Chaoter 13: Cat Fight
“Maayos na ang kalagayan ng pasyente at… nakakapagtataka nga lang.”
“Huh? Anong ibig mong sabihin, dok?” Nagsalubong ang dalawang kilay ng isang lalaking nakasuot ng pormal na suit. Maayos ang pagka-ayos ng buhok nito na kulay blonde.
“Ah, wala.” Umiling nang ilang ulit ang doctor tyaka nito nginitian ang lalaki. “Hindi malalim ang mga natamo niyang sugat at pasa kaya wala ka nang ipag-aalala pa.”
“Salamat, dok.”
Tumango lang ang doktor at lumabas. Napatingin naman ang naiwang lalaki sa nakahiga sa hospital bed. Tila ay mahimbing ang pagtulog nito at nakakaawa kung tignan. Puno nang pasa ang mukha nito lalo na rin ang iba’t ibang parte nitong katawan.
Hindi alam ni Justin kung ano nga ba ang totoong nangyari sa kaibigan. Hindi rin nagsalita ang mga crew at manager sa hotel sa nangyari. Nakatanggap lang siya ng tawag mula rito at nagmadali siyang nagmaneho papunta sa hospital.
Lumapit siya sa hinihigaan ni Stephan at nanatiling nakatitig dito. Napapailing na lang siya at hindi alam kung maaawa ba siya o matutuwa sa nakikita ngayon.
Ilang beses na bang napupunta ang kaibigan sa gulo? Malamang sa malamang ay hindi na mabilang na pagkakataon. Ngayon niya nga lang nakitang naging ganito ang kalagayan ng kaibigan.
“Ikaw talaga! Babae na naman, no?” Tila siya ay isang baliw na nakikipag-usap sa walang malay na kaibigan. “’Yan kasi ang napapala sa playboy na katulad mo. Sana nga ay magtanda ka na, tsk! Tsk!”
Napamulsa si Justin sa magkabila niyang bulsa at napabuntong hininga. Ilang saglit lang ay biglang nagvibrate ang kaniyang selpon at agad niya itong dinukot. Pagkatingin sa caller ay agad niyang sinagot ang tawag nito.
“O, Karen? May problema ba?” tanong niya sa kabilang linya. “Sige-sige, pupunta na ako riyan.”
Sa huling beses ay pinukulan niya ng tingin ang nakahigang kaibigan at tyaka niya pinihit ang kaniyang katawan.
Kasabay ng pagtunog ng pagsara ng pinto ay agarang binuksan ni Stephan ang kaniyang mga mata. Walang makikitang emosiyon dito maliban sa matinding galit at poot. Nagkiskisan ang kaniyang mga ngipin at marahas na nakatingin sa kisame.
‘Lintek kang hayop ka! Gagantihan kita! Mapapasa’kin din kita, Allyce. Mapapasa’kin!’ aniya ng kaniyang isip.
Kapansin-pansin ang pang-uugat ng kaniyang braso habang nakakuyom ang kaniyang mga kamao. Halos mapunit na ang putting kumot sa nag-uumapaw na galit na kaniyang nararamdaman sa puntong ito.
Napabaling ang kaniyang tingin sa isang telepono na nasa tabi ng pintuan. Agad siyang bumangon na parang wala lang ang kaniyang natamo at naglakad papalapit doon. Matapos mag-dial ng numero ay agad niyang nilapit sa kaniyang tainga ito.
“May ipapagawa ako.” Tatlong salita pero mabagsik ang laman.
Isang ngisi sa ang sumilip sa kaniyang maputlang labi. Isa lang ang nasa kaniyang isipan: Maghigante.
•••
“Mwah! Bye, mommy!” Pagkatapos mahagkan ni Darkien ang pisngi ng kaniyang anak ay patakbo siyang kumakaway sa kaniyang ina habang papasok sa malaking gate ng kaniyang pinapasukang paaralan.
“Bye, baby! See you, mamaya!” Nakangiti si Allyce at maaliwalas ang kaniyang mukha habang pinapanood ang paglayo ng anak sa kaniyang paningin.
