CHAPTER 40: STONE COLD
WHAT HURTS MORE THAN BEING BETRAYED? Nothing. Absolutely fucking nothing.
“Hindi ka dapat nandito,” mahina ang boses ni Margaux nang magsalita. Ganoon pa man, hindi noon naitago ang anghang ng bawat kataga.
Gritting her teeth and knotting her eyebrows, she watched as Alberta walked into her room. Hanggang makaabot ito sa kanyang bedside table at ilapag ang hawak na tray ng pagkain doon. She frowned more. “Si Rome ang pinatatawag ko—”
“Hindi niya gustong pumunta rito.”
Then, there was that dragging silence again, scraping her ears like it was still last Sunday morning.
Halos isang linggo na nang abutan siya ni Rome na sumasayaw sa tree house. Pagaling na ang mga malilit na sugat sa kanyang paa. Ilang magkakasunod na pagbisita ng doktor, ilang tableta ng pain-killer, at kaunting pahinga lang ay nakabawi na siya.
Kaso hindi nakasabay sa paggaling ng kanyang katawan ang kanyang puso. At mas malamang, hindi na talaga ito gumaling kahit kailan.
“Kumain ka, Margaux.” Saglit siyang tinapunan ng tingin ni Alberta habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa. “Parating na ang doktor mo at— ”
“Bitiwan mo ko!”
Hindi sinasadya ni Margaux na maging ganoon kalakas ang paghawi niya kay Alberta. Nanlaki ang kanyang mga mata nang bumagsak ang kanyang katulong sa sahig kasabay ng malakas na lagabag.
“Margaux…”
“S-Sorry.” Her lips trembled in guilt. Kinurot nang nasaktang siyap nito ang kanyang konsensya pero mas pinili niyang mag-iwas ng tingin.
Isang malalim na buntong-hininga at pinanood ng kwartong ‘yon kung paanong bumaba si Margaux sa kama at muntikang bumagsak nang iwasan niyang maapakan si Alberta.
Then, taking advantage of the old woman’s poor situation, she ran to the door, ignoring the pain spiking under her bandaged feet with every stomp.
HINDI DALAWANG KILOMETRO ang distansya ng kanyang kwarto mula sa kwarto ni Rome. Pero sa pagkakataong ‘yon, pakiramdam ni Margaux ay milya-milyang lupa ang pinagkaladkaran niya ng kanyang mga nanakit na talampakan.
‘Huwag mo namang gawin sa akin ‘to, caro... Utang na loob. Huwag… ‘
Mabilis na natunaw ang mga iniisip niya nang bumukas ang pintuang kaharap. Ni hindi man lang ito nanlaban ang pintuan nang mahina niyang itulak iyon.
Confused, she blinked her eyes a couple of times.
May malaking mali. Hindi ugali ng kanyang caro na iwanang bukas ang kwarto nito. Sa pagkakakilala niya rito, masikreto ang binata at laging maingat— pribado.
‘Anong nangyayari?’ Ipinilig niya ang kanyang ulo. Stepping slowly, she entered his room soundlessly.
Naramdaman niya agad ang kakaibang bigat ng hangin sa paligid. Kinakabahan siya nang mabagal na suyurin ng tingin ang kabuuan ng silid.
Wala namang makikita roon kung hindi bakanteng kama lang, ang damitan nito, at ang napakagulo nitong office desk na nag-uumapaw sa iba’t-ibang klase ng dokumento. May ilang papeles din sa sahig na tila basta na lang binato at hindi umabot sa dapat nitong kalagyan.
‘Caro...’
That was when her gaze landed on something shiny on the floor. Nakadikit ‘yon sa isang papel, bilog, ginto, at sobrang pamilyar – a government seal.
Paika-ikang nilapitan ni Margaux ang papel. Pinulot niya ito dala ng kyuryosidad.
Kulang ang salitang ‘gimbal’ para ilarawan ang kanyang nadama nang mabasa ang laman niyon. Ni hindi niya nga napansin kung kailan ba lumiit ang kwarto ni Rome, sapat para mabilaukan siya. All she knew was that there was suddenly not enough air in that place to breathe.
With her eyes voided and her fingers trembling, she put the paper back where she found it.
Buo na ang kanyang desisyon.
Hindi niya na gugustuhing mabasa pa ang ‘adoption paper’ na ‘yon kahit kailan. Lalo pa at pirmado na ‘yon ng kanyang ama.
FEAR DIDN'T HAVE A TASTE. It didn't have a scent too. What it had was sound, and Rome could easily identify it just by the simple tremble on Lucille’s tone.
“Ulitin mo ang sinabi mo.”
[N-Nawala ko po ang target, Maestro.]
Napakapit siya nang mahigpit sa gilid ng bathroom counter. Kailangan niyang kontrolin ang kanyang sarili dahil kung hindi ay baka kung ano pang magawa niya. There was this sudden want in him to break everything inside that bathroom. Lalo na ang mukha ng lalaking nakikipagtitigan sa kanya sa salamin.
“Hindi mo nawala, Lucille.”
