CHAPTER 42: THE DEVIL HAS A SECRET
NAKALIMUTAN NA NI MARGAUX kung gaano siya katagal nakatitig sa bakanteng parte ng kama. Nasanay na siyang magising mag-isa mula nang magkasakitan sila.
Ganoon pa man ay kakaiba ang umagang ito. The familiar scent of his shampoo and cologne was lingering in the air. Pumapalibot ito sa kanya at sumigid sa kanyang ilong na tila ba tinabihan siya ng binata kagabi.
‘Imposible,’ She shook her head as she slowly. She was extra careful when she stretched her legs and got ready to stand. Until...
“Ouch!” Bigla siyang napasigaw nang may maapakan sa sahig. Matalas ‘yon, itim, at gawa sa makapal na salamin.
Curiously, she bent down and picked it up. “Paanong napunta ‘to rito...” Then slowly her voice dissolved to thin air as realization ebbed her.
One second she was frozen, and the next, she was already rushing to the huge window in her room.
Histerikal siya nang ubos-lakas na itulak ang salaming nakaharang doon at nagmamadaling ilusot ang kalahati ng kanyang katawan sa bintana. Ni hindi niya na nadama ang pananakit ng kanyang talampakan o ang hampas ng tubig-ulan na sumalubong sa kanyang mukha.
‘Oh God! Please tell me he’s alright!'
“Rome!” she screamed his name as loud as she could, hoping for him to hear her. Hindi niya gusto ang takot na lumulukob sa kanyang dibdib habang hawak ang piraso ng salamin. Malakas ang kanyang pakiramdam na may masamang nangyari sa kanyang caro.
The world looked gray that day. Pati langit ay naninimdim, natatakot, at nag-aalala kasama niya.
“Rome!” Nonetheless, nothing could stop Margaux from screaming and hoping for him to open his window. Hanggang sa mahaluan na ng mga hikbi ang kanyang boses sa pagtawag dito.
“Caro, sumagot ka... Pakiusap.”
THE AIR SMELLED LIKE BURNED NICOTINE. Umaangat ang usok mula sa mga sigarilyong nakasindi at pumapalibot sa dilaw na bumbilyang nasa kisame.
Mukhang mumurahing langit ang kabuuan ng kwarto— may ulap, may ilaw, at syempre, may kawawang kaluluwa na naghihintay mahusgahan.
Ang kaibahan lang, hindi alam ni Rome kung binibitin din ng patiwarik ng Panginoon ang mga kaluluwang hinuhusgahan nito.
“May gusto kang sabihin?”
“Ang kalmado mo naman...” The man, dangling from the metal frame, grinned. Kabaligtaran sa inaasahan ni Rome ay ni hindi man lang ininda ng hinayupak ang dugong bumabalot sa buong mukha nito. Bughaw ang mga mata ng demonyong nang-uuyam sa kanya. Napakakalmado nito—sobra. “Ito na ba ‘yon? Ito na ba lahat ng natutuhan mo kay Don Marco—ugh!”
Sumasagitsit na suntok ni Rome ang nagpatahimik sa espiyang sumira ng kanilang mga plano. Ang totoo ay kanina niya pa gustong burahin ng buo ang mukha nito, pero hindi niya ginagawa. He still needed some information from the man. Sayang naman ang oras nila kung hindi niya ito mapapakanta.
“Cazzata—“
“Ano? Kalmado pa ba?”malamig na tanong ni Rome.
Sandaling nahirapan huminga ang espiya ni Alejandro habang umuugoy ito sa pagkakalambitin. Halatang nahihilo na ito sa kakulangan ng dugo. Actually, mukhang hindi na ito tatagal kaya nakakabilib din ang tigas nito.
Being in that torture room isn’t exactly what Rome had in mind. Kung siya ang masusunod ay mas gusto niyang matulog habang dinadaganan siya ni Margaux.
Kung kasama niya lang siguro ang kanyang cara, baka naibulong na niya na rin dito na sinunog niya ang adoption paper na iniyakan nito. Kaso lang hindi ganoon ang nangyari.
Malakas ang ulan nang makabalik si Rome sa villa. Pagkatapos niyang paampatin ang dugo ng mga sugat niya ay dumiretso na siya sa kwarto ni Margaux. She was already fast asleep when he found her. Medyo kumirot ang puso niya noon, para kasing unti-unti na itong nasasanay matulog mag-isa— hindi na siya hinahanap.
Ni hindi na siya nag-abalang tanggalin ang basag na salamin sa kanyang mukha nang basta na lang humiga sa kama. Pagod na pagod na siya. Kahit naman gusto niyang magdamdam sa kanyang cara ay wala siyang magawa. Kasalanan niya rin kasi kung bakit ito naging ganito— tinuruan niya itong magalit.
