Chaoter 15: Too late

“Let’s have a fun race, my love. Pupunta na ako sa school ni Darkien. Paunahan na lang.”

Isang mensahe galing kay Stephan ang nagpakaba nang husto kay Allyce. Nagsiunahan namang pumatak ang kaniyang mga luha at napahagulgol siya ng iyak.

“Sasama ako.”

Hindi na nag-abalang magsalita si Allyce at hinayaan ang kaniyang demonyong asawa na ngayo’y nagmamaneho sa sinasakyan nila. Hindi mapigilan ni Allyce na mangatal ang labi at mag-overthink. Halos hindi na aiya makahinga sa matinding kaba, takot, at pangambang kaniyang nararamdaman ngayon. Hindi niya kakayaning mawala sa kaniya ang anak. Ito na lang ang pinahahalagahan niya—higit sa kaniyang buhay.

Napapasulyap si Demon sa kaniyang asawa. Gustuhin man niyang yakapin at pagaanin ang loob nito subalit alam niyang mas ikakagalit pa nito kung sakaling gagawin niya iyon. Sa putong ito, ang mas mahalagang gawin ay ang maunahan nila si Stephan.

Kunot-noong pinukos ni Demon ang kaniyang atensiyon sa kalsada at napakabilis ng kaniyang pagmamaneho na halos ipalipad na niya ang sasakyan. Sa kabila ng kaniyang pag-aalala sa kaniyang anak, aminado siyang mayroong lakas ng loob na mailigtas ito sa kamay ng binatang iyon. Naiisip pa lang niya ang mukha ng binata ay kumukulo na ang kaniyang dugo sa hindi malamang dahilan. Tila ay nais niya itong durugin nang pinong-pino.

Nanginginig ang kamay, binti, at papa ni Allyce. Hindi na siya mapakali pa. Tila ay naririnig na niya ang malakas na kabog ng kaniyang puso. ‘Anak, papunta na si mommy riyan. Diyos ko! Iligtas n’yo po ang anak ko sa kamay ni Stephan.’

Mahigit tatlumpong minuto bago narating ng dalawa ang pinapasukang skwelahan ng kanilang anak. Agaran namang lumabas si Allyce sa sinasakyang kotse at patakbong pumunta sa gate ng skwelahan na pininturahan ng puti.

Halos magkanda-ugaga si Allyce sa paghahanap ng kaniyang anak sa mga nagdaramihang mga batang estudyanteng papalabas ng gate. Hindi siya makalapit sa isang gwardiyang naka-assign ngayon. Nakasunod naman si Demon sa kaniyang asawa. Naisin man niyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan ay alam niyang hindi iyon ang dapat niyang gawin lalo na’t mga bata ang mga ito at nasa mundo siya ng mga mortal.

“Nasaan ang anak ko, manong? Nakita mo ba siya? Lumabas na ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Allyce sa gwardiya na ngayo’y nakakunot ang noo habang nakatingin sa kaniya.

“Ms. Allyce, wala namang nangyaring masama kay Darkien. Kinuha lang siya ni sir Stephan kanina—”

“Ano?!” Hindi na mapigilan ni Allyce na mapasigaw. “Anong oras niya kinuha ang anak ko? Ba’t n’yo kasi hinayaan!”

“Pasensiya na, ma’am. Kaninang alas-tres ng hapon, ’yon ang pagkakaalala ko.”

Napa-upo si Allyce sa sementadong daan at napahagulgol ng iyak. ‘Nahuli ako! Anak!’ Puro pangalan ng anak ang namumutawi sa kaniyang garalgal na boses. Nahuli nga ba siya o sadyang napakatuso ng binata? Mahigit kalahating oras na ang nakalipas bago pa man niya nakuha ang mensaheng pinadala nito sa kaniya.

“Saan niya dinala ang anak ko?” Matamaang tinignan ni Demon ang gwardiya sa mga mata nito.

“H-Hindi ko po a-alam, s-sir!” Kumabog nang matindi ang dibdib ng gwardiya. Kahit na siya ay nagtataka sa hindi kilalang lalaki ay nakaramdam siya nang matinding takot dito. Hindi rin niya mapagkakailang ito nga ang ama ng batang si Darkien dahil na rin sa pagkakatulad ng kanilang pisikal na anyo.

Napamura si Demon sa kaniyang isip. Nanggagalaiti siya ngayon sa galit. Ang ayaw pa naman niya sa lahat ay ginagalaw ang kaniyang mahal sa buhay.

Isang tunog ng selpon ang nagpatigil kay Allyce sa kaniyang pag-iyak. Mabilis ding napabaling ng tingin si Demon sa kaniyang asawa na ngayo’y hawak-hawak na ang selpon nito. Nakatulala habang napatakip sa sarili nitong bibig. Kitang-kita ni Demon ang matinding paghihinagpis ni Allyce sa puntong ito.

Mabilis na lumapit si Demon sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. Mas lalong napahagulgol ng iyak si Allyce nang maramdaman ang init ng yakap ng demonyo niyang asawa. Napayakap na rin siya rito habang siya ay inaalo ng asawa.

“Demon… si Darkien… Ang anak ko. Iligtas natin siya. Parang-awa mo na.” Napa-ingos si Allyce at tila ay mayroong nakadagan sa kaniyang dibdib na halos hindi na siya makahinga. Pansin dito ang pag-hi-hysterical ni Allyce. “Hindi ko kakayaning mawala ang anak ko… tulungan mo ako.”

