CHAPTER 10 : Challenge

Queenie's POV

Kahit kailan talaga 'tong tatlo.

"Hoy! Huwag niyo akong titigan ng ganiyan! Hindi pwede ang same gender, hindi ko kayo sasamahan!" Agad kong litanya dito.

"Tsk, alam naman namin na magaling ka mag-basketball." Bigla namang lumapit si Dawn sa akin.

"Oo nga, noong nandito ka hindi namin alam may alam ka pala sa basketball." Humakbang din papalapit si Heaven sa akin.

"Naalala ko pa, noong pinapasok niya sa ring yung bola tulala 'yong teacher natin." Maging si Dove at dahan-dahang lumalapit sa akin.

Tsk, dapat bang alalahanin pa 'yon? Nakaraan na 'yon d'ba?

"Ms. Severenity, balita ko ay magaling ka daw maglaro ng basketball, totoo ba 'yon?"

Biglang napunta sa akin ang atensyon ng lahat noong nagtanong 'yong teacher namin.

"May alam lang sa paglalaro," wika ko.

"Psh, maniwala, siguro nga kapag nagkasugat pa 'yan iiyak na 'yan." Sabi nitong mahabang buhok sabay irap na para bang titirik na 'yong eye balls niya, ang sarap nga dukutin.

"Teacher, saan niyo nalaman 'yan? Baguhan pa nga lang 'yan tapos magaling na agad? Hahaha!" dugtong pa no'ng isang babae.

"Bakit? Ano bang alam niyo? Magpaganda kahit puro makeuplang naman? Rumampa sa harapan ng lalaki sabay paawa tapos pa-victim na akala mo naman sinaktan? Tsk, harot lang naman alam niyo."

Nagpigil ng tawa 'yong tatlong katabi ko dito, ewan ko ba, hindi ko mapigilan kapag sinasabihan ako ng hindi maganda. Kung sabagay, hindi naman nila ako nakilala noong nandito ako nag-aaral.

"I want to challenge Queenie to a match."

Nagulat ang lahat ng bigla akong hamunin ni Kieffer. One on one ba ito? Girl vs boy?

"Seryoso ka diyan?"

Bakit niya ako hahamunin? Kilala niya ako, may alam ako sa paglalaro ng basketball, siya pa nga nagturo sa akin no'n, bakit bigla niya akong hahamunin?

"Are you afraid?"

Pang-iinis nito habang nakangiti. Anong binabalak ng lalaking 'to?

"Nako girl, hinahamon ka ni Kieffer," bulong ni Dove sa akin.

"Parang seryoso naman siya," dagdag pa ni Dawn

"Teka, pagsasabihan ko 'yan..."

Isang hakbang pa lang ni Heaven ay nagsalita na ako.

"No, does he want a fight? Then let's give him what he wants, I never refuse the challenge," confident kong wika sa tatlo.

"Baka naman pinag-tri-tripan ka lang ng mga 'yan," nag-aalalang wika ni Heaven.

"Yeah, Titus Five yan, duh," pag-sang-ayon din ni Dove.

"Tsk, anong akala niyo sakin magpapa-trip sa kanila?"

Manalo o matalo wala akong pake.

"Nga naman, si Haisley 'yan eh, Queen kaya 'yan. Reyna ng mga pasaway! Huwag ka ng pumatol diyan!" inis na wika ni Heaven.

Kaibigan ko ba talaga si Heaven?

"No, kapag sinabi ko, final na 'yon!"

"Edi go, kapag ikaw nagkaroon na naman ng sugat patay ka sa mom mo."

Tama naman si Heaven. Pagagalitan ako kapag nagkasugat ako pero hindi naman alo magkakasugat. Laro lang naman ito.

Ngumiti naman ako ng nakakaloko, harap-harapan Kieffer. Sige, kung ito ang paraan mo para gumanti sa Kuya Nick ko. Pagbibigyan kita sa hamon mo.

Dineklara ng teacher namin ang laban naming dalawa ni Kieffer na gaganapin dito sa basketball court. One on one ang labanan. Hindi pa pala ako nag-stretching!

Kami ng bahala kung sino ang unang hahawak sa bola. Sabi ko naman si Kieffer na pero tumanggi siya, ako na lang daw dahil ladies first. Pwe!

Pumito na si teacher at ibinigay na sa akin ang bola, naalala ko mga turo noon sa amin at noong naglaro kami ni Kieffer.

