CHAPTER 46: FORGOTTEN ONE NIGHT HUSBAND

"ALEXA, PATAY KA NA BA?" Nanginginig ang boses ni Margaux sa lamig. Nakaupo siya sa sidewalk at tuloy ang malakas na ulan.

Her fingers were freezing and her hair was a wet mess, curtaining her face. Sumasagad sa kanyang buto ang lamig mula sa kanyang basang damit, pero wala naman siyang magawa.

Hindi niya alam kung nananadya ba ang pagkakataon, pero ilang minuto matapos mawalan ng signal ay nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Pinadilim niyon ang buong paligid hanggang sa magmistulang pang-eksenang horror ang kinaroroonan niya.

The wind was howling, together with the mad sound of the waves from the nearby sea. Halos dumapa sa lupa ang mga talahib na nasa kanyang likuran, pero ang reaksyon niya lang roon ay paghigpit ng kanyang mga daliri sa hawak na cellphone.

‘Ang lamig...’ She bit her tongue when her chin started to tremble. Her virtual assistant hadn't replied in a while, although the screen of her phone stayed on. Gamit ng kanyang kotse ang pinakamahal na headlightspero nagmistulang mumurahin iyon. Ni hindi lumaban ang liwanag nito sa dilim— napakalamlam ng liwanag.

“Alexa?” Sinubukan niya muling kausapin ang kanyang virtual assistant. Kaso pagkatapos ng isang buong minuto ay nagsimulang kumurap ang screen ng kanyang phone bago tuluyang nagdilim.

“A-Alexa, please naman...” That shot her to a new level of depression. Nataranta siya bigla at sinumulang inspeksyunin ang hawak niyang phone.

Swipe to the left, swipe to the right, and then some mad taps on the screen. She actually felt like giving CPR to a dying person.

“Don’t die yet...” Napahikbi siya nang hindi na umilaw muli ang tanging bagay na nakakausap niya sa lugar na ‘yon. Then, palming the excessive water from her face, she lifted her gaze to the dark, empty street.

Kahit mas ligtas para sa kanya ang manatili sa loob ng kotse ay pinili niyang maghintay sa labas. Masyado kasing madilim. Nag-aalala siya na baka may biglang mapadaan sa liblib na lugar na ‘yon at malagpasan siya. Kahit ano – truck, kotse, o tao na pwede niyang harangin at hingan ng tulong.

“A-Alexa, hanapin mo si Rome...” Binalewala niya ang pagbabara ng kanyang ilong. Nag-uumupugan ang kanyang mga ngipin, pero ayaw niyang sukuan ang hawak na gadget. The phone was obviously dead, but then it was the only thing she got.

"S-Sabihin mo kung nasaan ako—Shit!'”

Hindi na masabi ni Margaux kung may nakarinig ng kanyang pagsigaw. Akma siyang tatayo nang may biglang sumaklob sa kanyang ulo. Mayamaya pa ay may bumitbit sa kanya mula sa likuran.

Lukob na siya ng takot nang iigkas niya ang kanyang mga siko at pumiglas. She was hoping for her attacks to hit something, but then the brute gripping her was fast.

Nangalmot siya, nanuntok, at nang huli ay sinubukang manipa sa kagustuhang makawala. Although she didn’t pay much attention to it back then, may natutunan din pala siya sa self-defense nang minsan siyang kaladkarin ni Rome sa boxing ring.

“Bitiwan mo ‘ko!”

“Oh! Hindi mo gugustuhing sipain ‘yang parteng ‘yan, cara. That would be your loss. Paano ka na liligaya?”

Nanigas ang tuhod na dapat ay patatamain niya sa pinakasensitibong parte ng kanyang kalaban. Agad na nakilala niya ang malamig na boses nito. There was only one man in this world who could talk to her with such dangerous calmness and yet make her skin tingle like it had just been licked by flame.

‘Caro?’

“Ibaba mo ang tuhod mo, cara mia.”

‘W-What?’

“Uulitin ko.” Nadama niya nang lumuwag ang hawak nito sa kanya nang huminto siyang manlaban. Malabo na ang lahat kay Margaux. Hindi niya alam kung ano ba ang tawag sa emosyong bumaha sa kanya nang magsalita ulit muli sa likuran si Rome. “Kumalma ka. Ibaba mo ang tuhod mo at baka tamaan ang—umph!”

Hindi na niya ito nasunod dahil bagkus na kumalma ay nataranta siyang harapin ito. Niyakap niya ito nang mahigpit, at sa huli ay kinuyamos ito ng sabik na halik.

Doon mismo sa gitna nang malakas na ulan... habang basang-basa sila, at nakatalukbong pa rin ang jacket nito sa kanyang ulo na tila isa iyong belo.

ILANG MINUTO MATAPOS DUMATING ang kanyang caro ay natapuan ni Margaux ang sariling sinusundan ito ng tingin. Papalabas ito ng kotse para ipalista ang mga pangalan nila sa front desk ng mumurahing motel na ‘yon.

