Chapter 10: Gloysh Inn
STUPID things do happen and it does everyday. Just like this stupid Hugo pointing his filthy finger at me.
I dashed towards the uncrowded part of the forest, still in my shadow form. Hugo may have noticed it, he sprung his legs forward to run after me. I accelerated and was about to reach the small hole where I entered from when he shrieked a faint yell.
As though the gravity pulled me heavier than others, I thudded against the dry leaves on the ground, now back on being solid human. I looked up, wide-eyed, at Hugo who was wearing an annoying grin on his terribly chiseled face.
"Hello there, lady," he said, lifting his feet to my spot. "Hindi ka na makakatakas dito."
Kapwa silang napaatras habang nanlaki ang mga mata nang mabilis akong tumayo at pinagpagan ang sarili.
"I don't think so, mister." I smirked at the sight of the panic across their faces.
Itinaas ni Hugo ang kamay at dinuro ako. "Paano mo iyon nagawa?" Nilingon niya ang mga kasama niyang nagagalaiti ang mukha. "Wala pang kahit isang nilalang ang nakatakas sa kapangyarihan ko!"
I tilted my head and blinked innocently. A slight mocking pout formed on my lips. "There's always a first time, dear Hugo." My voice was tiny and soft, and innocent. Bagay na alam kong ikinainis nila.
A flicker of light reflecting on the men's weapons warned me. Mabilis kong itinaas ang kamay at ikinumpas ang dalawang palad kasabay ng pagbabago ng kulay ng mga mata ko. Their gasps resounded in my ears, making me flash a sly grin.
Nanlaki ang mga mata nila nang mapagtantong hindi na sila makagalaw. Paulit-ulit kong ikinindat ang aking mata nang hindi inaalis ang mapang-asar na ngisi sa labi ko.
"Oh, what happened?" I turned around and waved at them over my shoulder. "It was great to meet you, boys."
I clicked my tongue. Nagsimula na akong humakbang paalis ngunit isang malakas na palo ang lumapat sa binti ko. Muli akong bumagsak sa lupa nang tila biglaang nang manhid ang aking kaliwang paa.
I rose my head up to the man who whacked my leg with a rusty iron metal. Napatiim bagang ako at muling tumayo. Ikinagat ko na lamang sa labi ang biglaang pagkirot ng paa ko kasabay ng aking pagtayo. Hindi ko dapat ipakita sa kanila na naapektuhan ako.
Just when I managed to stand straight, mabilis akong hinampas ng lalaki. Walang alinlangan kong sinangga ang atake niya gamit lamang ang aking kanang kamay. Kapwa nanginginig ang braso naming dalawa habang pilit na dinadagdagan ang pwersa mula sa amin. I took advantage of his open target points and twisted his axe with full force.
I broke out a grunt at the force that I unleashed. Gamit ang kanan kong paa, malakas kong sinipa ang sikmura ng lalaki dahilan upang mapaatras siya. A mix of anticipation and panic started to occur on me. My left leg seemed to be broken! This man needs to know who he's dealing with.
In a matter of second, I dashed towards the man and with all the strength I could muster, I slashed his left leg using the axe I seized from Hugo's grip. Fresh blood splattered against my black suit. Smell of iron mixed with the dry scent of leaves covered the dreadful area. Ramdam ko ang palakas nang palakas na pintig sa aking ulo at palapulsuhan habang nakatitig sa lalaking nakasalampak sa lupa.
His eyes were bulging, realizing how his left leg was ripped off his body. Isang malakas na sigaw ang kumawala sa labi niya habang nakatitig sa kanyang paa na sa hindi inaasahan ay tumilapon ng ilang metro ang layo mula sa amin.
I gave him a triumphant grin. "Kilalanin mo muna ang binabangga mo."
The man's groan responded on my remark. His body was a river of mixed blood and sweat. Ang mga kasama niya naman na nasa ilalim pa rin kapangyarihan ko ay tila lumuwa na ang mga mata habang hindi makapaniwalang nakatitig sa putol na paa ng kanilang kasama.
"Master Braul is going to kill us," Hugo whispered to his peer with a horrified look standing next to him.
Tumalim ang titig ko sa kanya na siyang ibinalik niya rin sa 'kin. His oozing aura started surging again.
I glanced at the one-leg man once more before taking back on my shadow form. Without another word, I joined the heavy wind as I fled out of their hideout. I passed through the dark alley again, like it never vanished a while ago. From the familiar shrieking shop to the antique buildings.
The massive boulders were an illusion... Or the alley itself.
I winced when my leg gave a terrible crack. Fuck this! Boris must have planned this all along. Alam niyang dito ko makikita ang sinasabi niyang kalaban sa pamamagitan ng ginang na nakasalamuha ko kanina.
That manipulative bastard.
But no matter... It's time to face the real enemy.
"SHE'S a student, isn't she?"
"Siya 'yong kasama ni Baby Gen!"
"Oh, yeah. That slut."
I rolled my eyes at the filthy bitches murmuring next to me. Magbubulungan na nga lang, rinig na rinig ko pa. And why are they even calling Genesis their 'Baby Gen'? Mga haliparot.
