Chapter Fifty Two
Kaagad na bumangon si Lacy upang mag-decode at inabot na siya ng halos apat na oras bago makuha ang tamang sagot at pagkakaayos ng mga letra. Binasa niya ito at kaagad na nagtaka dahil ang nakalagay sa papel ay tumutukoy sa petsa ngayong araw.
07-29-18XX, 5:00. Marquez.
Napatingin siya agad sa orasan at tumayo upang tignan ang kalendaryo na nasa vanity table nito. It's July 29 and the time of the day is 4:45am. Napaatras si Lacy at tinignan ulit ang papel na hawak-hawak niya at tumingin ulit sa kalendaryo't orasan.
She was startled when someone knocked on her balcony's door. Lacy knotted her forehead, it was an unknown person with a cloak and it's hiding its head with a hoodie. Kaagad naman niyang naisip na baka si Pickett ito at may nakalimutan lamang na sabihin.
Napahinga siya nang malalim at lumapit sa pinto, ngunit nang akmang hahawakan na niya sana ang doorknob nang aksidente siyang napatingin sa taong nasa harap niya. Napansin niyang may pilat ito sa kaniyang baba.
Napatigil siya nang biglang mag-angat ito ng tingin sa kaniya habang nakangisi. Napatigil si Lacy at nanlalaki ang kaniyang mga mata nang makita ang itsura ito.
It's a guy with a long scar across his face. He's smirking wickedly at her. Kaagad namang nanginig si Lacy at dali-daling lumayo sa pinto. Mas lalo siyang nanginig at nakaramdam ng takot nang maglabas ito ng isang tubo at sinimulang ipangpukpok sa salamin ng kaniyang balcony.
Napaigtad naman si Lacy roon at mabilis na tumalikod upang buksan ang pinto. Ngunit sa kamalas-malasan ay sarado ito sa labas kaya naman nagpumilit siyang buksan pa ang pinto ngunit ayaw talaga.
Mas lalo pa siyang kinabahan nang palakas nang palakas ang pagpalo nito sa salamin ng pinto. Napasigaw siya nang marinig na niya ang pag-crack ng salamin. Nahihintakutan siyang napatingin sa lalaki sa labas pero patuloy lamang ito sa pagpalo hanggang sa mabasag.
Wala na siyang nagawa kundi ang kalampagin ang pintuan niya at sumigaw ng tulong.
"Help! Someone open the door!" sigaw niya at patuloy na kinakalampag ang pintuan. Para namang nakarinig siya ng pagsabog at nang lingunin niya ang lalaki sa kaniyang balcony. Tuluyan na nitong nasira ang salamin at nilusot niya ang kaniyang kamay upang buksan ang pinto.
Napaharap naman si Lacy sa kaniya at napalingon sa paligid upang humanap ng panangga niya rito. Na-spot-an naman niya ang isang vintage metal lamp na malapit sa kaniya. Mabilis niya itong kinuha upang panlaban niya sa lalaki.
Dahan-dahan lamang ang paglapit ng lalaki sa kaniya na para bang inaasar siya nito, kaya naman dumampot siya ng gamit, kahit ano na ang madampot niya gamit ang isang kamay niya at kaagad iyon binato sa lalaking papalapit sa kaniya.
Pero mabilis lamang nito iniwasan ang mga gamit na pinagbabato niya at sinamaan siya ng tingin. Nakaramdam si Lacy ng takot at kaagad na tumakbo sa kaniyang kabilang banda, sa pamamagitan ng pagtawid sa kaniyang kama, pero parang wala lang iyon sa lalaki at sinusundan lamang siya.
"F*ck! Stop following me!" she cursed at him, but the latter didn't isten to her. Tatakbo na sana si Lacy nang mabilis lumapit ang lalaki sa kaniya, kasabay ng pagtalikod niya ay ang paghila ng lalaki sa kaniyang buhok.
Napaharap siya rito at kitang-kita na niya ang buong mukha nito. Ang nanlilisik na mga matang nakatingin sa kaniya, ang mga labi nitong nakangisi at ang pilat nito sa mukha niya ay ang mas lalong nakadagdag sa takot ni Lacy.
Her breath became rigid and her chest is moving up and down. Nanlalaki ang mga mata ni Lacy rito at tinangkang magpumiglas sa pagkakahawak ng lalaki sa kaniyang buhok, pero mas lalo lamang siyang inilapit ng lalaki sa kaniya at tumawa sa tapat ng kaniyang mukha.
