Chapter 17: The Royal’s Cousin
DOUBTS and uncertainties are tied to humans. It will always be a part of our existence. Hindi ko mapipilit ang ibang tao na pagkatiwalaan ako ngunit hindi hihinto ang mundo ko dahil doon. There is so much more that needs to be taken care of than these bunch of naives around me.
Nanatili akong tahimik at diretso ang tingin sa dinadaanan namin. Tuluyan na nga kaming nakapasok sa gubat na ito at maingat na naglalakad para walang mahawakan na puno. Wala akong ideya kung totoo ba ang sinasabi nilang mangyayari kung may puno kang mahahawakan ngunit hindi na lamang ako nag-abalang alamin ang totoo. Hindi naman 'yan ang pakay namin dito.
We just need to get out of here and end the drama. Simple.
Pero itong mga kasama ko ang nagpapatagal ng misyong 'to. Lalong lalo na si Snow. Masyadong maarte.
"I wish we can use the portal already," aniya pa. "Kaawaan nawa ni Headmaster ang legs ko."
"Tatahimik ka o puputulin ko 'yang baluktot mong binti?" malamig kong sambit at sinamaan siya ng tingin. Kanina pa ako naiirita sa boses niya. Sana nga nagpaiwan na lang ang babaeng 'to 'e.
Pinukol niya ako ng masamang tingin at inirapan. "Hindi ikaw ang kausap ko."
"Guys, shut it. Huwag kayong magbangayan dito," pagsingit naman ni Rhysan at sinenyasan kaming tumahimik.
Pero mukhang hindi yata narinig ni Snow ang sinabi niya at bigla itong huminto sa paglalakad. "Anong magbangayan? Siya lang naman 'yung biglang sumabat."
Sabay na napakamot sa batok si Third at Shaye na nasa tabi ko, napapikit naman si Rhysan sa inis, at walang emosyon lamang ang mukha ni Carwell.
"Kapag may nakarinig sa atin dito, ikaw talaga ang sisisihin ko, Yasley," banta ni Rhysan ngunit napakunot ang noo namin nang biglang nagbago ang ekpresiyon niya.
Namilog ang mata niya at biglang nawalan ng kulay ang mukha. She clasped her hands over her mouth and pointed somewhere behind me. Kunot-noo akong lumingon ngunit wala akong nakitang kahit ano.
Pinagloloko ba ako ng babaeng 'to?
But then my sharp eyes caught a glimpse of a torn piece of cloth hanging on a tree branch not so far from my position. Isiningkit ko ang mga mata para maaninag ito ngunit magkasabay na sigaw ang narinig ko mula sa likuran.
Mabilis akong lumingon sa mga kasama ko ngunit halos lahat sila, maliban kay Carwell, ay nakadapa sa lupa. Naaninag ko ang bahagyang pag-iba ng kulay ng mga mata ni Carwell ngunit agad itong bumalik sa dati.
Isa-isa ko silang tiningnan — mula kay Shaye na nakaangat ang tingin sa 'kin, kay Snow na nakatakip sa tainga, kay Third, at kay Carwell na nanatiling nakatayo.
"Where is Rhysan?"
"They tricked us." Carwell clenched his fist. "Mukhang narinig nila ang sagutan niyo at si Rhysan ngayon ang kinuha nila."
Napataas ang kilay ko. Sagutan? Isang beses nga lang ako nagsalita. Kung makabintang sa 'kin, parang ako pa ang may kasalanan na malaki ang bunganga ni Snow.
Tumayo ang tatlong nakadapa at pinagpagan ang sarili.
"This is your fault," mariin na sambit ni Snow at dinuro ako.
Hinawi ni Third ang kamay niya. "It's yours. Kanina ka pa reklamo nang reklamo."
"May matutulong ba kung magtuturuan kayo?" Masama ko silang tinignan. "Let's split up. Find Rhysan as soon as possible, or else we need to leave her here."
"We can't do that, Ara."
"Why not, Shaye?"
"Yeah, we can't," sabi ni Third. "She's the brain of our group. That's her power."
Napabuntong hininga ako. "So we need to find her before one of us gets killed."
"ARA, I think we should go back."
"Shut it, Shaye. Pwede kang magpaiwan kung natatakot ka."
"No way." Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng damit ko.
As I suggested, we split up. Shaye's with me for some reason habang magkasama naman sina Third at Snow, while Carwell chose to be alone. I can't blame him though kasi kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin kong mag-isa lang ako sa paghahanap.
