Chapter 03
"Oh, bakit ganiyan naman ang itsura mo?" tanong sa akin ni mommy. Nagtanggal ako ng sapatos para makapasok na sa loob ng bahay.
Umupo ako sa sofa, katabi niya. Agad ko siyang niyakap.
Bumuntong-hininga ako. "Ma, alam mo ba? First time kong gumawa ng letter para sa isang lalaki," saad ko. Tumingin siya sa akin. "Pero natakot akong ibigay sa kaniya." Sumiksik ako sa braso ni mommy.
Hinaplos ni mommy ang buhok ko. "Bakit ka naman natakot? Natatakot kang ma-reject?"
Natatakot ba akong ma-reject? Syempre malaki ang chance na ma-reject ako dahil hindi naman niya ako kilala. Isang beses lang niya akong nakita at saglit lang 'yon!
"Nakita ko kasi siya kanina, Ma. Iyong mga letter na inapakan niya na para bang wala lang 'yun. Natakot ako... baka ganoon din ang gawin niya sa letter ko. Sayang lang kung gano'n... sayang 'yung effort... sayang lahat."
"Mas sayang naman kung hindi mo susubukan."
Natigilan ako. Napaisip ako sa sinabi ni mommy. Tama naman siya... mas sayang kung hindi ko susubukan. Kahit pa masakit ang kalabasan, at least nasubukan ko, 'di ba?
"Magbihis ka na at may pagkain akong dala." Itinulak na niya ako patayo at mabilis naman akong pumunta sa kwarto.
Sana chocolate cake. Favorite ko 'yun.
Nagpalit ako ng damit at inilagay ang bag ko sa ibabaw ng table ko para hindi ko malimutang buklatin iyon mamaya. Baka kasi may malimutan na naman akong sagutan.
Habang bumababa ng hagdan ay narinig kong may kausap si mommy. Napatigil ako sa paglakad.
"She's fine. Hindi mo siya kailangang i-check oras-oras." Binaba ni mommy ang tawag at nang lumingon siya sa likod ay nagulat siya dahil nandoon ako.
I smiled, not minding what I heard. Wala na kasi akong pakialam doon.
"Sorry." Rinig kong sabi niya. Ngumiti lang ulit ako bago pumasok sa kusina.
Mabilis na nagningning ang mata ko nang makita kong may cake sa ibabaw ng lamesa. Kumuha agad ako ng tinidor para kainin 'yon.
Ramdam ko ang pagiging tahimik ni mommy kaya hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kaniya. She smiled when she saw me looking at her.
"Si Papa ba 'yon?" tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot. Tumango siya.
"He's asking about you," panimula niya. "Gusto mo ba siyang makita?"
I stared at her so I could read her emotions but I saw nothing.
Umiling ako habang nakangiti. "Bakit ko naman siya gugustuhing makita e' iniwan ka niya?"Sa pag-iwan niya sa 'yo noon ay parang binalewala niya na rin ako.
"Pero tatay mo pa rin siya—"
"Hindi na."
Tinapos ko na ang pagkain ko at bumalik na sa kwarto.
Tinignan ko ang mga litratong nakalagay sa study table ko.
Nandoon palagi si mommy.
Hindi niya ako iniwan.
Kaya bakit ko pa gugustuhin na makita ang taong hindi ko naman nakasama sa paglaki ko? Ni hindi ko nga naramdaman ang presensya niya sa mga nagdaang taon.
* * *
Tumakbo ako pababa ng hagdan dahil kanina pa may kumakatok sa pinto at walang nagbubukas no'n.
Hindi pa ako nagsusuklay dahil kakatapos ko lang magbihis.
"Sino po sila?" tanong ko habang binubuksan ang pinto.
Kumunot ang noo ko nang makitang dalawang tao ang naroon. Ang isa ay matandang babae na nasa wheelchair.
"Magandang umaga po. Sino po ang hanap nila?" naiilang na tanong ko. Halata mong mayaman ang mga ito base sa mga suot nila. Kumpleto pa ang alahas ng matanda.
"Margaux?" Unti-unting sumilay ang ngiti ng lalaki nang makilala ako. Ako naman ay napakunot ang noo dahil hindi naman sila kilala.
Maliit akong tumango. "Ako nga po..."
"Margaux, anak? Sino 'yan—"
Lumingon ako kay mommy na kalalabas lang ng kwarto. Nakita ko kung paano siyang natigilan nang makita ang dalawang tao na nasa harap ko.
"Kilala mo, Ma?" Lumapit ako sa kaniya at bumulong, "Ikaw na bahala." Kailangan ko pa kasing mag-ayos at may pasok pa ako.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong agad ni mommy unang hakbang palang ng paa niya palapit sa kanila.
Rinig ko ang pagkadisgusto sa boses ni mommy kaya hindi ko maiwasang hindi manood sa nangyayari.
Tumaas ang isang kilay ng matanda na halatang hindi nagustuhan ang tono ni mommy. Tumaas din tuloy ang isang kilay ko dahil may gana pa siyang magtaray e' nasa loob na siya ng bahay namin.
Tumingin sa akin ang lalaki kaya napaiwas ako ng tingin sa kanila. Pamilyar ang mukha niya sa akin. Para siyang may kamukha. Parang kamukha niya ako...
Natigilan ako. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kaniya. Kita ko ang pagsisisi sa mata niya habang nakatingin sa mommy ko.
Hindi ko alam... pero wala akong nararamdaman. Kahit pa may hint na ako kung sino siya. Kahit sobrang lapit niya na sa akin. Wala. Walang kahit anong saya sa puso ko.
