CHPATER 15: Scandal

FIN

Ilang araw akong hindi pumapasok, nasa bahay lang ako kasama si lolo. Ilang beses niya akong tinatanong pero hindi ko sinasagot hanggang dumalaw si papa.

“ what are you doing here? Wala kang pasok?” tanong ni papa.

“ I can pass even hindi ako pumasok” sagot ko.

“ tsk… by the way naka pag usap na kami ng magulang ni vivian, we already had the date of your engagement”

“ Okay… kailan ba?” tanong ko.

“ sa Friday”

“ masyado naman kayong nagmamadali, wala naman na siguro akong gagawin pa dahil kayo na ang mag aasikaso sa lahat?” tumango si papa.

“ yeah, dadalo ka na lang” sabi ni papa.

Matapos akong ibilim ay iniwan ko na sila sa sala at pumunta na sa kwarto, kinuha ung phone ko at kinalikot hanggang nakita ko ang bagong post ni vivian.

Post na nasa calendar siya, andaming nag share at nag react sakanya. Tsk! Maputi at makinis nga pero may tinatagong kaitiman pala. Inihagis ko ang phone ko ng bumukas ang pintuan ko, si papa na galit ang mukha

“ do you know this?!” ung post ni vivian.

“ I warned her but she keep going” sagot ko.

“ fin hindi maganda ito sa kompanya!!! Ung asawa mo ibinalandra ang katawan sa publiko! Ano na lang ang sasabihin sayo?!!!” ang kompanya kasi namin merong mga produkto which is lahat ay organic, meron kaming mga item na dalagang pilipina and were not promoting such as hubadera na damit.

Kami lang ang may ganito which is matagal ng nanahimik sa merkado hanggang naifeature ni carah ang mga iyon para pumatok kaya ganun na lang ang saya ko dahil ung kita kong 1m kada buwan ay biglang umaabot sa 10million.

“ she wants that at alam niyo naman na model siya kaya dapat handa ka sa mga ganyan” sagot ko.

“ Ipa hinto mo ang pag produce nito, kilala ka at influencer ang tingin ng iba sayo. Paano na lang pag nagkaroon ng negative saatin?? Fin sayang ang lahat---”

“ pa kayo anv may gusto na ikasal kami? So kung ano man itong ginagawa niya tanggapin niyo” natahimik siya.

“ ako na nga lang ang gagawa ng paraan” umalis na si papa, napailing ako.

Kinabukasan andaming reporter sa may bahay at katatawag lang din saakin na maski sa may kompanya ay may mga reporter, ito na ung kasikatan na gusto ni vivian. Lumabas ako at agad akong dinumog, huminto ako para pag bigyan sila ng konting sagot

“ mr mozzique totoo ba ang balita na engage kana??” napataas ang kilay ko.

“ mr. Mozzique totoo ba ang balita na isang simpleng babae lang ang fiance niyo?”

“ mr. Mozzique totoo ba ang balita na doon sa kasal na lumabas ay totoo at hindi fake?” teka ano itong tanong nila

“ mr mozzique napapa balitang si miss vivian ang rumored gf niyo noon pa lang at naka takda na kayong ikasal, paano niyo ipapaliwanag na engage ka sa ibang babae??” huh???

“ excuse me, hindi muna mag sasalita ang anak ko tungkol diyan. Paki hintay na lang ang ipapadala naming sagot sa mga tanong niyo but for now we have to go” hindi ko inaaasahan na darating si papa, pumasok na kami sa kotse.

“ puntahan mo ung si carah ba iyon at sabihan mo na huwag mag sasalita sa press” kumunot ang noo.

“ huh? Ano po ba ginawa niyo?!” tanong ko.

“ I just fix the problem, from now on hindi kana kay vivian naka engage kundi kay carah but this is just a fake arrangement. Sa bandang huli kayo parin ni vivian ang ikakasal, kailangan lang nating iiwas na ma connect ka don sa pagmomodel ni vivian” paliwanag ni papa.

“ bakit nadamay si carah?” tanong ko.

“ I made a drama na kayo ni carah ay engage ng matagal at si vivian ay mag kaibigan lang kayo noon pa man” what?!

“ pa bakit niyo naman ginawa iyon? Nandamay pa kayo ng iba?! Ano na lang—”

“ kaya nga gawan mo ng paraan, ako na ang gumawa ng paraan para hindi ka magamit at bumaba ang sales mo dahil sa kapabayaan ni vivian. Now ikaw na bahala, kausapin mo si carah at kung kailangan suhulan gawin mo para mapanindigan ang fake arrangement niyo” sabi ni papa.

Inihatid na ako sa school at hindi ko inaasahan ang naka paskil, so ganito ang paraan na ginawa ni papa para mabilis maikalat ang balita.

Shit!

“ anong drama nanaman ito?” si carah

“ can we talk?” inirapan ako at nag lakad

“ carah last na ito, pag bigyan mo na lang ito at hayaan. Go with the flow ka na lang---”

“ go with the flow??? Bakit ba ang hilig niyong mandamay?!” inis niyang sabi.

“ carah hindi naman totoo na ikakasal tayo, this is just a fake arrangement para lang mapag takpan ung kalokohan na pag momodel ni vivian” napa ngiti siya.

“ pasensya na pero pass ako diyan” nag lakad siya

“ carah please” pinigilan ko siya sa pagkakalakad.

“ pass, huwag niyo akong idamay diyan dahil tapos na ako sa fake fake na iyan” sagot niya, mag lalakad na sana siya ng may dumating na reporter.

“ miss carah anong masasAbi niyo na malapit na kayong ikasal sa isang mozzique?” tanong ng reporter.

“ hin---”

“ carah”

“ me and carah are happy, please wait our presscon so excuse us kasi may klase pa kami”hinila ko na si carah papasok sa school.

“ carah---“

“ gaya ng sabi ko ayoko, kausapin mo ung fiance mo na itigil ung kalokohan niya sa pag momodel para hindi ka masira. Ayoko makonek---“

“ hindi ko siya pakakasalan” seryoso kong sabi.

“ mmm?? Drama nanaman yan fin, please ayoko---”

“ niloloko niya na ako matagal na, sa tingin mo gusto ko pa siyang pakasalan? Pag bigyan mo na ito please pangako hindi masisira ang pangalan mo at hindi madadamay ang pamilya mo”