Chapter 44
Ingrid’s POV
“Excited na naman ang batang bulinggit,” natatawa kong sambit nang makita si Raya na siyang hindi mapakali dahil tutungo kami ngayon sa panibagong field na pagtataniman. Nandoon na ang mga kasama namin sa org kaya minamadali na niya kami ni Indigo.
Nang makarating doon ay agad siyang tumakbo nang makita ang mga kaibigan niya. Susunod na sana ako nang hawakan ni Indigo ang palapulsuhan ko.
“Sintas mo,” aniya na siya na mismo ang nagtali. Agad na rin siyang humabol kay Raya.
“Good morning, Ma’am,” bati sa akin ni Viva, ang handler ng org na sinalihan namin.
“Kaya pala ang taas ng standard mo, tinaasan pala talaga ng todo ni Sir,” nakangisi niyang saad na mukhang nakita ang pagsisintas ni Indigo nang sapatos ko kanina. Agad naman akong nakaramdam ng hiya dahil doon. Ngumiti na lang ako dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin.
Lumapit naman na ako sa kanila, nakita kong pinapakilala na ni Raya ang ama sa mga kasama namin dito sa org, maski sa mga kaibigan niya. Malapad lang naman ang ngiti ni Indigo roon. Bakas sa mukha ang saya. Hindi ko mapigilan ang malungkot dahil pinagkait ko sa kanila ng ilang taon ang kasiyahang iyon.
Napansin ni Indigo ang pagtitig ko sa kaniya kaya agad niya akong pinagtaasan ng kilay. Kita ko pa ang kaniyang pagngisi kaya hindi ko na mahirapan ang pag-irap. Para talagang sira.
Mayamaya lang ay nagsimula na rin ang tree planting activities namin. Nagkakatuwaan din silang lahat. Bukod sa nakabawi ka na sa kalikasan and lessen your anxiety, talagang magkakaroon ka pa ng kaibigan. Halos lahat naman dito’y magkakakilala na.
“Ma’am, sama ka kina Raya at kay Sir, picture-an ko kayo,” sambit nina Viva. Nilingon ko naman si Raya at Indigo.
Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang mag-ama ko. Tinuturuan lang siya ni Raya habang si Indigo’y mukhang walang alam doon.
Automatic na kasama niya ang phone niya kapag kasama si Raya dahil ang may mga tinatanong talaga ito na hindi rin namin nasasagot. Hindi ko nga alam kung saan niya nakukuha ang mga ‘yon.
“Sir, picture!” sambit nila kaya agad namang sumang-ayon si Indigo.
We enjoy the rest of the morning planting trees, sa kabila ng tirik ng araw ay malapad pa rin ang ngiting ibinigay sa akin ng anak ko nang lumapit siya. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti bago hinaplos ang buhay niya.
“Nag-enjoy ka ba?” tanong ko sa kaniya. Sunod-sunod naman ang naging tango niya. Niyakap pa niya kaming dalawa ni Indigo roon.
“Thank you, Nay, Tay!” aniya na malapad ang ngiti. Ngumiti lang naman kami at ginulo ang buhok niya.
Nang makabalik kami sa bahay ay agad kumurba ang ngiti ko nang makita sina Chora at ang mga kaibigan ni Indigo, talagang natuloy nga ang gusto nilang pagbabakasiyon dito.
“Hi, Girl!” malakas na sigaw ni Chora at yumakap pa sa akin. Nahihiya naman akong lumayo dahil galing ako sa arawan.
“Grabe, gusto kitang sabunutan alam mo ‘yon? Hindi mo man lang ako inimbita at ginawang Ninang! Nakakatampo ka! Bet mo pala ang taguan ng anak, willing to help naman ako,” aniya kaya hindi ko maiwasan ang matawa.
“Is that your baby girl? Hala! Ang ganda naman! Mana sa Ninang!”
“Self proclaim!” ani Indigo kaya umirap lang si Cho.
“Wala ka kasing kwento, bobo. Imbes na Ninang ako, bad trip sa’yo.” Nag-angilan lang sila ni Indigo habang patawa-tawa lang ang asawa ni Chora.
Maski sina Carver ay nakikipag-usap na kay Raya. Hindi naman mahiyain ang anak ko. Katunayan ay siya pa nga ‘tong unang gumagawa ng topic sa kanila kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti.
“Kumusta po ang byahe? Ang ganda po rito no?” nakangiti niyang saad. Nasabi na rin naman kasi namin sa kanila na pupunta ang mga kaibigan ng tatay niya.
