CHAPTER 1: PRESENT
"Where are you going this time, Kassia?" Pababa ng hagdanan si Kassia nang sumalubong ang ina niya sa baba, galing sa kusina. Siguro natunogan nito ang kanyang presensya.
Tahimik lang si Kassia habang tinatahak ang daan palabas ng bahay. Tho, her mom blocked her way. Hindi niya alam kung bakit parati na siya pinupuna ng ina. Kung dati naman ay wala itong pakealam sa kanya at sa mangyayari sa kanya.
"I'm talking to you, Xen. Don't be disgraceful!" Mukha na itong galit. Dahil sa pag taas ng boses nito bigla.
Oh right, she's her mother. Her lazy eyes met her mom's. Naalala na niya, simula nung umuwi siyang dugoan at sugatan. Gusto niyang isipin na nagkaroon ito ng pakealam sa kanya. Pero hindi na siya nag assume, assuming things will just disappoint her in the end.
"I'll be out, will do some important errands." She's now eighteen, coming nineteen in May. And she's no longer a kid who oblige with her parents' demands and request. May sarili na siyang pag iisip, at tanging pansariling kagustohan lang ang susundin niya. Kung pwede lang umalis sa bahay nila, ginawa na niya.
Her mom's brow arched. "Where? Tapos ano, uuwi kang may sugat? Dugoan? No, I will not let you go unless you tell me where!" She closed her eyes hard, para bang paraan niya para pahabain ang pasensya niya.
Its still seven in the morning, and here she comes... Bumungad lang naman sa araw niya ang mabunganga niyang Ina. Well, should she use to it now? Ilang buwan na nga bang ito na ganito? Hindi. Its obviously a year.
"Pupuntahan ko lang si Aria, may usapan kami kagabi na magkikita at sabay nang bumili g supplies para sa pasukan. The Grandeur mall will open at eight, so I have to be there early. Also, her mom wants to talk things with me that I do not know." Sa tuwing nagpapaliwanag lang talaga siya nakapagsalita ng mahaba.
Kahit na gaano man siya nainis sa ina niya, hindi pa rin niya ito magawang sahot-sagotin ng mga masasakit na salita. Kahit na hindi siya nito gusto, ayaw nito sa kanya at sinasaktan siya... She still respects her mom. She owe her a lot. Her life, her growth and everything. Kahit na wala silang samahan na maayos.
Nakahinga ng maluwang ang ina niya, then worries crossed its face na ikinagulat niya. This she did not react. Bago ang emosyon na 'yun na nakita niya dito. "Okay, I will check on you, from time to time. Understood? If I found out na nagsisinungaling ka sakin, I swear Xen... Makakatikim ka ng parusa mula sa'kin."
Up until now, her mom still used to threatened her. Noon, natatakot siya. Pero ngayon, hindi na. Para bang nagbibigay pa ito ng kakaibang tuwa sa kanya? Like, something weird will caressed her heart when her mom acts like it cares for her.
"I understand. Will keep that in mind." Kailan nga ba ang huling pagkakataon na tinawa niya itong, 'mom'? Three years ago? Four years ago? Oh, she did not remember as well.
Tumabi na ito sa daraanan niya at hinayaan na siyang makadaan. "Call and text me from time to time. What do you do, where you go and anything else you are doing. Don't lie as well!" Sigaw nito. She just smirk before walking out from the mansion.
Her mom is cute, lalo na't naka apron pa ito. Mukhang iniwan pa ang niluluto para lang makasagotan siya. Simula din noon, gumigising na ito ng maaga. Mas maaga pa kaysa sa kanya. Kaya kahit anong iwas niya rito, talagang ito pa ang nananadya na mag krus ang landas nila.
"Tegan, pahatid ako kila Aria." Sabi niya sa driver na kakatapos lang maglinis ng kotse.
"Sige po, ma'am." At kumilos rin naman ito kaagad para ligpitin ang mga gamit na ginamit sa pag linis. She wait patiently, pero habang naghihintay...
"Gising ka na, Xen?" Nag text sa kanya si Aria. A friend of her outside the gangster org. Nag iisa lang ang kaibigan niya nun... However...
"Xen, make sure to come with us. Okay?" It was Mira. Kaibigan rin ni Aria, na naging kaibigan na rin niya. Sumunod lang ito ng text sa una niyang kaibigan. Naninigurado talaga na sasama siya.
She just sigh, lalo na't sumunod si Mira sa pag send ng text sa kanya. "See ya, opt to take a bath now!" Ang mga ito ang nag aya na lumabas, pero siya itong early bird.
