CHAPTER 29

"Mommy hindi nyo po ba kami masusundo mamaya?" Tanong saakin ni Zayne habang inaayusan ko sya ng buhok.

"No baby may work kasi si mommy baka si daddy nalang ang sumundo sainyo then if you want tumuloy kayo sa Cake shop"

Kailangan ko kasing pumasok sa Cake shop ngayon dahil may umorder daw ng napakaraming cakes and cupcakes. Hindi daw ma handle ng mga tauhan ko iyon kaya napag pasyahan kong pumasok.

"Mom wag mo nang iispoiled si Zayne. For sure you will let her eat sweet foods nana man" sermon saakin ni Zeus

Inayos ko ang damit ni Zeus at lumuhod sa harapan nya "Sorry po sir" natatawang sambit ko

Humalukipkip si Zeus "Lets go Zayne magbibihis pa si mommy" pagyayaya ni Zeus kay Zayne

Bibo at pala ngiti si Zayne hindi katulad ni Zeus na parang ang bigat bigat ng problema. Mag kahawak kamay silang bumaba

"Daddy!" Nagtatalon si Zayne at yumakap sa binti ni Kiro

Mahilig si Zayne na yumakap sa binti.

"You dont need to jump Zayne. Stop acting like a 2 years old kiddo" suway sakanya ng kuya Zeus nya

"Zeus" pagbabanta ko kay Zeus

Zayne pout her lips.

"Si Kuya talaga kahit kailan napaka nega. Hm. Lets go daddy" pagyayaya ni Zayne sa daddy nya

Napahalakhak nalang si Kiro sa reaksyon ni Zayne. Naka nguso kasi ito habang naka kapit sa braso ng daddy nya.

"Kiro be careful okey?" Paalala ko sakanya

Sobrang bilis kasi mag maneho ni Kiro kaya dapat lagi syang nireremind.

"Yes babe" Lalapit sana sya saakin pero agad itong hinarangan nang naka simangot na si Zeus

"Kiss me mommy. Dont kiss daddy"

Napakamot ng batok si Kiro at ginulo ang buhok ni Zeus.

"Dad stop messing my hair!" Reklamo ni Zeus sa daddy nya.

Humalik ako sa pisngi ni Kiro "Sge na umalis na kayo Zeus baka ma late kapa sa class mo. Be good okey? Iloveyou babies"

Hinalikan ko sa pisngi ang mga anak ko. Inihatid ko sila sa labas ng bahay at tinulungang umakyat sa sasakyan

"See you later beautiful" naka ngising tugon ni Kiro

Sinarado ko ang pinto ng sasakyan at kumaway sakanila.

Pinagmasdan ko lang ang palayong sasakyan saakin. Nasa ika tatlong baitan na si Zeus at Zayne alam kong marami pa silang pagdadaanan pero isa lang ang masasabi ko

Lagi lang akong nasa tabi nila kahit anong mangyari hindi ko sila iiwan tulad ng ginawa sakanila ni Zeke. Kami ng daddy nila kahit na hindi tunay na anak ni Kiro si Zayne at Zeus alam kong mahal na mahal nya ang mga ito

Naka ngiti akong pumasok sa bahay namin.

-

Nagdrive ako mag isa papunta sa cake shop ko. Yes I have my own car kung dati bike lang ang meron ako ngayon masasabi ko naman na unti unti ko nang nabibili lahat ng gusto ko. Pero kahit ganoon pa man ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang nakasanayan kong buhay sa pampanga kaya nagpatayo ako ng bahay doon iyon ang tinitirhan ng mga magulang at kapatid ko.

Pagdating ko sa cake shop sumalubong saakin ang napaka raming costumers halos lahat ng nandito ay magkakaibigan at mga estudyante.

Ngumingiti ako sa kahit sinong tao ang maka salubong ko.

"Goodmorning ma'am" bati saakin ni Kaycee isa sa mga pinagkakatiwalaan ko sa mga empleyado ko.

"Goodmorning din. Na check mo na ba lahat ng stocks natin? Wala na bang kulang?" Tanong ko sakanya habang papasok kami sa kusina.

"Yes po. By the way yung nag oorder po pala ng cakes and cupcakes kailangan daw po nila ng sample. Gusto po nila kayo mismo ang pumunta para magdala ng sample" pagpapaliwanag nya.

Tinanguan ko lang ito bilang sagot. Isa sa mga pinaka sikat na companya sa pilipinas ang oorder saamin ng napaka raming cupcakes at cakes. Balita ko magkakaroon daw sila ng isang company welcome party para sa pagdating ng boss nila.

"Ma'am may naghahanap po sainyo sa labas" hingal na hingal pa si Kaycee habang sinasabi iyon saakin.

