Chapter 9: Bound to see each other again
Kassia's POV
After staying in the hospital for one more day, finally nakalabas na rin ako. Nakakasakal ang nakakulong ka lang sa kuwarto mo buong araw. Feeling the heat of the sun at my skin, and the fresh air to my senses, is all what I missed from outside.
Ilang araw lang akong nag pahinga, I'm sure marami na namang kailangang trabahuin mamaya. Today is Wednesday, and I missed school again. I wonder if I was enrolled? Or kailangan ko pang magpa enrol? Well, malalaman ko lang naman 'yun kapag nagpunta na ako sa school bukas.
I'm waiting for Keirra to come and fetch me here in the hospital. I know, I'm bugging her time at school pero number lang niya ang na memorize ko kanina at natawagan. I don't have my cellphone. And I don't know where it is now. Nakaka frustrate lang na hindi ko mahanap. Tatanongin ko na rin si Asher mamaya. Pag nakauwi na ako at nakuha ko na 'yung motorsiklo ko.
At habang naghihintay, nagpunta ako sa mga tiangge ng fishball, kwik-kwik, fries, at tempura. Alam kong kakakain ko lang kanina bago umalis, pero natatakam ako sa mga pagkaing 'yun kase kaya... Sulitin ko na rin ang oras ko.
Today's weather is great! Walang ambun, at walang senyales ng kahit na anumang delubyo. Just great! Maraming pine trees sa harap ng hospital, sa mismong gilid rin ng daan. As expected, the hospital that is owned by the Hidalgo is huge. From the outside, agaw pansin na. Maganda din kase ang exterior design nito. Mukhang private na talaga.
"Ate, pabili ng tempura." Sabi ko sa tindera nang makarating sa isang stall car.
"Magkano po gusto niyo ma'am?" She's kind of busy, may ginagawa pa. Siguro para sa iilan niya ring customer na naghintay kagaya ko.
"Sinkuwenta po, singkuwenta ding fishball and dalawang jumbo hotdog. Pa separate na rin ng sauce." I was picking a bill from my wallet, unfortunately, wala akong barya. Well? "Gawin mo nalang tig one hundred and tatlo ate." Mukhang nagulat ko pa yata yung tindera. Nginitian ko lang siya, at siya naman itong magana na kumilos at isinalang ang order ko.
Naging mabilis ang pag tanggap ko sa order ko, kaysa sa iba. Bagay na ikinakatuwa ko. Kaya naman..."Keep the change po, pang snack mo na rin."
"Wow! Salamat po, Ma'am!" Masaya nitong sabi at yumukod.
Sakto naman ang pagdating ni Keirra, she went out of the car and helped me with the foods I brought. "Nakakagulat, gusto mo pala ang ganitong klase ng pagkain?" Kapagkuwa'y tanong niya nang nasa daan na kami. Tinatahak ang daan ko pauwi.
"Yeah, I'm eating these whenever and wherever I saw stalls na nagtitinda ng ganito." Tiyaka ko kinain ang isang piraso ng fishball. Mainit-init pa kaya masarap talaga.
"I didn't know na kumakain ka pala niyan." Aniya pa nga.
Ikinuha ko siya ng isang fishball, tiyaka ako umusog palapit sa kanya. Iniumang ang fishball na tinuhog ko para sa kanya. "Here. Eat up." I saw her coming to ask, kaya inunahan ko na siya.
"Ang weird mo ngayon, Xen." Aniya pa nga.
"Talaga? Paanong weird?" Hindi ko naman pansin na may weird sa'kin.
I heard her sigh, and maneuver the car, changing route and over take. "You do not use to talk to me this close. And you're quite happy? Not sure..."
"That's real weird, then." After ng usapan namin na 'yun. Pinagtutuonan ko na ng pansin ang mga pagkain ko. Saktong-sakto nang makarating kami sa bahay ay isang pirasong jumbo hotdog nalang ang kinakain ko.
"Babalik na ako sa klase, Xen." Pagpapaalam ni Keirra na tango lang ang isinagot ko dahil sa puno pa ang bibig ko kaka-kain. Nang mawala na siya sa paningin ko, tiyaka lang ako pumasok sa mansion.
"Kassia!" Dumagundong kaagad ang boses ni mom na hindi ko na inaasahan na ikakagulat ko pa. "Where have you been?!" Her voice is annoying, nakakarindi. Dini-disturbo niya ang moment ko kasama ang pagkain ko.