"Okay na po, ma'am." Imporma sa kanya ni Tegan. She went inside the car, seconds later... Nasa daan na sila papunta sa bahay ni Aria.
Everything looks fine, parang walang problema sa mundo. Hardworking people wakes up early, going to work on time. Marami siyang nakikita na nagmamadaling sumakay ng bus. Kahit ang buhok or damit ay magulo at tumabingi pa.
Humalukipkip lang siya sa may bintana habang nasa biyahe. Inaaliw ang mga mata while waiting for her arrival at Aria's place.
"Thanks, Tegan. Huwag mo na rin akong abalahin pang sundoin." Sabi niya nang makarating na sila at nasa harap na ng gate nila Aria.
While talking to her driver, "Kassia! You came!" Biglang lumitaw sa pandinig niya ang maligalig na boses ng tita Claudia niya.
"Noted po. Sasabihin ko rin po ba kay madam po?"
"Pag mag tanong siya, sabihin mo lang na naihatid mo ako ng safe dito." Aniya habang nilingon ang tiyahin na sabik siyang makita.
"Sge po, babalik na po ako sa mansion."
"Thank you, ulit." She might be fierce and cold. Pero hindi naman siya ganun ka heartless para ipagkait ang gratitudes na nararapat matanggap ng isang tao na pinagsilbihan ka.
"Mabuti naman at pinauunlakan mo ako, hija." Anito at niyakap siya mula sa gilid. Umayos pa kamo siya at humarap para mayakap ito ng maayos.
"Nagkataon lang po na nagkakayayaan. Hindi po ba nasabi sa inyu ni Aria?" Tanong niya at unang humiwalay sa yakap.
"Hindi, ngayon din ba 'yun?" Nagtataka ang mukha nito.
She nodded.
"Yung batang 'yun talaga. Hindi man lang sinabi sa'kin na may lakad kayo. Mukhang mapapalya na naman ang time mo para sa'kin. I'm wounded. Come on, let's have breakfast together." Walang pasabi na hinila siya ng ginang papasok ng bahay, hindi naman siya kumontra at nagpatianod lang.
The house is huge, but their house is more huge than it. Ang kakaiba lang ay maganda ang interior. Super girly yet, napaka welcoming. Maganda ang ambiance, at hindi mo kailangang mabahala because the people who live in the house are kind too. Hindi nga rin niya alam kung papaano siya nakahanap ng mga taong magugustohan siya.
Look, she's just a mere girl. No fun. Looking bored and such. Pero here she is. She met random people who accepts her wholly. Walang judgment, just plain acceptance. Kaya rin siya naging komportable kase hindi naman siya tinatanong about her dark and private life. Hindi siya na pressure.
Bagay na hindi niya naramdaman sa sarili niyang pamilya. It's kinda funny, kase nahanap niya ito sa ibang tao. Na hindi niya kaano-ano.
She had Archer, but Archer left her too. Hindi nito natupad ang sinasabi. Inaasahan niya na rin na mangyari 'yun. she just didn't expect na it will happen so soon. Pero sino nga ba siya para husgahan ang naging desisyon nito? She's just a random stranger who he had met.
"Adriel, is everything done?" Tanong ng ginang sa panganay nito nang makapasok sa bahay.
"Almost done, mom. Don't be impatient!" Ang boses ni Adriel ay nakakabighani. Napaka manly, at kung sinong babae na makarinig dito ay talagang ma-i-inlove sa boses nito. Siguro nga, natural na 'yun dahil sa isa itong singer.
Binalingan siya ng ginang, "Ma gusto ka ba, Kassia habang naghihintay? Coffee or milk?"
She chuckled a bit, "Coffee will do, tita."
Medyo nahiya pa siya at nag aalangan nung una, pero ito na ang nag tanong. Mas nakakahiya kung e turn down niya ang offer nito. Sometimes, nakakapanakit talaga ng damdamin ang pag hindi sa offer ng may bahay. Kaya kung gusto niyo sila maging stay confident, better to accept the offer and make yourself comfortable.
"Manang Dores, pakigawa kami ng coffee." Timing na dumaan ang katulong at tinawag ito ni Claudia.
"Yes ma'am."
"Na miss talaga kita, Kassia. Kamusta ka na?" Agad siya nitong tinanong nang makaupo na rin ito sa tabi niya. Sa couch.
"I'm doing good, tita. Busy lang kaya ngayon lang nakadalaw." Rason niya, totoo rin naman kase... She's busy in terms of managing her time in between school and the Empire that her grandfather passes the throne down to her.
"It must be that important..." There's a tone of sadness in its voice.