"May problema ba?" Para kasing kinakabahan at di mapakali si Kaycee

Di ko na sya hinantay sumagot lumabas na ako para harapin ang naghahanap saakin.

Pagdating ko sa counter lumingon lingon ako para humanap ng pamilyar na mukha saakin.

"Ayen"

Nanlaki ang mga mata ko parang tumigil saglit ang paghinga ko habang titig na titig sa tanong nasa harapan ko.

"Ca-l-vi-n?" Nauutal na sambit ko

Bigla nalang bumalik lahat saakin ang nangyari noon. Sya ang naging dahilan kung bakit nasaktan at muntik ng mawala ang mga anak ko.

"Anong ginagawa mo dito? Please Calvin wag kang mag eeskandalo dito." Pagmamakaawa ko sakanya

Ngumiti ito pero hindi umabot sakanyang mga mata. Napaka laki ng pagbabago nya medyo pumayat si Calvin at mukhang problemado pa ito.

Tinangka nyang hawakan ang kamay ko pero mabilis kong iniwas.

"I just want to apology. Gusto ko lang na makausap ka pangako hindi ako gagawa ng kahit anong makakasama sayo. Please talk to me kahit 10 minutes lang"

Mukha naman syang sincere kaya pinagbigyan ko sya. Umupo kami malayo sa mga tao para makaiwas sa kontrobesya.

"Im sorry kung nasaktan kita noon Ayen pero maniwala ka man oh hindi. Di ko ginusto iyon wala lang akong choice dahil sobrang gipit na gipit ang companya namin noon dahil kay Zeke" tumigil ito saglit at pinunasan ang luha na pumatak sa mga mata nya.

Kusa nalang gumalaw ang mga kamay ko para kuhanin ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ko ang mukha nya.

Nabigla ito "Here" binigay ko sakanya ang panyo

"Sobrang bait mo talaga hindi ko alam kung bakit ko nagawa sa iyo yun. When I first saw you sinadya ko na umupo sa harapan mo para mapalapit sayo. Gusto kong gantihan si Zeke sa ginawa nya saakin pero nung nakilala kita lahat ng balak ko nakalimutan ko. You are amazing Ayen. Im so sorry kung nasaktan kita noon"

Hinawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa mesa. Hinayaan ko lang syang gawin iyon.

"May problema ba Calvin?" Natigilan ako sa pagtatanong dahil sa sunod sunod na hikbi na nang gagaling sakanya.

Yung iyak na sobrang sakit pakinggan. Gusto ko syang patahanin pero hindi ko alam kung paano.

"He stole everything from me. Our company my cars and house. Wala syang tinira kahit isa saakin kinuha nya lahat. Kaya ngayon naghihirap akong buhayin ang kapatid at daddy ko. Di rin ako maka pag apply sa ibang company hinaharangan nya ang papers ko."

Napanganga lang ako sa mga sinasabi ni Calvin. Kahit di nya sabihin ang pangalan ng tao na nasa likod ng paghihirap nila alam kong si Zeke iyon. Paano nya nagagawa ang mga bagay na iyon? Ibig sabihin nandito lang sya sa pilipinas?

"If you want Calvin you can work here. Kung gusto mo lang naman alam ko na hindi ka naman sanay sa ganitong klaseng trabaho pero I just want to help you Calvin. Wala akong ibang maaalok kung hindi ito. Pinagdaanan ko din lahat ng pinagdadaanan mo ngayon kaya alam ko kung gaano kahirap. Malalagpasan mo din lahat Calvin magtiwala ka lang sa Diyos."

Tumayo ako at niyakap sya wala akong pakelam kahit nababasa ang damit ko. Kailangan nya ng kaibigan ngayon na masasandalan handa akong tulungan sya.

Galit ako kay Zeke dahil sa ginagawa nya sobrang sama nya! I loathe him! Pinapairal nya ang pagiging mayaman nya kahit kailan di na sya magbabago.

"Thankyou so much Ayen you dont know how happy I am right now" Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sakanya

Ngumiti ako at pinunasan ang luha sa kanyang pisngi "You can start today ipapa assist nalang kita kay Kaycee."

Nag ayos sya ng sarili nya isinama ko sya sa loob pinakita ko sakanya ang facilities ng cake shop namin.

"Kaycee. Ikaw na ang bahala kay Calvin okey? Turuan mo sya lahat ng bagay kung pwedi rin you can teach him how to bake." Pagpapaliwanag ko kay Kaycee tumango ito kaya iniwan ko na sya.

"Enjoy your day Calvin! Welcome to Zizi Cake shop!" I welcome him with a warm hug.

Forgive and forget. Yan ang laging sinasabi saakin ni Nanay noon. Siguro nga nagawan ako ng masama ni Calvin noon pero alam ko nagbago na sya at pinagsisihan na nya ang ginawa nya saakin noon.