CHAPTER 4: Poster
LHOYD
“ about sa pinunit na poster ni thomas, naibalita ito at bilang north person ay malaking tama iyon sakanya kaya---”
“ kaya gusto niya maki pag kita at kakausapin ako na tapusin ung issue para matapos na at hindi siya pag initan ng mga kung sino man” sabi niya habang naka tingin saakin.
“ ganun na nga” sagot ko.
“ tulad uli ng sinabi ko sayo thru phone, busy ako… mahalaga saakin ang pag aaral, kung ano mang issue yan iyon ang gawan niya ng paraan at hindi ako ang gagawa ng paraan para matapos ung issue na iyon total ginusto niya naman ung ginawa niya”
“ atsaka bakit ikaw aang nakiki pag usap saakin? Bakit hindi siya kung talagang gusto niya matapos ang issue? At isa pa dito sa south my issue man ay lilipas din yan ng ilang araw” dugtong niya, mukhang ayaw niya talaga mapakiusapan.
“ thomas is not a simple person, his a high person na hindi basta basta----”
“ wala akong paki, alam ko ang lahat sakanya tsaka di mo ba ma gets?? Busy ako, may exam ako… kung makaka pag hintay siya tatapusin ko muna ang exam ko” bakit lagi na lang niya ako pinuputol.
“ wala kang exam, ginawan na ng paraan ni thomas yan kaya matik na maimomove ang examination niyo” tumaas ang isang kilay niya.
“ so paano na lang ung magdamagan naming paag rereview? Handa na kami na mag take ng exam tapos imomove niyo…hindi ito north na sa isang pitik ay kaya nilang mag adjust pag may ginawa kayo”
“ sana inisip niyo iyon, maimove man o hindi hanggat hindi natatapos ang examination ay hindi ako makiki pag usap?! Finallllllllllllllllllllllll answer” binuksan niya ung pintuan ng sasakyan at lumabas, hindi ko alam pero sumasakit ang ulo ko sakanya.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si thomas, panigurado ay maiinis siya sa balita ko sakanya.
“ ano sabi?” bungad niya saakin.
“ wag mo ng icancel ang exam nila dahil hanggat hindi natatapos ang exam niya ay hindi siya makiki pag kita, finalllllll answer” ginaya ko pa ung pagkakasabi niya.
“ what! Tsk! Pa hard to get, akala mo naman maganda, urgh!!!!” ramdam ko ang inis niya
“ thomas your words, kaya ka naibabalita kasi masyado kang mainitin ang ulo” sabi ko.
“ okay ssige maghihintay ako hanggat matapos ang exam niya, paki set----”
“ uh uh, hindi na ako ang gagawa niyan. Sabi niya ikaw ang gumawa ng issue kaya ikaw dapat ang humaharap sakanya at hindi ako. So ikaw na gumawa ng paraan na maki pag kita sakanya, ibibigay ko na lang ang details niya sayo and by the way, she’s was different than other girls”babala ko sakanya, masa mabuti ng alam niya para hindi siya masapawan sa kasungitan niya.
“ seriously????!!! Urgh!!! What the!!! Ahhhhhh!!!” naiimagine ko na siya na parang bata na nagwawala sa bahay nila.
Bigla na lang namatay ang phone, ibig sabihin binato niya ung phone niya sa inis. This is our first time to encounter like this. Tinignan ko uli ung tungkol sakanya, bakit kaya pa hard to get siya?? Base naman dito ay isa siyang fan ni thomas na laging number 1 about kay thomas, napapaisip tuloy ako kung may nagsasabi sakanya sa gagawin niya.
DEBBY
“ siguradoo ka ba doon lyka??? Gusto ko ng makita si thomas” umikot ang mata ni lyka.
“ debby naman ako pa talaga ang kinuwestyon mo??? Panigurado atat na atat na iyon na makausap ko. Kilala ko ang mga taga north, hindi sila magkanda ugaga na tapusin ang issue nila lalo pat naibalita.. huh! dapat lang sakanya noh” sabi niya.
“ pero kasi nakakaawa nnaman, gusto ko na din matapos ung issue para---”
“ para hindi siya kawawa??!!” tumango ako.
“ debby ikaw ung pinahiya tapos siya pa iniisip mo?? Debby naman masyado ka namang patay na patay don sa tao, magkaroon ka naman ng konti diyan sa sarili mo” sumimangot ako.
Ayoko kasing humaba pa ung issue at ayokong nakikitang nababash si thomas dahil saakin pEro ano pa nga ba, tapos na at nasabi ko na ung mga nasabi ko kaya hintayin ko na lang na matapos ung examination para maka pag usap na kami.
“ ano nanaman yang ngiti na iyan??!!” tinago ko ung ngiti ko.
“ iniisip mo na ung pagkikita niyo?!! Naku debby ansarap mong sabunutan!” pinaikutan niya ako ng mata, ah basta excited na ako sa pag uusap namin ng dalawa lang. kinikilig na ako, kailangan kong mag paganda pag magkikita kami at limang beses akong magsasabon para sobrang bango ko.
Nag focus na muna ako sa exam ko, kailangan kasi syempre iyon na lang ang pag asa ko para maka angat sa buhay. Gusto ko din kasi may mapatunayan lalo na kay thomas, kahit napaka layo ay gusto ko siyang maabot.
Baka sakaling maabot ko siya ay maaari na kaming dalawa, andami man nagsasabi na malayo magka gusto ang north sa south ay hindi ako naniniwala… ako gagawa ng history na pwedeng mainlove ang north sa mga south.
Sa wakas ay natapos na din ang examination namin, nauna na akong umuwi kaysa kay lyka kasi may pinapadaan si mama saakin. Umokay naman siya kasi may pupuntahan din siya, nag lalakad na ako pauwi saamin.
“ kailan kaya kami magkikita?” sabi ko mag isa.
Kinikilig parin ako habang iniisip na magkikita na kami, kailangan kong paghandaan iyon. Hindi pwedeng mabaho ako at--- may bigla na lang nanghila saakin at tinakpan ang bunganga ko tsaka ilong hanggang nawalan na ako ng malay.
Pag gising ko nasa isang maliwanag akong lugar, naku naman sa dinami dami ng hoholdapin ako pa?! Ako pa na walang kapera pera maski na ang magulang ko.
“ pakawalan niyo ako, wala akong pera kung iyon ang gusto niyo!!!” sigaw ko, bigla kong naisip baka naman hindi pera kundi katawan ang gusto.
“ parang awa niyo na kung gusto niyo ung katawan ko sinasabi ko sainyo wala kayo mahahawakan sa katawan ko dahil malilit lang ang umbok ng mga ito kaya pakawalan niyo na ako please!” sigaw ko uli.