[Pero—]
“Sinabi kong hindi mo nawala!” mas diniinan niya ang sinasabi nang ulitin ‘yon. “Hindi. Mo. Nawala. Si. Alejandro.”
[M-Maestro…]
“Maniwala ka, Lucille. Hindi mo gugustuhing mawala siya.” Bahaw na tumawa si Rome bago muling nagsalita, “Dahil kung totoo ‘yang sinasabi mo, masaya akong papatayin ka ngayong gabi.”
[I-I’ll find him again—]
Hindi na niya hinintay matapos magsalita ang kanyang assistant. Nakangisi siya nang patayan niya ito ng telepono. Pamayamaya pa ay isa na namang bahaw na halakhak ang kumawala sa kanyang dibdib na tila ba nababaliw na siya.
‘This is insane…’ He lifted his hand and harshly finger-combed his wet hair. Pagkatapos ay naghanda na siyang lumabas mula sa kanyang private bathroom.
‘Ilan ang buhay mo? Bakit ang hirap mong patayin, Alejandro—shit!‘
‘Yon ang laman ng kanyang isip nang bigla siyang mapahinto. Akma siyang kakabigin ang pinto ng banyo nang may maramdaman siyang kakaiba. May gumalaw sa likod ng frosted door at awtomatikong rumisponde ang kanyang katawan.
He furrowed his eyebrows while figuring out the moving mirage behind the glass. He was getting ready for an attack.
“Putangina—“
“Kailangan nating mag-usap.”
Boses ni Margaux ang pumutol sa kanyang mura kasabay ng pagbalibag ng pinto. Malakas na lumagabog ang pintuan kasunod ng paglitaw ni Margaux.
Bigla siyang napaiwas ng tingin nang magkatitigan sila. ‘Damn it!’
HINDI GINAWA ANG INTEROGASYON para sa mga inosenteng tao. Kaso hindi rin naman mukhang inosente si Rome base sa pag-igting ng panga nito.
He was sexy with nothing but his jeans on. Nonetheless, he was still very suspicious when he looked away.
“Nakikipag-usap ka sa telepono sa loob ng banyo?”
“Nakikinig ka habang nakikipag-usap ako?”
Margaux raised an eyebrow before dragging her gaze to the familiar shape of a cell phone molded in his pocket. Pagkatapos niyon ay blangko ang ekspresyon na binalik niya ang tingin sa mukha ni Rome. “You’re odd.”
“You’re rude.”
Napatuwid siya ng tayo. Although he sounded muffled earlier, it didn’t mean that she didn’t hear him talking. Wala siyang kaalam-alam sa mga sinasabi nito sa kausap nito. Ganoon pa man ay malinaw na narinig niya ang pagtawa ng binata. Malagom’yon, seryoso, at hindi nakakatuwa.
“Nakalimutan mong isara ang pinto,” umatake si Margaux.
“Hindi ako. ‘Yong katulong mo,” lumaban ulit si Rome na pinagdiinan pa kung sino ang may sala. “It is your maid’s fault. I am pretty sure I told Alberta to lock the door before she left. Sa pagkakaalala ko, sinabi ko rin sa kanyang hindi kita gustong makita.”
Thick silence stretched for a while between them. Naubusan na kasi ng sasabihin si Margaux. She opened her mouth to retort, but ended up shutting it back. Ano pa ba ang dapat niyang sabihin kung tahasan na siyang sinampal ng salita ni Rome?
“Kailangan ko bang ibili ng hearing-aid ang katulong mo?“
“No. I can do that myself.” Naimwestra niya ang isa niyang palad para patigilin ito. She was struggling not to burst into tears. His indifference was overwhelming. Isang linggo lang silang hindi nag-usap pero parang hindi na ito ang kanyang caro.
A few more seconds and her hands found the end of her t-shirt. Parang musmos na naipilipit niya ang kanyang mga daliri roon. She needed to partially divert her attention from the painful lump building in her throat.
“Get the fuck out of this room, Margaux.”
“Ayoko,” sansala niya agad. Nang makabawi ay tinaas niya ang kanyang noo at muling tinitigan si Rome.“I want to know about the business between you and my father— “
“Wala kang pakialam doon.“
“Bakit ka niya inaampon?!” Doon na hindi napigil ni Margaux ang mapasigok. Hindi niya na kayang magkunwaring malakas, pero hindi rin naman niya balak sumuko sa galit na titig ng kanyang caro. Napakaraming niyang tanong at ito lang ang kilala niyang kayang sumagot ng mga ‘yon.
“Dalawang buwan na ‘yong petsa sa adoption paper. Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Paulit-ulit siyang kumurap para pigilan ang kanyang pagluha. “Lagi tayong magkasama noong mga panahong ‘yon. Anong problema mo?! Anong rason mo?! Kakayanin mo ba na maging magkapatid tayo?!”
Malapit nang sumuko si Margaux, pero ang kanyang minamahal, nanatiling matigas na tila hindi apektado.
Napakalamig ni Rome, at sana nga nagyelo na lang siya nang balewalang hawiin siya nito. Daig niya pa ang basurang nakakalat sa daan nang iwan siya nito..
‘Traydor ka, caro!’ her hurting heart screamed. ‘Trinaydor mo ko.’