Nang hindi na niya matanaw ang bata ay humugot siya ng malalim na hininga at pinihit ang kaniyang katawan paharap sa kaniyang sasakyan.
“Magandang araw sa’yo, mahal ko!”
“AHH!” malakas na tili niya nang biglang sumulpot sa kaniyang harapan ang demonyong asawa na si Demon.
Nakangiti si Demon nang malawak habang nakatitig sa nangungusap na mata ng asawa. Agad namang napalitan ng pagkainis ang ekspresiyon ni Allyce at tila ay sumama ang kaniyang araw dahilan ng paglitaw nito.
“Panget ang araw ko dahil nakita kita. Tabi nga!” Inis niyang hinawi ang mascular na balikat ni Demon subalit hindi ito natinag sa kaniyang ginawa.
“Tch!” tuya niya at masamang tinignan ito at nilampasan.
Padabog niyang sinara ang pinto ng kotse at hinarurot ito. Uuwi siya ngayon sa bahay upang magpahinga nang matagal lalo na’t sariwa pa sa kaniyang alaala ang nangyari kagabi.
Sa sarili niya ay hindi talaga siya makapaniwala sa walanghiyang gagawin ni Stephan sa kaniya. Malaki pa naman ang respeto niya sa binata at napag-isip-isip niya pang bigyan ito ng pagkakataon dahil deserve nitong mahalin subalit… lahat ng ’yon ay nawala na parang bula. Galit, lungkot, at paghihinayang ang kaniyang nararamdaman ngayon. Maganda pa naman ang kanilang pagsasasama.
Agad niyang pinarke ang kotse sa garahe at hinahagilap ang kaniyang susi ng bahay habang naglalakad. Pagkaharap niya ay bumungad na naman sa kaniyang paningin ang nakakairitang mukha ng kaniyang demonyong asawa.
Hindi nawala-wala ang malawak na ngiti nito sa kaniyang mukha habang nakatitig sa nakakatuwang ekspresiyon ng kaniyang asawa. Lahat ng bagay na mayroon ito: mapabuti man o masama ay tanggap niya at natutuwa pa siya lalo.
“Maaari ba kitang makausap—”
“Hindi! Lumayas ka nga sa dinadaanan ko!” Halos umusok ang ilong ni Allyce sa matinding inis na nararamdaman niya ngayon. Bakit nga ba ganoon na lang ang pagkainis niya rito?
Hindi na niya inabala pa ang sariling tingnan ang ekspresiyon ni Demon at kapagdaka’y nilagpasan ito.
“Mahal, pakiusap—” Napabitaw si Demon sa pagkahawak niya sa pulupulsuhan ng kaniyang asawa nang makaramdam siya ng pamilyar na sakit.
Napaatras pa siya ng isang bese. Napatitig si Demon sa pagtataka dahil nga ay Hindi niya naramdaman ito noong binuhat niya ang asawa kagabi. Napadako ang kaniyang mata sa suot ni Allyce: isang kwentas na may kakaibang pendant.
Napataas ang kilay ni Allyce nang mapansin ang kakaibang ekspresiyon ng mukha nito. Napatingin siya kung saan ito nakatingin at doon nga sa kaniyang suot na kwentas. Tila ay alam na niya kung bakit nagkakaganito ang demonyo niyang asawa.
Noong pinagbubuntis pa niya ang anak na si Darkien, nagawi siya sa isang bangketa at mayroong isang matandang babae ang nagtitinda roon ng ano-ano. Sa hindi malamang dahilan—mayroong nag-uudyok sa kaniyang tanggapin ang inaalok nitong kwentas at ‘yon nga ay suot na niya ngayon.
Noong una ay nais na niyang itapon ito ngunit napag-isip-isip niyang suotin ang kwentas. Wala namang mawawala sa kaniya at siyeempre bilang respeto na lang sa matanda. Nakakapagtataka ngunit naging maganda na ang kaniyang pagtulog. Hindi na niya napapahinipan ang asawa niya na siyang nagbibigay ng sakit sa kaniyang puso.
