Chapter 8: Training Master

A blinding light greeted me as I opened my eyes. Seemingly whirls of visible wind crossed on my forehead, leaving my vision fuzzy. Kinusot ko ang aking mga mata at mabilis na tumayo. After doing what's need to be done, walang emosyon kong tinahak ang kusina.

"You're here," bungad sa 'kin ng mayabang na head council at masama akong tinignan.

I rolled my eyes. "Obviously."

Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking kamay at uupo na sana sa hapag kainan nang may nagsalita na naman.

"Good morning, Ara! How's my girl's sleep?"

Mabilis kong hinila at inikot ang braso ni Genesis bago pa man niya ako maakbayan. He screamed in pain but I was taken aback when he turned and pulled me closer. Dahil dito ay nasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Fuck this flirty man!

"Yuck, Genesis! Get a room!" matinis na sigaw ng boses na hindi pamilyar sa akin.

I quickly pulled myself off Genesis' grip and glanced at the woman who had just entered the dining room. Nanlaki ang mata niyang kulay asul nang magtama ang paningin namin at dali-daling tumakbo papalapit sa gawi ko.

"I thought you're one of Genesis' girls!" she laughed at her own statement, exposing her white and perfectly aligned teeth, but stopped when I showed no expression.

"Anyway, I'm Estelle. Estelle Blue," aniya at huminto. Inilahad niya ang kamay sa pagitan namin at binigyan ako ng abot-taingang ngiti.

Like I always do, hindi ko pinansin ang kamay niya, bagkus ay umupo na ako sa upuan katapat nang head council na halos patayin na ako sa sama ng tingin. I raised an eyebrow at him at tanging pag-ismid lamang ang sinukli nito.

"You're Aurora Belacour, right? The Supreme!" Napaigik ako nang hinila ng babaeng nagngangalang Estelle ang aking kamay at kusa niya iyong ikinamay sa kanya. Ibang klase. I feel like mas malala pa ang bunganga ng babaeng 'to kumpara kay Shaye na hindi ko alam kung saang lupalop napadpad ngayon.

"You know what? Napahanga mo ako sa performance mo no'ng ranking! Especially when your eyes turned silver. Sayang nga lang at hindi ako nakapagpakilala kaagad sa 'yo. I went on a mission after your duel with the headmaster," mahaba niyang litanta.

As if I care about her petty life.

I faked a smile and nodded at her. Mas lalo namang lumawak ang ngiti nito at inusog ang upuan niya papalit sa 'kin.

"Did you meet Rhysan already? I'm sure she'll be delighted to see you," aniya ulit.

Napakibit balikat lamang ako at nagsimula nang kumuha ng pagkain na kanina pa nakahanda sa hapag. Napailing-iling naman si Genesis sa inasta ko.

Carwell, Genesis, and this girl Estelle are the only ones in here. I have no idea where the others are and I don't give a damn. It's now clear to me what the Arcanes are. Group of students tied together by missions and responsibility, whether they like it or not.

The place went in silence as we eat like on one was with us. Nang matapos ko ang aking pagkain ay mabilis akong tumayo at lumabas ng dormitoryo, kahit ramdam na ramdam ko ang titig ng tatlo sa papalayo kong likuran.

As soon as I got out, a sly smile formed on my lips. Every corner of the dormitory ground seems so peaceful, kabaliktaran ng nalaman ko kagabi lamang. Sino bang mag-aakala na sa likod ng maaliwalas at masiglang akademya na ito ay isang sektreto na mas masahol pa sa dugo ng demonyo.

Tama nga na lahat ng kagandahan ay may tinatagong maitim na sekreto. I'm just lucky to found out what the academy's secret is.

