Chapter 16
Kanina pa paikot-ikot doon ang mga tauhan ni Don Arthur. Hindi sila makapasok sa subdivision kung nasaan si Violet. Nangako pa naman sila sa amo na hindi pababayaan ang anak nito. Nagkasya na lamang silang bantayan ang gate ng subdibisyon kung saan naroon ang bahay ni Alex habang naroon si Violet. Siniguro nilang hindi makakapasok ang grupo ng kalaban sa loob. Mahigpit ang seguridad dito kaya kampante silang naghintay na lamang sa labas.
"Violet!" si Alex nang bigla siyang yakapin ng nobya. Hawak kasi niya sa magkabilang kamay ang bote ng inumin. Beer pa nga iyon dahil iyon na lamang ang natira sa ref.
"Hmm.. Do you think we should try to make here?" tila nang-aakit na tugon ng dalaga.
"Seriously?" hindi makapaniwalang tugon ni Alex sa nobya. Parang kakaiba kasi ito ngayon, masyadong hot.
"Yes, why not?" muli nitong inilapat ang hubad na katawan sa katawan ng nobyo.
Bahagya naman siyang itinulak ni Alex sa isang sulok ng counter saka inilapag ang hawak na inumin doon. Niyakap siya nito at sinimulang halikan sa labi, pababa sa leeg hanggang maabot ang kaniyang nagyayabang na dibdib. Napaungol siya nang bahagya nitong kagat kagatin ang magkabilang korona ng mga iyon.
Mas lalo pa niyang idinikit ang ibabang bahagi ng katawan sa binata para ipadama rito na gusto niya ang ginagawa nito sa kaniya. Napaliyad siya nang tila gutom na sanggol na sipsipin ng nobyo ang kaniyang dibdib.
"Ohhh... Alex.. you making me crazy," anas niya.
"Dahan-dahan siya nitong binuhat at ini-upo sa ibabaw ng counter. Pumwesto ang nobyo sa pagitan ng kaniyang mga hita. Bahagya nitong ibinuka ang mga iyon kaya tumambad ang kulay rosas niyang hiyas. Nakatitig lamang sa kaniya ang seryosong mukha ng binata habang dahandahan siyang inihiga sa malapad na counter. Hindi naman siya tumutol. Tanging kakaibang excitement ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
Hinawakan ni Alex ang kaniyang dalawang binti at inilapat iyon sa kaniyang hita kaya nagmistula iyong naka locked habang maigting na hawak ng binata. Ramdam niya ang mainit na hininga ni Alex sa pagitan ng kaniyang mga hita. Napapikit siya nang unti-unting dumikit ang mga labi nito sa kaniyang hita papunta sa sentro ng kaniyang pagkab*b**.
"Uhhh.." napigil niya ang paghinga nang dahandahang galugarin ng dila ni Alex ang kaniyang hiyas. Hindi pa nakuntento at ipinasok pa nito ang kaniyang dila sa basang basa na niyang lagusan. Mamaya pa ay naramdaman niya na binitiwan nito ang kanyang mga paa pero parang mas gusto na niya ang ganoong posisyon dahil sa ligayang hatid ng ginagawa ni Alex. Wala siyang nagawa kung hindi ang hawakan ang sariling mga binti para manatili sa ganoong posisyon.
Gamit ang dila at daliri ay nilaro laro ni Alex ang hiyas sa pagitan ng mga hita ni Violet. Labas-masok ang kaniyang gitnang daliri rito habang marahang hinahalikan ang itaas na bahagi ng kaniyang lagusan.
"Ohh... Alex.." daing ni Violet na holos magdeliryo na sa sobrang sarap.
Binangon siya ni Alex saka bahagyang hinila palapit sa kaniya. Itinutok at bigla niyang pinasok ang nag-uumigting na alaga kay Violet. Halos umalog ang buong pagkatao ng dalaga nang magsimulang umulos at bumayo ng walang tigil si Alex.
"I love you baby.." bulong nito nang maabot nila ang sukdulan.
"I love you too.." tugon ni Violet habang hinahalikan ang mukha ni Alex. Sa pagkakataong ito ay tuyong tuyo na ang lalamunan niya kaya hinagilap ang maiinom at saka diretsong nilagok iyon pagkatapos mabuksan.
"That was hot," aniya na tinutukoy ang katatapos lamang nilang pagniniig.
"You really came for a war," biro ng binata sa kaniya.
Hindi niya kayang sabihin na dahil baka ito na ang huling pagkakataong matikman niya ang ganoong klaseng kaligayahan.
Ngumiti lamang siya bilang sagot sa biro nito.
"We better go upstairs," anang binata sabay kindat sa kaniya. Alam niyang hindi ito mapapagod at magsasawa na angkinin siya at ganoon rin siya sa binata. Kahit pa ilang ulit hanggang sa mapagod ay gusto niyang makasiping ito.
