PROLOGUE- START
HUMUGOT muna ako ng malalim na hininga bago pinindot ang doorbell.
Kaya ko to!
Andito ako ngayon sa labas ng mansiyon ng mga Sandoval. Galing pa akong probinsiya at sabog na sabog pa ako ngayon dahil sa layo ng binyahe ko. Kailangan ko ang trabaho nato para sa maintainance ni Papa.
Sinubukan kong magapply sa mga kompanya pero kahit pa gabi gabi akong dinadasalan ni Mama, hindi parin ako natatanggap! Wala naman akong banat sa pwet, pero iwan ko ba talaga. Parang parating nakabuntot sa akin ang malas!
College graduate ako pero walang matinong trabaho. Napakamalas ko talaga!
Sana naman swertehen na ako ngayon. Pinindot ko ulit ang doorbell.
Asan na ba ang mga tao dito!?
Huwag mong sabihin na na scam ak—
Naputol ako sa pagiisip ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang magandang babae na tansya ko ay kaedad lang ni Mama.
Ang sosyal niya manamit.
Halatang may kaya sa buhay.
“Hi, hija!” masayang bati nito.
“Ikaw ba si Sky Bethanie Lopez?” nakangiting tanong ng magandang Ginang.
“Ako nga po. Nandiyan po ba si Madame Sandoval?” kaagad na tanong ko.
Wala ng paligoy ligoy.
Pagod na ako!
“Pasok ka hija” paanyaya nito at binuksan ng malaki ang pintuan.
Pumasok naman ako habang dala dala ang dalawa kong maleta.
Sino kaya ang Ginang nato?
“Ako nga pala si Marian Sandoval. Pero Madame nalang ang itawag mo sa akin. Gusto ko kasi ang tunog nun” nakangiting saad nito na ikinalaki ng mata ko.
Ito pala si Madame Sandoval.
Hindi man lang ako nagbigay ng galang!
“Good morning po. Kayo ho pala si Madame Sandoval. Pasensya na po at hindi ko kayo kaagad nakilala” nahihiyang anas ko habang hindi makatingin ng deretso kay Madame.
Bigla namang tinapik ni Madame ang balikat ko. “It’s just okay” anito.
“By the way, alam mo na ba kung ano ang magiging trabaho mo dito?” Biglang tanong ni Madame.
“Opo” sagot ko sabay tango.
“Babantayan at Aalagaan ko po ang anak niyo” mabilis pa sa alas kwatrong sagot ko.
“Mabuti naman at Alam mo na pala.
Wait lang. Tatawagin ko lang si Liam para makilala mo na siya” anito.
“Opo Madame”
“Liam! Hijo! Baba ka muna dito!” tawag ni Madame sa magiging alaga ko.
Maganda si Madame kaya nakatitiyak akong cute din ang anak niya.
Ilang taon na kaya ang aalagaan ko?
5? 6? 7? 8? Napahinto ako sa pagiisip ng makarinig ng yabag mula sa may hagdanan.
Ibinaling ko dun ang attensyon ko.
At ganun nalang ang panunubig ng bagang ko ng makita ang isang napakagwapo at napakamachong lalaki na pababa mula sa hagdan!
Kuya ba to ng aalagaan ko!?
“Sky” biglang kuha ni Madame sa attensyon ko.
“P-po?” sagot ko habang nakatingin parin sa gwapong lalaki.
Ang gwapo niya talaga!
“Meet my son, Liam” pagpapakilala ni Madame.
Liam pala ang pangalan ng gwapong lalaki—
“Siya ang aalagaan mo” pagpapatuloy ni Madame na ikinalaglag ng panga ko!
A-ano daw!?
“P-po?” nanghihinang tanong ko.
“Naaksidente ang anak ko at napurohan ang utak niya dahilan upang naging isip bata siya. Kakailanganin pa ng dalawang taon bago siya mapasailalim sa isang brain surgery” biglang pagpapaliwanag ni Madame. “So, please. Habang hindi pa siya naooperahan. Pwede bang alagaan mo muna ang Anak ko?
Sobrang busy ko talaga at wala na akong sapat na oras para alagaan siya” may pagmamakaawang saad nito.
“Pero, kasi—”
“Dodoblehen ko ang sahod mo” saad ni Madame na ikinagulat ko!
“Dodoblehen niyo po?!” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Yes, doble. So ano, take it or leave—”
“Kukunin ko na po Madame” walang pagaalinlangang saad ko.
Jusko. Grasya na tatanggihan ko pa ba?
“Good” anito. “Liam, this is Sky and she will be your—” Hindi na natapos sa pagsasalita si Madame dahil bigla nalang akong sinugod ng yakap ng anak niya!
Pota!?
“Sa wakas may kalaro na ako?” masiglang saad nito habang mahigpit na nakayakap sa akin!
“Awww. Tingnan mo, Sky.
Nagustohan ka ng Anak ko” puna ni Madame.
“M-mukha nga po”
Jusko! Ano ba tong pinasokan ko!?