Pinilig ko ang ulo at muling naglakad, ngunit agad din akong napahinto nang may humahangos na babae ang sumalubong sa akin. Biglaan niyang hinawakan ang magkabila kong balikat na siyang ikinalaki ng mga mata ko. Walang sabi-sabi na hinawakan ko ang kanyang kamay at mabilis itong inikot. Isang malakas na daing ang nanuot sa aking tainga kasabay ng pagbitaw ko sa babae. Sumalampak siya sa lupa habang suot ang mukha niyang hindi maipinta.

"Ano bang problema mo?!" sigaw niya at masama akong tinignan habang hinihimas ang braso niyang muntik ko nang mabali.

"Bakit ka ba kasi bigla-biglang nanghahawak?" ani ko at itinaas ang kilay.

Dahan-dahan siyang tumayo at pinagpagan ang sarili. "Grabi ka naman magulat, mapapatay mo 'ko ng wala sa oras." Napabuntong hininga siya bago muling nagsalita. "The headmaster is summoning you in his office."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I stared at her unfamiliar chestnut eyes. "Who are you?"

"Rhysan," aniya at kinunotan din ako ng noo. "I know you're the Supreme student, Aurora Belacour, they're all talking about you."

Great. Everyone is talking about me now. There'll be buzzing loudmouths everywhere! Nakakarindi.

"Why?" I asked, staring at Rhysan's heart-shaped pinkish face. She looks so innocent ... Pero lahat ng mukhang inosente, nasa loob ang kulo.

"Well, you defeated a —"

I cut her off. "Why does Boris want me in his office?"

"I don't know. Inutusan niya lang ako na sabihan ka," sagot niya. Napairap na lamang ako. Ano na naman bang kailangan ng Boris na 'yon?

I nodded at Rhysan's remark and walked passed through her. Sinubukan niya pang magsalita pero hindi ko na iyon pinansin. Mabilis ang bawat hakbang ko patungo sa opisina ni Boris. Kahit ayaw ko mang pumunta, kailangan pa rin.

Ilang minuto ang nakalipas at tanaw ko na ang pamilyar na kayumangging pintuan nito. I hurried towards it and entered without a knock, ngunit pinagsisisihan ko ang ginawa nang makita ang bumungad sa 'kin.

"Of all places, bakit sa opisina mo pa?" nauumay na tanong ko kay Boris.

He stood up, buttoning his shirt and fixing his dishevelled hair. Dali-dali namang umayos ng tayo ang babaeng kasama niya at inayos din ang butones ng pantaas niyang suot. She glanced at me and rolled her eyes, na siyang ikinairap ko rin.

"Ara," panimula ni Boris na tila nag-iisip ng palusot. "I... I didn't know you're coming."

I grunted. Anong hindi niya alam? Pinatawag nga niya ako.

"I'm just gonna head back to the headquarters, Headmaster," halos pabulong na sambit ng babaeng katabi niya. Nakayuko siyang naglakad palabas ng opisina at muli akong inirapan nang magtama ang paningin namin.

I walked towards Boris at umupo sa bakanteng upuan.

"Who is she?" I asked.

"Ms Elleri," aniya at tumango-tango. "She's a friend."

Kumurba ang labi ko upang bumuo ng sarkastikong ngiti. "Friend, pero halos kainin mo na ang bunganga niya kanina."

"Ara!" hiyaw nito habang nanlalaki ang mata.

"What?" patay-malisya kong tanong. "Anyway, bakit mo 'ko pinatawag?"

Umiwas siya ng tingin saka tumango na parang may naalala. Resulta iyan ng kalandian.

"I'm giving you your first mission."

Napaayos ako ng upo sa sinabi niya. My first mission. Ibig sabihin makakakuha na ako ng pera upang maisagawa ang plano ko.

"What's the deal?" I asked.

"If you succeed, 2 million Dims," aniya at ngumisi.

"What do I need to do?" determinadong tanong ko. Most missions only ranges from 10, 000 to 50, 000 Dims. Two million is too much.

"Simple," panimula niya at muling ngumisi. "You'll be the Arcane's training master for this year."