"Hmm..." he smelled her and closed his eyes tightly. "Boss would love it if I took you to him alive, but before that, there was nothing wrong with tasting you first, Marquez."
Didilaan na sana ng lalaki ang pisngi ni Lacy nang hampasin siya nito ng lamp na hawak-hawak niya. Napamura naman ang lalaki at ito rin ang dahilan upang lumuwag ang pagkakahawak niya kay Lacy.
Mabilis namang lumayo si Lacy rito at nakita niya ang kaniyang balcony na bukas, kaya agad-agad siyang tumakbo roon. Tumama naman ang kaniyang katawan sa railing at nasilip niya kung gaano kataas ang tatalunin niya.
Napatingin naman siya sa lalaki at nakatayo na ito habang iniiling ang kaniyang ulo, nag-aalangan naman si Lacy kung tatalon ba siya o hindi. Pero wala na siyang magagawa pa, kesa naman patayin siya ng lalaki.
Eh di tatalon na lamang siya, 50/50 naman ang chance niya.
'Aish! Bahala na!' sabi niya sa kaniyang sarili at umakyat na sa railings, nang akmang tatalon na siya nang biglang hinila siya ulit ng lalaki sa kaniyang buhok, kaya naman nawalan siya ng balanse at malakas na bumagsak sa sahig.
"Ugh!" angil niya. Hindi siya nakagalaw nang ilang segudo dahil sa lakas ng impact ng kaniyang pagbagsak.
"Stop pulling my hair, you idiot!" reklamo ni Lacy rito at winiggle ang kaniyang katawan pero pabalya siyang inihagis sa kama.
She felt an excruciating pain at her back as soon as she landed on the soft mattress. Hindi siya makabaluktot dahil bigla siyang daganan nito at hawakan ang kaniyang dalawang kamay. Tinangka niyang sipain ang lalaki, ngunit isang malakas na sampal lamang ang natanggap niya rito.
"You think you can escape from us, Marquez? After you interfere in our plan. don't expect to be alive once the sun rises later," bulong niya rito at tumawa nang malakas.
'Hindi ako papayag na mamamatay ako nang ganito lang!' sabi niya sa kaniyang isip.
Kahit na may takot sa loob ni Lacy ay nakuha pa nitong ngumisi sa lalaki. "You think I am afraid of death? I'll hunt you all down first before you can kill me." Sinipa niya ang lalaki sa gitna ng hita nito.
The guy groaned. He was about to slap her again when an arrow struck at his chest. Straight on his heart.
Nanlaki naman ang mata ni Lacy dahil sa bilis ng pangyayari, nakita niya na lang ang lalaki na unti-unti tumumba. Ang ilang dugo nito ay tumalsik sa kaniya.
"Young lady! Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Elliot sa kaniya nang makalapit ito. Napatingin naman siya sa kanila at may hawak si Zeus ng bow and arrow, siya ang tumira sa lalaki.
Kaagad siyang inalalayan ni Elliot ngunit bago pa man siya makatayo, kaagad siyang napapikit nang gumapang ang sakit sa buong katawan niya at muntik pa siyang matumba, kung hindi lang siya hawak ni Elliot ay baka matumba na siya.
"Carry the young lady, Elliot. We're going to evacuate immediately," saad ni Zeus kay Elliot.
"My back hurts, I don't think carrying me is a good idea," informed ko sa kanila. Kaya naman inalalayan na lamang ako ni Elliot.
"What's happening? I think I heard an explosion earlier." Tumango naman sa akin si Elliot. "Yes, my lady. Group of unknown people suddenly attacked us. We're still currently rescuing and doing an evacuation for all our staffs and guests."
"Where's Luci and grandpa?"
"Sir Luci isn't here right now, he probably sneaked out earlier. Someone is already rescuing Sir Lucius." Tumango naman si Lacy sa kaniya at hindi maiwasan na mapangiwi nang kumirot ang kaniyang likod.
"We can't fight those people because they can overpower us, too bad that not even half of the knights are with Sir Lucian." Lumingon si Zeus sa akin habang sinasabi iyon. Huminga muna ako ng malalim bago siya sagutin.
"Then, are we running away?" tanong ko rito. "I am afraid, yes. We can't call for hep, because they destroyed everything for us to communicate, but I already sent Samuel and Daniel to call for help. By now, they should already arrived at the royal palace."
"Your siblings are helping us?" Tumango naman sa kaniya si Zeus. Naisip niya si Zeros dahil baka hindi iyon pumunta dahil nga sa pag-aakala nitong nagtataksil siya sa crown prince.
"For now, we should hurry up and leave the place."