Kagagaling lang niya sa itaas ng hagdan at ngayon ay parang aso na handa ng mangangaggat ng isang estrangherong magnanakaw na pumasok sa mansion ng amo niya. "Sumagot ka! Saan ka galing?! Didn't I told you to call me from time to time?!"
Yeah right, they do not know about the accident and the trouble I was involved. Good thing that they did not know. At baka mas madagdagan pa ang magiging sermon ko mula sa kanya. "Kassia, bingi ka ba?! Sagotin mo ako! Mommy mo ako baka nakalimutan mo?! Galing ka sakin, ako ang nagpalaki sayo!" Oo nga sabi na nga niya. Hindi man lang makahintay na matapos ko ang kinakain ko.
"You don't have to know, Mom. I'm alright. You see?" I said, lazily. And this is also the very first time that I called her, 'Mom' again. Pagod nang makinig sa mga pangaral niya. Sarap lang ipaalala sa kanya kung anong klase siyang nanay noon sa'kin. And because I respect her as my mother, I did not do it. Kahit ano pa siya noon, sinusubokan ko naman ipagpaliban at iniiwasan na huwag makapag-salita ng hindi masyadong nakakainsulto na salita.
"I'm asking, so answer me! I care!" Nakalapit na siya sakin at mariin na hinawakan ako sa balikat.
"Just out there..." And because I did not answer her, she slap me hard. The pain palpitates, as I endure it.
"When I asked you to answer me your whereabouts, you should answer." Tiyaka pa niya dinagdagan ng isa pa. Naging magkambal na nga na sampal. At hindi pa siya nakontento, kinurot niya ang tenga ko paitaas at dinarag ako papunta sa lugar na alam ko.
The attic.
"Now, you stay here and starve for your hardness! Lumalaki ka nga, pero matigas pa rin ang ulo mo! You can't even follow my instructions kahit ang simple-simple na! Ngayon, mag tanda ka at magutom!" She then pushed me to the midst of darkness.
Damn, my back hurts. Mas masakit pa sa galos na meron ako sa tuhod at palad. Nandito na naman ako, Attic. Tayo ulit ang magkakasama. I just hope na mabilis lilipas ang oras at matapos na kaagad itong kabaliwan ni mom sa'kin.
---
Archer's POV
Gabi na ng miyerkules, at kakatapos ko lang din mag dinner kasama sila Mom kanina. The dinner was great, kasama ko rin ang mga kapatid ko. Asher became more responsive these days, kung noon ay parati itong late umuwi, ngayon hindi na.
Sumampa ako sa higaan ko at agad na kinapa ang bagay na parati konh tinatago sa bulsa ko at dala ko. Mahigit dalawang araw ko na 'tong kasama. Binubuksan ko lang din ito kapag bored ako.
Staring at our childhood pictures brought me back to the past. Yung wala pang problema at puro saya lang ang hanap. Her smiles, means so much to me. But now that she had change... Malabong ngingiti pa siya sa'kin.
Why do it makes me sad, after all? Di'ba ako itong may gusto na lumayo siya sa'kin? Tapos ngayon na itinaboy na niya ako, biglang lulungkot? Nalilito na ako sa sarili ko. Hindi ko nga lang siya nakita ng isang araw, biglang wala ng kulay ang araw ko.
I guess, coming back just ruined everything that I build before. Ang bilis natupog ng pader na ginawa ko. Akala ko handa na ako, pero hindi pa pala. I'm all wrong.
Then, ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandito na ako eh. Wala na akong aatrasan pa.
Upon staring at her childhood picture, my phone buzzed. Sunod-sunod iyon. Binalingan ko muna 'yun ng pansin at chineck kung sino ang nag text.
Logan: "Bud! Finally you're home!"
Warren: "Takte ka, @Archer hindi ka nagsabi nung nakaraang apat na araw ka lang pala nakauwi!"
Troy: "Where's my pasalubong @Archer?"
Kenzo: "How's Michigan? Ayos ba?"
Naiiling na napaupo nalang ako sa kama at nag tipa ng ma e-reply sa kanila.
Replying to Kenzo
Archer: I'm fine. Michigan was also good. Living there for five years was satisfying.
