PART 4: FRIENDS

"Ayos ka lang?" Sinsero niyang tanong sa bata. Pero nagulat siya nang bigla siya nitong niyakap ng sobrang higpit. Her eyes widened at the sudden reaction of the kid.

Pero ang batang ito ay dalawang taon ang tanda kaysa kay Xen. Though they look like in the same age. However, this kid is taller than her. With glasses in the eyes. He's shivering and scared.

Ang gulat na nararamdaman ni Kassia kanina ay unti-unting napalitan ng awa. Hindi man niya kilala ang bata, pero masaya siya na nailigtas ito sa pamamaraan na alam niya. The boy cried in her arms, as she caressed its back without telling her mind to do so. Kusa itong gumalaw para aluhin ang lalake.

"Sshhh... They're gone already." Wika niya habang tinatanaw ang malayong daan na dinaanan ng itim na van kanina. Nasa ganoon silang situwasyon sa loob ng iilang minuto, at walang reklamo si Kassia at nanatili sa yakap nito. Hindi siya nagsalita, Basta nandun lang siya. Para bang sinasabi ng aksyon niya, na hindi ito nag iisa at nandun lang siya para rito. Pinapakalma sa paraan na alam niya. Kase sa totoo lang, hindi naman siya marunong magbigay ng mga light and overwhelming words.

Imbes na diretso siya sa pag uwi, inaya niya ang bata sa park. Binilhan niya ito ng puncham juice at biscuit. "Kumain ka muna, subokan mong kalimutan ang nangyari kanina para kumalma ka." Akala mo kung makapag-salita siya ay hindu rin siya katulad nito na bata. Masyado kase siyang mature magbitiw ng salita.

"Thank you, salamat talaga..." The boy mumbled, tiyaka nito tinanggap ang binili niyang juice at biscuits.

"Nah, it's fine." Nakaupo sila ngayon sa higanting upoan. Malapad at hindi abot ng mga paa nila ang lupa. Dinuduyan-duyan habang tinatanaw nila ang sunset. "Bakit ka nga ba hinahabol ng mga lalakeng 'yun?" Kapagkuwa'y tinanong ito nang maalala ang nangyari kanina.

Umiling ang lalake, at yumuko. "I don't know why..." bumabalik na naman ang takot sa boses nito. Nakita rin niya kung gaano kahigpit ang pagkakahawak sa pakete ng biscuits. Dinudurog ang laman.

Napabuntong hininga si Kassia at umusog palapit sa lalake. Pagkatapos ay inabot ang mga kamay nitong nanggigil para ipaalala ditong hindi siya nag iisa. At that moment, sila nalang ang natira sa park. Tahimik ang paligid.

"Alright, that's enough. If you are not comfortable of telling me about it. I'll respect it. I mean no harm and will not force you to do so." In a lazy tone, she spoke. "Pero kung patuloy kang matatakot, I doubt you cannot survive in this world." Para kay Kassia, ang patuloy na matakot ay incapable para mamuhay ng matagal sa mundo. Minsan na rin siyang napasok sa situwasyon ng bata. Conquering her fear before was hard, gusto niya nalang magtago palagi at ayaw nang lumabas. Pero naisip niya, ano pa nga ba ang saysay ng pagbuhis ng buhay ng kapatid niya kung patuloy siyang matatakot?

Na-realize niya 'yun, matapos ang mahigit isang taon na pagluluksa at pagmumukmok. When she got out of her room, the Kassia that the people knew her from their house had change. The shallow kid that was being scared over a year, turned into an icy kid. Ang masayahin, mabait, magalang, at cheerful na batang kilala ng lahat ay nagbago na parang binagwas ng hangin ang buhangin. At sa isang iglap, nagbago ang lahat.

"I'm sorry...”

Umarko ang kilay niya, kasabay ng pagtaas ng gilid ng pang itaas niyang labi. "Para saan naman?" Tiyaka siya umayos sa pagkakaupo. She has no idea with what the boy was apologizing for.

"About the day you mourn for your sister... It was me," Tiyaka itow naiilang na tumingin sa kanya. "I was the one who annoys you, and give harsh words to you." At dun nga niya naalala ang batang 'yun.

Ewan niya, pero natawa siya. Akalain mo ba naman na mag krus ang landas nila ulit? She mean, nangyari iyon tatlong taon na ang nakakararaan. Nagugulohan naman ang lalake sa naging reaksyon niya. "You know, if earlier was your call with the reaper..." Tiyaka niya ito binalingan ng may nakakalokong ngisi. Ngumisi rin pati mata niya. "I just saved you from that tragedy." She then 'tsk' afterwards.

"I know, I'm sorry for being inconsiderate of your feelings back there... And thank you too. I owe you my life." He said with sincerity. He's also amusing. Hindi lang mapigilan ni Kassia ang matawa dahil nga sa hindi inaasahan pa na pangyayari sila nag tagpo ulit. Hindi mo nga ma predict kung kailan at kung anong situwasyon kayo magkikita ng taong minsan mo na ring nakagalitan.

"It's okay, I beat you also. So I guess, it's a tie." Oo nga naman at napuruhan niya ito. Galit nga siya noon at nasasaktan sa damdamin. Pero naging bayolente naman siya dito, dahil lang sa sinabi nitong katotohanan.