"Opo, pasensya na po kung ngayon lang ako nakadalaw." Sensiro niyang sabi rito at pinisil rin ang kamay na nakahawak sa mga kamay niya. They're actually facing each other.
"Well, if its that important... How could I judge you?" Ngumiti ito sa kanya.
She felt relieved, "Thank you po." Isa pa sa mga dahilan kung bakit wala siyang time sa mga nonsensical activities is about sa Lolo niya. Hindi nito nagustohan ang naging pagbabago na ginawa niya sa organisasyon nito. Sinubokan siya nitong pigilan, pero hindi siya pumayag at hindi nag padala.
Hindi niya gusto ang ideya na mag handle ng isang grupo na may maraming illegal na gawain. Ang mga unorganized activities noon ay ini-organisa niya. Marami siyang binago. Inalis ang mga hindi dapat, tinira lang ang mga tao na sa tingin niyange dapat itira.
Every night, she went out to hunt members na nag tangkang dumihan at sirain ang sinimulan niya. She felt disrespected. Naiintindihan niya na bata pa siya noon para mamahala, but that doesn't mean na apak-apakan nalang siya ng mga ito.
They want to play with her, kaya pinauunlakan niya rin ito. These people intend to drag the innocent on the show, pero hindi hamak na mas matalino siya kumpara sa mga superior niya na tumalikod sa kanya dahil lang sa hindi nito gusto ang koronasyon na natanggap niya. She's the queen, and the queen had troops. She used them, trust them and attack wisely.
She worked hard to have the title she had now. Pero hindi pa pala nun sapat. Marami pang nangyari, hanggang sa napuno na siya. Walang gabi na hindi dumanak ang dugo, walang gabi na walang namatay, at wala ring gabi na hindi siya umuuwing naliligo ng dugo mula sa ibang tao. Maruruming tao.
She's a killer, hindi nalalayo sa krimenal na pumapatay rin ng kapwa krimenal. Tumutulong lang din siya paglilinis sa maruming mundo. But, do it satisfies her?
Definitely, yes. Like a vampire who seeks for blood. Like a demon who skin human alive. An evil who had no mercy to the merciless one.
"You should visit us, sometimes. Kapag may oras ka. Adriel, also wants to see you." Alam na niya ang moves ng ginang. Gusto siya nito para sa panganay na anak nito.
"Mom!" Sita kaagad ni Adriel nang marinig ang ina na ipinagkanulo na naman siya ng ina.
"What, son?" Umakto ang ina na walang alam sa ikinainis ng anak.
Adriel went to her side, "Huwag mo nalang pansinin si mom, Kassia. Don't be feeling pressured." Adriel also likes her. Nag tapat ito sa kanya noong huli nilang pagkikita. Isa rin sa dahilan kung bakit nagdadalawang isip siya kagabi kung pupunta ba siya sa bahay nito. She's afraid na masaktan ito sa magiging sagot niya.
She shook her head at him, then give a sincere smile to his mom. "I will be a liar if I will say, its alright. When it's not. Nahihiya ako na parang hindi ako makampante..." Kassia is always been honest, hindi niya tipo ang mag sinungaling kapag hindi naman kailangan. She lies when it is needed.
"Mom kase eh!" Asik ni Adriel sa ina.
"I'm just helping you out, son!" Asik ng ina nito pabalik.
Nakakahiya na talaga, and Kassia felt like a manequin in her situation right now. She's afraid to move. Lalo na't napapagitnaan na siya. If someone could only help her out of this situation...
"Kassia! Ang aga mo ah?!" Para yatang dininig ang dasal niya nang umalingawngaw ang boses ni Aria sa pandinig niya.
"Well? Sabi mo, aagahan ko." With Aria, her inhibitons fades. Ang naiilang na Kassia kanina ay nawala.
"Yeah right, hindi ko lang inexpect na maaga ka pa sa inaasahan ko." Aria then giggles at tinakbo ang pagitan nila para yakapin siya. "Ang ganda mo talaga, Kassia!" Tumili pa nga ito bago nag landing sa katawan niya. Awtomatikong nagsitabi ang mag ina dahil sa ginawa ni Aria.
She groaned.
Ti-nap niya ang likod nito nang mabigatan siya. "I-I can't b-breathe... You're so h-heavy!" Reklamo niya na ikinangisi pa nito lalo. Bago siya nito nilubayan, at pinanggigilan ang mukha niya.
"Ang cute at fluffy ng face mo!"
"Damn, aww!"
Nabalot ng mumunting tawa ang Sala nang dahil sa ginawa ni Aria sa kanya. Plain lang na tiningnan niya si Aria. Giving her the look na nagtatampo siya. "I agree with you, anak. Kassia is just so adorable. Kaya nga gusto ko siya para kay Kuya Adriel mo."