As always, Rome was moving with such a grace that only elites had. Ni hindi man lang nabawasan ang kakisigan nito kahit babad sa ulan ang suot na shirt at maong na pantalon.

Pasado alas-dose na ng gabi nang marating nila ang naturang lugar. It was a two-story cheap motel with its street sign missing one bulb. Iyon na yata ang pinakamalungkot na lugar na napuntahan ni Margaux — may umaandap na ilaw sa gitna ng bakanteng parking lot, nababakbak ang mga pintura, at napapaligiran ng mesh na bakod ang parking lot.

Pagod na sinandal ni Margaux ang kanyang ulo sa shotgun seat. God knew how thankful she was that Rome found her, but then some things were just extremely not right. Napakaraming tanong na nagsisiksikan sa kanyang isip, pero ni isa roon ay walang lumabas kanyang labi.

'Paano kaya ako nahanap ni caro? Bakit biglang nawala ang ‘The Romans’ sa mapa? Paano siya nakarating sa lugar na ‘yon eh wala naman akong nakitang sinakyan niya? Lumakad ba si Rome? Lumipad? What the hell is going on—'

“Tara na.” Boses ni Rome kasabay ng pagbukas ng pinto ang nagpalingon kay Margaux. Napakabigat ng kanyang katawan nang mga oras na ‘yon kaya hindi man lang niya napansin ang kamay nitong naghihintay sa kanya.

“I don’t sleep on cheap bedsheets—”

“Alam ko.”

She stopped giving the motel a disapproving look and didn't say more. Nakakatatlong hakbang na siya mula sa kanyang kotse nang muling tumalukbong ang jacket ni Rome sa kanyang ulo.

That was an outright weird act. Kanina pa huminto ang ulan. Wala nang rason ang kanyang caro para takpan siya katulad nang ginawa nito nang magkita sila kanina.

“Ano ito?” Kusang umangat ang kanyang kamay para tanggalin ang ibinelo nito sa kanya, Kaso nga lang, bago pa man maalis ni Margaux ang jacket ay pinigil na siya ng binata mula sa likuran. He held her hand. "Wala ng ulan. Nagmumukha akong tanga—"

“Keep it there.”

“Ayoko—”

“Wala akong pakialam. Gusto kong nakikitang suot mo 'yan.”

The breathlessness of those words sent shivers to where they shouldn’t have— her heart. Kunot ang kanyang noo nang lingunin ang kanyang caro. Ano na naman ba ang sumapi sa binata at bumalik na naman ang ka-wirduhan nito? What was the thing between him and putting his clothes above her head like a veil anyway?

Aangal pa sana siya nang mahagip ng kanyang tingin ang itsura ng kanyang caro. Then, just as soon, she forgot what to say.

The longing in his amber gaze already blew her words out.

THE INTERIOR OF THAT MOTEL had less personality than its exterior— punit ang wallpaper, dilaw ang ilaw, at may isang single-sized bed na natatakpan ng mumurahing bedsheet. Kung nakakapagsalita lang siguro ang mga dingding, kasabay na niyang magrereklamo ang mga iyon. Idagdag pang madumi rin ang sahig.

“Dito ka lang.”

“Saan ka pupunta?”

Malapit na si Rome sa pintuan nang mapahinto ito sa paglakad. For some seconds, he looked reluctant to make another move. Umangat ang paa nito pero muli ring binaba bago lumingon sa kanya.

“Reception desk,” he whispered in a tone she hadn’t heard him use before. It was odd, parang hindi ang kanyang caro ang kasama niya “Basang-basa ka. Ikukuha kita ng tuwalya—”

“Pwede ko na bang tanggalin ‘to?” Iritableng tinuro niya ang jacket na nakabelo pa rin sa kanya. “Wala nang ulan.” Then she pointed at the ceiling. “May bubong na. Hindi na ‘ko talaga komportable.”

Hindi nagtagal bago pinagsisihan ni Margaux ang pagsusungit niyang ‘yon. Kasi noong oras na tanggalin niya ang belo sa kanyang ulo, pakiramdam niya may nabasag na parte sa pagkatao ni Rome.

He froze with his eyes looking down at his jacket on the floor. Bumukas-sara ang mga labi nito pero hindi naman nagsalita.

“Caro, basa ‘yong jacket.”

“Okay.” Halos hindi niya narinig ang sinabi ni Rome nang malungkot itong tumango bago tahimik na lumabas ng kwarto.

He left her dumbfounded while asking herself, ‘What the hell did I do?’

IBANG LEBEL NG KATAHIMIKAN. With him outside and her left sitting on the bed, Margaux used her time wisely by doing... nothing.

Ilang minuto na rin niyang nilalaro ng kanyang paa ang jacket ni Rome. She couldn’t care less about the puddle forming on the floor every time she squeezed her foot on it. Masyado na siyang hapo.