“Hala, sobrang cute naman! Buti hindi mo kamukha ang tatay mo,” ani Bren na natatawa. Kasama niya si Andra. Saka ko lang din napag-alaman na sila pala.
“I heard na you like plants, I brought you three,” ani Atlas na siyang may dala-dalang halaman.
“Talaga po? Wow!” Agad tuloy na na kay Atlas na ang atensiyon nito.
“Ang daya naman! Umay sa’yo, Atlas, iba talaga kapag mapera!” reklamo ni Carver. Nagtawanan sila nang palihim siyang minura ni Atlas.
Indigo is really lucky with his friends. Simula highschool ay kaibigan niya na ang mga ito. Bihira lang ‘yon.
Hindi ko tuloy mapigilan maisip ang mga dati ko ring kaibigan. Well, nakita ko si Steffanie noong may paligsahan at umabot ng regional ang ilang estudyante ko. Kahit paano’y nagmature naman na siya. Humingi rin ng tawad sa akin kahit paano. Noong nakaraan ay napag-alaman ko na sila na rin pala ni Jayvee. I’m genuinely happy for them.
“Is this your son?” tanong ko kay Chora. Pinakilala niya naman sa akin ang anak niya. Si Mau.
“Hi, Mau,” bati ko sa kaniya. Mukha itong mahiyain subalit mapapanganga ka na lang sa dami ng kwento niya nang kausapin ko siya. Mukhang alam ko naman na ang pinagmanahan.
“Hi, Sandro!” bati nila kina Sandro at Irah na siyang naghahanda na nang pagkain para sa kanila. Alam din kasi ng mga kapatid na darating ang mga ‘to. Ang mga kapitbahay ay nakikichismis na dahil may mga tagamanilang nandito.
“But seriously tho, natakot talaga ako para kay Indigo noong nakaraan. Paano ba naman ay talagang todo ang ngiti mo! Akala ko’y araw-araw ng mauubos ang pera dahil kay Indigo na laging nag-aayang uminom. Ang wais din kasi ng hinayupak na ‘yan, maglalasing para matakasan ang pagbabayad ng bill,” reklamo ng mga kaibigan niya. Napatingin naman ako kay Indigo na siyang inirapan lang sila.
“He wants to court you again kaso may jowa ka na nga,” ani Andra. So he was realky serious that time. Akala ko kung ano lang trip sa buhay.
Nagkayayaan din silang mamasyal dito sa Nueva Ecija kaya naman agad kaming sumang-ayon.
Sa sumunod na araw kami nagtungo sa Minalungao National Park.
“Wow!” Lahat sila’y namamangha habang nakatingin doon. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti at maging proud sa lugar. This is place really look pretty kaya madalas din talaga kaming magtungo nina Raya rito.
“Edi sana all na lang,” ani Indigo nang makita si Atlas at Chora na lumusong na agad at nagwiwisikan pa ng tubig.
“Ang bagal mo kasi!” natatawa nilang sambit sa kaniya.
“Ulol, kahit gaano pa katagal basta sigurado, ayos lang and it’s worth the wait if it’s Ingrid,” aniya na malapad pa ang ngisi nang lingunin ako. Hindi ko naman mapigilan ang mapakagat sa aking labi para pigilan ang ngiti.
“Ang harot naman! Korni mo!” sigawan nila kaya tumawa lang si Indigo habang buhat-buhat si Raya. Lumublob na rin kami sa ilog habang nilalaro ang anak.
“Indigo, Ingrid, tingin dito,” sambit nina Chora kaya napatingin naman kami sa camera. Ngumiti lang ako roon at si Indigo naman ay inakbayan pa kaming dalawa ni Raya.
“Send it to me,” ani Indigo.
After that day ay nakita ko na lang din siyang nagpalit ng background photo niya. Ilang beses na niyang pinflex ang anak sa mga social media account niya at madalas ang alam nila’y pamangkin niya lang ito subalit nagulantang sila sa caption niya.
‘My source of happiness. Fam.’
Hindi ko naman mapigilan ang ngiti mula sa mga labi ko. They’re also my source of happiness.
“I want to genuinely say congratulations to you, Ingrid,” sambit ni Chora kinagabihan at tulog na ang iba dahil sa pag-inom.
“I don’t really know your struggle but I know that you’re really brave to face the world and face the new world ahead with Raya,” aniya sa akin.
“I always say to Indigo na kalimutan ka na because he’s hurting tuwing mababanggit lang ang pangalan mo. Bobo ‘yon kahit na nasasaktan na patuloy pa ring sinasaktan sarili. Coping mechanism niyon ang magjoke tungkol sa inyong dalawa pero kapag wala ng tao? He’s just there, nakatulala sa isang tabi kasama ang alak,” ani Chora.