Una ang pag-hawak namin sa bola, yeah mahalaga 'yon lalo na kapag mag-shot ka na sa ring.

Kapag ang lay ups kasi dapat madaming practice gamit ang dalawang kamay. Ang goal kasi dapat pantay-pantay ang pagkakagamit mo sa left and right ng kamay mo. Syempre susuportahan din ng paa.

Kung gagamitin mo sa pagtalon ang kaliwang binti mo dapat kanang kamay naman ang gagamitin mo kapag mag-shoot kana. Kapag kanang binti naman dapat kaliwang kamay ang gamit.

Kapag ginawa ito dapat malapit sa basket, hindi rin dapat nagdri-dribble at gumamit lamang ng isang hakbang kapag mag-shoot. Syempre mahirap pero kailangan mong pagsikapan.

Kapag naman mag-dribble, dapat ang gamitin na pang dribble 'yong kaliwang kamay at kapag mag-shoot naman gamit kaliwang kamay and vice versa.

Kapag ball handling naman dapat pantay ang pag-gamit mo ng kaliwa at kanang kamay sa pag-dribble.

Dapat mo ring malaman kung paano tumakbo, tumalon, laktawan, pag-hinto at iba pa.

Kasama pa ang pagpasa pero wala naman akong kasamang team so huwag na ako mag-explain do'n hahaha tapos offense and defense.

Third Person's POV

Nagsimula na ang laban nila Queenie at Kieffer, noong una ay si Queenie ang humawak ng bola. Parehas silang magaling, matapos makapag-shoot ang isa ay ganon din ang isa.

Kung panonoorin ang laban nila parang alam nila ang bawat kilos ng isa't isa. May pagkakataon na nasasaktan si Queenie at si Kieffer pero patuloy parin sila.

Hanggang sa natapos na ang laban at nanalo si Kieffer ng isang puntos.

Parehas silang pagod ngunit hindi nila ito pinapansin at agad naman silang nilapitan ng mga kaibigan nila.

"Dude, ang galing no'ng nakalaban mo!" manghang wika ni Ron.

"Parang iisa lang kayo ng katawan! Ang galing niyo sa offense at defense," pag-sang-ayon din ni Dous.

"Akala ko walang babae ang kayang makipag sabayan sa paglalaro ng basketball!" Excited naman si Vash na lumapit kay Kieffer.

"Tumigil na kayo, pagpahingahin nyo muna siya." Singit naman ni Crave na nakatayo lang ay pinagmamasdan si Queenie sa malayo.

Dahil sa sakto ang oras ng matapos sila ay pumunta na ang mga estudyante sa susunod na teacher nila.

Samantala naman. Walang sawang cheer ang natanggap ni Queenie sa mga kaibigan niya.

"Wala ka pa ring pinagbago pagdating sa sports girl! Tapos Titus Five pa kalaban mo!"

"Ano na naman ba yang sinasabi mo Dawn?"

"Nako Haisley! Kung nakita mo lang mga galawan mo kanina nakakatomboy!"

"Eww, tigilan mo nga ako sa ganiyan Heaven, tomboy-tomboy, takot ka nga sumakay ng kotse ko!"

"What?! Kotse mo?!" gulat na tanong nina Dawn at Dove

"Yeah, meron siyang kotse, kagagamit lang namin kahapon noong bumili kami..."

Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Heaven nang magsalita si Dove.

"Ano?! Tapos hindi niyo kami sinama?!"

"Psh, hindi rin naman tayo makakasama puro ka shopping Dove," sabat naman ng kapatid nitong si Dawn.

"Ay oo nga pala Ate Dawn," nahihiya itong tumingin ng maalala ang ginawa nila kahapon ng kapatid niya.

Patuloy lang silang nag-uusap hanggang sa makarating sila sa susunod na teacher nila.

Queenie's POV

"Hayst, nakakapagod," sabi nito sabay inihiga ni Heaven ang ulo nito sa lamesa at pumikit.

"Hoy Heaven, bawal matulog dito. Mapapagalitan ka niyan kapag nakita ka nila."

Yeah, tama naman yung sinabi ni Dove.

Nasa canteen kami ngayon, tapos na kasi yung ibang subjects namin kanina.

"Hmm, pagod ako kaya hayaan niyo muna ako," wika naman nitong si Heaven.

"Ikaw pa napagod? Kumusta naman kaya ako na naglaro ng basketball?"

Grabe naman, dapat ako yung nagpapahinga.

"Parang wala nga lang sayo 'yong paglalaro niyo ni Kieffer."