Taas noo kong tinahak ang daan na dinaanan namin ni Genesis dati. Kahit abot pa rin ng aking pandinig ang nakakadiring boses ng mga babae ay isinawalang bahala ko na lamang ito. They don't deserve my damn attention, after all.
I have some real business to do.
Nilibot ko ang paningin sa paligid. Bawat sulok ng daan, mga lumang gusali, at nakahilerang kabayo ay sobrang pamilyar sa akin. It was still stunning like the first time I stepped here. Walang pinagbago.
I headed towards the horses and carriages' lane. A nod from the personel in charge told me to get in. Mabilis akong sumakay rito at hindi rin nagtagal ay nagsimula na itong bumiyahe. Trees sufficed my sight. Tingkad na tingkad ang kulay nitong berde na nasisinagan ng araw. It glowed through the ray of the sun like how it did through the lit of the moon.
Minutes passed, the air has gotten warmer, and the burning sensation inside me has fired up even more. Rinig na rinig ko ang bawat pintig ng aking dibdib dala ng pangangati ng kamay ko.
I can't wait to finally have the thing I had always longed for.
Just seconds, Zuri, the oh-so-precious king, and you'll be bathed with fresh blood.
Another minute gone by, and again, and again. Finally, the carriage stopped. Pero hindi sa lugar kung saan dapat kami huminto. Kumunot ang noo ko. Pinagloloko ba ako ng mga kabayo na 'to?
Idinungaw ko ang ulo sa magarbong bintana ng kalesa at mas lalong nagtagpo ang mga kilay ko sa bumungad sa akin. Why am I here? I specifically casted that we should stop at the castle. Why are we in Glotsh Inn? Umikot lang ba kami sa bayan?
"Hey there, Ms Belacour!" Mr Shawth, the old feminine-looking man, greeted me when his sight landed onto mine. Malawak ang misteryosong ngiti niya at simpleng kumaway sa akin. "Napadalaw ka 'ata dito?"
Kahit naguguluhan, bumaba na ako sa kalesa at kunot-noong nag lakad sa gawi niya. "I'm on a mission," I replied.
Tumango-tango siya at sinenyasan akong lumapit sa kanya na siyang sinunod ko nalang. Mabagal siyang naglakad papasok sa malaking gate ng inn.
"Sakto ang dating mo, hija." He chuckled. "I have a very special guest today. Even more special kasi nandito ka."
"What do you mean?" I asked, looking at every single thing surrounding me.
Bahagya siya huminto at lumingon sa akin. "The king is here. Surely, you have met him that night at the ball?"
I frozed. He is here. That means the horses was not mistaken. Who would have thought that fate would make it easy for me? Such a coincidence.
I faked a perplexed look. "What do you mean?"
Kumunot ang noo niya at binigyan ako ng makahulugang tingin pero kaagad ding nawala nang tinaas ko ang aking kilay.
"Dati pa lamang ay pumupunta na rito ang hari," sagot niya. Ibinalik niya ang tingin sa unahan at mabilis na pumasok sa engrandeng pintuan.
Inikot ko ang mata upang tingnan ang paligid. Mula sa mga nagsisilakihang portraits, magarbong mga muwebles, kahit ang mga nakaukit sa kisame ay walang pinagbago. Kahit ang pinaghalong amoy ng bulaklak at kahoy sa paligid ay nanatili pa rin.
Mistulang bumigat ang paghinga ko nang dumako ang aking paningin sa lalaking nakatalikod sa amin. Nakaupo ito sa magarbong silya habang nakatitig sa isang luma pero hindi gaanong malabo na portrait sa gilid niya.
I gritted my teeth. For the second time, nagkita ulit tayo.
"Have a seat, hija." Tumango ako sa sambit ni Mr Shawth. Kasabay ng pag-upo ko ay ang paglingon ng hari sa aking kinaroroonan. Tila nabingi ako nang magtama ang paningin namin. Pahinga at pintig ng puso ko lang ang tanging musika sa aking tainga.
Itinaas ko ang aking baba nang ngumiti ang hari. Lumingon siya kay Mr Shawth at nagsalita, "Mukhang may bisita ka."
Mr Shawth nodded, wearing a smile on his face. "I did not expect her presence today, King, but she's on a mission," paliwanag niya.
Bakit pa ba siya nagpapaliwanag? Para saan pa?
"We meet again, young lady," said the king. Tanging pekeng ngiti lamang ang sinukli ko sa kanya. Naglakad siya papalapit sa 'kin at inilahad ang kamay sa harapan. "Pleasure to see you again."
Reluctantly, I reached for his hand. "Likewise." Saglit na nagtama ang itim at luntian naming mga mata ngunit siya na mismo ang umiwas. Ibinaba niya ang tingin sa kamay naming magkahawak. I felt his grip tightened and it was my cue to let go. Marahan kong hinila pabalik ang aking kamay. "It does not take much time to shake hands, you know."
As if my remark was the funniest joke he had ever heard of, the king laughed hysterically. Tila nawala ang pagiging hari niya at nakalimutan ang postura. Nanatili namang blanko ang mukha ko.
