Chapter 42
Ingrid’s POV
“When did you start to know that you’re pregnant?” tanong niya sa akin.
“Kaya ka ba umalis noon?” he asked. Nandito na kami sa gazebo ng bahay niya ngayon just to talk. Mukhang pareho rin naman na hindi makatulog kaya walang choice kung hindi ang mag-usap.
Nakatingin lang ako sa paanan ko bago nagsalita. Ngayon lang din nagkaroon ng lakas ng loob para magkwento.
“Partly yes, muntikan ng mawala si Raya… because of stress and anxiety…” ani ko na pinaglalaruan lang ang mga daliri ngayon. When I tried to look at him. Nakita ko kung paano tumiim ang mga bagang niya. He was seriously listening to me right now.
“I was too scared that I’ll lose her so I break up with you. Para sa inyong dalawa kaya ko ‘yon ginagawa. I want her to be healthy and I want you to chase after your dream. I’m glad that it actually happen…” ani ko. They are both special to me.
“Sana sinabi mo, Ingrid… sana’y naroon ako… I can chase my dream nang naroon ako sa tabi niyo… sana nandoon ako sa tabi mo…” Nanghihina ang tinig nito habang sinasabi ‘yon. Tila sa sarili niya rin sinasabi ang mga kataga.
“I was about to tell you but you’re already chasing your dream. I can’t be that selfish… siguro noong una oo but no… I’ll probably regret it kung hahayaan kitang matali lang sa akin na hindi hinahabol ang pangarap,” ani ko.
“When you called…” Ni hindi nito maituloy ang sasabihin subalit tila alam ko na ang gusto niyang itanong.
“I’m sorry if I was selfish that day… that was the time when I realize that I was really pregnant…” ani ko. Kita ko kung paano namula ang gilid ng kaniyang mga mata. Narinig ko rin ang mahihinang mura nito. He was just there silently crying. Regret rush into his face. Kita ko kung paano niya pinagsisihan ang desisyon.
“Fuck… I didn’t know… I’m sorry…” aniya na hindi alam kung paano hihingi ng tawad. Umiling naman ako sa kaniya dahil dito.
“No, Indigo… wala kang kasalanan. There’s nothing wrong on choosing what you really wala… walang mali sa pinili mong desisyon, Indigo. Hindi maling piliin ang pangarap… You know if you choose us over your dream? Paniguradong ako naman ‘yong magsisi. I don’t want you to stay lalo na kung ‘yong pangarap na ang tagal mong hinintay ay unti-unting naglalaho dahil lang sa akin… I don’t want it that way… tama lang din siguro ang nangyari. Ang mali ko lang ay hindi pagsabi sa’yo nitong mga nakaraang taon… I’m sorry… I really do…” ani ko bago siya nilapitan para yakapin. Ibinalik niya naman ang yakap sa akin habang humihingi ng tawad.
“I’m still sorry that I wasn’t there when you needed someone the most. Dapat nandoon ako. Ako lang ‘yong nakakapitan mo noon pero iniwan pa rin kita…” bulong niya sa akin.
“It’s fine… na kaya ko naman… Ingrid kaya ‘to…” ani ko na ginagaya pa ang linyahan niya noon. Mahina naman kaming natawa dahil sa sinabi ko.
“And you’re here now…” mahinang bulong ko. Hindi naman siya nagsalita. He was just looking at me now. Inayos lang ang buhok na tumatakas sa tainga.
“I’ll court you again…” aniya sa akin.
“We can just da—” Bago ko pa matuloy ang sasabihin ay itinapat na niya ang index finger sa akin.
“I still don’t deserve you…” aniya na ngumiti sa akin. I’m the one who doesn’t deserve him.
“I love you… I always do…” bulong niya bago ako hinalikan sa noo.
That ended our talk that night. Nang ihatid niya kami sa Nueva Ecija, bumalik din siya sa Manila kaya naman laking pagtatampo sa kaniya ng anak. Halos sa araw-araw ba naman kasi’y sila lang dalawa ang laging magkasama.
“Hindi pa rin po ba uuwi si Tatay?” tanong ni Raya. Ito rin ang isa sa kinatatakutan ko dahil masiyado ng nasanay si Raya sa presensiya ng kaniyang ama.
“He texted you a good morning saka nagpadeliver din ng palabok mo,” ani ko na tinuro si Sandro na laging kakuntiyaba ni Indigo. Paano’y may sulsol sa kaniya.
“Awwe, but I miss Tatay, sabi niya babalik agad siya?” tanong niya sa akin.