"Are you sure tama 'tong dinadaanan natin? Baka lumalayo na tayo sa iba, how about we—"
"I said shut up," mariin kong putol sa sinasabi niya. Tinitigan ko siya direkta sa mata. "Do you want to save your friend or not? Just go back if you've gone cold feet."
Napayuko siya. "I'm sorry."
Napairap na lamang ako at bumuga ng hangin. Walang mapupuntahan ang pagiging duwag.
Nanahimik na siya habang nakasunod sa akin and that's a good thing. Walang maingay. Ilang minutong paglalakad lamang at may nakita na kaming mga lalaki na nagtatawanan habang nakaharap sa mahabang lamesa— at sa lamesang iyon ay nakahiga ang walang malay na si Rhysan.
Napakuyom ang kamao ko.
Ang sasahol ng mga taong 'to. Balak pa yata nilang gawin kay Rhysan ang ginawa nila sa estudyanteng nakita ko nong gabi sa school grounds.
Rinig kong napasinghap si Shaye nang dumako ang tingin niya sa tinitingnan ko.
"Oh my god. Is... is that her?" nauutal na sambit niya. "Ara, do something!"
Nilingon ko siya. "Go back and find the others. Tell them to hurry up. They might outnumber us."
"N-no. I can't leave you here!"
"Stop shouting, will you? Just do as I say. Kailangan natin ang iba. I'll try to distract them for the mean time."
Nag-aalala siyang tumingin sa mata ko. "Are you sure? Paano kung madamay ka? Baka anong gawin nila sa 'yo."
"Have you forgotten who I am?"
"But..."
Napailing ako. "Just go."
She looked at me with hesitation. Tila nakikipagtalo pa siya sa sarili niya pero tumakbo rin palayo kalaunan.
Humugot ako ng malalim na hininga bago hinayaang maging isa ang katawan ko sa hangin. Gaya ng dati kong nararamdaman, nag-umapaw ang pagkasabik sa sistema ko at walang emosyong lumutang patungo sa mga lalaki. It seemed like they haven't noticed my presence at all, not until the guy who has the strong sense of smell spoke.
"There's another girl here..."
Natahimik ang iba niyang mga kasama at napalinga-linga sa paligid. Pinigilan kong huminga ng ilang minuto nang may isang lalaki na lumingon sa gawi ko pero lumampas lamang ang tingin niya sa 'kin. Ang bobo naman.
"Tawagin mo si Hugo," utos ng lalaking may matalas na pang-amoy. Agad naman sumunod ang lalaking inutusan niya at ilang minuto lang ay lumabas ito mula sa isang tent kasama ang maangas na pagmumukha ni Hugo.
"May dinala ka na naman bang babae?" tanong ng isa sa mga samahan niya.
Hugo's forehead creased. "Anong babae? Kagigising ko nga lang."
"Pamilyar ang amoy niya. 'Yung babaeng dinala mo rito noong nakaraan," sambit ng isa.
Napahinto si Hugo sa pagkusot nang mata niya at lumingon sa paligid. Mabilis naman akong lumutang palayo upang magtago sa medyo may kalakihang kahoy. I just have to make sure I won't touch it.
I moved backwards nong dumako ang paningin niya sa direksiyon ko. Isiningkit niya ang kanyang mga mata at ngumisi.
"Ang lakas naman ng loob mong bumalik."
Tahimik akong napamura. Napatayo ang iba niyang mga kasama at tumakbo sa kinaroroonan niya. Si Hugo naman ay nakatitig sa kinaroroonan ko, specifically sa paanan ko.
"Show yourself. Mag-isa ka lang, kung ako sa 'yo huwag ka nang manlaban."
"Good thing hindi ako kagaya mo," malamig kong sambit ngunit nanatili akong anino. Naalarma naman ang ibang niyang kasamahan nang marinig ang boses ko at sabay na lumingon sa akin.
I smirked as I glided towards them. Nakasunod naman ang mga mata ni Hugo sa paanan ko. He opened his fist and pointed at me. Mayroong kaunting usok na lumabas doon pero wala akong naramdaman na kahit ano. Ang mga kasama naman niya ay nakasalampak na sa lupa.
"Gago, huwag mo kaming isali sa litse mong kapangyarihan!" galit na sigaw nang katabi niya na nagpupumilit na tumayo.
"How many times do I have to tell you na hindi mo ako madadaan sa ganyan, dear Hugo?" I mockingly said. Mahinhin akong tumawa at pumaikot sa kanya. "How does it feel? Ano'ng pakiramdam na nalalamangan ka ng isang babaeng katulad ko?"
