CHPATER 19: kiss

FIN

Para akong lumulutung, ay kainis naman! Hanggang ngayon iniisip ko parin ung kiss. Inikot ko ang ulo ko para mawala sa isip ko ng biglang may nambatok saakin.

“ para kAng baliw diyan, kanina pa kita tinitignan” si dsisy.

“ bakit kailangang mambatok?” inirapan ko siya

“ paano may nangyayari na sa labas tapos ikaw andito lumulutang” kumunot ang noo ko.

“ ano meron sa labas??” inayos ko na gamit ko at tumayo na.

“ si gerry nasa labas at hinihintay ka” bakit?? Lumabas kami.

Si gerry na naka todo ayos at may mga pa bocaue tsaka balloon sa paligid, pinag titinginan tuloy siya at mas dumami pa ang naki tsismis nong lumabas ka.

“ carah pwede bang yayain kang maki pag date?! Wala akong lakas loob noon pero ngayon sa tingin ko oras na para ilabas ang tunay na nararamdaman ko!” shocks! Nakakahiya, bakit kailangan niyang isigaw.

“ mahal kita carah!” sigaw niya, namula ang mukha ko.

“ sige na, isang date lang!!!” dagdag niya pa.

“ mahal kita carah!” bakit inuulit ulit niya iyon?!

“ ca—” mabilis ko siyang nilapitan at hinila palayo sa mga tao.

“ ano ba gerry nakakahiya” diin kong sabi.

“ carah please isang date lang” napa buga ako ng hangin.

“ okay okay, itigil mo lang to” ngumiti siya.

“ hintayin mo tawag ko kung kailan” niyakap niya ako at mabilis na nag lakad palayo, napailing ako at maglalakad na sana ng makita ko si fin na naka sandal sa pader.

“ ang bilis mo namang pumayag” sabi niya.

“ kilala ko si gerry hindi niya ititigil ung kalokohan niya hanggat hindi napag gugustuhan ang gusto niya” sagot ko.

“ nakalimutan mo ata ung set up natin” nanlaki ang mata ko, ay oo nga pala.

“ once na lumabas ka with him masisira ka, alam mo ang mga tao lalo na ung mga may kakilala saakin” dagdag niya, oo nga pala.

“ paano na?” tanong ko.

“ tsk…. Ako na bahala, tara na” nag lakad na siya, sumunod naman ako.

“ paanong ikaw ang bahala?” pinag buksan na niya ako ng pintuan ng sasakyan

“ basta sabihin mo kung kailan kayo magkikita at ako na bahala, sa susunod iwasan mo na lang pumayag sa mga ganun lalo pat alam ng lahat na engage na tayo. Hindi pa ako nakakabawi sa dalawa, okay??” tumango ako, kailangan kong pag isipan sa susunod ang mga desisyon ko.

“ hindi pa ba tayo uuwi?” tanong ko.

“ daan muna tayo sa pamilya mo” huh?? Naka tingin lang ako sakanya.

“ bakit??”

“ anong meron?” tanong ko.

“ wala, ayaw mo?? Ililiko ko na lang” umiling ako

“ tara…. Go tayo” agad kong sabi.

`Ang awkward tuloy kasi sila mama ung tingin nila maka hulugan, sumimangot tuloy ako at nilaro laro na lang ung daliri ko.

“ dito na kayo mag dinner, magluluto ako” sabi ni mama.

“ sige ho” sagot ni fin

“ fin kamusta na pala ang papa mo?” tanong ni papa.

“ okay naman po, pasensya na po sa ginawa ng ama ko” sabi ni fin, tinignan ko si papa.

“ okay na iyon, may kasalanan din kami doon. Dibale tapos na, ang mahalaga ay natutu tayo sa nangyaring iyon” napa ngiti ako, ang bait talaga ng magulang ko.

“ kailan ba kami mag kakaapo?” biglang singit ni mama, nanlaki ang mata ko.

“ hahaha! Itsura mo naman anak nagbibiro lang ako” dugtong ni mama, naningkit ang mata ko.

“ hindi naman masamang magka apo” nilingon ko si fin.

“ hahahahaha! Oh diba, nakakatuwa itong si fin bakit di niyo na lang Kaya totohanin na ikasal?” ilang beses ng nanlalaki ang mata ko sa mga sinasabi ni mama at halos lumuwa na ung mata ko talaga.

“ ma” nginitian ako ni mama.

“ hindi naman ho masama pero kasi hindi namin mahal ang isat isa” sabi ni fin.

“ tama si fin, hindi naman pwedeng totohanin lalo pa kung wala silang nararamdaman. Hayaan mo sila, basta fin sinasabi ko sayo huwag na huwag kong malalaman na dahil sa set up niyo nasasaktan at nahihirapan na ang anak ko” sabi ni papa.

“ don’t worry po, carah will not get hurt” pagtitiyak niya.

Natapos na kaming kumain at balak ko ng yayain si fin na umuwi pero si papa niyaya si fin na uminom daw sila maski isang bote bago umuwi at pumayag naman si fin total walang klase bukas.

“ ano naman iniisip mo at naka tingin ka pa kanina sakanila?” si mama.

“ bakit di po kayo nagalit ng malaman ang tungkol saamin mama?”

“ Hindi namin alam dahil siguro walang itinagong detalye si fin tungkol sainyo at sinigurado na hindi ka masasaktan” tumango ako.

“ ikaw bakit ka pumayag kahit alam mong masasaktan ka?” kumunot ang noo ko.

“ masasaktan?”

“ carah hindi sa pinangungunahan ko kayo pero malabong hindi mahulog ang loob mo kay fin, kilala kita anak mahilig kA sa mga lalaking tulad ni fin”

“ Yang tingin na iyan, diyan nag uumpisa anak” dAgdag niya pa

“ ma malabo yan, alam niyo naman na si gerry ang gusto ko noon pA” sagot ko.

“ noon iyon, nagbabago ang panahon at ung nararamdaman mo kay gerry ay nilang kaibigan. Maniwala ka saakin anak kaya kung alam mong nagsisimula na, lumayo kana” tinignan ko si fin, totoo ba? Totoo kayang mapapamahal ako sakanya? Baka naman nahulog na ako ng hindi ko alam??

Anong oras na pero hindi parin natatapos sila fin, nilapitan ko na sila. Mag dri- drive pa kasi si fin at hindi maganda na malasing siya.

“ tara na?” nilimgon nila ako.

“ dito na kayo matulog, hindi kaya ni fin mag drive” sabi ni papa.

“ tatawagan ko na lang ung driver ko ho, sa susunod na lang kami matulog dito kasi bukas birthday ni lolo” tumango tango si papa.

“ okay aasahan ko yan, kung ganun ihuling tungga na natin ito” nanlaki ang mata ko, tig isang baso??