"Let him see his daughter!" Ang galit na boses ng matanda ang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.
Tumingin sa akin si mommy. Umiling ako. Nakita na niya ako. Ayos na siguro 'yon. Hindi ko naman siya kailangan. Ayaw ko naman siyang makasama.
"Anak—"
"Baka ma-late ako, Ma." Humalik ako sa pisngi niya at tumakbo na pabalik sa kwarto para kunin ang gamit ko. Nag-ayos din muna ako ng sarili.
Dire-diretso akong lumabas ng bahay. Hindi pinapansin ang dalawangbisitanamin. Nagpaalam lang ulit ako kay mommy bago umalis.
Malapit na ako sa gate ng school nang may bumunggo sa balikat ko. Muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa lakas ng pagtama niya sa akin.
"What the— Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sigaw nito sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Siya kaya itong hindi tumitingin sa dinadaanan niya.
"Ikaw kaya 'tong bumunggo sa akin!" Kusa na lang na tumaas ang boses ko. Nakita ko ang pagtalim ng tingin niya kaya umalis na ako bago pa niya sugurin.
"Bakit ka naman nakasimangot?" tanong kaibigan ko na kararating lang.
Umiling ako. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang babae. Ang ganda niya pero ganoon ang ugali niya. Tss.
Nawala ang inis ko nang makita ko si Chase, naglalakad siya kasama ang dalawang kaibigan niya. Nakita ako ni kalbo at kumaway ito sa akin kaya napatingin na rin sina Chase.
Maliit na ngumiti ako kay Chase bago dali-daling hinila ang kaibigan ko para umalis na doon.
Nalimutan kong ibibigay ko nga pala kay Chase ang letter ko! Gosh! Bakit ba kasi hindi ako nakakapag-isip ng ayos kapag nakikita ko siya?
"Simangot na naman," puna ng katabi ko.
"May nakalimutan akong ibigay kay Chase." Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa likod ko. Kita ko pa ang likod ni Chase habang naglalakad palayo.
I sighed. Mas sayang kung hindi ko susubukan. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nag-iipon ng lakas ng loob.
Inabot ko ang bag kay May at kinuha lang ang kailangan ko. "May, una ka na, ha." Ngumiti ako at sinundan si Chase.
Lakad at takbo ang ginawa ko para hindi maabutan ko sila. Laking tuwa ko nang maghiwalay ng landas ang tatlo.
"Chase," I called his name softly. His name smoothly slipped off my tongue as if it was familiar to it.
Napatigil si Chase sa paglalakad at nilingon ako. Dumaan ang gulat sa mata niya nang makita ako pero kita ko rin ang agad na pagkunot ng noo niya nang makita ang hawak ko. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya at parang gusto kong umatras pero syempre ay hindi ko ginawa.
Mas sayang kung hindi ko susubukan, sabi ko sa isip ko.
"What?" he asked. Nagulat ako sa lalim ng boses niya kaya hindi agad ako nakapagsalita.
"Gusto... Gusto ko lang sanang ibigay sa 'yo 'to." Rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko habang nagsasalita. "I can't say my feelings directly so I... I made this letter for you." Kulang na lang ay hindi ako huminga dahil diretso siyang nakatingin sa mata ko na hindi ko naman magawang iwasan.
Dahan-dahan niyang tinanggap ang ibinibigay ko. Handa na ako sa rejection. Handa na ako sa sasabihin niya sa akin.
I bit my lower lip while waiting for him to say something pero ni hindi man lang bumuka ang kaniyang bibig.
My lips parted as I watch him walk away without saying anything. Mukha pa siyang nagmamadali at nang makita niya ang kaibigan ay agad niyang ipinulupot ang braso sa leeg nito.
"What... was that?" I asked, confused.
"That's... it?" I asked myself again.
I blinked thrice. My mind is still trying to process what happened.
"Uy!" Someone slapped my shoulder. Tinignan ko kung sino 'yon.
"Ha?" Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi naintindihan ang sinabi niya kanina.
She sighed dramatically while fixing her curtain bangs. "Kanina pa ako nagsasalita tapos hindi ka pala nakikinig."
"Ah. Sorry... May iniisip lang." Wala nang tao sa paligid at tahimik na talaga. Hindi ko na siguro napansin ang pagtunog ng bell. Ibinalik ko ang tingin sa babae.
"Nag-check na ng attendance. Iniintay ka na lang ni Ma'am Charry." Mabilis akong nabalik sa wisyo nang marinig ang pangalan ng nanay ni Chase.
Hindi ko na pinansin ang babae at tumakbo na agad papunta sa building namin.
Gosh! Nalimutan kong si Ma'am Charry nga pala ang first subject namin ngayon!
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang bukas pa ang pinto.
"Good morning po." Napakamot ako sa kilay dahil sa hiya.
"Sit down." Tumingin siya sa likod ko. "Where is Miss Hernandez?"
"Po? Sino po 'yun—"
"Iniwan ako. Tss." May narinig akong reklamo sa likod ko. Tinignan ko ang babae at dire-diretso lang siyang pumasok sa loob.
Sinenyasan ako ni Ma'am na maupo na agad ko namang sinunod.
Nagtatanong ang mata ng kaibigan ko habang nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako. Mamaya na ako magsasabi sa kaniya. Kailangan ko rin kasi ang opinyon niya tungkol sa nangyari.
I touched my chest for a second. Iba ang bilis ng tibok ng puso ko kapag si Chase na ang nasa harap ko. Iba 'yung feeling. Iba lahat. Nakakapanibago.