‘Ano ba talagang problema mo, caro?’ Naibuntong-hininga niya habang nakatitig sa damit nito. ‘Nasabi ko na noon sa tree house, 'di ba? Ayokong nilalagyan mo ng belo ang ulo ko dahil may naalala akong ibang tao! Hindi naman ikaw si...’

“Mr. Scum?” Hindi niya sinasadyang isaboses ang pangalan ng lalaking nakasama niya sa hotel minsan siyang magwala. And worse, hindi niya rin inaasahang kasabay ng pagsasalita niya ay pagbalik na man sa kwarto ni Rome.

“Ano ‘yon?”

Napakagat siya ng labi. Desperado siyang burahin sa isip ang lalaking unang umangkin sa kanya nang lumapit siya kay Rome at hablutin ang tuwalya mula sa kamay nito.

Kaso nasobrahan yata ang kanyang pagdadabog. Paghatak niya sa tela ay sumabit dito ang singsing na suot niya at gumawa ‘yon ng matinis na tunog sa sahig.

“Your ring.”

Hindi sumagot si Margaux sa sinabi ni Rome. Bagkus ay mas diniin niya pa ang pagkagat sa labi. Bakit ba parang napakapamilyar sa kanya ng mga nangyayari? Saan ba nanggagaling ang pakiramdam niyang ginawa na nila ang eksenang ito noon?

Her hands were trembling when she clutched the towel harder. Pagkatapos ay nagmamadali na siyang lumayo sa kanyang caro papunta sa bukas na bintana. One angry pull to close the window and she laid the towel open. Ayaw na niyang magtagal sa kamay ni Rome ang towel. Mahirap na, baka kasi mauwi na naman sa kanyang ulo ‘yon.

‘Tama na Rome! Hindi mo ba alam ang epekto sa ‘kin ng ginagawa mo? Pinapaalala mo sa ‘kin ang mga bagay na ayoko nang balikan—’

“Dry your hair too.”

Dumulas mula sa mga kamay ni Margaux ang hawak nang mula sa likuran ay may sumaklob ulit na tela sa kanyang ulo. Iniiwas niya rito ang towel pero ginamit naman nito ang mismong T-shirt na hinubad nito.

She gawked. Mas lalo kasing naging magkatulad ang sitwasyon noon sa ngayon. T-shirt din ng kanyang isang-gabing-esposo ang suot niya sa ulo nang pakasalan niya ito sa highway.

‘N-no way. Hindi ito pwede! Hindi pwede—’

“You dropped your ring.”

‘Shit!’ Hindi makapaniwalang napatakip ng bibig si Margaux. With her back on him and just his soft voice, pakiramdam niya ay tuluyan na siyang kinaladkad ni Rome pabalik sa araw na ‘yon.

Bakit ba hindi niya napapansin noon na kaboses ng kanyang caro ang lalaking nakasama niya sa hotel? Pati ang panlalaking pabango ni Rome ay katulad na katulad din ng sa misteryosong lalaki.

‘Oh my God, no!’ Gustong sumigaw ni Margaux. Kaya lang ay wala na siyang lakas nang marahan siyang kabigin ni Rome paharap dito. He took her hand. Nasa kabilang kamay na pala nito ang kanyang singsing.

“Lambutan mo ang daliri mo, cara. Hindi ko maisuot sa’yo—”

“Akin na. Ako na lang ang magsusuot mag-isa.”

He didn’t say a thing, pero dumiin ang hawak nito sa kanyang kamay nang subukan niyang agawin ang singsing na hawak nito. There were millions of emotions alternately shadowing his eyes while looking down at her hand. Pagkatapos ay bumuntong-hininga ito.

"Binabalikan mo pa rin ba sa isip mo ang gabing ‘yon, Margaux?"

“Hindi ko alam ang sinasabi mo.”

“Kasi ako... oo.” Binalewala nito ang mataray na pag-iwas niya at mas pinagsalikop ang mga kamay nila. His hand was warm, katulad ‘yon ng sa estrangherong humawak sa kamay niya nang tanungin siya ng abogado. “Inuulit-ulit ko pa rin sa isip ko lahat.“

“Tumigil ka na.”

“Wala pa ring nagbago sa ‘kin simula noong gabing ‘yon.” Ingat na ingat si Rome nang sa wakas ay itulak nito sa kanyang daliri ang singsing. It was like putting that ring on her was something he deemed holy. Punong-puno ng damdamin ang mga mata nito, at kahit ayaw ni Margaux ay tuluyan na siyang nalunod sa sitwasyon.

“I still do.” Napaigtad siya nang malambing na saluhin ni Rome ang magkabila niyang pisngi. Then, meeting her horrified stare, her caro sadly smiled at her before whispering, “At kahit ilang beses pa ulit itanong ng abogado kung sigurado ba ako sa mga pinaggagawa ko, kapareho pa rin ang isasagot ko.”

“C-Caro.”

“Ikaw at ikaw pa rin ang nag-iisang babaeng pakakasalan ko, Margaux.”