“Tapos kapag may mga project na hindi niya makukuha? Sasabihin buti pa noong nandoon ka. Sadboi na sadboi ang dating ni Gago,” pambabash niya pa sa kaibigan.
“Sabi ko tigilan niya na, masaya ka na sa buhay mo not knowing that you’re hurting too. Sorry about that,” saad niya.
“But now, you both deserve to be happy. I’m rooting for your happiness,” aniya na nginitian pa ako.
“Thank you, Chora, for being there when I wasn’t there for Indigo,” sambit ko sa kaniya.
“Wala ‘yon, parang ‘di kaibigan,” natatawa niyang sambit.
Nang matapos ang usapan namin ni Chora, hindi ko rin maiwasang isipin si Indigo. Hindi rin naging madali para sa kaniya.
“Grabe, mukhang propesiyonal na propesiyonal si Ingrid tapos mukhang gago kasama,” pambabash ni Carver kay Indigo nang magpaalam na kaming papasok. Huling araw na rin nila rito sa Nueva Ecija, hindi ko nga lang sila maililibot dahil may klase pa rin talaga ako.
“Sorry talaga,” sambit ko kina Andra.
“Gaga, wala ‘yon! May trabaho ka rin, itong mga ‘to lang naman ang istorbo rito,” natatawa niyang sambit.
“Hoy, huwag mong murahin, teacher ‘yan,” sambit ni Bren kaya napatawa na lang ako. Ang kukulit kasi talaga. Akala mo’y mga highschool student sa ingay nila but I’m glad na nabisita rin talaga sila rito sa Nueva Ecija dahil nakapagpahinga rin sa stress sa school.
Usually naman kasi’y kapag nakauniporme na’y parang propesiyonal na propesiyonal na ang dating.
“Bye, Ma’am,” paalam nila.
“Thank you ulit, huh?” nakangiti kong sambit.
“Hala, kami ‘tong dapat nagpapasalamat sa’yo, Girl, ikaw ‘tong tumanggap sa amin dito kahit biglaan,” natatawa nilang sambit.
“Sa next baby, alam na, huh? Ninang ako agad!” sambit ni Chora kaya hinila na siya ng mga kaibigan niya.
“Kami rin,” anila kaya hindi ko maiwasan ang balutin ng hiya. Napatawa na lang ako nang mahina dahil doon.
Napangiti na lang ako habang nasa byahe. Having bunch of people in our house is kinda refreshing.
“Love, sunduin kita later, huh?” paalala niya sa akin. Tumango naman ako. Walang pasok sina Raya kaya hindi namin ito kasama.
Nang maglunch ay agad na bumisita si Indigo na may dala-dalang pagkain.
“Thank you,” ani ko.
“Sana all na lang talaga,” sabi ni Gracia na dumaan sa gilid ko. After lunch ang alis ng mga kaibigan niya kaya sumingit lang siya.
Naging abala na rin naman ako maghapon. Paalis na sana ako ng faculty nang tawagin ako ng isang co-teacher ko.
“Ma’am, paano ginawa mo rito?” tanong ni Sir Vince sa akin. Nilapitan ko naman siya at tinuro ang alam ko sa presentation niya.
“Yown, thank you, Ma’am,” nakangiti niyang saad.
“Walang anuman, una na ako,” ani ko na ngumiti rin sa kaniya.
“Yown naman, one point for Sir Vince,” pang-aasar ng mga nasa loob ng faculty. Napailing naman ako roon. Alam nilang mayroon ng Indigo ngayon. Label na lang talaga ang kulang sa amin, nauna pa ang anak.
Nahinto naman ako nang makita si Indigo na siyang nakatayo sa tapat ng pintuan. Kita ko na agad ang pagtaas ng kilay nito nang mapatingin sa akin. Mukhang naabutan pa ang asaran sa loob. Kunot na kunot din ang noo nito, lumagpas pa ang tingin patungo kay Sir Vince.
“Hi, kanina ka pa?” tanong ko sa kaniya.
“Hmm, nah, kadarating ko pa lang. Tara na?” tanong niya na bahagyang nakasimangot at pinipigilan kumawala ang pagiging sarkastiko.
“Hirap pala talaga magselos kapag manliligaw ka lang,” natatawa niyang saad na ngumuso pa. Akala ko’y magiging sarkastiko ito tulad noong kami pa kaya napangisi ako nang makitang nagpipigil lang talaga siya.