Replying to Troy
Archer: Kakauwi mo lang galing Hong Kong di'ba?
Replying to Warren
Archer: Sorry, bro. Sinadya ko talagang huwag ipaalam, para maka bonding ko muna yung pamilya ko.
Replying to Logan
Archer: Oo, I'm back. Buddy!
Noon lang lumitaw ang call na pinasimunoan ni Brett. Ang mokong na tamad mag tipa, siguro may ginagawa. Mahilig kase magbabad sa paggawa ng arts. Mostly drawing.
"Zup?" Tanong kaagad niya samin. Mabilis na nag join yung iba sa group call.
"Fvck, school was not good! Nakakapagod!"
"Ikaw na gago ka Logan, puro ka nakakapagod. Dapat tumigil ka nalang. Total mayaman ka naman na! Puro ka kabaliwan." Panenermon ni Tyler kay Logan. Si Logan na mahilig mambabae. Kahit nasa ibang bansa siya, alam niya pa rin ang mga kalokohan ng mga ito.
"Ang harsh mo sa'kin!"
"Tama lang yun sa'yo, Logan! Yan nakukuha mo sa pagiging reklamador!" Pag sang ayon ni Troy, pinapanigan pa ata ang Kuya nitong si Tyler.
"Oi, si Brett oh! Ang naning!" Si Warren na nang aasar sa seryosong si Brett.
"Fvck you!" Mura ni Brett para kay Warren na tinatawanan lang siya.
"Thank you?"
"Shvt up!"
"Maiba tayo, Archer... Saan ka nag aaral ngayon?" It was Chance, kakapasok lang nito sa tawag. At mukhang bagong ligo.
"Looking fresh ah?" Ito na naman ang pinagtutuonan ng pansin ni Warren ngayon. Na hindi naman pinapansin ni Chance.
"E. H. U pa din, pre."
"Woah! Bakit hindi mo sinabi?!"
"Yawa! Same school lang pala tayo!"
"Shuttaa ka bro, alam mo bang na-miss ka namin. Tapos hindi mo man lang pinapapaalam na doon ka din pala nag aaral?!" Kanya-kanya sila sa pag reklamo na ikinataws ko nalang. Marami pa silang sinasabi sa'kin na minsanan ay ikinangiwi ko nalang. Marami kaseng nirereto sakin na hinfi ko naman tipo.
"Osya, kita-kita nalang tayo bukas. Kailangan ko na gawin ang assignment ko." Pagpapaalam ko, bago pinatay ang linya namin. May sasabihin pa ang mga yun kaya maagap na pinatay ko na. Mas lalo kaming hindi magkakaintindihan kung sa call kami mag uusap. Masyado kaming marami at maraming gusto magsalita kaya nagkakabuhol-buhol na.
Pinulot ko ulit ang cellphone ni Xen, at napangiti nalang nang makita siya sa litrato. Hindi ang Xen ngayon, kundi ang Xen noon na nakilala ko. Yung mabait, at honest.
---
Kassia's POV
Dumaan ang isang linggo na hindi ko namamalayan. Madilim ang attic at wala akong maaninag mula sa labas. Tanging sarili ko lang ang naka-kapa ko. Wala ng iba, maliban sa magaspang na sahig at dingding. Kung hindi bumukas ang pintuan, hindi ako masisilaw sa ilaw.
"Xen!" Kagaya ng dati, parating si Kuya Zayne ang nagbubukas sa akin. Siya rin 'yung pasekreto na nagbibigay sa'kin ng pagkain na hindi nalalaman ni mom. Kahit hindi ko hiningi, binibigay niya pa rin sakin, dahil ayaw niya akong nagugutom. Kahit papaano ay, nakuhanan ang pagdurusa ko sa madilim na lugar na ito.
Sa tuwing nandito kase ako, mas lalo akong ginugulo ng nakaraan. Ang nakaraan na hindi ko kailanman makakalimutan, pati na rin si Zen.
"Kuya." Sambit ko, nang yakapin niya ako na naliligo sa sariling pawis. "Mabaho ako..."