"IF YOU can't reciprocate it, don't expect me to respect you, Snow," sambit ko at matalim na tinitigan ang malditang Arcane.

Sasagot sana siya ngunit sumabat na si Rhysan sa usapan. "Snow, just shut it. Instead of fighting, think of a way to get out of here."

Palihim akong napangisi sa itinuran nito. Good to know that at least, may isang miyembro na marunong mag-isip. Hindi puro dada nang dada.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad papalapit sa kanila. Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng training room bago hinarap ang walong miyembro ng Arcane na kasalukuyang naliligo sa sariling pawis.

"This is just a warm-up," I stated. "If you can't escape my power, you'll have no choice but to sleep here overnight."

Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan nina Snow at Estelle, kasabay na roon ang mahihinang reklamo ni Genesis at ang katabi niyang buto't balat na.

"You said something, Genesis?" asik ko at tinaasan siya ng kilay.

Ngumuso ito na parang bata. "It's so unfair! Dinagdagan mo ang sa akin kasi alam mong kaya kong tumakas sa kapangyarihan mo."

I almost clapped at his complain. Alam na alam niya talaga ang ginagawa ko.

"Good thing you realized," I replied, grinning at him. It may seem unfair but it's not. Let's just say that he's in advanced training.

Mas lalo siyang napabusangot na siyang ikinairap ko. Isip bata talaga.

Bahagya akong humakbang paatras at isa isang tinitigan ang walong Arcane. I closed my eyes and let my body join with the gentle wind. Kumunot ang noo ng ibang Arcane lalo na si Third at ang katabi niyang sina Zale at Hiro na sa pagkakaalam ko ay nanggaling din sa isang misyon.

"Where is she?" Zale whispered to Third. Kibit balikat lamang ang itinugon nito.

"Now, I'll test your reflexes." I moved my body swiftly closer to them. "Sharpen your senses or lose one."

Without wasting another second, I hurried to Zale's back, went to my human form and gave him a firm kick.

"What the—?!"

Napaluhod siya sa malamig na sahig at napadura ng dugo. Taas baba ang kanyang balikat dala ng mabibigat niyang paghinga. Lilingon sana siya sa gawi ko nang muli akong bumalik sa pagiging anino at nagtungo sa harapan ni Estelle.

Mabilis kong inatake ang kanyang sikmura ngunit kasing bilis din niyang hinawakan ang kamao ko.

"Not so fast, master," she spoke, beaming at me. Nandoon pa rin ang masayahin niyang mukha pero nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa kamao ko.

"Good," sambit ko.

"Baka nakakalimutan mo na kapangyarihan ng hangin ang hawak ko," mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya, "I can hear your movements through air."

Napangisi ako sa kanyang itinuran. Wise ass.

Muli akong bumalik sa pagiging anino at sinalubong ng suntok ang panga ng head council nilang unti-unti ng nakakatakas sa aking kapangyarihan. Sinamaan niya ako ng tingin habang hinihimas ang kanyang panga. Napangisi na lamang ako ngunit agad ding napawi nang tuluyan nang nakawala ang anino niya mura sa kapangyarihan ko.

Sinuktok niya ang sikmura ko kaya'y mabilis akong umiwas ngunit hindi ko napansin ang paparating na sipa niya sa aking tagiliran. Napamura ako sa pwersa niyon.

"I am not an Arcane for nothing," mayabang niyang sambit habang kumurba ang labi.

Sinuklian ko rin siya ng mapang-asar na ngisi. "And I am not your master for nothing."

With no second thought, I ran to his side and kick his knee. I cussed when he easily dodged my attack and grasped my hanging foot. Napatiim bagang ako nang hinigpitan niya ang paghawak sa aking paa at buong pwersa itong inikot. My body moved on it's own to free myself. Gaining more force, I tiptoed on my other foot and took a backflip.