“Shh.” Hinalikan ni Demon ang ulo ng kaniyang asawa na ngayo’y nakasubsob ang mukha nito sa kaniyang malapad na dibdib. Wala na silang pakialam sa mga taong nakapalibot sa kanila na ngayo’y hindi alam kung ano nga ba ang nangyayari. “Tumahan ka na. Ililigtas natin si Darkien. Magiging ligtas ang anak natin, maniwala ka.”

Napatango na lang si Allyce at hindi na siya nag-isip pa ng negatibo hinggil sa pangako ni Demon sa kaniya. Sa pangalawang pagkakataon ay pagtitiwalaan niya ito.

•••

“H-Hindi ba tayo manghihingi ng tulong sa mga pulis?” nag-aalalang tanong ni Allyce sa asawa. Papunta na sila ngayon sa isang eksaktong lugar na pinadalhan ng mensahe ni Stephan.

“Hindi na kailangan.” Binalingan ng tingin ni Demon si Allyce habang siya ay nagmamaneho ng sinasakyang kotse nila ngayon at ngumiti rito upang ipakita na magiging maayos ang lahat. “Hindi ko kayo pababayaan.”

Alam niyang magiging sagabal ang mga pulis sa gagawin niya ngayon kay Stephan. Ipaparamdam niya rito kung gaano magalit ang isnag demonyong katulad niya. Hindi na niya i-ko-konsidera kung isa man itong tao.

Umiwas ng tingin si Allyce at nanatiling nakatikom ang kaniyang bibig. Tila mayroong mga daga sa loob ng kaniyang tiyan at nararamdaman niyang sumaya siya sa narinig mula sa demonyo nitong asawa. Ayaw man niyang aminin subalit nakakaramdam siya ng kaginhawaan at kinakalmado nito ang kaniyang sistema.

‘Tama bang pagkatiwalaan ko siyang muli?’

Tumataksilim na ang araw at napapalitan ito ng mabilog na buwan. Kumakalat na rin sa buong paligid ang iba’t ibang huni ng mga insekto tuwing pagsapit ng gabi. Naging mabato ang kanilang dinadaanan. Hindi na rin mabilang ang mga naglalakihang puno ang kanilang nadadaanan at unti-unti na ring nakaramdam ng matinding kaba si Allyce. Tumatambol ang kaniyang puso na tila ay nagpupumilit na lumabas mula sa kaniyang dibdib.

Sa tagal ng kanilang byahe na halos magdadalawang-oras ay sa wakas, narating na nila ang isang napakalaking abandonadong hospital. Napatingin si Allyce sa direksiyon no’n at gumuhit ang halo-halong emosiyon na kaniyang nararamdaman ngayon. Napalingon siya kay Demon at sinuri niyang mabuti ang gwapo nitong mukha subalit wala siyang nakikitang kahit anong emosiyon sa lalaki.

Napabuga siya ng hangin at napakagat sa ibabang labi nito. Pinipigilan niyang tumulo ang kaniyang luha. Hindi na niya alam kung paano matatapos ang gabing ito. Ang mahalaga ay makuha niya ang kaniyang anak na ligtas.

‘Isang demonyo ang kasama ko ngayon, hindi ko man alam ay nakakasiguro akong makapangyarihan siya. Kaya niyang iligtas ang anak ko.’ Pinipilit ni Allyce na pagaanin ang kaniyang kalooban subalit naroon pa rin ang pag-aalinlangan sa kaniyang puso. Nakakasiguro ba siya rito? Siya na mismo ang nagsabi na isang demonyong tunay ang kaniyang napangasawa at aminin man niya o sa hindi… napakalaking kahangalan ang magtiwala sa isang demonyo.

Pagkalabas na pagkalabas ni Allyce mula sa sinasakyang nilang kotse ay agad namang yumakap sa kaniyang buong katawan ang lamig ng hangin. Tila ay nanunuot ito sa kaniyang balat kaya ay napayakap siya sa kaniyang sarili. Nakasuot lamang siya ng isang sleeveless na blosa at faded jeans. Hindi na siya nag-ayos pa kanina miski mag-retouch sa nasira niyang makeup dahil sa kakaiyak.

Napabaling ang kaniyang ulo kay Demon na ngayo’y inaayos ang jacket na nilagay nito sa kaniyang likuran upang siya’y hindi lamigin.

“S-Salamat.” Sa unang pagkakataon, nasambit ni Allyce ang salitang ‘salamat’ dito. Napamura siya sa kaniyang isipan. Pinapangako pa naman niyang hinding-hindi siya magpapasalamat dito pero ano ang nangyari ngayon? Kinain niya ang isinuka niyang salita.

“Handa ka na ba?”

Napatango si Allyce nang tanungin siya nito. Handa man siya o hindi, lahat ay handang gagawin niya alang-alang sa kaniyang anak. Miski ang ibuwis ang kaniyang buhay ay hindi niya ipagdadalawang-isip. Ganoon ang kaniyang pagmamahal bilang isang ina.

Sa kabilang banda naman, nanatiling nakatingin sa isang malaking screen si Stephan. Hindi napapawi sa mukha nito ang nakakaloko nitong ngisi. Kitang-kita niya nang maliwanag sina Allyce at Demon na ngayo’y papasok na sa abandonadong hospital.

Napalingon siya sa kaniyang likuran at walang emosiyong tinignan ang anak ni Allyce na ngayo’y wala pa ring malay na nakahiga sa isang may kalumaang sofa.