Umiling lang siya at mas lalo pa akonh niyakap. "Kung alam mo na maging ganito ka kapag umuuwi ka na hindi sinusunod si mom, you should've live with Lolo Titus. Kaysa nahihirapan ka ng ganito." Hindi ko nga rin alam kung bakit umuuwi pa ako dito, lalo nat walang pakealam ang mga tao dito. Si dad, always busy. Si Lolo, alam ko na 'yun. Since dati pa na sinuway ko siya... Pareho pa rin naman ng Turing sa'kin. Parang wala lang. Lalapitan lang ako kapag kailangan ako. Kagaya nalang ng nakaraan.
Humiwalay siya sa yakap at pinakatitigan ako. "Kamusta ang likod mo? Ang sugat mo?"
Napangisi ako, "I'm good, hindi na rin masama na nandito ako. Gumaling na yata ang buto ko." At bigla niya namang pinagdidiskitahan ang matangos kong ilong.
Napa, "Aray" ako ng wala sa oras.
"Ang manatili ng isang linggo ay hindi maganda, Xen. Kaya huwag ako ang biruin mo." Tiyaka niya hinila ang mga kamay ko para makatayo na ako. "Tara na at may klase pa tayo, mamayang alas otso."
Lunes na nga. Akala ko nga isang araw pa eh. At dahil alas kuwatro pa lang, tulog pa sila mom. Binilisan ko nalanh ang pag kilos, nagbihis din kaagad at kinuha ang mga bagay na binili ko noon para sa pasokan. Nang mag alas singko, sabay kami nila Kuya Zeke na bumaba. Sabay rin na kumain.
"Akin nalanh 'yan, Kuya." Pagmamakaawa ko nang makita ang pang isahang tao na pasta na natitira sa ref. Hawak ito ni Kuya Zeke na mahilig rin naman sa pasta kagaya ko. He has this 'bigay or not bigay' look.
"Ibigay mo na, Zeke. Kulang sa pagkain si Kassia, kaya ibigay mo na." Sabi ni Kuya Zayne. Na ginawa rin naman ni Kuya Zeke.
"Pasalamat ka, mahal kita." Napahalakhak lang ako sa sinabi niya at nagsimula ng kumain.
Nang mag alas sais, umalis na kami at nagpunta sa Starbucks. Malapit lang sa school. Maaga kase itong magbukas, kaya dito namin napili na mag tambay. Mag ka-kape habang naghihintay.
"Why don't you buy a new phone, Xen? Huwag mo ng hanapin ang luma mong cellphone." Turan ni Kuya Zeke na kumakain ngayon ng mocha cake niya.
"No, ayoko. Gusto ko 'yung luma ko." I insisted tiyaka lumingon sa labas.
"Eh, kase papaano ka namin matatawagan kung wala kang cellphone? Sige nga, kapag nagka problema ka, saan ka hihiram ng cellphone para tawagan kami? Saulo mo ba number namin?" Kahit nga pag nagka problema ako, at saulo ang numero nila, hindi ko pa rin sila tatawagan.
Kumandos ako ng chocolate cake ko, at kinain iyon. "Ang sarap talaga nito!" The taste of chocolate cake in my mouth feels heaven! Gusto ko talaga ang tamis nito, at ang average ng cake nito na napaka soft sa gums ko. Hindi ko mapigilan ang matakam.
"Bumili na muna ng bago, Xen. Kapag nahanap mo na ang luma mo. Pwede mo naman isantabi ang bago. At yun ulit ang gagamitin mo."
"I agree with you, Zayne. That's why don't be a hard headed sister, kundi sasapakin kita." Minsan nakakainis ang may kapatid, dahil may bumabara sa mga gusto mo.
"Do it, Xen. I'll check your new phone later at home. Make sure na makakabili ka." That's how our conversation ends. Wala akong nasabi maliban sa pag ingos, pag simangot at pag irap. Handling my role outside the organization very well.
Ginagawa ko lang naman ang pagpapanggap na ito para sa kapakanan nila. My brothers adore me and value me. Kaya ayoko na rin silang masama pa sa gulo ko. Sapat na yung ako nalang.
Dalawang minuto bago mag bell, pumasok ako sa building, sumusunod sa likuran ng kadagatan ng mga estudyante. Nagmamadali, at kahit nasa likuran ako...
Someone was able to dodge my back, dahilan ng pagkatisod ko at makabangga ng isa pang estudyante.
"You okay?" My eyes widened as his voice loiters inside my ears. Bago ako nag taas ng tingin sa kanya.
"Xen?"
"Archer?"