Chapter 10

Nandito ako ngayon sa rooftop ng hospital. Hindi para matulog. Hindi ko kayang maghintay doon sa labas ng operating room.

Hindi ko alam kong bakit sunod sunod itong nangyayari. Ang sakit! Inaamin ko hindi lang crush ang pagtingin ko kay Rigel mas malala pa dun.

Pero hindi naman ako pwedeng umasa na pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa.

Nawala na sakin yung tunay kong Mommy. Nasaktan ako ng may nangyari kay Tanya at ngayon yung mahal ko naman.

Alam ko wala pang isang buwan kami nagkakilala pero traydor yung puso eh! Hindi natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin. Yun nga lang, kay Rigel tumibok yung akin.

Familiar sakin ang nangyayari ngayon. Ganito din noon nung sinaksak ng masasamang tao si Mommy. Kaya ayaw ko tumira sa mansion dahil naiinis ako tuwing nakikita yung step mom ko. Takot akong itulad si Rigel kay Mommy.

Sana walang mangyari kay Rigel. Sana maayos na siya. Kahit wag niya na akong mahalin pabalik, okay na yun basta nasa maayos siyang kalagayan.

Tumingala ako sa madilim na langit. Naalala ko nung gabi na magkasama kami ni Rigel sa veranda sa condo ko.

"Kaya ba number 41 ang jersey mo?" nagtataka kong tanong kay Rigel.

"Maybe, I think?" he answered while watching the two stars. Nakita ko na namula ang tenga niya.

I don't know why I'm blushing because of his jersey or dahil sa sinabi niya.

Naghahanap ako ng stars sa langit. Pero isa lang aking nakita. I pout. Kaya ba isa lang ang nakita ko ay dahil may nangyari kay Rigel?

Biglang tumunog yung phone ko. Si Tanya tumatawag baka nagugutom na yun, hindi ko kasi natapos lutuin yung dinner sana namin.

"Hello, Tanya?"

[Where are you, El?]

"Nasa hospital"

[What? Why?]

"Si Rigel sinugod ko dito" I sign.

[Huh?]

"I'll explain it later pag nakauwi na ako"

[I will call Rigel's sister kilala ako nun para naman makapag pahinga ka na]

"Okay, thank you"

Hinintay ko ang kapatid ni Rigel sa labas ng operating room. Hindi ko pa nakikita yung sister niya.

Ilang minuto ang dumaan may narinig akong yapak na parang tumatakbo. Nilingon ko ang hallway at nakita ang isang babae na papalapit.

"Where's my brother?" a cold voice of hers. She seems like her brother. A girl version.

"Nasa loob ng operating room" lumingon siya sa kin ng walang emosyon.

"Who are you?" she asked. She's beautiful with her black dress.

"His friend" tinaasan niya ako kilay. Kung hindi ka lang niya kapatid pinatulan ko na yang kilay mo.

Ouch! his friend.

"You can go now. I'm here" hindi ako kumibo. Tumayo lang ako at diretsong naglakad paalis.

Nakakairita siya! Hindi man lang nag thank you sakin sa pag dala dito sa kuya niya.

Pagkadating ko sa condo hindi pa nakapatay yung ilaw. Dumiretso ako sa kitchen para kumain. Kanina pa ako nagugutom mas inuna ko lang si Rigel.

Naramdaman kong may papalapit sa kin kaya nilingon ko ito. I see Tanya smirking.

"Bakit gising ka pa? 11pm na" I ask her.

"Hinihintay ka, nagluto na rin ako ng ulam" kumuha siya ng dalawang plato para samin at umupo. Kinuha ko ang ulam na niluto niya umupo sa harap niya.

"I'm sorry hindi ko natapos lutuin" nagmamadali kasi ako kanina kaya iniwan ko nalang.

"It's okay. Kumusta si Rigel?" tanong niya pagkatapos niyang lunukin ang kinakain niya.

Hindi ako nagsalita dahil nagbabanta na naman ang mga luha ko sa pagpatak.