Saglit pa lamang ay huminto na rin siya at muling tumitig sa mga mata ko. "I really like you," aniya.
With a frown on my face, I replied, "Hindi ako pumapatol sa matanda."
"Alam mong hindi iyan ang ibig kong sabihin, hija." Ngumiti siya at umiling. "I like how your parents raised you. Sigurado akong ipinagmamalaki ka nila."
Muli akong ngumiti ng peke. "Yeah. I won't be here if it weren't for them."
Hindi ako makakarating kung nasaan ako ngayon kung hindi dahil sa kanila ... dahil tanging paghihiganti ang bumubuhay sa 'kin.
Tumango lamang ang hari at lumingon kay Mr Shawth na nakikinig lang sa usapan naming dalawa. "So, as I was saying earlier, before this young lady came, gusto kong makita ang silid na sinasabi mo."
My forehead creased. Anong silid ang pinag-uusapan nila?
Nagliwanag ang mukha ni Mr Shawth at tumango sa itinuran ng hari. "Masusunod." Lumihis ang tingin niya sa akin. "You can come too, Ms Belacour."
I nodded. Nagsimula na silang humakbang patungo sa itaas ng inn kaya'y tahimik na rin akong sumunod sa kanila. Ilang minuto lamang ay huminto kami sa isang malawak na pintuan. Hindi katulad ng iba, gawa sa bakal ito. Halatang may iniingatan sa loob.
Mr Shawth picked up something from his pocket to reveal a golden key. Kumpara rin sa susi na ginamit namin ni Genesis noong una, hindi hamak na mas maliit ito. Hindi na nag-aksaya ng segundo si Mr Shawth at mabilis na binuksan ang silid. Tumambad sa amin ang tila nagliliwanag na kwarto na walang kahit anong laman maliban sa isang pabilog na lamesa sa gitna.
It looks so plain and dull. Ano bang mayroon sa silid na 'to at gustong makita ng walang kwentang hari?
Naglakad patungo sa gitna si Mr Shawth habang nanatili lamang kaming nakatayo at nakatitig sa susunod niyang gagawin. Umikot siya sa pabilog na lamesa na tila may hinahanap. Seconds later, he stopped and pressed something against the table. Kasabay ng pagpindot niya ay biglang umuga ang paligid.
I bent my knee to balance myself. Hindi rin naman nagtagal ay huminto na rin. Muli akong humarap at bahagyang umawang ang bibig ko sa nakita. "What is that?"
"That," itinuro ng hari ang tinitigan ko, "is a machine." Kumibit balikat siya at manghang tumingin kay Mr Shawth. "I know you'll not disappoint me, my old friend."
Ngumiti si Mr Shawth sa kanya at tumingin sa 'kin. "It's just a design, a model, Ms Belacour. Ang hari lamang ang kayang gumawa ng totoong ganito," paliwanag niya. Siguro ay nabasa niya ang mukha ko.
Nasa harap namin ay isang malahiganteng makinarya na hindi ko alam kung para saan. Gawa lamang ito sa inukit na kahoy pero kay gandang pagmasdan. Genesis was right when he said that Mr Shawth is an extraordinary mage.
Naglakad ako papalapit kay Mr Shawth. "What do you call that?" I asked but it was interrupted with the king's fake cough.
"Perhaps we should eat first before the great introduction," pagsingit niya at bahagyang hinaplos ang tiyan.
Kaagad na tumango si Mr Shawth. "Of course. Sisiguraduhin ko muna kung naihanda na ang pagkain. Maari muna kayong manatili dito," aniya at nauna nang maglakad palabas.
Lihim akong napairap bago naglakad upang sumunod sana kay Mr Shawth pero agad aking napahinto nang maramdaman ang mahigpit na paghawal ng hari sa braso ko.
Inangat ko ang tingin at matiim siyang tinitigan. Tila nagulat pa siya sa paraan ng pagtitig ko. "What do you need?" tanong ko rito.
Ngumisi siya sa aking itinuran. "Hindi talaga kita mabasa," huminto siya at binabaan ang boses, "I would appreciate it you'll not mention this to other people. This machine." Kumunot ang noo ko at sasagot na sana pero muli siyang nagsalita, "But if you don't want to, pwede rin naman. Sorpresa ko sana ito para sa mga kababayan natin sa susunod na pagdiriwang."
Hindi ako umimik o nagpakita ng kahit anong emosyon. Napakibit-balikat lamang siya sa inasta ko. Ano nga bang mayro'n sa machine na iyon? But whatever it is, it's not a part of my business.
Humakbang na palabas ang hari pero mabilis kong ibinuka ang bibig upang tawagin siya. "King Zuri," I called and for a second, I felt my eyes flickered. Bagay na ikinabigla ko at ng hari.
"Yes?" tanong nito. Hindi ko mabasa ang mukha niya. Tanging ang makintab niyang berdeng mata ang mistulang sumisilaw sa akin.
Once more, I smiled — the smile reflecting the real Aurora. "Hindi mo pa rin ba ako naaalala?"