Chapter 15
Kinabukasan nagising ako dahil sa tunog ng phone. Tinignan ko ito may nakitang tumatawag, si Rigel.
[Good morning, baby] bungad niya sakin.
"Good morning" inaantok kong sabi.
[I'm sorry nagising ata kita]
"It's okay" at umupo ako sa kama. Gigising nalang ako hindi na naman ako makakatulog ulit.
[I'll pick you] tapos binaba niya na ang linya.
Anong oras na ba? Tumingin ako sa orasan ng phone ko.
6:30 am.
Ang aga pa naman eh, 8am pa klase namin ha. Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para makaligo.
Pagkatapos ko maligo nag suot na ako ng uniform at nag apply ng pulbo at liptint saka nag spray na din ng perfume.
Hindi na ako nagka pag breakfast dahil narinig ko na may nag doorbell, baka si Rigel na yun. Nagpaalam nalang ako kay Tanya bago lumabas.
I still remember what happened last night. Tanya's ghost crush.
"Good morning" sabi ni Rigel paglabas ko at may binigay sakin na hairclip na may design na maliit na stars.
"Ang cute nito thank you" sabi ko. Humalik muna sa pisngi ko si Rigel bago nagsalita.
"Let's go?" tumango ako. Inakbayan ako ni Rigel hanggang papalabas kami sa building tinanggal niya lang ito ng pumasok na kami sa kotse niya.
"Ang aga pa" I said and looked at him while he started the engine.
"Let's eat breakfast I know hindi ka pa kumakain" sabi niya tapos nag drive na.
"Saan?" I ask. He didn't bother to answer. Hindi ko kaya sagutin ito? Hindi din naman ako sinasagot.
"Nahuli na ba ang nag plot ng bomba?" mukhang na bigla siya sa tanong pero agad din naman nawala.
"Hindi pa, bakit mo natanong?" he asked me back.
"I saw Katana in the restroom then she said na umalis na daw tayo" I clearly said. Mukha na naman siyang nagulat pero katulad kanina nawala agad. Tingin ko may alam sa nangyayari si Katana pati si Rigel.
"Yun lang ang sinabi niya sayo?" tumango ako. What's with that question?
"May tinatago ka ba sakin, Rigel?" kung kanina nagulat siya ngayon natataranta siyang tumingin sakin. I knew it!
"Nothing" sagot niya agad. Kung ayaw niya sabihin edi wag! Ako ang maghahanap ng sagot.
Hindi na ako nagsalita o nagtanong sa kanya. Hindi pa nga kami pero may sinisikreto na siya sakin paano nalang kung maging kami?
Hindi ko namalayan na huminto na pala ang kotse. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako. It's a French restaurant makikita talaga na mamahalin dito. Well, siya naman ang magbabayad.
Naghanap kami ng mauupuan ng makita ko si Katana. Parang mali talaga sa kanya. Alam ko siya yung babae na tumulong kay Tanya sa Laguna at siya din yung nag text sa kin. Alam din niya na may sasabog kagabi. She's really confusing me.
"El" hindi ko namalayan na nakatayo lang pala ako while looking at Katana.
"I'm sorry" I said bago umupo. Lumapit na samin ang waiter, si Rigel ang nag order dahil wala naman akong alam dito.
Nang tapos na kaming kumain ni Rigel nakita ko na tumayo na si Katana at yung kasama niya. Pagdaan nila sa direction namin she took a glance kay Rigel habang diretsong naglalakad hanggang makalabas sila.
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain hanggang matapos kami. Nagbayad muna si Rigel bago kami umalis.
Hindi kami nagsasalita ni Rigel hanggang sa dumating na sa school. Hinatid niya muna ako sa room ko.
"I love you just please trust me" huling sabi niya bago humalik sa noo ko at umalis. How can I trust him kung hindi nga niya masabi sakin ang sekreto niya dahil wala siyang putang tiwala sakin.
Wala siyang trust sakin dahil thrust lang meron sa kanya! Nevermind!