Ibinaba niya ang kamay at napayukom ng kamao. Mabilis namang tumayo ang mga kasamahan niya. They looked around, trying to look for me. Hindi ko rin alam kung bakit pero mukhang tanging si Hugo lang ang nakakakita sa anino ko. It seems like he's their leader's right hand.
"Lumaban ka ng patas, babae. Magpakita ka," mariin niyang sabi na muli kong ikinatawa. Sarkastikong tawa.
"Paano kung ayaw ko?"
Nagsalubong ang kilay niya sa inis at muling itinaas ang kanyang kamay pero bago niya nagawa ang balak niyang gawin ay nagsalita ako. "I'll play fair, if you do too."
Mukhang nakuha niya ang gusto kong sabihin. He signaled the others to step backwards which they did. Their faces were determined but they don't have a choice but follow Hugo's order. Napailing na lamang ako.
Now, the center is cleared. Tanging si Hugo at ako na lamang ang nasa gitna. Sa bandang kaliwa naman ay tanaw ko pa rin ang walang malay na si Rhysan na nakatali sa lamesa. I gritted my teeth. Women are always the vulnerable ones.
"Bring it on," hamon ko. I went back on my human form and stepped forward. Nag-angat siya ng tingin at napangiti.
"Brave," aniya at sa isang iglap ay biglang bumigat ang paligid. 'Yung bigat na parang hinihigop ng lupa ang katawan namin. Mabuti na lamang at sanay na ako sa ganito noong ako'y nagsasanay pa lamang. Gravity won't affect me. Not anymore.
Hindi ako kumibo o gumalaw. He paused and stared at me. Siguro'y iniisip niya kung bakit hindi pa rin ako tinatablan. Tinitigan ko lamang siya at mukhang naiinip siya roon. Tanaw ko ang pagdilim ng mukha niya at tatakbo sana saka niya napagtantong hindi na siya makagalaw.
"Got 'ya," sambit ko at inosenteng ngumiti.
I hummed and stared at him in boredom. Ano ba 'yan? Hindi man lang ba niya matakasan ang kapangyahiran ko? Masyadong mahina.
"Ang boring mong kalaban," nayayamot kong sabi.
Tumalim ang titig niya sa 'kin.
"What?" maang-maangan kong tanong.
Magsasalita pa sana ako pero agad akong napahinto nang makarinig ng yapak ng mga tao papunta sa kinaroroonan namin. We all look around, including Hugo who was still struggling to escape from my power.
Shaye did well.
"Rhysan!" Snow shrieked when her eyes darted at Rhysan's unconscious body.
Third and Shaye ran to me but I used my power to control them. "Stay out of this, you two," lumingon ako kay Carwell na nakatitig din pala sa akin, "Do your thing and let's get out of here."
But to my surprise, he shook his head. "Not a time for arrogance." Then he went to attack the one-eyed guy trying to stab Snow. His eyes gave a familiar glow. His face hardened as a strong aura starting to ooze from him.
Napabuntong-hininga ako at pinakawalan sina Third at Shaye para lumaban. But I did not let Hugo go. Wala naman akong mapapala sa kanya. Nakakatamad lumaban ngayon.
Tahimik akong umatras, dumistansya sa kanila at mukhang hindi nila 'yun napansin. Hugo's eyes was still at me but mine were fixed on Shaye.
Come on. Show me what you've got, missy.
Bumalik ako sa pagiging anino habang nanunuod sa kanila. Carwell was now carrying Rhysan's body out of the fight. He looked around and gritted his teeth when he realized I wasn't helping them. Naglakad siya patungo sa direksiyon ko at maingat na ibinaba ang katawan ni Rhysan.
"You really have the confidence to hide, huh?" he plainly asked.
"Why don't you try it?"
"Akala ko ba we're not gonna waste our time?"
Napairap ako. Ayaw niya ba ng kaunting laro?
Muli akong bumalik sa pagiging magandang nilalang at walang emosyong tumitig sa kanya. "Help the others. I'll take care of Rhysan."
Ilang segundo siyang tumitig sa mga mata ko bago muling nagsalita, "Why can't I read you?"
I smirked. "Why would you even bother to read me?"
"Who knows—"
Sabay kaming napalingon sa iba naming kasamahan nang biglang may sumabog. Iniwasiwas ko sa ere ang kamay ko para hawiin ang alikabok saka bumungad sa amin ang nakahigang mga Arcane. Halos kalahati rin ng mga Dygaians ay wala nang malay.