"Okay ka lang? I know there's something between you and Rigel" tumingin siya sa aking mata kaya hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking luha.

"Mamaya ka na umiyak. Kumain muna tayo" pinunasan ko agad ang mata at pisngi ko. At nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain ako ang naghugas ng pinggan. Tumabi ako sa kanya sa couch at ikinuwento ang nangyari.

Hindi ata nauubos ang luha ko patuloy lang ito sa pagpatak hanggang makatulog ako.

Pagkagising ko ang sakit ng aking mata. Dumiretso ako sa cr at nagshower. Nagbihis na din ako ng uniform dahil exam namin ngayon. Mabuti na lang nakapag review ako this past days kasi hindi ako nag review kagabi.

Naka uniform na rin si Tanya. Papasok na raw siya kaya sabay kaming pumunta sa school.

Nang mag park ako ng kotse nagulat ako ng makita ang Mercedes Benz ni Rigel. Tumingin din sakin si Tanya na may halong pagtataka.

"Magaling na ba siya?" tanong ni Tanya.

"I don't know" tanging sagot dahil hindi ko rin alam.

Dumiretso na kami sa room. Nang makita namin yung babaeng transferee nakatingin siya kay Tanya. Nilingon ko rin si Tanya at nakitang nakatitig siya dun sa babae para silang nag uusap gamit ang mata.

Friends na ba sila?

Nagkibit balikat nalang ako at umupo sa harap nang lalaking transferee.

They're both looking at Tanya. Did I miss some information?

Hindi nagtagal dumating na din yung na assigned na proctor. Si dragon! Hindi ko matandaan kung ano yung pangalan niya kaya dragon na lang.

Nasagutan ko naman lahat ng questions kanina kahit yung mata ni dragon sakin lang nakatingin.

Dumiretso kami ni Tanya sa canteen. Bumili lang ako ng milk tea, gaya gaya naman si Tanya.

Umupo kami sa bakanteng table. Nilibot ko ang aking paningin para hanapin si Rigel.

"Hoy, El! Mababali yang leeg kakahanap sa baby mo!" nakangisi nitong sabi habang kagat kagat ang straw.

"Hindi ko kasi siya nakita kanina nag aalala na ako" sabi ko bago sumipsip sa milk tea.

"Panigurado ayos na yun! pumasok na nga, diba?" ang bitter niya. Pag siya nag ka ganito dahil sa lalaki, iinisin ko rin siya.

"Kilala mo ba yung bagong transferee?" bigla siyang nabulunan sa tanong ko.

"Yung babae o lalaki?"

"Both"

"Si Katana Chael Cuevas at Max Villarde"

So, katana pala name niya. It's suits her. Familiar yung name niya.

"Familiar yung name ng babae" banggit ko kay Tanya. Narinig ko na noon sa news ang name niya.

"Yeah, your right. Siya yung babae na nakulong dahil sa akusasyon daw" na shock ako sa sinabi niya.

"Pero mabait naman siya" she continue.

Yeah, she is. Tinulungan nga niya si Tanya. Hindi lang once but twice.

"El" mabilis akong lumingon sa likod ko ng marinig ang tawag niya. Umupo siya sa tabi ko while Tanya is just looking us.

"Una na ako sayo, El. I'll use your car ihahatid ka rin naman ni Rigel" shook!

"What? Nakakahiya" sabi ko. I glare at Tanya.

"Let her" wala akong magawa si Rigel na ang nagsabi. Mas mabuti nga yon para makapag usap kami.

I felt something on my tummy. Ihahatid niya ulit ako. Marupok ka self! pero hindi pokpok.

"I miss you" sabay yakap niya niya sakin. Miss niya daw ako pero hindi ako kahapon lang nagpakita sakin.

"Ang tagal mo nagpakita sa akin" ani ko at nag I pout. Siniksik niya ang kanyang mukha sa leeg ko. I felt his nose in my neck.

"I'm sorry, baby. May ginawa lang ako this past" malambing niyang sabi.

"Like, what? at paano ka nasaksak?"