‘Fuck!’ napamura na lang si Rome nang maramdaman ang init ng kanyang cara. Gustong-gusto na niya itong yakapin at halikan. Gusto niya na rin niyang magpahinga at sandaling lumimot.
He could have easily done that. Hindi naman siguro mabubulabog ang pagtulog ni Margaux kung hahagkan niya ito nang sandali. But then—damn it! Biglang tumunog ang lapel mic na nakasukbit pa rin sa kanyang tainga. Pati pala ‘yon hindi na niya nahubad dahil sa pagmamadali niyang makauwi kay Margaux.
[Olah, Maestro! Kailangan mong pumunta rito. Baka kasi mapatay ko nang mas maaga ang cabron—]
That was it. Hindi pwedeng basta na lang mamatay ang taong nakakaalam ng mga sekreto ni Alejandro. The brute was the Montenegro family’s spy! Pagsisisihan ng kanyang grupo kung wala silang mapipiga ni isang impormasyon mula rito.
Hindi niya na pinatapos magsalita si Tats. He jumped out of the bed at once, and escaped that villa for the second time. Kinakaladkad niya ang kanyang sarili nang magmaneho siya pabalik sa ‘The Romans'.
Galit na galit siya sa pag-aakalang hindi ginagawa ng kanyang tauhan ang trabaho nito. Can’t he just have a silent moment with his cara for once? Pumipintig ang sintido niya hanggang makarating siya sa headquarters nila.
Then he met his other assistant, Thaddeus, or better known to everybody as Tats.
“Ginawa ko ang lahat, Maestro," paliwanag agad nito bago pa man siya magtanong. "Isa siyang matigas na cabron—“
“Umupo ka sa tabi,” na lang ang kanyang nasabi sa kaharap. Wala siyang ideya kung ano ba ang sinabi ng kanilang bihag dito, pero alam niyang kaunti na lang ay magwawala na ang kanyang utusan.
Tats looks really mad while gripping a bloody baseball bath. Nangangamoy dugo rin ang paligid. He could tell that Tats had already beat the shit out of Alejandro’s spy, pero talaga lang wala itong mapigang impormasyon.
"Pakisabi kay Lucille itimpla ako ng kape." He signaled Tats to call his other assistant from her office. Nakakailang hakbang palang siya sa madilim na kwarto nang magsalita ang kanilang kalaban.
“Aba! Dumating na pala ang hari—ugh!”
Binasagan niya agad ng ngipin ang espiya ni Alejandro nang subukan siyang insultuhin nito. Agad na napaubo sa sakit ang kanilang bihag kasabay ng pagpatak ng mas maraming dugo sa sahig.
“Sasabihin mo kung saang impyerno nagtatago si Alejandro,” matalas na utos ni Rome.
Ganoon pa man ay tila naghahamon pang tinawanan siya nang nakabaligtad nilang bihag, sabay sagot ng, “Mamatay ka muna—ugh!”
What their prisoner said was way beyond his tolerance. Ubod nang lakas na sinipa niya ito dahil sa sobrang inis. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit siya tinawagan ni Tats. Eksperto pala sa pang-iinsulto ang kampon ni Alejandro.
“Nagsasayang ka ng oras...” sabi pa nito bago pinikit ang mga mata. " Patayin mo na lang ako, Romano. Hindi mo ‘ko mapapakanta —ugh!"
Nagpakawala ulit ng suntok si Rome. He felt a couple of bones break against his fist.
Kung siya lang ang masusunod ay ipapasuka niya sa kaharap ang sariling puso nito. Pero bilang isa ring espiya kagaya nito ay naiintindihan niya ang lalaki. Handa na itong mamatay para kay Alejandro. Parang siya noon, handa ring mamatay sa ngalan ni Don Marco.
“Hindi ka pa rin ba magsasalita?"
"Hindi...” As broken as he was, the spy shook his head while looking back at him. “Nasa iyong Papa ang katapatan ko— ugh!"
Those words made Rome's sight turn completely red. For a long stretch, the only sounds that could be heard echoing in the room were his hissing punches. Anong karapatan nito na ipaalala ang kontratang pinapipirmahan sa kanya ni Alejandro? Ni ayaw nga niyang maalala ‘yon.
Nanlilisik ang kanyang mga mata nang sa wakas ay tigilan niya ang pag-atake, at tumalungko siya sa harapan nito.
“Pakisabi sa amo mo na hindi niya ako kahit kailan magiging anak,“he coldly ordered.
"Patayin mo ‘ko," sagot naman nito sa paputol-putol na hininga habang pinipilit idilat ang mga mata. The demon was obviously on the verge of dying, and yet, hindi pa rin nagbabago ang paninindigan nito. "Patayin mo na ako ngayon—“
Naputol ang sinasabi nito nang umubo ulit ito nang paulit-ulit. Mas dumami pa ang pulang likido sa sahig, pero pagkatapos nitong sumuka ay nagsalita ulit. “Gawin mo na bago ko sabihin sa Don ang munti mong sikreto..."