Pagkatapos ubusin ang laman ng bote ay tila nagkaroon ng panibagong lakas ang dalawa. Umakyat sila sa silid ni Alex at doon paulit ulit na nilasap ang kaligayahang hatid ng kanilang pag-iisa. Sa malambot na kama ng binata, sa ilalim ng maligamgam na tubig ng shower. Maging sa malambot na carpet ng sahig at sa upuan.
"Ohhh..." tila napakagaan ng pakiramdam niya habang nakaupo sa kandungan ni Alex. Dahil kaunting kibot niya ay ramdam niya ang kiliting nanunuot sa buo niyang pagkatao dahil sa magkahinang nilang katawan. Habang nakaupo si Alex sa upuang nakaharap sa kaniyang mesa ay naka kandong naman si Violet sa kaniya. Kapuwa hubad at na dinarama ang sagad na baon ng kanilang magkasanib na katawan.
Ilang beses sila sa ganoong posisyon hanggang sa mapagod at kapuwa makatulog.
Pero ilang sandali lamang ay dahan-dahang kumilos si Violet para bumangon. Nagmadali siyang bumaba at nagbihis. Muling isinukbit ang baril sa beywang at kinuha ang kahon ng assault riffle na dala niya kanina saka nagmadaling lisanin ang bahay ng nobyo.
Halos dalawang oras din ang ginugol niya bago marating malaking bodegang iyon sa may parteng bulacan. Naroon ang grupo ni Jaguar. Muli nitong binuksan ang laboratoryo ng sh*bu sa bodegang iyon. Hindi niya balak sirain ang lab. Ang pakay lamang niya ay ang dalawang nangtraydor sa ama at ang may kasalanan kung bakit siya humantong sa ganitong klase ng buhay.
Humito siya sa kubling bahagi ng kalye. Sa tingin niya ay puro abandonadong pabrika ang nasa paligid. Tanging ang lungga nina Jaguar lamang ang makikitang may ilaw. Tanaw niya ang mga tauhan nitong abala sa pag-hahakot ng mga kung anong kemikal na nakalagay sa mga gallon.
Pumwesto siya sa taas ng sirang container van. Mula sa scope ng kaniyang rifle ay malinaw niyang nakikita ang mga bantay sa paligid ng bodegang iyon. Kinapa niya sa bulsa ang silencer ng rifle na hindi niya naikabit kanina dahila pagmamadali at maingat na inilagay iyon sa dulo ng rifle. Pinili niya ang bantay na pinakamalayo sa lahat at walang ingay na binaril iyon. Head shot!
Sumunod ang dalawang palakad-lakad sa di kalayuan sa mga sasakyang nakaparada kung saan kinukuha ang mga kemikal. Hinintay niyang matapat ang dalawa sa dilim saka binigyan ng tig-isang putok, sa ulo rin ang pinili niyang tamaan sa mga ito.
Pagkatapos ubusin ang mga bantay ay lumipat si Violet sa kabilang bahagi ng bodega kung nasaan ang unang bantay sa binaril niya kanina. Mula rito ay malaya niyang nakikita ang lahat ng mga gumagawa sa loob. Naroon din sina Jaguar at Leon na nakamasid lamang sa mga tauhan.
Hindi alam ni Violet ang uunahin, si Leon ba o si Jaguar. Pilit na bumabalik sa isip niya ang mga masasamang ala-ala noong bata pa siya. Ang walang awang pagpatay ng mga ito sa mga kapuwa bata, ang nakadidiring pag-alis ng mga ito ng iba't-ibang parte ng katawan ng mga walang muwang na bata. Sumikip ang dibdib ni Violet nang luminaw sa ala-ala niya ang mga pangyayari noong bata siya.
Huminga siya ng malalim at pinahid ang luhang tumulo sa kaniyang mata. Muling sumilip sa scope at walang ano mang kinalabit ang gatilyo. Si Leon ang tinamaan sa dibdib. Muli niyang kinalabit nang paulit-ulit. Isa-isang natumba ang mga tauhan ng dalawa habang hindi malaman kung saan magtatago. Nakita rin niyang tumakbo si Jaguar, iika-ika ito kaya alam niyang may tama ito.
Nang makitang wala nang gumagalaw ay maliksing tumalon siya mula sa pinagkukublihan at dahandahang sinundan kung saan nagtungo si Jaguar. Hawak ang kalibre kwarenta'y singko ay matapang niyang sinuong ang naka-ambang panganib. Dinig pa niya ang ingay ng ilang buhay pang tauhan ng mga ito.
"Nag-iisa lang s'ya! Maging alerto kayo!" dinig pa niya ang pag-uusap ng mga ito.
Biglang bumulaga sa harapan niya ang isang lalaking may hawak na armalite. At dahil mahaba ang baril nito ay hindi iyon agad nakakilos. Binaril niya ito, sa dibdib bago pa man makagawa ng ano mang ingay. Nang masigurong wala na itong buhay ay nagpatuloy siya. Sa pagitan ng mga lumang container van ay dahan dahan siyang naglakad. Tumitingin sa paligid at nakikiramdam.
Nang bigla siyang sunggaban ng isang malaking kamay kaya nabitiwan niya ang hawak na baril.