“May inaayos pa ang Tatay mo sa Manila, Anak, babalik din ‘yon,” sambit ko sa kaniya kaya napanguso na lang siyang napatango.
Nang makarating kami sa school, as usual ay inihatid ko lang siya sa kaniyang classroom. Nang makasalubong ko pa si Gracia ay mapang-asar na naman niya akong tinignan.
“Sana all may namimiss,” aniya kaya mapailing ako. Ang kulit talaga ng isang ‘to. Well, si Gracia kasi ‘yong tropa-tropa lang talaga ng mga estudyante. Kaya paborito rim talaga siya ng mga bata rito. Bukod sa mabait ay magaling ding magturo. Mukha lang siyang hindi matino pero kapag nagsimula ng magdiscuss ay seryoso na rin naman sa buhay. Kapag oras ng klase ay oras ng klase.
I was busy the whole day dahil ang dami ring ganap ng araw ko.
“Do you get it?” tanong ko sa kanila.
“Yes, Ma’am,” sabay-sabay nilang sambit.
“Ma’am, time na po,” sabi ng ilan kaya bumuntonghininga ako bago tinignan ang oras.
“May 5 minutes pa, sandali na lang ‘to. Patapos na,” ani ko kaya mukhang gusto na nilang umangal.
“Student, huwag kayong humarang diyan sa pint—” Bago ko pa matuloy ang sasabihin ay nahinto ako nang makita si Indigo na buhat-buhat si Raya habang pinapanood akong magturo. Halos masamid naman ako sa sariling laway dahil doon subalit pinilit ko pa ring magseryoso at magpakapropesiyonal.
Halos hindi nga lang mapakali dahil alam kong pinapanood ako ni Indigo at Raya. Nagawa ko namang tapusin ang klase ko nang matiwasay.
Nang lumabas ako ay malapad ang naging ngiti sa akin ni Raya bago siya pumalakpak.
“Galing mo po talaga, Ma’am,” aniya kaya hindi ko maiwasan ang matawa. Indigo is just looking at me habang nakangiti. Kung titignan ang mga mata nito’y parang proud na proud siya sa akin.
“You really did it. I know that you can and you did,” aniya sa akin kaya nginitian ko rin siya.
“Akala ko ba may work ka pa? Bakit ka nandito?” kaswal kong tanong sa kaniya.
“I took my leave, I have more important work to do,” aniya kaya nagtataka ko siyang tinignan.
“Huh? Ano naman? Magtitingin ka ba ng place for your shoot?” tanong ko.
“Nah, I want to take care of you two and I want to court someone,” aniya na nakatingin sa akin.
“And that someone is Nanay, Tay?” tanong ni Raya sa kaniya.
“Galing mo, ah, paano mo ‘yon nalaman?” natatawa pang pang-aasar ni Indigo sa ka niya. Napanguso naman sa kaniya si Raya dahil doon.
“So kailan po kayo ikakasal?” tanong ni Raya kaya halos masamid ako sa sariling laway. Aba’t advance masiyado ang anak ko. Nanliligaw pa nga lang ang ama niya.
“Kung kailan gusto ng Nanay mo, Nak,” ani Indigo kaya nilingon ko siya at pinanlakihan ng mata.
“Aba’t baka nakakalimutan mong nanliligaw ka pa lang. Hindi kita sasagutin,” ani ko kaya agad siyang napakamot.
“Dapat pala’y hindi ko na tinanggian ang suhestiyon mo para naidala na agad kita sa altra tutal ay sa akin din naman ang bagsak mo.” Naroon na naman ang mapaglarong tinig niya. Akala mo’y hindi umiyak noong nakaraan.
“Tigilan mo nga ako, ulol,” ani ko kaya pare-parehas kaming nagulat.
“Teacher ka, sira,” aniya kaya agad akong napanguso.
“Sabi mo, Nay, bad ‘yon,” ani Raya kaya agad kong natapik ang bibig. Hindi ko na naman nakontrol ang sarili.
“Sorry, Nak, bad nga ‘yon. Huwag mong sasabihin ‘yon, ah?” tanong ko sa kaniya. Hawak-hawak ko naman na siya sa kamay habang naglalakad kami paalis. May nadaanan pa kaming grupo ng estudyante na naglilinis ng kanilang room.
“Ma’am, totoo bang may boyfriend ka na po? Paano ‘yong Tito ko na nirereto ko po sa inyo, ay?” tanong ng isa kong estudyante. Isa ‘to sa pasaway sa klase ko at lagi ko ring napapagalitan. Paano’y masiyadong maligalig.