Carwell and I both landed on the cold floor. Panting, I got up on my knees and faced him. Biglang lumiwanag ang kanyang kanang kamay kaya'y bahagya akong napapikit. Kasabay nang pagsinghap ng ibang Arcane ay bumungad sa akin ang kumikinang na espada na gawa sa ginto na hawak-hawak ni Carwell.

Looks like he's pissed off. Nagpalabas na kaagad ng sandata.

I maintained a straight face and opened my palm. Gumuhit ang tila itim na usok mula rito at ilang segundo lamang ay isang kumikinang na espada na rin ang hawak ko. Patterns of black lines and smokes swirled on every part of my sword, and on every swirl, the atmosphere went heavier.

I looked up as heavy footsteps resounded in my ear. Thanks to my reflexes, I dodged the attack Carwell launched, attempting to slash me with his sword. I flipped to his side and slashed his sleeves. Blood dripped from his arm and it seems as though I just hit his trigger point.

Muling nagliwanag ang mga mata niya at mabilis akong inatake. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiwas at sanggain ang kanyang atake. His attacks were aggressive. No expression was seen in his face and his eyes were still glowing in orange-ish light. Habang pabilis nang pabilis ang kanyang atake ay gano'n din ang pagiging agresibo nito. Every strikes and collision of our weapons leaves a clashing sound echoing in the whole training room.

Bago pa man niya tuluyang mahiwa ang hita ko ay mabilis kong sinipa ang kanyang sikmura. Sinamantala ko na ang pagkakataon at muli siyang inatake.

Now, the table has turned. My continuous attack went on and he's doing nothing but dodge it. Mas lalo kong binilisan ang pagkilos nang mahagip ng mata ko ang mumunting butil ng pawis sa noo niya.

And for the last blow. I tightened my grip on my sword and thrust it right on his abdomen but I immediately shut my eyes when a blinding light surrounded him again. An oozing aura was covering his body but making almost half of the training room close to collapse.

I stood still and firm as the gravity inside the training room got heavier. Sabay-sabay na napamura ang ibang Arcane nang mas lalong lumiwanag ang katawan ng lalaking kaharap ko. Every single ray of light that touches our skin leaves our body piercing in pain.

What kind of power does this man have?

"Ara! You need to stop him or else he'll wreck this whole building!"

Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang natatakot na sigaw ni Rhysan. I set the Arcanes out of my power and signalled them to go.

"No! We can't leave you here!" angal pa ni Estelle ngunit kinontrol ko ang kanyang anino at pinalabas siya mula sa silid kaya'y wala itong nagawa kung 'di ang sumigaw nang sumigaw.

Nang tuluyan nang nakalabas ang ibang Arcane kay muli kong hinarap ang lalaking nagliliwanag pa rin hanggang ngayon.

I get it.

His power is too much for him.

I slowly walked towards him, not minding the pain his light is giving me. Sa bawat hakbang ko ay mas lalong lumalala ang sakit na hinahatid ng liwanag niya, ngunit mabigat na paghinga lamang ang ginawa ko at muling naglakad papalapit.

"You dumbass," I whispered. "Stop this."

I bit my lips when my knees seemed to weaken. Kahit nanginginig na ang tuhod ko ay pilit pa rin akong humakbang.

Tuluyan na akong nakalapit ngunit napangiwi ako sa hapdi nang tumama sa 'kin ang liwanag. Napapikit ako at mahigpit na hinawakan ang mainit niyang kamay.

"Carwell ..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang tuluyan na akong bumagsak sa sahig.

I screamed in pain when the light seemed to enter my body, like a blazing fire scorching me. Bumigat ang bawat paghinga ko at tuluyan na akong napahiga sa sahig. Bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay inilahad ko ang dalawang palad sa harapan.

My palm glowed in silver and as if the time stopped abruptly, Carwell's unconscious body fell onto the cold floor, just as darkness swallowed me completely.