In just a snap, Adriel groaned and glared at his mom darkly. Nire-respeto kase ni Adriel ang pagbibigay ng space sa kanya. Pero his mom, broke it.
Hinawakan niya ang kamay ni Adriel, bagay na ikinaigtad nito. Pero agad namang naka recover. "It's okay, Adriel. Hayaan mo nalang si tita. Swear, I'm fine."
He looked at her with worry, "Sure ka?"
She gave him an assuring look. With a sincere smile on her lips. Tiyaka tumango. "Yeah, I do." There's no reason for you to not like Adriel. Mabait ito, pogi, matulongin, tiyaka lahat na ata ay nasa kanya. Hindi babaero, mataas ang respeto sa babae, and of course lovable. It's just that... Nasa kanya ang problema. Hindi nga niya alam, she's doubting.
Is it time to give him a chance?
"Have you eaten breakfast?" Tanong nito, habang nakatayo ito sa gilid niya, their hands is still connected.
"Actually, hindi pa." Without them knowing, the two girls is looking at them. Para kaseng sila lang dalawa ang naroroon. Kahit papaano ay hindi siya nailang. May abot tenga na ngiti ang mag ina para sa dalawa. Kinikilig sa scene na nakita ng umagang 'yun.
"You must be hungry now, come on. Kain tayo." Kassia stood up the moment Adriel pull her hand to stand up.
"I guess?" Hindi naman siya gutom pero natatakam siya sa pagkain.
"Ahem!" It was Claudia. Tila sinasabi nitow na naroon pa sila.
"What?" Sabad ni Adriel sa ina. Animo'y walang kaalam-alam sa naging reaksyon nito.
"Hmm... Wala naman!" At pumauna na nga ito sa paglalakad papunta sa kusina.
"Kassia, does it mean....?" Aria trailed, habang may nagagalak na mukha. Ano ang ibig nitong sabihin?
"H-Huh?" She stammered, as she did not know what her friend mean for that one.
Tiyaka nito pinagtagpo ang dalawang index finger. Namilog ang kanyang mga mata nang mapagtanto kung ano 'yun. "It's not! You mistook it. Please don't think that way." She defended. Hindi naman kase ganun talaga...
Disappointment crossed in Aria's face and nod afterwards. Nakonsensya siya. Pero kase hindi ganun...
Then she was reminded na nasa tabi niya pala si Adriel. Doomed! What did she just do?
She felt awkward again. Her face felt a different heat. Hindi siya sanay sa ganitong usapan, and she don't know how to handle things like this. Just damn! Is this the consequences of locking herself from that dark world? Pinilig niya ang ulo sa mga kaisipang 'yun.
"Huwag mo nalang isipin ang mga sinabi nila Kassia. Naiintindihan kita, and I don't want to pressure you. Whatever your decision to my proposal, I will still respect it. Don't overthink and chill. Okay?" Wala sa sarili siyang tumango. Na gu-guilty talaga siya. Kahit sabihin pa nitong ayos lang.
Nang binitawan ni Adriel ang kamay niya, pakiramdam niya may bumitaw na naman sa kanya. Damn, bakit ba kase kay bilis niya ma guilty?
'Okay, kagaya nga ng sinabi ni Adriel... Relax ka lang Kassia. Don't be feeling guilty.' Pag cheer niya sa sarili at sumunod na sa hapag.
The breakfast was good. Marami din silang napag uusapan. Isa na dun ang tungkol sa kanila ni Adriel na hindi niya alam kung papaano sasagotin. Si Adriel naman ang nagtataboy ng topic na 'yun. Siguro nga, dahil sa hindi siya komportable.
"Kuya, hatid mo na rin kami sa mall. Please?" Ngayon ay papaalis na sila para mamili ng gamit. It's ten in the morning.
"Sige, magbibihis lang ako." Tiyaka ito umalis para magbihis.
Naupo muna sila Aria at Kassia sa living area. Habang hinihintay si Adriel. Kassia is just silent. As usual, palagi naman. Kung hindi kakausapin, hindi rin iimik.
"Excited na ako sa pasokan. Ikaw ba?" As usual rin, ang kaibigan ang nagbukas ng topic.
"School is tiring, there's no way I could stop that. Kahit hindi ko pa gusto." Pagsasabi niya ng totoo. Mag second year college na sila sa pasokan. Which will happen sa Monday. Hindi niya tipo pumasok sa eskwela. And Aria knows that. Hindi lang niya alam kung bakit pa nito siya tinanong.
