CHPATER 13: Presentation

DAISY

Group presentation at kakaiba itong prof namin kasi kadalasan kapag group presentation ay maramihan hindi ung dalawahan, tuloy ung dalawa doon hindi nag uusap at mukhang walang balak mag present. Parang kailan lang ang sweet sweet nila tapos ngayon biglang ganito na hindi na nag papansinan.

“ psst… ano balak niyo?” bulong ko, tapos na kasi kaming pag usapan ung presentation namin at ang partner ko si fuego pala.

“ hindi ako mag pre-present” sabi ni carah.

“ baliw kailan ka pa nag papabaya ng ganyan? Umayos nga kayo, kung may problema kayo huwag niyo idamay itong subject” tinignan ko sila.

“ i can manage maski bumaba ang grade ko pero ewan ko lang sa iba” sabi ni fin, tinignan niya si carah.

“ I dro-drop ko na lang itong subject, excuse me” nagulat ako sa sinabi ni carah, bakit bigla siyang naging ganito?

“ tsk” inis na sabi ni fin sabay tayo at lumabas din

“ bakit ganun na lang ang inis ni carah?” tanong ko sa sarili ko.

“ let them fix their own mistake, pumagitna ka kapag alam mong hindi na kinakaya ng kaibigan mo” luh! Epal! Hindi ko naman siya kinakausap, parang sira to.

Dumating na ang prof namin at hinanap ung dalawa, walang naka sagot. Bukas daw uumpisahan na namin ang pag present, bakit kasi may ganitong pakulo itong proof namin. Una wedding booth tapos sunod ganto naman na napaka layo nito sa subject namin sakanya na math.

Hinahanap ko si carah, di kasi nag rereply. Saang gilid naman kaya nag punta iyon? Ito na ung huling lugar na pupuntahan niya at pag wala pa siya dito ewan ko na lang.

“ stress?? Andaming food ah” andito siya na may napaka daming pagkain sa harap

“ daisy hayaan mo nga ako” umupo ako sa harap niya.

“ anong meron at ganyan ka?” Hindi siya umiimik.

“ carah” tawag ko

“ titigil na lang ata ako sa pag aaral” napataas ang kilay ko

“ oy carah nasa ¾ kana ng pag aaral tapos titigil ka? Sayang ung pinaghirapan mo” sabi ko

“ titigil lang naman ako ng isang sem tapos next sem ipag papatuloy ko para hindi ko lang makasabay si fin” sagot niya.

“ ano bang ginawa ni fin sayo para maging ganyan ka?”

“ lahat ng nangyari ay part of the show ng mozzique na iyan, dinamay pa magulang ko. Ako ung nag tiwala agad kasi ung emosyon at pananalita niya parang totoo lahat tapos malalaman ko na hindi pala lahat totoo iyon kasi nga ang tunay ay ginawa nila iyon para mapanatili ang mga customer nila na bumili ng ganun sakanila”

“ ako ang dahilan para mag boom ang mga products/item nila kaya hanggat maaari ay hawak nila ako para hindi ako makuha ng ibang kompanya para maging modelo sakanila, naging patok ang itsura ko sa mga tao lalo na sa pag transform ko bilang manang to diyosa” tumulo na ang luha niya.

“ alam mo ung andon ka para tumulong sa tao dahil sa pagkakaalam mo may pinagdadaanan ung tao tapos malalaman mo lang kadramahan lang pala?! Tang ina its all business matters lang pala ang ganap ko sa buhay nila”

Gets ko si carah, naiinis siya kasi ginamit siya ng hindi man lang sinasabi ang totoo. Naiinis siya kasi imbes na sabihin ang totoo ay gumawa pa ng kadramahan para lang sa pang negosyo nila at pang huli naiinis siya kasi kabutihan na nga ang ibibigay mo papalitan pa nila ng hindi maganda.

“ so ung issue sa kasal? Utang? At kung ano ano ay hindi totoo” tumango siya

“ iyon ang sabi ng papa ni fin, mabuti nga at dumating ang papa ni fin para sabihin ang katotohanan---”

“ what if sinabi niya lang iyon dahil may dahilan siya? What if totoo---”

“ daisy kung hindi totoo bakit di sabihin ni fin? Bakit?!” kumunot ang noo ko.

“ baka may dahilan carah, ang bilis mong mag transition sa sinabi ng papa ni fin na hindi man lang hinihingi ang paliwanag ni fin” sagot ko

“ everything happen is theirs a reason” naks!!! Tama ba ang grammar ko?? Lintik ka carah napapa english tuloy ako.

“ ayoko na, basta tapos na kung ano man ang pinag usapan o deal namin. Focus na lang ako sa pag aaral ko---”

“ talaga ba? Maka focus ka eh may pa walk out ka pa kanina” sumimangot siya

“ bakit kasi may pa ganyan si prof? Anlayo ng math sa act act na iyan” haha iyon din sinabi ko, ewan ko ba ung prof namin may pagka saltik.

“ bukas na ang presentation, kung ako sayo puntahan mo si fin para pag usapan ung gagawin niyo kung talagang pag aaral ang focus mo. Total move on move on at forget forget na lanv ang peg mo” pinang ikutan ako ng mata.

“ nakita mo ba kung nasaan siya?” tanong niya.

“ teka text ko si epal” tinext ko si fuego, kinuha ko ung number niya kanina para kung may adjustment sa presentation bukas ay masabi ko.

“ nasa canteen A sila” tumango si carah at pinuntahan na namin sila, pag dating namin sa canteen ay nadatnan namin si gerry at fin na mainit pang nagbabangayan.

“ ang sabi ko sayo huwag si carah!” sigaw ni gerry, luh! Pang kdrama ung sigaw ah.

“ mind your own girl” cool na sagot ni fin, ito ung taong hindi ko pa naririnig na sumigaw at makitang galit

“ im minding my girl” huh?!!! Kaloka itong si gerry mag eenglish na nga lang may kalawang na kasama.

“ mmm? Sino ba ang babae mo?” tanong ni fin.

“ carah dizon” naks! Pang robin padilla ang bagsak ng pangalan ni carah sa bibig niya ah.

“ she’s not yours in the first place---”

“ in the first place saakin talaga siya kaya matutu kang lumugar, bakit di ka na lang mag focus diyan sa babae mong two—” napa tigil si gerry at hindi na tinuloy.

“ huling banta ko to sayo, huwag si carah dahil hindi ako mag dadalawang isip na maki pag kumpetensyA sayo”