Naalala niya pa ang sinabi ng matanda, “Ito ay kwentas na nagbibigay sa’yo ng kaluwalhatian at dulot nito ay matinding hirap sa taong nagbigay sa’yo ng pait.”
Totoo ba ang sinabi ng matanda? O nag-a-assume lang siya? Sa lahat ng mga nangyayari ngayon, naging mas pabor sa kaniya ang pagsuot ng kwentas lalo na’t malaki ang pakiramdam niya na may epekto ito sa taong nasa harapan niya.
Binalewala niya ang kakaibang ekspresiyon nito at pumasok sa loob ng bahay tyaka sinarhan ang pinto.
Aminado siyang mataas ang pride niya ngayon lalo na kay Demon. May karapatan naman siyang magalit sa lahat ng ginawa nito sa kaniya. Sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang ito nagpakita kaya mas lalo siyang nagalit. Sa kabilang banda ay nakaramdam din siya ng kakaibang sensasiyon sa tuwing malapit ito sa kaniya.
Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang sumampa sa kaniyang malambot na higaan. Hindi pa nga lang siya nakaka-idlip ay isang ring ang bumalabog sa kaniyang matahimik na pagmumuni-muni.
Walang lakas siyang bumangon at lupaypay na inabot ang kaniyang cellphone. Hindi na niya inabala ang sariling tignan ng caller.
“Ano?” malakas niyang sigaw at agad-agad niyang pinatay ang tawag.
Wala pang limang minuto ay nakapag-ayos na siya sa kaniyang sarili at lumabas ng bahay. Ang kaniyang pagpapahinga sa araw na ito ay nawala na parang bula.
Pagka-park ng kaniyang sasakyan sa basement ay agad siyang pumasok sa elevator papunta sa kaniyang opisina.
Pagkabukas niya sa pinto ay lahat ng mata ay nakatuon sa kaniya. Ayaw niya talaga ng ganito at kinakabahan siya. Sa kabila ng lahat, kalmado siyang naglakad at hinayaan ang mga itong nakatitig sa kaniya. Alam na niya kung bakit ganito sila makatingin sa kaniya. Sino ba ang hindi pagtitinginan at pag-tsi-tsismisan? Siya lang naman ang dahilan kung bakit na-confine ang kanilang amo—not literally na siya ang bumugbog subalit siya lang ang nakilalang kasama ni Stephan nang gabing iyon.
“Well, well, well. Look who’s here? Ang kapal nga naman ng mukhang magpakita at tumapak sa kompaniya ng amo NATIN!” panunuya ni Janna sa kaniya pagkaupo pa lang niya sa kaniyang opisina. “Mabuti na lang ay may resignation letter na binigay sa akin… AT mabuti na lang na maalis ka rito! Alam mo, hindi ka nababagay rito, to be honest!”
Napa-roll eyes nang palihim na lang si Allyce sa naging turan ng dalaga. Noon pa man ay ramdam na niya ang tensiyon nito sa kaniya.
“Sa pagkakaalam ko ay isa kang kabit ng napakapanget at ’di kilalang lalaki!” Tumawa ito at ganoon din ang dalawa niyang kasamahan. “’Yan napapala sa isang sipsip at low-class na kagaya mo!”
Padabog na nilagay ni Allyce ang kaniyang mga gamit sa isang hindi kalakihang kahon. Binalingan niya ng tingin ang mga ito na tila siya ay nababagot.
“Alam kong naiinggit ka lang sa akin, Janna.” Ngumisi siya rito upang mas lalo mainis pa ang dalaga.
“Inggit? Pinagsasabi mo—”
“Oh! Si Stephan ba? Pati na rin ang trabaho ko bilang sekretarya? Sa’yo na!” Mas nilapit pa ni Allyce ang kaniyang mukha kay Janna habang dala-dala niya ang karton na pinaglagyan ng kaniyang mga kagamitan. “Sa’yo na ang pinagsawaan ko. Nakakaawa ka kasi.”