"Tama si Dove. Speaking of Kieffer, bakit parang kilala mo siya kung maglaro aber?!"

"Dawn, ayan na naman tayo sa tanong niyo. Sinabi ko na sa inyo noon, parehas kaming nag-pra-practice maglaro noon," pagpapaliwanag ko.

Bakit ba kasi ayaw nila maniwala? Sus, nag-iisip na naman sila ng kung ano. Kung ako sa kanila masisira lang utak nila kakaisip no'n.

"Pero to think of it ah, sa tagal ng panahon parang kagaya parin kayo ng dati. Hmmm, parehas parin ba kayong naglalaro?"

Akala ko naman nakaidlip na si Heaven, bigla biglang magsasalita ang babaeng 'to.

"Edi kung parehas kaming naglalaro sana kilala ko 'yang Titus Five na yan!"

Tumango naman sila bilang pag-agree sa sinabi ko.

"Hello girls!"

Parehas kaming nagulat ng may lalaking bumati sa amin. Laking gulat ko ng si Rondell ito ng Titus Five.

"Ano na namang gusto mo ha?!"

Oh, ang init ng ulo ni Dawn ah. Pagkakita nila kay Rondell bigla akong nakaramdam ng matatalim na tingin. Nako, dapat hindi na siya pumunta dito.

"Chill, pagnakikita niyo ako lagi kayong ganiyan sa'kin," nahihiya namang saad nitong Rondell.

"Ang sagot lang naman d'yan huwag ka ng pupunta dito!"

Boom, ayan na si Heaven, mukhang ang langit ay magiging hell, joke!

"Galit ka parin ba sa'kin?"

Wow, lakas ng loob nang lalaking 'to magtanong!

"Malamang galit na galit na galit parin siya sa'yo kaya kung ako sa'yo. LUMAYO KA NA AT HUWAG KA NG MAGPAPAKITA SA'MIN!" sigaw ni Dawn

"Ouch, ang harsh niyo naman sa'kin." And uma-acting pa nga siya na nasasaktan siya sa puso niya. "Queenie, tulungan mo naman ako." Sabi nito at lumapit sa'kin sabay yakap sa braso ko.

Bigla akong nainis sa ginawa niya pero bakit parang may nakatitig sa akin?

"Rondell pangalan mo right? HINDI TAYO MAGKAIBIGAN KAYA BAKIT KITA TUTULUNGAN?!"

Dahil sa pagsigaw ko nakuha ko ang atensyon ng lahat pero wala akong pake, agad ko ding tinulak siya sa pagkakayakap sa braso ko.

"Gosh! Ti-tinulak niya si Ron!"

"Tsk, bagong salta pa lang dito gumagawa na ng gulo."

"Tama, tapos kasama pa sa Titus Five. Pag ito nalaman ni Crave malalagot 'yang babaeng 'yan!"

Psh, anong akala nila sa'kin walang kalaban-laban?! Wow! Eh kung sapakin ko na 'tong babaeng 'to ng malaman niya kung kanino dapat siya matakot?!

Tumayo naman si Rondell at hinila naman ako no'ng tatlong powerpuff girls na'to.

"Sinong nagsabi sa'yong saktan si Rondell!" galit na sigaw nito.

Naghihimutok na nga mukha niya sa sobrang galit o dahil sa makeup niya lang 'to? Kung magmumukha siyang kamatis, siguro ibebenta ko siya ng mura. Sirang- sira na kasi mukha niya.

"Katawan ko 'to! Kung anong gusto kong gawin wala ka ng pakialam do'n! O baka naman gusto mong masaktan ka rin?!" paghahamon ko dito.

"Baka ikaw ang masaktan! Iisa ka lang at tatlo kami!"

Ohh, issue na yo'ng isa laban sa tatlo?

"Yeah! Iniwan ka na ng tatlo mong kaibigan! Hah! Mga takot naman pala, wala ka ng kakampi!"

Tinignan ko yo'ng tatlo na nasa likod ko at seryosong nakatingin lang sa amin. Mukha namang hindi sila takot, tahimik lang naman sila at ganiyan talaga ginagawa nila kapag may gulo.

Hindi sa natatakot sila or what, simula kasi ng makidnap ako noong bata sinabi ko na sa sarili ko na walang madadamay ng dahil sa'kin.