Napatingin siya sa tuhod nito na nagkasugat sa bato. Sa pagkakaalala niya ay malaki ang naging sugat nito, bagay na ikinagalit ng lolo niya sa kanya noon. Buti nalang talaga at nawala na ngayon yung sugat. "Tama ka naman noon eh. Hindi ko lang talaga matanggap ang nangyari." Bigla ay binalot ng kalungkotan ang puso niya. "Sorry din." Dagdag niya, habang nakatingin sa malayo.

Natahimik na naman silang dalawa. Parehong hindi alam ang susunod na sasabihin. Kassia is swinging her feet while drinking the remaining juice she have on the cellophane. Ang bata na kasama niya ay tahimik rin namang kumakain. Hanggang sa Wala na silang maigawang palusot dahil ubos na Ang mga pagkain nila.

"My grandfather is a Mafia." Napatigil si Kassia sa pag swing ng mga paa niya. Nakakaagaw pansin rin naman kase ang inulat ng bata. "He did not know that I was being chased."

"What?!"

Mapakla na ngumiti ang bata, there's sadness from it. "He did not know too, that I know that side of him."

Shit! This is the worst information that she ever received. Papaanong hindi naging aware ang lolo nito kung isa pala itong mafia? That should be expected na maingat at manatiling tago ang identity nito. Tapos maririnig niyang isang mafia ang lolo nito tapos hindi nito alam na gusto siyang kunin ng mga lalakeng 'yun?!

"That's idiocy! Do you know that?" She's livid. Hindi man niya kaano-ano ang lalake, pero nagagalit siya para dito. Hindi naman umangal ang lalake sa mga sinasabi niya at hinayaan siyang patuloy na pagalitan ito. "Your grandfather is an asshole! He's bringing your family into his fvcking trouble! And now, he's not aware that one among his family is in danger?! That's bullsh't!" Hindi na niya napigilan ang sarili kundi ang magalit. Grabe naman ang lolo nito, papasok-pasok ng grupo pero hindi mapanindigan ang susunod na mangyayari?

But then, she saw him just staring at her. "What are you looking at?" Umiling lang ito. Galit ba ito sa sinabi niya? "If you're concern with my words, ngayon pa lang, hindi ako mag apologize. And will never retrieve the words which I spoke already." Bakit niya naman babawiin? Tama lang yun para sa lolo nitong walang utak. Puro yaman ang iniisip, pera at pilak. Naiinis talaga siya kapag ganun.

But the boy still keeps on staring at her, and she begin to wonder why he's looking at her that way? Lalo na't kumikinang ang mga mata nito. "Why are you looking like that?" She's curious.

Then the boy smiled at her, purity is there. At hindi niya itatanggi na gwapo ito, ang dimples nito ay lumilitaw, pati ang chocolate brown nitong mata ay nakakalula. Walang bahid ng pagsisinungaling ang paraan ng pag ngiti nito sa kanya. Just like what she witness in her brothers, kapag ngumingiti ito sa kanya.

"Because, you're cool." diretsyahan nitong sagot.

Siya naman ang nagulat ngayon, her lips left parted. Hanging. Habang ang mga mata niya ay namilog. Kalaunan ay kumurap-kurap din.

"I like you not because you are beautiful, but you're blunt, honest with your perceptions and also... a strong girl." Kiligin na ba siya? Grabe naman kase ito kung maka complement. Wala naman siyang ginawa na iba kundi ang maging totoo sa sarili niya... Oh right, ito nga yun ang sinabi sa kanya.

"You mean that?". Paninigurado niya. Actually, this is her first time na nakatanggap siya ng magandang complement mula sa ibang tao.

"Yup, and I also mean my confession to you." Confession? Ano ang ibig nitong sabihin?

"What are you trying to say?" Call her slow, pero hindi niya talaga na gets ang sinasabi nito ngayon. This kid like her age, is getting weird.

"That I like you. May I know your name?" OMG! Bakit agad-agad naman ata? Do liking someone exist at their first encounter?

"Uhm, are you serious?" Ka-muntikan pa kamo siyang nautal. Buti hindi natuloy.

"I do." Pero dapat ba niya itong pagkakatiwalaan? Kase, hindi siya sure kung ang pakikipag usap rin dito ay tama. She used to be alone, at ang pagkakataon ng kaibigan lalo nat ibang tao ito ay... nakakapanibago. Hindi siya sanay. Pero dapat niya kayang subokan?

"If you're still not okay with me. I can wait--"

"I'm Xen." Biglang putol niya sa sinasabi ng bata, Ewan ba niya pero feeling niya ayaw niya itong lumayo. Kaya hindu na rin niya naisip ang ginawa niya. Kasabay nun ay ang paglahad ng kamay kya rito.

Muling ngumiti ang lalake at nagagalak na tinanggap ang nakalahad niyang kamay. "I'm Archer. Nice meeting you, Kassia. Let's be friends?"

Kassia did not let the negativities bother her, and smile to the boy with the same ferocity. Matagal na siyang hindi ngumingiti. Matagal na rin siyang hindi nakakaramdam ng saya.

Ngayon lang ulit.

And it's Archer who made her feel alive again.