"Oh shit—" matulong na mura ni Carwell.
"Go now. I'll stay with Rhysan," mabilis kong sabi at tinulak siya kaya wala na siyang nagawa. Mahigpit kong hinawakan ang palapulsuhan ni Rhysan at good thing na tumitibok pa ito. I can't do anything to wake her up, unless I can smash her head against a boulder without freaking the others out.
I fixed my eyes on Shaye once again. Kalaban niya ngayon ang lalaking marunong magmanipula ng buhangin. Mukhang siya ang dahilan ng pagsabog kanina.
Shaye stood up and raised her hand while a ball of sand was plunging towards her. I haven't seen her fight ever since and I have no clue what her power is. The ball of sand was a meter away from her and it's going nearer but I raised my eyebrow in surprise when the ball of sand started to shrink. Ikinumpas ni Shaye ang kamay niya at biglang sumabog ang maliit na bolang iyon.
So, she can control other mages' power, huh?
But my smirk faded when Shaye stopped moving. Her hand found her head at mariin niya iyong minasahe. Is she sick?
Napalingon ako sa kalaban ni Shaye. He's ready for another attack, at wala man lang ideya si Shaye do'n. Mariin akong napapikit at mabilis na tumakbo sa kanya. Kinontrol ko ang anino ng lalaking kalaban niya at hinayaan iyong labanan ang kasamahan niyang Dygaians. Nagulat pa siya pero napalitan iyon ng galit nang makita ako.
I glanced at Shaye. Dumudugo ang ilong niya at mabigat ang paghinga. Gano'n ba kabigat ang atakeng 'yun para sa kanya? It's not even worth a sweat.
"Rest," I pointed Rhysan's spot, "Stay there."
Pinahid niya ang dugo sa kanyang ilong at umiling. "No, I'll fight—"
"For hell's sake, don't be stubborn. You can't fight right now." Sinamaan ko siya ng tingin kaya'y hindi na sya umangal pa.
I faced the guy I controlled. Hindi na maipinta ang mukha niyang naggagalaiti. I can't let them take much of our time. Akala ko pa naman ay mapapadali lamang ni Carwell ang laban na 'to.
I stepped backwards and breathed in. Itinaas ko ang dalawa kong kamay sa ere at naramdaman ang pagbabago ng kulay ng mga mata ko. Ramdam ko ang mabigat na aura na pumapalibot sa akin. My eyes sharpened as I stared at every Dygaians I saw. Napalingon silang lahat sa 'kin, kasama na ang mga Arcane.
"Did she lost control?" rinig kong tanong ni Third kay Carwell.
Smirking, my hands emitted a string-like of dark shadows. They rushed towards the Dygaians. Pumalibot ito sa mga paanan nila, and slowly, the Dygaians' body was taken over by my shadows.
Natahimik ang paligid. Kahit ang mga kalaban ay nakatulala lang habang nakatitig sa paanan nila na hindi nila makontrol.
Then, several footsteps came rushing in my direction.
"Ara, what did you do?" Third asked.
I shook my head and was about to respond when I felt a warm liquid on my nose. Kinapa ko ito at tinignan. It's blood. What the hell? Hanggang ngayon ba naman ay hindi ko pa rin maimaster ang technique na 'yun?
That's fucked up. It's been years. Hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang kontrolin lahat ng tao sa paligid ko.
"You're bleeding," turan ni Carwell. "Looks like you've reach your limit."
Kunot-noo akong nag-angat ng tingin, saka ko siya inirapan. "I'm fine."
"Who's bleeding?" tanong ni Shaye na kararating lang kasama si Rhysan na gising na pala. Dumako ang tingin niya sa ilong at kamay ko na puno ng dugo. "Ara, are you okay?"
Sasabat na sana si Snow pero napakunot ang noo naming lahat nang bigla akong hinawakan ni Shaye sa magkabilang balikat. She closed her eyes and moved her face closer. Sinubukan ko pang umatras at umiwas pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak.
"Don't move."
All of us were puzzled, but then Shaye placed her forehead against mine. And slowly, her hands glowed in green as my body felt lighter. Tila nabalik ang nawala kong lakas kanina.
Seconds later, she let go.
"How come?" Snow asked. Sa tinagal-tagal nilang magkakilala, hindi man lang ba nila alam ang kapangyarihan ng isa't-isa? Kahit ang mukha ni Carwell ay halatang naguguluhan din.
Shaye smiled. "I can support magic, the descendant of Sharem Carwell."