Nang lingunin ko si Indigo’y agad kong nakita ang pangungunot ng noo niya.
“Magtigil ka nga, Dela Cruz,” ani ko kaya tumawa lang siya.
“Si Ma’am naman hindi mabiro pero po, Ma’am, nagchachat daw po sa inyo, hindi niyo raw po nirereply-an,” aniya kaya mas lalo ko siyang pinagalitan. Kung hindi pa siya nasermonan ay hindi pa hihinto.
“So you really have a lot of suitors, huh?” Narinig kong sambit ni Indigo. Si Raya naman ang sumagot doon.
“Sobrang dami po! Ang dami pa pong nagtetext na mga manliligaw sa phone niya. Tapos po may isang manong pa na lumapit sa akin para lang itanong kung tumatanggap daw po ba ako ng tatay,” ani Raya kaya napaawang ang labi ko. Huh? Bakit hindi ko ‘yon alam? Hindi niya sinasabi sa akin!
Para bang nagkaroon ng sumbungan si Raya ngayon dahil talagang pinapakinggan ni Indigo ang bawat hinaing niya.
“You can’t accept suitors,” ani Indigo sa akin.
“For our daugther’s sake and for my sake too.” Aba’t lumalakas talaga ang loob nitong lalaking ‘to. Por que may kakampi na ngayon.
“Okay,” ani ko.
“Hindi ka pupwedeng manligaw kung ganoon,” sambit ko pa kaya agad niya akong nilingon.
“Except for me of course,” aniya kaya humagikhik si Raya.
“Kapal mo, bastedin kita e,” ani ko kaya tumawa lang siya bago niya hinawakan sa kabilang kamay si Raya.
“Sana all, happy family,” natatawang saad ni Gracia nang makita kami. Hindi ko naman maiwasan ang irapan siya dahil doon.
“Automatic na bridesmaid ako, ah?” tanong niya sa akin.
“Ewan ko sa’yo, Ma’am, una na kami,” ani ko bago nagpaalam sa kaniya. Mapang-asar pa siyang kumaway sa akin nang umalis kami.
After ngang magtungo ni Indigo rito sa Nueva Ecija, talagang kumalat na kami na. Hindi naman ako sikat sa bayan subalit ibang usapan naman na pagdating kay Indigo dahil tatakbo atang mayor ng Nueva Ecija ito, paano’y maski sino’y kausap niya.
“Good morning, Ma’am,” bati niya sa akin nang madatnan ko siyang nakikipagkwentuhan sa mga kapitbahay namin. Dito siya sa amin nakatira dahil si Raya ang nagrequest. Wala rin kaming magawa dahil ang boss na ang nagsabi. It’s actually fine naman sapagkat sayang lang din pera ni Indigo kung maghahanap pa siya ng titirhan kahit na alam ko naman na barya lang ‘yon sa kaniya.
May dala-dala siyang paperbag na may lamang ensaymada.
“Brought you ensaymada, nadaan ako sa jelexie. Jelexie, baka naman,” aniya pa kaya hindi ko maiwasan ang matawa.
“Ewan ko sa’yo, diyan ka na nga,” ani ko na naglakad na patungo sa kotse ko.
May meeting ang parents ngayon kaya kailangan kami sa school kahit sabado.
“Hatid na kita, Miss—is,” nakangisi niyang saad. Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng kakapalan ng mukha ngayon pero talagang araw-araw siyang nangungulit.
“Huwag na, hahanapin ka ni Raya,” ani ko.
“Nah, siya nga nagsabi na masiyado raw akong mabagal,” aniya na tumawa pa kaya pinagkunutan ko siya ng noo.
Napailing na lang ako dahil kung ano-ano ring katarantaduhan ang tinuturo niya kay Raya.
Nang makarating sa eskwela ay pinagbuksan niya pa ako ng pinto. Parang sira.
“Una na ako, ingat sa pag-uwi,” ani ko.
“Kiss ko?” tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Dami mong alam,” ani ko na napailing pa sa kaniya.
“Lalo na pagdating sa’yo,” aniya kaya nginiwian ko siya. Napakakorni.
“See you later, Ma’am, huwag papalipas ng gutom,” aniya na kinindatan pa ako. Ang mga nanay tuloy na nakakita ay naghahampasan pa. Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad subalit hindi pa rin maiwasan ang mapangiti. May sira ka na rn talaga, Ingrid.