Chapter 1

“Seriously?” bulalas ni Niam habang kausap ang assistant niya. Nanlaki pa ang mga mata ng dalaga.

Nasa kanyang maliit na catering service shop sila nang mga sandaling iyon. Abala sila sa paghahanda para sa kanilang upcoming event.

Napangisi si Roda sa kanya. Magkasing-edad lang sila nito kaya magka-vibes at naging magkaibigan din nang ilang taon na.

Dumating si Lala, ang mahaderang baklang empleyado niya rin. Galing ito sa kusina. Masyado ring malapit ito sa kanya. Wala yata siyang boring days kapag kasama niya ang mga empleyado.

Bukod sa kanyang kakambal at pamangkin ay wala siyang ibang taong malapit sa kanya maliban sa mga empleyado niya. Ni wala nga siyang jowa hanggang sa kasalukuyan dahil wala naman siyang manliligaw. Kung meron man siya noon ay hindi naman niya tipo o kaya ay wala talaga siyang motivation para magkaroon. Kaya kahit na gustuhin man niyang magkaroon, sa tingin niya ay wala rin siyang panahon o kaya naman ay wala pang matinong lalaking “natapilok” o “naduling” para sumeryoso sa kanya. Alam niya kasing puro lang mababaw ang mga nanligaw sa kanya noon.

“Serious ‘yan, Nini,” nakangisi pa ring tugon ni Roda.

Napamaang ang beinte y otso anyos na dalaga. Ni-review niya ulit ang nakasaad sa papel na hawak na bigay ng assistant. Iyon ang form para sa kanilang order. Nakasaad doon ang bawat detalye ng mga kailangan ng kanilang kustomer, pati na ang special requests. May nakatalaga na seksiyon para doon kung sakaling may food allergies ang mga kustomer nila o kaya ang bisita ng mga ito.

“Narinig ko talaga ang usapan nila ng kliyente natin at hindi ko maipagkakailang nae-excite ako!” Inikot ng bakla ang mga mata habang nakangisi nang malapad. Saka naka-O pa ang bibig.

‘Jusme, ang suggestive talaga ng ginagawa ng baklang impaktitang ‘to!’ sa isip ni Niam.

Napatawa siya. “Oh, my God! What has happened to the world?” Lumaki pang lalo ang mga mata niyang napasulyap sa bakla.

“It’s a bridal shower kaya nagiging imaginative lang sila. At least, hindi na tayo ang mag-i-imagine kung ano’ng design ang gagawin natin sa chocolates na dessert nila para kakaiba, ‘di ba?” pakli ni Roda sa kanya.

“Just… uh…” Napailing siya. “Speechless lang ako! Ngayon lang ako nakatanggap ng request na dapat magkaroon ng iba’t ibang sizes ng penis chocolate lollipops ang gagawin para sa kustomer natin. Kaya naman naiintindihan n’yo ako, ‘di ba? ‘Di ba?” depensa naman niya sa sarili.

Napatawa ang dalawang empleyado niya.

“Kahit na ano’ng disenyo para sa chocolate lollipops, carry natin ‘yan. Ano ka ba? Ako pa ba?” pang-aalaska ni Lala na maarteng itinuro ang sarili at saka tumili nang paimpit at napabungisngis. “’De be, eng sherep nen?” dagdag nito saka pinatunog pa ang mga labi.

Bahagyang napangiwi si Niam samantalang napahagikhik si Roda.

“So, we’ll get them ready by tonight. Bukas na ang bridal shower,” sabi niya sa dalawa na pumormal ang mukha.

“Don’t worry. Mag-o-OT ako para diyan, Nini,” pagpresinta ni Lala.

Napangiti siya rito. “I’m sure, hindi ka talaga tatamarin nito, ano? Mag-e-enjoy ka talaga, Lala. And we have no choice. Tayong tatlo ang mag-o-OT para lang matapos ang order on time.” Gusto na naman niyang mapangiwi pero nagpigil na lang siya. Kailangan niya lang talagang gawin ito para sa kanilang kustomer.

“Pero… ikaw na ang maghahatid niyan, Nini. I can’t make it tomorrow. May iba pa tayong gig, ya know,” paalala ng bakla sa kanya. Tumaas ang dalawang kilay nito.

Napatampal siya sa noo. “Right! Sige. Sige, Lala. Ako na ang maghahatid bukas. Si Roda na ang maiiwan dito sa shop at ikaw ang mag-aasikaso sa birthday party ni Mrs. Silva.”

“Yesh! Sasabihan ko na lang si Mike na ipag-drive ka at tulungan ka sa pagta-transfer ng mga pagkain at special penis chocolate lollipops. Nandiyan ang address ng condo ng Maid of Honor na host ng bridal shower na ‘yan, ha?” Itinuro pa ni Lala ang job order na papel na hawak niya.

Tumango naman siya sa bakla. “Right, right. Thanks! Magiging busy rin si Mike bukas,” aniyang tinutukoy ang driver slash waiter at delivery boy ng maliit na catering service niya.

Napabuga siya ng hangin saka tsinek ang ilan pang deliveries na gagawin sa araw na iyon. Pagkatapos ay mag-i-inventory pa siya mamaya. Darating din ang iba niyang mga tauhan galing sa isang okasyon na kini-cater din nila. Napaka-busy nila kahit sa linggo lang na iyon at natutuwa siya rito dahil kumikita sila nang malakas. At kapag ganito, hindi malayong matutupad na ang pangarap niya na mas mapapalago ang kanyang catering service. Plano niya kasing magkaroon ng branch.

“So, edible ang stick na gagamitin natin sa lollipop?” tanong ni Roda.

“Hmm… I think that’s a good idea!” tugon niya rito.

“Mismo! Makakain lahat, Nini!” sang-ayon ni Lala na humalakhak nang makahulugan.

Napaawang na lang ng mga labi si Niam habang napatawa na naman si Roda. Puro green joke na lang ang laman ng utak ng bakla niyang kaibigan.

Nagsimula na silang gumawa ng penis chocolate lollipops sa mahabang mesa. Nagkatuwaan pa silang tatlo habang gumagawa.

“Ten inches talaga?” aniya sa bakla na namilog ang mga mata. “Halos isang ruler?” Ayaw man niyang imagine-nin ay hindi niya maiwasan. Parang mapahumindig siya sa naisip at napalunok na lang.

‘Pa’no kayang magkasya ang ganito kalaki? Jusko!’

“I’m sure, matutuwa sila nito, Nini!” anang Lala.

Napakislot ang mukha niya at napatawa nang nilagyan pa nito ng white chocolate sa dulo at pinatulo iyon pababa.

“Yuck!” naibulalas pa niya. “Nakakadiri ka, bakla!”

Todo ang tawa ni Roda sa ipinakita sa kanila ni Lala. Umakto pa itong dinidilaan iyon at napailing na lang siya kay Lala na umasim ang mukha.

“Malala na talaga ‘yang pagkamanyakis mo, bakla! Bawas-bawasan mo nga ‘yan.”

Umismid ang empleyado sa sinabi niya. “Asus! Pustahan tayo. Kapag ikaw makatikim ng ganito, naku, naku, Nini! Masasabi mo talagang ‘Ohh! Sige pa, sige pa!’”

Umismid siya sabay irap sa bakla. “Charot! As if naman, ‘no? Ni wala nga akong boyfriend. Sige na, hoy, i-chill mo na nga ‘yan doon, Lala!” utos na lang niya ritong natatawa. “Ikaw talaga! Ang laswa mo kahit kailan!”