"At ang magaling na anak ng uto-utong si Chavez! Nagpapakabayani!" si Jaguar, malakas siyang binalya sa lupa.
"Tingnan natin ngayon kung hanggang saan aabot ang kakayahan ng isang magaling na assassin ng Alpha!" anito saka ngumisi na tila isang demonyo.
Akmang lalapit itong muli sa kaniya nang mahagilap niya ang baril na nabitiwan niya kanina. Mabilis iyong kinuha at itinutok kay Jaguar. Binaril niya ito at tinamaan sa may tiyan kaya nalugmok ito. Masakit ang leeg at likod niya sa pagkakahagis nito sa kaniya kaya nahirapan siyang tumayo. Pero bago pa man makatayo ay pumailanlang ang malakas na putok ng baril. Tila namanhid ang kanang likod niya. Naramdaman na lamang niyang nabasa na ng dugo ang t-shirt na suot. Unti-unting nanlabo ang kaniyang paningin. Bago mawalan ng malay ay narinig niya ang mga pamilyar na tinig. Hindi niya matandaan kung saan iyon narinig dahil tila hinihila na siya ng antok.
Ilang araw nang umiiyak si Donya Eloisa sa tabi ng anak na si Violet. Maging ang bunsong si Liah ay naroon na rin. Napilitan itong humanap ng paraan para maka-uwi agad dahil sa nangyari kay Violet. Hindi pa niya nakikilala ang kaniyang ate ay mukhang babawiin na ito agad ng panginoon.
"Oh God! Please save my daughter!" iyon lamang ang maririnig kay Donya Eloisa habang nagbabantay sa ICU.
Na-comatose si Violet matapos dumaplis ang bala sa kaniyang kanang baga. Matagumpay naman ang naging operasyon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising.
Naroon din si Alex na halos hindi na umalis sa tabi ng dalaga. Hawak nito ang kamay ng nobya habang nakikiusap na huwag siya nitong iwan.
Sinisi ni Don Arthur ang sarili sa nangyari sa anak. Kung hindi lamang siguro dumating ng mas maaga ang kaniyang mga tauhan sa lugar ay baka tuluyan nang nawala sa kanila ang anak.
Nadatnan ng kaniyang mga tauhan na binaril ng isa sa mga nakahandusay na tauhan ni Jaguar si Violet. Kinuha agad nila ito at itinakbo sa hospital. Tumawag din sila ng pulis para hulihin ang iba pang natitirang tauhan ng mga ito. Patay sina Jaguar at Leon at alam ng Don na si Violet ang may gawa noon. Ginawa iyon ng kaniyang anak para sa kaniya at sa pamilya nilang nanganganib sa grupo ni Jaguar. Walang kapantay na pagsisisi kapag tuluyang nawala si Violet sa kanila. Halos ipangako ng Don ang lahat sa Diyos magising lang ang anak. Ipinagako niyang tuluyan nang bubuwagin ang Alpha at mga illegal niyang negosyo maibalik lamang sa kanila ang anak.
Halos ilang linggo nang walang malay ang dalaga. Gusto na nilang mawalan ng pag-asa. Pero ang mga luha ng dalaga habang walang malay ang siyang nagpapalakas ng kanilang loob. Alam nilang naririnig sila nito kaya patuloy silang umaasa na magigising ito.
Ilang operasyon din ang isinagawa habang nakaratay siya dahil sa mga kumplikasyon. Humihina kasi ang katawan niya at nagiging prone sa mga impeksyon. Napakahirap sa kanila ang makitang unti-unting iginugupo ng karamdaman ang katawan ng dalaga pero wala silang magagawa kung hindi ang magdasal. Ilang doktor na ang tumingin sa dalaga, ang iba pa nga ay galing pa ng Amerika na ipinatawag ng ama para gamutin siya pero sadyang walang resulta ang mga test na ginawa sa dalaga.
"Violet, please don't leave me..." halos maiyak na pakiusap ni Alex sa dalaga habang pinipisil pisil niya ang kamay nito.
Nagulat si Alex nang bahagya itong kumibot at bumilis ang paghinga nito. Tumunog din ang alarma ng mga naka kabit na aparato rito. Nakita niyang agaw nito ang hininga at nakatirik ang mga mata.
Mabilis na dumating ang mga doktor sa silid nito ay inilayo si Alex sa nag-aagaw buhay na kasintahan. Wala siyang magawa kung hindi ang tanawin lamang ito sa maliit na bintana ng ICU. Hindi maatim na makita ni Alex ang paghihirap ng nobya kaya umalis na lamang siya at tinungo ang chapel ng ospital. Doon ay buong puso niyang ipinaubaya sa panginoon ang kapalaran ng nobya. Hindi niya kayang patuloy na makita ito sa ganoong paghihirap. Hindi niya isinusuko ang nobya pero hindi rin niya maatim na naghihirap ito ng ganoon.
Matagal na namalagi ang mga doktor sa silid ng dalaga. Nang lumabas ang mga ito ay naroon na ang buong pamilya nito. Mabilis nilang sinalubong ang tila pagod na pagod na mga doktor.