"Pero bakit?" Dahil ang eskwelahan ay nagpapaalala sa kanya kay Archer. Ayaw niyang malungkot. Kaya iniiwasan niya yun. Ngunit, kailangan niya naman pumasok. Kung baga three times a week lang siya pumapasok.
Gusto niyang sagotin si Aria na 'yun ang rason niya. Pero baka mamasamain lang nito ang rason niya dahil sa katuwiran na may gusto sa kanya ang kuya nito.
"I just don't feel like studying." She then shrugged her shoulders. Crossing her legs and lean her head on the back rest of the sofa.
"That's lame."
With a sigh, "Yeah, I know." She answered.
Then Aria's phone rings. "Woah! Mira's calling!" Imporma nito at bigla-bigla kung tumayo. Pinikit niya nalang ang mata. Fvck, she's tired. "Hello, Mira? Oh yes, papunta na kami. Ha? Wait! Si Seinna, what about her? Wow! Today pala ang uwi niya?" And Kassia doesn't know this Sienna girl. Maybe another friend of Aria. Aria's friendly, natural lang na marami itong kaibigan. Hindi din naman siya interesado.
Sa kakapikit niya, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Kung hindi dahil...
"Kassia! Sienna's going home today!" Ang sakit sa tenga ng pitch voice nito. Tumatagos sa ear drums niya. Isa-isa niyang idinilat ang mga mata niya. Just to see Aria's happy face.
"I do not know her." Sabi niya at ipipikit na sana ang mga mata ulit nang tinampal siya nito. Bagay na ikinasira ng mukha niya. Ano ba ang pake niya sa Sienna na 'yun? At bakit parang damay pa siya?
"It's Sienna!"
Nag meet ang mga kilay niya. "What now? Look Aria, I'm sleepy. Let me rest for a bit." Basta tulog niya ang na isturbo, nagiiba talaga ang mood niya.
"She was the girl who you meet before me!" Mas lalong nangunot ang noo niya.
"Marami akong nakilala before you, Aria. So stop bugging me now." She then went back to sleep, pero napalya na naman dahil hindi talaga siya tinigilan. Umuusok na ang ilong niya sa kakatampal nito sa kanya.
"Stop it, Aria." Sa mababang tono, at may warning na tono niya. Awtomatikong napasimangot si Aria, at tumigil. "Fine, if you want us to fetch that Sienna at airport. Then let's do that."
Lumiwanag ang mukha nito, "Totoo?" Dalang lang din niya napagbibigyan ang kaibigan, kaya naman...
"Yeah, but in one condition..." Her eyes half awake, half asleep. Ang bigat ng talukap niya kase. Marami kase siya g tinarabaho sa business ng organization nila.
"Ayy, bakit?" Then, her eyes turned sharp at Aria. Aria, gave up. "Okay, ano 'yun?"
"Don't bother me, and let me sleep while we are on the trip."
At 'yun nga ang ginawa nila, nasa back seat siya habang nasa front seat si Aria, katabi ang kapatid nito. Natulog siya buong byahe, nagising pa siya nung nasundo na nila si Mira. Umingay ang kotse and she was having a hard time to sleep again. Buti nalang at nakadalaw siya ng ear buds. Kahit papaano ay nakatulog siya ulit. Kaso bad timing, malapit na pala sila sa airport nun. Ginising siya kaagad ni Mira. Wala siyang choice kundi ang sumama at salubongin ang kaibigan ng mga ito.
Habang naghihintay, nag stay siya sa isang wall post, malapit lang naman sa mga kaibigan niya. Maraming tao ang airport, napapagod rin ang mata niya kakatingin sa dagat ng tao. Kaya miminsan rin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. She stood there, cooly. With hands slid inside her side pockets.
"Sienna!" Sigaw nila Mira at Aria. Ayaw niyang dumilat, pero kinalabit siya ni Adriel na hindi niya napansin na nasa harap na niya.
"Nandito na ang hinihintay natin. Ayos ka lang ba? Hindi na kita dinisturbo kanina, dahil mukhang pagod ka talaga. May ginawa ka ba kagabi na ikinapagod mo ng husto?" Umayos siya sa pagkakatayo at umiling kay Adriel.
"Kinda, but I'm fine. Babawi lang ako ng tulog mamaya kapag tapos ng appointment ko with the gals today." At nakita na nga niya 'yung babaeng nagngangalang Sienna.
"You know, you can just tell them that you are tired. I'm sure, maiintindihan ka nila..." She was walking towards her friends, when her eyes caught someone. Dahilan ng pagkakatigil niya sa paglalakad. She frozed.
"Archer..."