a fool” sabi pa nito bago umalis.

“Tsk, girl problem” like mine. Then my phone ring I answer it without looking the caller.

“Nasan ka na bang lalaki ka?” she’s still like that a rude girl.

“You don’t know to say Hi?” balik tanong ko dito.

“Where are you? Kapag wala ka pa dito sasakay na ko kay Lich, bye” kinuha ko agad ang susi ng kotse. That woman she’s getting to my nerve.