Pagkasabi niyang iyon ay agad siyang tumalikod at tumama pa ang kaniyang mabasa-basang buhok sa mukha nito. Umusok naman ang ilong ni Janna sa ginawa ni Allyce sa kaniya.
Agad niyang hinabol si Allyce subalit nahuli siya sa pagsara ng elevator.
“Hayaan mo na siya, Janna—”
“Pinagsasabi mo!? Hindi ko hahayaan ang pambabastos niya sa akin!” singhal niya kay Christine.
Mabilis siyang lumipat sa isang elevator at pumasok doon kasam ang dalawa niyang kasamahan. Nagngingitngit ang kaniyang kalooban na tila siya ay nainsulto sa ginawa ni Allyce.
Papasok na sana si Allyce sa kaniyang kotse nang biglang may humablot sa kaniyang buhok at sinabunotan siya nito. Hindi napigilan ni Allyce na mapasigaw sa sakit.
“Ano bang tinutunganga n’yo riyan? Tulungan n’yo ako!” utos ni Janna sa dalawa.
Tumalima naman ang mga ito at pinagtutulungan nila si Allyce. Napaluhod na so Allyce sa at namimilipit sa sakit. Gustuhin man niyang lumaban subalit hindi niya kakayanin ang tatlo laban sa isa. Napahiga na siya’t dinaganan ni Janna at makailang ulit na sinampal sa magkabilaang pisngi.
“F*CK YOU! B*TCH! Mamatay ka na!” galit na sigaw ni Janna habang iniuuntog nito ang ulo ni Allyce sa semento.
Isang malakas na pwersa ang nagpaangat kay Janna sa ere at walang awang tinapon na parang isang sakong basura. Napagulong pa ito sa malamig at maruming semento. Agaran naman siyang dinaluhan ng dalaw aniyang kasamahan.
“D-Demon?” halos pabulong na pagkasambit ni Allyce nang makita ang galit na mukha ng kaniyang demonyong asawa.
“Mahal ko!” Agad napalitan ng pag-aalala ang kaniyang mukha at nilapitan si Allyce.
Inalalayan siya ni Demon sa pagkatayo at nilagay siya sa passenger seat ng kaniyang kotse. Nalalasahan ni Allyce ang kaniyang sariling dugo dahil sa natamo niyang sugat sa labi. Natanaw niya si Demon na papalayo sa tatlo niyang dating kasamahan na ngayon ay may sari-saring ekspresiyon at pagkamangha sa kanilang mga mata. Ganoon pa man, naroroon pa rin ang pagkatakot at pagtataka ng mga ito.
Pagkaupo ni Demon sa driver seat agad niyang binalingan ng tingin ang kaniyang asawa. “Gagamutin kita—”
“Huwag na! Ayokong pumunta sa hospital,” sabat ni Allyce sa sinabi ni Demon. Ayaw niyang pumunta ng hospital lalo na’t alam niyang naroroon si Stephan. Galit siya sa binata sa pagsira ng tiwala niya rito.
“Sinabi ko bang dadalhin kita sa hospital?”
Agad na napatingin si Allyce kay Demon nang marinig ang sinabi nito. Napamaang siya at hindi alam kung ano ang kaaniyang magiging reaksiyon.
‘Walang puso talaga!’ inis na wika ng kaniyang puso. Mayroong kirot sa bandang puso ang kaniyang nararamdaman ngayon.
“A-Ano?”
“Sabi ko, ‘gagamutin kita’.” Agad na nilapit ni Demon ang kaniyang mukha kay Allyce at isang matamis na halik ang kaniyang iginawad sa labi ng kaniyang asawa.
Limang segundo lang ang paglapat ng kanilang labi subalit nagbigay iyon ng kakaibang kuryente sa katauhan ni Allyce. Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso at tila ay may bumabara sa kaniyang lalamunan.
“H-Hinalikan mo ako!?” malakas niyang sigaw rito habang nanglalaki ang kaniyang mga mata.