Pumasok na ako at umupo sa tabi ni Tanya ng nakabusangot. Nakita ko na si Katana na pumasok.
"Hoy! ba't nakabusangot yang mukha mo? Papangit ka nyan!" sabi ni Tanya sakin. Eh! kasi yang new friend mo!
"May tinatago ata sakin si Rigel" biglang sumeryoso ang mukha ni Tanya dahil sa sinabi ko. Don't tell me pati siya?
"Baka sa tamang panahon niya lang sasabihin. Who knows diba?" hindi ko na sinagot dahil pumasok na yung prof.
Buong klase akong hindi nakikinig. Kung pati si Tanya alam ang sikreto ni Rigel bakit ako hindi?
Nang matapos na lahat ng klase ko nauna akong umuwi ni Tanya nagpaalam lang ako na masakit ang ulo ko. Nag text din si Rigel sakin kanina pero hindi ako nireplayan.
Pagdating ko sa condo nagshower muna ako at nagbihis bago umalis ulit. I'm wearing all black hoody jacket partnered with black jeans at black white shoes. Nagsuot din ako ng black glasses.
Pumunta muna ako sa mansion para palitan ng motor ang sasakyan ko.
Nandito na ako ngayon sa labas ng gate ng campus hinihintay na lumabas si Rigel. Nagtago ako sa may nagtitinda ng street foods para hindi niya makita. Tinext ko muna si Rigel.
To: Rigel
May lakad ka ba ngayon? Can you come here?
Sent. Naghintay ako ng ilang minuto bago nagreply si Rigel.
From: Rigel
I'm sorry baby may emergency sa bahay. Pupuntahan kita mamaya. Take care. I love you.
To: Rigel
It's okay
Tignan natin kung saan ang emergency na sinasabi mo. Dumaan ang ilang oras nakita ko ng lumabas ang kotse ni Rigel. Naghanda na ako para sundan siya. Sisiguraduhin ko hindi niya ako makita.
Nagsimula ko ng sundan si Rigel hanggang makarating kami sa lugar na hindi ko alam basta tinandaan ko lang ang dinadaanan namin para pag uwi ko.
Huminto ang sasakyan ni Rigel sa labas ng isang gate na kulay green. Huminto ako hindi kalayuan sa kotse niya at nagtago sa halaman.
Pagbaba niya sa sasakyan luminga linga muna siya bago kumatok dun sa gate. May sinabi siya dun at agad bumukas. Iniluwa ng gate ang isang babae.
Si Katana.
Nanginginig akong nakasilip sa kanila dito sa likod ng halaman. Bakit niya pinuntahan yung babae? Diyan ba nakatira si Katana?
Ang sakit!
Ang sakit nanlumo ako ng makitang may lumabas na namang isang babae hindi ko nakita ang kanyang mukha dahil natakpan siya ni Katana.
Dalawang babae? Ano pagtutulungan nila si Rigel?
Yung isang babae humalik sa pisngi ni Rigel. Humalik ba yun o nagbeso basta yun na! Malabo na ang aking nakikita dahil sa luhang tumutulo sa aking mata. Hindi ko na din sila makita ng maayos.
Nang pumasok sila dun sa gate, napaupo ako sa motor ko na naka parada.
I hate you jerk!!! How many times do I have to experience this shit!
Ilang minuto akong nanatili dun. Pilit ko kinukumbinsi ang aking sarili na mahal ako ni Rigel at may rason siya pero ayaw talaga maniwala ng puso ko.
Pinunasan ko muna ang aking mga luha bago pinandar ang motor para umalis.
Sana hindi ko nalang siya nakilala at minahal. Ilang beses na akong nasaktan dahil sa lalaki at ayaw ko na yun mangyari ulit.
Nang dumating ako sa condo ko dumiretso ako kwarto at minudmod ang mukha sa unan habang walang awa na tulo ang mga luha sa aking mata.
It hurts! Hindi pa nga kami pero ganito na. Dumaan ang ilang oras ng nakatanggap ako ng text mula kay Rigel.
From: Rigel
Nasa baba ako ng condo mo