Hindi alam ni Rome kung bakit siya nakadama ng takot dahil sa narinig. His back immediately straightened as he confusedly stared at the man. 'Sikreto? Anong sikreto ang sinasabi nito?'
“Ituloy mo na ang pagpatay sa akin, Romano," nanghihina, pero nang-iinis pa ring hamon ng kaharap. Mayamaya pa ay tumawa ito kahit halos wala nang lumalabas na boses mula sa bibig nito. "Ako na ang nagsasabi sa’yo, hindi ka na rin sisikatan ng araw oras na malaman ng Don ang tinatago mo —“
Mabilis ang naging kilos ni Rome nang hugutin ang kanyang baril mula sa bulsa niya. His expression was solid when he pointed the gun to the man’s face. Napakaraming tanong na pumupuno sa kanyang isip, pero nasasagad na rin siya ng kaharap.
Kinasa ni Rome ang hawak. “May huling hiling ka ba?”
Katahimikan ang sagot ng espiya. Walang bahid ng takot na tiningnan nito ang baril na nakatapat dito, bago binalik ang mabigat na tingin sa kanya. Then the dying brute smiled.
‘Putangina!’ Natigilan si Rome nang mangyari ang kinatatakutan niya.
Sa isang mabilis na iglap ay nakita niya muli ang kanyang sarili sa posisyon ng lalaking dapat niyang paslangin. Agad na naipilig niya ang kanyang ulo para burahin ang imahe. Dang it! Ito na naman. Binisita na naman siya ng mga nakakatakot na imahe.
“Vuoi sapere un segreto?” That Italian question forced Rome to put his gun down. Kahit ayaw niya ay muli niyang natagpuan ang sariling nakikinig dito.
“Tigilan mo ‘ko—“
“Kilala mo ba ‘yong anak ng Don?” The demon cut him off with a chuckle. Pagkatapos ay napapantastikuhan umiling ito nang mapansin ang gulat na bumakas sa kanyang mukha.
“Margaux ang pangalan niya, ‘di ba? O mas tama bang tawagin ko siyang— Ginang Saavedra?”
LUMIPAS ULIT ANG MAGHAPON na parang hindi ‘yon nangyari. Ang totoo ay napakaraming naganap, pero ni isa roon ay wala man lang pinansin si Margaux.
Tinanggal na ng doktor ang benda sa kanyang mga paa. Ilang bagong katulong din ang dumating sa kanilang villa. Bandang alas-tres ng hapon ay pinatawag siya ni Alberta para ipakilala sa mga ito.
She didn’t talk to anyone the whole time. Ang tanging pagkakataon na bumuka ang kanyang bibig ay nang pumasok ang isa sa mga bagong katulong sa kanyang kwarto. Maglilinis daw kasi ito, kaya sinubukan nitong palitan ang mga beddings na pinagsaluhan nila ni Rome. She got mad
“Huwag mong galawin 'yan.”
“P-Pero, Madam. Utos po ni—“
“Sinabi kong huwag mong galawin `yan!”
Wala nang sumunod pa sa sigaw niyang ‘yon.
Alam niyang natakot kanya ang may edad na babae, pero hindi makakapayag na tanggalin nito ang naiwang alaala ng kanyang caro. She wanted his scent to stay there. If she could, she wouldn’t even let anyone else touch those linens to make sure that his smell stayed the same.
Tunog lang ng bubog na mahinang kinakatok sa coffee table ang naging background ng kanyang paghihintay. She was clipping the same black shard she found on the floor earlier between her fingers.
Isa, dalawa, tatlong oras pa ang lumipas bago tuluyang lumalim ang gabi. Still, she resisted sleeping. Inubos niya ang panahon para kumbinsihin ang sariling totoo ang hinala niya.
‘Narito ka kagabi, 'di ba?’ She continued to tap on the table while looking blankly at nothing. ‘Alam kong binalikan mo ‘ko. Kasinungalingan ang adoption paper na ‘yon dahil hindi mo ako kayang traydurin, caro— Shit!'
Muntik nang atakihin sa puso si Margaux nang may mapansin siyang kumilos sa dilim. Unsure of what it was, bigla siyang napatingala sa direksyon nito kasabay ng pangingilabot.
Gracious! May aninong namumuo sa kanilang kisame! And worse? Pakiramdam niya ay nakatitig ito sa kanya nang lumundag ito sa kama at walang kaingay-ingay na lumapag doon.
"Holy shit—"
"Bakit gising ka pa, cara mia?"