Simula ng mapasama ako sa gulo sinabi ko na sa kanila na huwag nilang tatangkain na makialam o magsumbong sa mga teachers hanggang sa ayon, nasanay na sila pero kapag tapos na saka sila lalapit sa akin at kakamustahin ako.

"Hmm, sorry ah? Bakit nga pala ako magso-sorry sa inyo, wala naman akong sinabing masama. Mukhang ikaw lang itong nagmasama sa sinabi ko!"

Matapos ng sinabi kong yon bigla akong nakaramdam ng init sa pisngi ko, matapos non mga ilang minuto nakaramdam ako ng sakit kaya napahawak ako doon.

"Dami mong sinabi! Ang kapal pala ng mukha mo 'no? Halata kasi nong sinampal kita eh. Ang tagal bago mo naramdaman sampal ko," confident na wika nito.

"Ohh, akala ko kasi kagat lang ng langgam. Yun na 'yon? Ang hina kasi, ganito ang totoong sampal." Sabi ko dito at sasampalin ko na sana siya pero tinigil ko.

"Ohh, bakit ka pumikit? Wala pa nga pumipikit ka na?"

Siguro naramdaman niya na walang masakit sa pisngi niya kaya pagkadilat nito at saka ko siya tuluyang sinampal ng malakas.

"Ohhh!" sigaw naman ng lahat.

"Isusumbong kita sa teacher namin! Makikita mo!" Kahit na gulat pa ito sa nangyari sa kaibigan niya at natakot, sinabi niya parin 'yon sa'kin. Tinignan ko 'yong kaibigan nila na sinampal ko.

Pft, ang ganda nung design, saktong-sakto sa palad ko. Aalis na sila pero nagsalita akong muli.

"Paalala ko lang, kung gusto niyo ulit masaktan lumapit lang kayo sa'kin ha? Always open naman 'tong palad ko para sampalin kayo sa katotohanan na hindi ako natatakot sa inyo kahit magsama-sama pa kayo! Nga pala, souvenir ko na sa inyo yung signature ko."

At 'yon, umalis na nga sila habang umiiyak 'yong babaeng sinampal ko.

Hinawakan kong muli yung pisnge ko na ngayon mainit parin sa pakiramdam.

"Haisley, ok lang ba pisnge mo?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni Dove.

"Gusto mo hintayin natin mamayang uwian yung tatlong 'yon?"

Si Heaven talaga. Ayokong sayangin oras ko sa mga walang kwentang babaeng 'yon.

"Para saan naman 'yon?" takang tanong ko.

"Syempre dapat picturan natin yung palad mo do'n! Gusto kong makita kung gaano kapula 'yong pisnge niya ngayon katulad ng maputok na labi niya."

Natawa naman ako sa mga sinabi ni Dove, kahit kailan talaga ang babaeng 'to.

"Ikaw ba talaga yan Dove? Saan mo natutunan yan?"

Natawa rin si Dawn sa sinabi ng kapatid niya.

"Bakit Ate Dawn, may sinabi ba akong mali?" inosenteng tanong ni Dove.

"Pfft, nagustuhan ko 'yong sinabi mo Dove. Nice one!"

At nakipag apir pa si Heaven kay Dove. Mga loka-loka!

"Hayst, na saan na 'yong Rondell na yon?" tanong ko bigla sa kanila.

"Wala na, umalis sya no'ng sinampal ka no'ng babae."

Aba, binabantayan ni Heaven mga kilos ni Rondell ah? Alam na alam kilos eh, pft.

"Pumasok na nga tayo sa room. Nawalan naman na ako ng ganang kumain."

Naglakad na ako papuntang room pero ilang hakbang palang ay nagtanong na si Dawn.

"Paano yung sinabi nila, isusumbong ka nila sa teacher d'ba?"

Bahala sila. Masumbong man o hindi. Sino ba nagsimula? Hindi naman ako diba?

"Hayaan niyo na 'yon. Hindi naman 'yon problema. Tapos na din akong maging mabait sa mga estudyante dito. Masusuka lang ako."

Matapos ng pag-uusap naming 'yon pumasok na kami sa mga room namin. Hiwa-hiwalay kasi mga lesson namin. Hanggang sa uwian na namin pero...

"Ms. Severenity, pinapatawag ka sa faculty office," tawag sa'kin no'ng isang teacher.

Faculty office? Pft, sinumbong talaga nila ako?

"Sige," sabi ko naman.

Hindi na ako magpapa-alam sa kanilang tatlo. Mukha namang alam nila kung saan ako pupunta at kung saan nila ako iintayin.